28
From: @sixth_numero
To: @HoneybeedelSol
Sent: Sun, 06/21/2020, 09:01 AM
Subject: The bastard
Hon,
Maganda ang naging takbo ng linggo ko. Hindi ako masyadong naging babad sa paper works sa pag-aaral pati na rin sa trabaho. Siguro dahil nakapag-adjust na ako o baka naman dahil nasanay na rin ako sa pressure. Napansin ko rin na mas relaxed na ngayon ang mga kasamahan ko sa MBA. Sana nga lang magtuloy-tuloy na 'to sa mga susunod pang linggo.
"Ano, BGC tayo ngayong Sabado? O Revel? The Cove?" pag-anyaya ni Jemuel sa lahat. Kumakain kami ng pananghalian sa resto na nakagawian na naming puntahan.
Lira who's sitting beside me glanced at me. Nagtaas siya ng kilay. "Sama ka, Sixth?"
"Hindi ako pwede. May kikitain ako..."
"Cool! Babae, pre? Kung babae 'yan support lang ako!" Dan suggestively said and winked.
I only grinned and shook my head. Suminghap naman si Lira sabay bigay ng mahinang tampal sa braso ko. "So babae ba? Hindi ko yata alam 'yan huh? And here I thought we're friends! Hindi ka nag-share sa akin."
Ngumiwi ako. I cleared my throat. "Mga kaibigan ko lang. Puro lalaki."
"Mga pogi rin ba tulad mo, Sixth? Pakilala mo naman kami!" one of the girls announced.
"Oo nga, Sixth? Single ba sila? Single na single kami ni Regine Pangtanggal stress sa lintik na sandamakmak na reports ni Prof. Colton!"
"Stressed ka pa rin, Franzie? Eh wala na naman masyadong pa-report si Prof. Colton ah!" sabad ni Jemuel.
"Ewan ko ba. Sa tuwing nakikita ko si Prof. naiistress talaga ako! Hindi naman kasi ngumingiti. Kahit mestizo hindi pa rin maamo. Parang palaging may galit sa mundo!"
Jemuel grimaced and then nodded agreeably. "Nadali mo rin. Nakakatakot nga e."
Humagikgik si Lira at dinuro si Jemuel na nakaupo lang sa tapat niya. "Favorite na favorite ka kasi niya!"
Napuno ng tawanan ang mesa. Si Jemuel na naman ang naging pulutan. Marami pa silang ikuwenento noong college days nila kasama si Prof.Colton. Tumatawa rin ang nakaupo sa tabi niyang si Kelsy na ngayon ay girlfriend niya na. Tahimik lang ako na nakikinig kasi siyempre hindi naman ako makasabay sa pinag-uusapan nila dahil sa Cebu ako nag-kolehiyo.
"So, Sixth ipakilala mo kami sa boys na mga friends mo ha," si Franzie nang matapos ang asaran kay Jemuel.
"Sige ipapakilala ko kayo one of these days," saad ko na lang kahit na hindi pa naman ako sigurado kay Anthony. Eh mas broken-hearted pa 'yon kaysa sa akin. Si Benson naman naging mini-Ricker na dahil sa pagiging babaero.
Bumalik na rin kami ng campus matapos ang pananghalian. May isang reporting pa kami sa hapon sa isang subject at pagkatapos ay uwian na.
Siguro nga wala ako sa sarili na nagmamaneho ng hapon na 'yon dahil imbes na sa condo ang uwi ko, niliko ko ang sasakyan sa ibang deriksyon at napansin ko na lang na huminto na ako sa tapat ng gusali na pinagtatrabahuhan mo.
Kahit naman alam ko na baka nga natiyempuhan ko lang ang paglabas mo ng gusali noong una, naghintay pa rin ako ng ilang minuto. Others would probably say I'm a stalker because of what I was doing. Pagkaraan ng ilang minuto ay umalis din ako. I went straight home. Nag-shower muna ako at nagbihis para sa trabaho.
It was a busy shift at work that day. Maraming palyadong entry ng accounts. Kailangang isa-isang ayusin. What I've learned in business is that digits are sensitive matter. Ika- nga sa business world, every digit counts. Kaya naman nang matapos ang shift ko, mistulang dinaganan ang likod ko ng semento. Nakakangalay kasi sa batok. So when I went home that night and saw the bed, I was deadbeat already.
Sabado ng hapon, nag-gogrocery ako sa isang convenience store malapit lang sa condo. I know right? Sais and groceries. It's really funny sometimes what independence can do to a person. Pero wala akong choice, wala namang ibang gagawa nito kundi ako. I chose to be independent. Kailangan ko talagang panindigan.
Nasa counter na ako bitbit ang isang basket na maliban sa frozen goods ay punong-puno rin ng kape. Awang ang labi ng babaeng cashier na sa tantiya ko ay nasa edad bente anyos pataas habang palipat-lipat ang tingin niya sa basket ko at sa akin.
I smirked. "Adik ako sa kape."
Tumango siya at sinubukan pang pigilin ang panlalaki ng mata. She bit her lower lip and punched on something at the computer. "Pansin ko nga, Sir. Four thousand and sixty-five po lahat."
Dinukot ko ang walet na nakasuksok sa bulsa sa likod ng maong na pantalon ko. I opened it and took my card. Iniabot ko naman 'yon sa kanya. While the cashier was doing her thing, I saw a man and a woman both entering the store. At base sa mga kilos nila, halata kong magkarelasyon silang dalawa. The woman was giggling while the man wrapped his arms around her waist.
I was trying to observe them. Hindi para maging chismoso. It was because the guy looked familiar. Tingin ko kasi nakita ko na siya dati pa. Naningkit ang mga mata ko habang sinusuri sa memorya kung saan ko nga ba siya unang nakita. Napakalalim na ng iniisip ko dahil sa paghahalungkat ko sa memorya kaya hindi ko na napansin na dalawang beses na pala akong tinawag ng cashier.
Napakurap ako at kaagad na binalingan siya ng tingin. "Sorry. Thank you."
Ngumiti siya at hinawi ang kanyang buhok. Iniabot niya muli ang card sa akin. "Okay lang, Sir. Here's your card."
Kaagad ko itong tinanggap at hindi na nagulat nang may kasama na itong maliit na pirasong tinuping papel. I opened it and saw a cellphone number with a name on it. I looked up and saw her winked at me. Ibinalik ko na sa walet ko ang card pati na ang piraso ng papel. I didn't wanna be rude to her. Itatapon ko na lang sa bin mamaya.
Tatalikod na sana ako habang bitbit ang pinamili ko nang muli ko siyang nilinga. She stood at attention probably anticipating what I would say.
"Can I ask you something?"
She nodded eagerly. "Sure! Anything!"
I licked my lips and cocked my head to the side. Sa may hygiene corner. Kung nasaan ang lalaki at babae na nakita ko kanina. Sinundan ng cashier ang tingin ko.
"Do you know that guy? Regular costumer ba siya rito?" I whispered.
Namilog ang mga mata niya saka ilang beses na napakurap. "S-sure ka Sir na ang lalaki talaga? H-hindi ang babae?" kandautal na tanong niya. Parang 'di makapaniwala sa naging tanong ko.
I slowly shook my head. "Oo. Ang lalaki...Regular ba siya rito? Ano'ng pangalan niya?"
Tinitigan niya ako gamit ang naniningkit na mata. Pagkatapos ay biglang umasim ang mukha niya. She shook her head and clicked her tongue. Parang dismayado sa naging tanong ko.
"Iba pala trip mo, Sir...Hindi ko po kilala. Ngayon ko lang yan nakita. Thank you for coming ulit," she said dismissively.
Saka ko lang napagtanto ang iniisip tungkol sa akin ng babaeng cashier kanina nang makalabas na ako ng convenience store at naglakad na patawid ng kalsada papunta sa condo. Napamura tuloy ako sa sarili.
Later that night, wearing a plain tshirt Aqua blue vneck and faded jeans, paired with a Capri Castagna brown leather sneakers, I waited for Anthony to go down. Nasa lobby ako ng condo unit niya at nakaupo sa sofa. Sumulyap ako sa suot na relo. 8:10 PM. Ilang sandali pa ay nakita ko na si Anthony. He was wearing a polo shirt and jeans.
He grinned when he saw me. Nahawa na rin ako. Tumaya ako at nakipag-high five sa kanya.
"Let's go!" masigla niyang sinabi. Naglakad na kami palabas ng glass double doors. We went directly to my car in the parking lot.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" I asked for the second time. Hindi niya kasi sinabi sa akin noong tinanong ko siya sa chat. Sinabihan lang niya ako na sa bahay lang ng isang kaibigan.
I opened the door on the driver's seat and slid inside. Sumunod naman siya. "Birthday raw kasi ng isa sa mga kakilalang babae ni Benson. Makikikain at makikiinom lang tayo. Nando'n na raw si Benson."
I nodded and continued driving. Wala na ring magawa. Mas maigi na rin siguro para makapag-relax. Halos bente minutos ang ibinyahe namin papunta sa isang exclusive subdivision. Matapos kaming padaanin ng guard ay pumasok na kami.
The mansion was located far away from the other houses. Pagpasok ng sasakyan sa malaking gate ay mahaba pa ang daan na pinalilubutan ng nakahilerang pine tress bago makapunta sa mismong bahay. Nagkatingin kaming dalawa ni Anthony. He whistled. We were amazed with the place. The mansion looked modern with glass walls.
Mayroong gumiya sa amin na isang lalaki patungo sa isang basement kung saan dapat ipark ang sasakyan. Matapos makapag-park ay bumaba na kami at naglakad papasok ng bahay. Sinalubong naman kami ni Benson na may malapad na ngisi.
"Welcome home!"
Pabiro siyang sinapak ni Anthony sa tiyan. "Bakit? Bahay mo ba 'to?"
He chuckled. "Hindi. Pero ang lupit 'di ba? Nakaka-amazed nga eh. Siyempre hindi na mamamangha si Sais. Sanay na 'to makapunta sa mga ganitong lugar eh. 'Di ba bro?" Tinapik niya ako sa balikat.
"Hindi naman," sabi ko sabay gala ng tingin sa loob ng mansiyon. May mga nag-iinuman na. May retro music din na background. There were people I didn't even know.
"Let's go, bruhs. Ipapakilala ko kayo sa birthday celebrant." Sinundan namin si Benson papuntang dining area. Halatang marami siyang kilala sa mga bisita dahil tinatanguan siya ng karamihan bilang pagkilala.
Ilang sandali pa ay huminto na rin kami at sinalubong ng isang matangkad na chinitang babae. She was wearing a red tube top and a high waist denim skirt. She kissed Benson on the lips without any preamble. Ngumisi pang lalo si Benson saka hinawakan sa beywang ang babae.
"Bruhs, Si Lin. Girlfriend ko. The birthday celebrant!" pagpapakilala ni Benson sa babae. Anthony and I exchanged a knowing look. Girlfriend? Pang-ilan kaya? Si Benson talaga.
May pilyong ngiti na muntik ng sumilay sa labi ni Benson. Nahalata siguro ang tinginan namin ni Anthony.
I smiled and offered a hand. "Happy birthday. Sixth nga pala." She accepted it and smiled wickedly. Sumunod naman na naglahad ng kamay si Anthony. We chatted for a bit. Kumain na rin kami.
Kalaunan ay nakaupo na kami sa sofa sa may veranda ng mansiyon at nag-iinuman. Ako, si Anthony, Benson at ang 'girllfriend' niyang si Lin. Kanina pa kami nag-uusap at saglit naman na iniwanan kami ni Lin dahil sa pag-aasikaso sa iba pang mga bisita niya. Kaya kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para magtanong kay Benson.
I arched a brow at him. "Girlfriend number?"
"Three," he answered nonchalantly.
"Ang lala mo na. Mas pogi ka pa kay Sais?," Anthony sarcastically commented.
I chuckled and drunk my beer. Benson just shrugged him off. Bigla niyang pinilitik ang daliri niya.
"Teka lang! May ipapakita ako sa'yo. Post ni Honey sa Facebook kahapon." Mabilisan niyang dinukot ang cellphone mula sa bulsa. Ilang sandali niya itong kinutingkay at pagkatapos ay inilahad niya sa'kin.
Ibinaba ko ang hawak na bote ng beer at kinuha ang cellphone. Tiningnan ko ang naka-display na post. It was a picture of you with that guy. You were holding a bouquet of flowers with a wide grin on your face. The bastard was standing beside you. Pumikit pa ako nang mariin para makasigurado talaga sa nakikita ko. Nang dumilat ako napagtagpi ko na ang gumugulo sa isipan ko kanina pa. Naalala ko na kung bakit pamilyar ang mukha ng lalaki na nakita ko sa convenience store kanina. He was the same guy I was seeing on your post. 'Yong lalaking pumoporma sa'yo. 'Yong lalaking nakita ko na kasama mo sa labas ng gusali ng station niyo.
Hindi ko na namalayan na humigpit na pala ang pagkakahawak ko sa cellphone ni Benson. Buti na lang at
inawat niya ako.
"O bruh, chill ka lang. Bulaklak lang 'yan!" sabi niya sabay bawi ng cellphone.
Kinuha ko ang isang bote ng beer at nilagok hanggang sa maubos ang laman nito.
"Dapat kasi 'di mo na pinakita kay Sais, Bens," pangangaral ni Anthony. Nilapag ko ang bote sa mesa. They were both looking at me intently. Kukuha pa sana ako ng isa pang bote nang naunahan ako ni Anthony.
"Tama na muna, bruh," awat niya. Alam ko na naghihintay sila sa maaaring sabihin ko. Pero sa mga oras na 'yon, mismong ako, 'di alam ang sasabihin ko. It is so fucked up, Hon.
-Sixth-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top