30


From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Sun, 07/05/2020, 09:01 AM
Subject: Confrontations

Hon,

Friday night, while I was checking the flow of the cash in, the secretary of the head of promotions came in the room. Nilapitan niya ako sa cubicle ko.

"Mr. Numero, pinapupunta po kayo ni Ms. Dela Costa sa conference room," pabulong na pagkakasabi niya sabay sulyap sa iba pang empleyado na nasa loob ng opisina. Siguro natanggap niya ang memo tungkol sa pagiging low key ko sa tunay na estado.

I turned off my computer and stood up. Sabay kaming lumabas ng Finance Office.

"Is there a problem with the promotions?" tanong ko habang naglalakad kami papuntang elevator para makaakyat na sa top floor kung nasaan ang conference room.

"Wala naman po, Sir. May papatingnan lang sa inyo si Ms. Dela Costa."

I nodded. Pumasok na kami sa loob ng elevator at ilang sandali pa ay narating na namin ang conference room. Kaagad binuksan ng lalaking sekretarya ang pinto nito. Una kang bumungad sa paningin ko, Honey. Nakaharap ka kasi sa gawing pinto. Kaagad na nagtama ang mga mata natin. You were leaning on one of the swivel chairs while holding some papers with your right hand. You were wearing a blue blazer with a white tube inside. You paired it with a pencil skirt.

I swallowed and continued walking inside. Huminto naman ako nang nasa tapat na ng malaking mesa.

"Mr.Numero, sorry for taking you away from your work," paumanhin ni Dela Costa sabay tayo. Kung hindi pa siya nagsalita ay hindi ko mapapansin na nandoon din pala siya.

Binalingan ko siya ng tingin. "Please just call me Sixth."

Her cheeks blushed and chuckled nervously. "Oh! I'm sorry. I forgot, low key ka nga pala." She then turned to look at you," This is Chanel One script writer, Ms. Del Sol. Ms. Del Sol this is uh...Sixth, our...consultant," pagpapakilala niya sa atin sa isa't-isa. Hindi ko na siya tinanong pa kung bakit ako biglaang naging consultant.

I cleared my throat and put my hands in my pockets. "We know each other..."

"Oh! Yes. Honey mentioned that she's also from Cebu but she didn't mention..."

Iminuwestra ko ang mga papel na nasa mesa. "Are these for the promotions?"

Palipat-lipat ng tingin sa atin si Ms. Dela Costa. Tingin na parang sinusuri kung ano ang mayroon sa ating dalawa. Sa huli ay tumango siya. "Oh well yes. Let's take a seat first."

Magkatabi ang mga silya na inuupuan namin ng promotions head samantalang nakaupo ka naman sa tapat namin. Ms. Dela Costa handed me some papers.

"These are the two scripts that I've chosen, but Mrs. Numero told me to leave to you the final say."

Napasulyap ako sa'yo bago binasa ang nasa papel. You were very professional looking. Ibinalik ko ang tingin sa mga papel. It was well composed. Halatang hinimay na at pinag-isipan talaga.

I put the papers down and looked at you."Which one do you think is much effective?"

Dinig ko ang mahinang pagsinghap ni Ms. Dela Costa sa tabi ko. Medyo awang naman ang labi mo habang nakatitig sa akin. Napakurap ka ng dalawang beses.

"Mr. Numero, you have the final say—"

"She's the script writer. She has deeper connection with her words. She'll also know which one is much catchy," pagputol ko sa pag-aalma sana ng promotions head. I didn't even glanced at her.

You swallowed and nodded before answering. "If I were to choose, I think script B is better and more effective."

"We'll use script B," I told Ms. Dela Costa na nakatitig na sa'yo. She turned to me and politely smiled. "Alright then. We will use script B."

"Is it done? Can you give us a minute?" tanong ko kay Ms.Dela Costa. She nodded and stood up. Inayos niya ang mga papel at binitbit ito gamit ang isang kamay. Nagkamayan ulit kayo at nagpaalam na siya. Lumabas na siya ng conference room at tayong dalawa na lang ang naiwan.

Iginala mo ang tingin sa loob ng silid. "Dito ba kayo madalas na nagme-meeting?"

"Sila lang. Nasa cubicle lang naman ako. Pumupunta lang kapag...kailangan."

Ibinalik mo ang tingin sa akin. "Wala ka talagang sariling opisina?"

"Wala. Nasa Finance Department ako naka-assign."

Ilang segundo mo akong tinitigan lang. Nagtaas ka ng isang kilay. "Hindi mo feel maging isang boss?"

Tinitigan kita sa mga mata. I licked my lips and slowly answered, "Wala pa akong napapatunayan."

Lumamlam ang mga mata mo. It was sort of a gentle expression but you quickly covered it with a smirk. "Kailangan pa ba 'yon? I mean, you are Sixth Numero! The son of Unorelio Numero."

"Because you told me the exact opposite," marahan na sambit ko.

There was an awkward pause. We were just looking at each other's face. I held your gaze. You looked away.

"I should go," you softly said. Pero ni hindi ka tumayo. Do I still have an effect on you?

"Pwede ba akong magtanong?"

Tumingin ka ulit sa akin. "What is it?"

Kahit napakahirap, inilabas ko pa rin. "Sasagutin mo ba siya? 'Yong nanliligaw sa'yo."

"Why? What is it to you? Ano kung sasagutin ko siya? You're my ex. We're not even friends. I don't even know what we are..."

"Mahal pa rin kita," I drove in. Hammered the final nail of my own coffin.

You stared at me sharply. "Stop it, Sixth."

"Hindi ko na kayang pigilan, Hon. Hindi naman ako umaasa. I'm not expecting anything. I just think that he is not being honest with you..."

You laughed sarcastically. "Kagaya mo? Just because you were able to cheat on me in the past, madali na akong maloko! And it's really coming from you, huh?"

I licked my lips and swallowed the vile in my throat. I clenched my jaw. Pumikit ako nang mariin. "Ask him. Ask him if he's being honest with you."

You were silent for a while. Dumilat ako. Pinukol mo ako ng masamang tingin. Tumayo ka. "You know what? This is bullshit. Since tapos na naman 'tong script, aalis na ako."

You tried to walk away. Naglalakad ka na papuntang pintuan kaya hindi na ako nakapagtimpi pa. Marahas akong tumayo at hinawakan ka sa siko para pigilan.

"I saw him with someone!" I desperately uttered.

You stopped and stiffened. Marahan kong inalis ang kamay mula sa pagkakahawak nito sa siko mo. Nilingon mo ako. Para akong sinaksak nang makita ang pagsusumamo sa mukha mo.

"Why are you doing this to me?" you weakly whispered with your pleading eyes.

I licked my lips and cocked my head to the side. Sa isang segundo, hindi kita kayang tingnan. Para akong nanlulumo sa ipinapakita mo.

"Sixth..."

I looked at you then. I looked at you indulgently and probably with the gentlest eyes I could muster. "Kahit gusto kung maging makasarili sa pagmamahal ko sa'yo at kahit na nasaktan kita nang todo, gusto ko pa rin na sumaya ka sa piling ng iba."

"And you think that I won't be happy with him?" mangha mong tanong.

"Niloloko ka lang niya, Honey..."I grunted.

"Tumalas na ba ang pang-amoy mo ngayon sa kapwa mo manloloko?" You fired. I was hit right through the chest. Parang tumagos nga hanggang likod. Di man lang ako nakailag ah.

"You still hate me."

Nag-iwas ka ng tingin. Pumikit ka nang mariin at nakita ko ang pagpatak ng luha mo. "I don't hate you."

"That's a lie. But I'll take it. I'll take whatever scraps of treatment you can afford to give me."

Bumuntong-hininga ka at pinalis ang mga luha sa pisngi mo gamit ang likod ng mga palad. Umayos ka ng pagharap sa akin. "I don't hate you, Sixth. But I don't trust you either. And I'm not sure if I'll ever trust you again..."

Mapait kitang nginitian. "Pagtatrabahuhan ko ang tiwala mo, Hon. Hinding-hindi kita pipilitin na ibigay 'yan sa'kin. I'll work really hard to earn it."

You tried to open your mouth probably to respond when we were both interrupted by your ringing phone. Kunot ang noo mo habang kinukuha ito mula sa loob ng bag mo. Nang mahagilap ang cellphone ay sinagot mo ang tawag.

"Hello?" sagot mo sa kabilang linya. Ilang segundo pang magkatagpo ang dalawang kilay mo habang nakikinig sa sinasabi ng nasa kabilang linya. Makalipas ang ilang minuto ay nag-iba ang timpla ng mukha mo. Pain and worry were evident on the look of your face.

"I'll be there. Magbo-book ako ng ticket for a flight pauwi ng Cebu ngayon mismo...Yes, Pa."

Mabilis mong ibinaba na ang cellphone at binalik ito sa loob ng bitbit mong bag. You looked like you were in a sort of a trance that's why I got worried.

"Is everything okay? Si Tito ba 'yong tumawag?"

Tiningnan mo ako pero parang lumagpas naman ang mga mata mo sa akin. Sinubukan mong humakbang pero gumiwang ka at halos matumba pa kaya mabilis kitang hinawakan sa magkabilang balikat.

"Honey, what did he say?"

Hinarap mo ako. Your eyes were hazy. "Bitiwan mo na ako, Sixth. Kailangan kong umalis. Kailangan ko nang makauwi ng Cebu..."

I slowly shook your shoulders and tried to catch your eyes. "Tell me what's wrong? Ano'ng sinabi ni Tito?"

"Si Lovely...isinugod ulit sa hospital si Lovely...Kailang kong...Kailangan kong..." Hindi mo na maituloy-tuloy ang sasabihin mo dahil humihikbi ka na. I caressed your back using my one hand while my other hand is taking my cellphone from my pocket. Nang makuha ang cellphone ay kaagad kong tinawagan si Mom. After I explained to her what I needed, she quickly called Dad's secretary to book us a ticket back to Cebu.

Sa nakita kong lagay mo ay hindi kita kayang hayaang bumiyahe ng mag-isa. Kumuha ako ng silya at inalalayan ka sa pag-upo. Umiiyak ka habang nasa harap mo naman ako na nakaluhod ang isang tuhod.

"Sinong kaibigan mo rito ang gusto mong tawagan ko?"

Umiling ka at suminghot. "Kaya kong umuwi sa condo nang mag-isa. Kailangan kong maghanda pauwi..."

"Ihahatid kita. Dad's secretary has booked us a ticket. Let's just wait for his call."

"Hindi ko kailangan ng tulong mo, Sais!"

I almost groaned in frustration. Umaandar na naman kasi ang pagiging matigasin ng ulo mo. "It's cool. I'm giving it anyway."

Pinakalma kita ng ilang minuto. Nang medyo mahismasmasan ka na ay niyaya kitang ihatid pauwi ng condo. You were too weak too protest. Tinawagan ko si Sir Polo para makapagpaalam na may emergency. He was too polite and he even asked if Dad's doing fine.

Ako ang nagmaneho gamit ang sasakyan mo. Hindi na ako bumaba pa ng sasakyan nang makarating na tayo sa condo mo. Mabilisan ka namang bumalik sa sasakyan bitbit ang isang bag.

"Dadaan muna tayo sa condo ko may kukunin lang ako," anunsiyo ko nang mapaandar na muli ang sasakyan.

"Of course. Pero pwede ka na namang hindi sumama na. Kaya kung umuwing mag-isa."

"One AM daw ang flight natin pa-Cebu via Air Asia since that's the only available flight and airlines he could find for such a short notice," I informed purposely ignoring your retort. Natihimik ka at hindi na umimik pa buong biyahe.

Matapos makuha sa condo ang mga kailangan ko ay nagpunta na tayo sa airport. Mabuti na lang at nakontak ko si Benson na siyang pinakuha ko sa sasakyan mo para maihatid pabalik sa condo mo.

You were silent the whole time. Probably lost in your own thoughts. Pakiramdam ko nga hindi mo na napapansin na ako ang kasama mo. Then we finally boarded the plane.

Alas tres y medya na yata nang lumapag ang eroplanong sinasakyan natin. Nang makalabas na ng airport ay sinundo tayo ng tinawagan kong driver namin. Hindi mo na kasi naisip 'yon kaya ako na lang ang nagdesisyon.

Again, we were silent inside the car on our way straight to the hospital. Ilang minuto ay nakarating din tayo. Inutusan ko si Manong na siya na rin ang maghatid ng bag mo sa bahay niyo. We quickly went out of the car and went inside the hospital.

Siguro nga nasabi na rin sa'yo ng Papa mo ang room number kung nasaan sila kaya dere-deretso na tayo nang makapasok. Nang makarating sa tapat ng tamang kuwarto ay nagmamadali mong binuksan ang pinto nito.

Nauna kang pumasok at sumunod naman ako. Naroon nga si Lovely na nakahiga sa kama na pinapalibutan ng maraming apparatus. She was asleep. Both of your parents stood up when they saw us. Kaagad kang niyakap ng Mama mo at tumingin naman sa akin ang Papa mo. Sa kabila ng pagod na mga mata ay nakuha niya pa ring ngumiti bilang pagbati sa akin.

Habang nakatayo ako sa sulok, nag-usap naman kayong magkapamilya hanggang sa mag-umaga na. Narinig ko base sa pag-uusap ninyo kung gaano na ka-seryoso ang lagay ni Lovely. With tired eyes, both of your parents leaned toward you. Hindi mo sila pinakitaan ni kaunting kahinaan na nakita ko sa Maynila ilang oras na ang nakakaraan. At sa mga oras na 'yon, kahit mukhang napaka-imposible na, mas lalo akong nahuhulog sa'yo.

-Sixth-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top