29
From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Sun, 06/28/2020, 09: 01 AM
Subject: Dinner
Hon,
Buong linggo akong binabagabag ng konsensya ko. Gustong-gusto ko nang sabihin sa'yo ang tungkol sa panlolokong ginawa ng lalaking manliligaw mo. Kaya lang, parang may bumubulong sa akin at nagsasabing wala naman akong karapatan at hindi ako dapat na mangealam pa.
"Renzo Elias..." Mabilis akong napabaling sa gawing likod ko dahil sa pagbanggit ng pangalan ng manliligaw mo. Nakita ko si Lira na nakakunot ang noo at titig na titig sa nakadisplay sa screen ng cellphone na hawak ko. Ang Facebook profile ng manliligaw mo.
"You stalking? Add friend mo na!" nakangising sabi niya at naupo na sa kabilang silya.
Pinatay ko ang cellphone at ilang sandali pang nag-isip. May fifteen minutes pa naman kami bago ang susunod na subject. Bumuntong-hininga ako at walang pasubaling binalingan ng tingin si Lira. She was reading her paper.
"I have a question..."
Panandalian siyang tumigil at nag-angat ng tingin sa akin. "Shoot. What is it?"
I licked my lips and tapped my fingers on the arm rest of the chair. Pinag-iisipan ko kung paano ako makakapagtanong kay Lira nang hindi binabanggit na directly involved ako sa sitwasyon. Susuko na sana ako at sasarilinin ko na sana ang bumabagabag sa isipan ko nang may ideyang biglang nasagap ang utak ko. I leaned a bit forward towards her way.
" 'Yong barkadang lalaki ko kasi. Nakita niya 'yong manliligaw ng ex-girlfriend niya. May... kasamang ibang babae. Mukhang girlfriend niya yata."
Ngumuso siya at nagtaas ng kilay. "And then?"
"Dapat bang makealam ang kaibigan ko? I mean, should he tell his ex-girlfriend about...it?"
Her forehead creased for a while. Probably trying to take it all in and maybe lost in her thoughts. Finally, she nodded once.
"Well...it depends."
"Depends on what exactly?" tanong ko.
"Depende kung friends pa sila noong kaibigan mo. I mean if the reason of their break up wasn't that...bad. Are they friends? 'Yong friend mo at ex niya?"
"I guess they're civil with each other. Nagka-usap na naman kami—I mean sila..." Halos mapa-facepalm pa ako sa pagkakadulas ko.
She smirked and shot a brow at me. Halatang nahuli ang pagkakadulas ko. "Just tell your friend not to directly tell his ex-girlfriend. Maybe he can mention about her manliligaw's whereabouts first. You know. Just hints."
"So...hindi niya dapat sabihin na 'Hey, I think your suitor is cheating on you'..?"
"You mean deretsahan? Hmp. Pwede naman. That's if chummy chummy sila sa isa't-sa. Pero if medyo tagilid ang relasyon ng friend mo at ex niya, siyempre, Hindi kaagad magtitiwala 'yong babae sa kahit anumang sabihin ng friend mo. Plus,that's a very sensitive topic. Cheating is. So tell your friend to break it to her gently, Sixth Numero."
Tumango ako. I was grateful for Lira's perspective. Mabuti na lang talaga at humingi ako sa kanya ng advice. Naputol na rin ang pag-uusap namin dahil dumating na si Prof.
I went home that day with a clear mind and maybe a light heart. Hindi ko lang alam kung paano at kailan kita lalapitan. Ayoko namang isipin mo na antipatiko ako at mapagsamantala kung sasabihin ko sa'yo ang tungkol sa nakita ko. Ayoko na isipin mong sinisiraan ko si Renzo o ginugulo ko ang tahimik at masaya mo ng buhay pag-ibig.
These were all in my head until I reached my condo unit. Bigla namang napukaw ang isipan ko nang makita ang nangyayaring komusyon sa may hallway ng unit ko. Doon, nakita ko sina Manang na may mga supot na bitbit papasok ng unit ko. At sa may bukana ng pinto nakatayo si Mommy na halatang siyang nag-utos nito.
Mas binilisan ko ang paglalakad at nang nahinto na sa tapat ng pinto ko ay nag-tagpo na ang kilay ko habang nakatingin kay Mom.
"You're here. What's happening?"tanong ko. Bakas ang gulat sa mga mata niya. And then she smiled. Bumaba ang tingin niya sa bitbit kong laptop.
"Mabuti naman at dumating ka na. Tapos na ang klase? Let's go inside," paanyaya niya na parang ako pa ang naging bisita gayong condo ko naman 'yon.
Pumasok na kami sa loob ng condo ko. Nandoon na rin pala sa loob si Dad. Nakaupo na sa sala habang umiinom ng kape.
Naupo na rin kami ni Mom sa sofa. She was seated beside Dad. Naupo naman ako sa tapat nila. Nagpatuloy ako. "How did you–of course you know my passcode. Bakit po pala kayo nandito?"
"Mayroong board meeting mamayang gabi. Don't tell me you aren't aware of it, Sixth," si Dad ang sumagot. Disapproval was evident on his face.
Napahilamos ako sa mukha gamit ang dalawang palad. "Sorry. Nakaligtaan ko po. Marami lang na iniisip."
"Of course, anak. We understand. You're busy with your masters too. Wala ka na ngang time para makapag-grocery kaya naisipan ko na utusan na sila Manang kanina," said Mom. And right on cue, dinig namin ang komusyon na nangyayari sa kusina ko. Siguro abala sina Manang sa pag-aayos ng mga pinamili.
I sighed. "Nag-grocery naman po ako noong nakaraang linggo."
Tinaasan ako ni Mom ng isang kilay. "Ng coffee? You call that buying groceries?" she turned to Dad with eyes filled with accusation. "I told you we should have personally checked on him sooner!"
"Hayaan mo na ang anak mo, Yasmin. Allow him to be independent," giit naman ni Dad.
Mom just rolled her eyes at him. I sighed and stood up. "Shower lang po ako at magbibihis."
"Do that. Nagpa-reserve na kami sa isang restaurant for dinner. We'll go once you're done." Mom smiled.
Pagkatapos ng dinner sa isang restaurant kung saan nagpareserve si Mom ay tumulak na kami ng mall para sa meeting. Ang akala ko pwede na akong hindi dumalo tutal nandoon na naman si Dad. But he insisted. Para raw maibahagi ko rin ang fresh ideas ko para sa bagong proyekto.
Dumeretso na kami ng conference room sa top floor gamit ang private elevator. Mabuti na lang konti na ang mga empleyado dahil closing time na naman. Mag-aalas nuwebe na kasi ng gabi.
The meeting started when we arrived. Siyempre si Dad lang ang hinihintay. Nakaupo sa kabisera si Dad. Katabi niya si Mom at naupo naman ako sa tabi ni Mom. Una sa mga naging agenda ang operations. Sumunod naman ang promotions and marketing.
"So basically, we can hold talk shows or celebrity visits to increase our footfalls and revenues!" pagpapatuloy ng nagpakilalang head of promotions and marketing kanina na si Ms. Dela Costa.
Some of the members of the board nodded. Bumaling ang tingin ni Dad sa gawi ko. "What do you think, Sixth?"
Napaderetso ako ng upo. Hindi inasahan ang pagtanong niya sa opinyon ko. "Po?"
He sighed and gestured toward Ms. Dela Costco who's standing in front. "Do you think Ms. Dela Costa's suggestion is good?"
I cleared my throat. Napansin ko na naghihintay na rin ng sagot ko ang iba pang naroon. "Yeah. I think it will be a very helpful promotional strategy...Sir."
Mom nodded in approval. Tinitigan naman ako ni Dad na para bang naninimbang. After a while he nodded. "Alright. Let's do it," he then turned to Ms. Dela Costa "In which channel are we going to air? Have you thought of the details already?"
Mabilis na tumayo ang isang lalaking nakasuot ng salamin na nasa gawi niya. "Yes, Sir. We've already contacted Channel One. They're now just waiting for our confirmation."
"We have picked a script writer na rin po. Once you give the go signal, we can start giving the orientation," dagdag naman ni Ms. Dela Costa.
Tumango ulit si Dad. "Alright. Let's do it. Now can we proceed to the financials real quick?"
So the meeting went on. Mabilis lang din ang rundown ng Financials kaya maagang natapos ang meeting. Nagsitayuan na ang mga miyembro ng board of directors at ibang staff. Isa sa kanila ang naglahad ng kamay sa akin at kaagad kong tinanggap.
"You're the protege. I guess your father, the President is training you now," sabi niya na may ngiti sa labi. Ngumiti lang ako at hindi na nagsalita. Tinapik naman ako ni Dad sa balikat at sila naman ang nagkamayan.
Umuwi na rin kami pagkatapos ng meeting. Inihatid muna nila ako sa condo bago tumuloy sina Mom at Dad sa isang hotel.
Kinabukasan ay nagpatuloy ako sa pag-aaral. Bumalik na rin sina Mom at Dad ng Cebu. Matapos ang huling klase sa hapon ay umuwi ako ng condo para makapagbihis at pumasok na sa trabaho. Wearing a blue button-down shirt and khakis, I went inside the mall. Alas singko na 'yon ng hapon.
I was just looking straight ahead when I bumped into someone. Dahilan para may mahulog na isang brown expanded envelope sa sahig. Kaagad ko itong pinulot.
"I'm sorry," sabi ko sabay angat ng tingin. Nabitin naman sa ere ang hawak ko na brown expanded envelope nang makita na ikaw pala ang kaharap ko.
Tipid kang ngumiti at tinanggap ang envelope na iniaabot ko. "It's okay. Kasalanan ko naman." Nang patuloy lang ang pagtitig ko sa'yo gamit siguro ang namumungay na mata ay nagpatuloy ka. "Ang channel kasi namin ang napili niyo. I'm the new script writer for your promotional project. Kaya...ako narito. For...uh...the orientation..."
"Oh wow. That's great. Good luck," sambit ko na parang hindi namin napag-usapan 'to sa meeting isang gabi. "How's Lovely?"
"She's okay. Continuous check ups pa rin for monitoring."
Magkasabay tayong napabaling sa matandang babae na halatang nahihirapan sa mga dalang groceries. Walang pagdadalawang-isip ko siyang nilapitan upang tulungan.
"Tulungan ko na po kayo," I offered and took the other big paper bag from her.
"Naku! Salamat, hijo!" sabi niya na mukhang nahihiya pa pero 'di mapigil ang tuwa.
Napasulyap ako sa'yo. I smiled apologetically. "Congrats ulit. At good luck." You smiled back at me. Ayoko namang mag-assume pero 'yong tingin mo kasi sa'kin parang namumungay ang mga mata mo. Kaya naman nilubos ko na. "Free ka ba mamaya for dinner...I mean after the orientation...Baka...may dinner break kayo? Sabay na tayong mag-dinner?"
Nahalata ko ang gulat sa mga mata mo. Nakagat mo ang pang-ibabang labi mo. I was waiting for your response while awkwardly holding the big paper bag between my arms. Nang sulyapan ko ang matandang babae ay kita ko ang salitan na sulyap niya sa ating dalawa.
The old woman chuckled. "Naku, hija! Pumayag ka na! Bukod sa pogi na eh napakamatulungin din nitong binata! Hindi ka lugi!"
Namula ang pisngi mo sa sinabi ng matanda. Napakamot naman ako sa batok at muntik pang mabitawan ang hawak na paper bag.
May sumilay na ngiti sa mga labi mo. "Sure. Alright. Dinner then. Dito na lang. Sa food court at 7 PM."
I grinned. "Okay. Salamat. See you." You nodded at me and then started turning your back. Nagpatuloy naman ako sa pagtulong sa matanda at inihatid ito sa labas ng mall. Nang makapasok na siya sa sasakyan ay nagpasalamat siya sa'kin.
"Ang bait mo, hijo. Sigurado ako na sasagutin ka no'ng babae. Nakita ko sa tinginan ninyo na magiging girlfriend mo siya. Naku, kapag nangyari iyon huwag na huwag mo na siyang pakakawalan."
Napangiti ako sa sinabi niya. How ironic right? Kasi naging girlfriend na nga kita pero napakawalan pa.
Hindi ako mapakali habang nagtatrabaho. Panay ang sulyap ko sa oras. Nang mag-alas otso ay tumayo na ako at tinungo na ang food court. Pagdating sa food court ay kaagad kitang nakita na nakaupo na roon sa tapat ng mesa. Wala na gaanong tao.
Nilapitan kita at huminto na nang nasa tapat mo na. "Kanina ka pa ba?"
"Hindi naman. Let's order?"
"Ako na ang mag-oorder. Ano'ng gusto mo?" I asked and you told me. Akma kang kukuha siguro ng pera mula sa bag mo kaya mabilis kitang pinigilan.
"Hindi na. Libre ko na 'to," agap ko. Mabuti at hindi ka na umalma pa.
Holding the tray of the food I ordered, I went back to our table. Inilapag ko na ito sa mesa. We started eating silently. When we're finished I cleared my throat. "How's the orientation? Tapos na ba?"
You sipped on your coke before answering. "Hindi pa. Babalik pa ako for the continuation. Pero malapit na."
"Ah. Mabilis lang pala. Marami ka namang ideas kaya..."
"Hindi naman. Pinasuri ko lang sa head ng promotions niyo and she liked it so...it made things quicker."
I nodded. After a while of silence you glanced at your watch. "I need to go back now. May trabaho ka rin 'di ba?"
Tinanguan kita. Magkasabay tayong tumayo. We bid goodbye at each other. Nasa loob na ako ng opisina nang maalala na nakalimutan ko pa lang itanong ang tungkol sa manliligaw mo.
Call me selfish but I guess we made some progress, right?"
-Sixth-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top