CHAPTER 39

"Celeste, you're insane!" Patrice bursts out after I told them that I was able to enter that freaking book and had a chance to be part of the tale.

"I'm telling the truth," I look at them sincerely.

"Noong una, ang sabi mo nakakarinig ka lang ng mga boses. Tapos ngayon naman, pinagpipilitan mong na-adapt ka ng isang libro. Oh my gosh, Cel!" Nasapo niya ang sariling mukha na parang nag-aalala na sa akin.

"It was...it was a rollercoaster ride! I got a chance to meet the four princes too, including the queen and the king! Guys, I'm telling you the truth!" depensa ko pa at tiningnan sila isa-isa.

I can't find the right words. Pero siguradong-sigurado ako. Those characters inside the book were alive! They're giving justice to their own roles. They're portraying their characters like what the author described them. I even felt something strange among those princes. Ugh, I can't tell!

Patrice looked at me with disbelief.

"I think you should get your brain together. Matinding bagok ata ang nangyari sa'yo," sambit niya at napailing-iling.

Si Truce naman na kanina pa tahimik habang nagkukwento ako ay biglang nagsalita.

"Yukue Fumei No Ei is the title of the book that means missing home," Truce said out of nowhere that made me stand from where I sitted.

"Alam mo ang tungkol doon? Kung ganoon, naniniwala ka sa akin?"

"G-guys, I can't relate. Can someone please enlighten me?" naguguluhang sabat ni Patrice pero hindi namin siya pinansin. Ang focus ko ngayon ay kay Truce na inayos muna ang eyeglasses niya bago sumagot.

"Hindi. Pero familiar ako. That was an antique book from your favourite library. And as far as I know, Madame Akako prohibited everyone to hold and read it."

"Sabi pa, it has something to do with a senior-high student. She lost inside the library. Maraming nagsasabi na baka doon napadpad. I don't know. That was four years ago. Malay ko ba, kinuwento lang sa akin ng pinsan ko," litanya niya kaya napanganga ako.

It's Hera. She's the one who lost inside the book and never returned home. Her soul was forever trapped inside the book.

Bigla akong nakaramdam ng uhaw kaya inagaw ko kay Truce ang iniinom niyang ice tea. Ubos ko na kasi ang sa akin.

"Truce, naniniwala ka ba sa akin?" tanong ko at nilagok ng dire-diretso ang ice tea. Napangiwi naman siya.

"Celeste, it was just an urban legend here in Tokyo. Bakit naman tayo maniniwala sa magic? Gawa-gawa lang 'yan ng malilikot na imagination ng tao."

Pinanghinaan ako dahil sa sinabi niya. Akala ko, may isa nang maniniwala sa akin.
"It's getting late, guys. We need to go home. Cel, ihahatid ka na namin. Baka nag-aalala na ang kuya mo sa'yo. Magpagaling ka na, ha?" aya ni Patrice kaya labag sa kalooban akong napatayo para umuwi na rin.

I have this feeling na hindi pa tapos ang lahat. I have unfinished business. Hindi pa rin ako pinatatahimik ng mga boses.

Gabi-gabi pa rin nila akong ginagambala mula nang makalabas ako ng ospital.

I need to get this through.

I need to find my way back to Gokayama.











"Ayokong magaya ka sa kanya. Ang pagkawala mo ng ilang araw at mapadpad sa lugar na iyon ay sapat na. Huwag mo nang pangarapin pang makabalik muli roon at hindi na makauwi nang tuluyan, napakaswerte mo pa at ligtas kang nakauwi."



Napabuntong-hininga ako sabay sandal sa headboard ng kama habang nakatitig sa blankong kisame. Madame Akako's voice still echoed in my head.
It's almost my week here in Tokyo after that incident. Yesterday, I got a chance to sneak out since nasa trabaho si kuya at overtime pa. I went to the school library just to consult this to the librarian. But she refused to tell me how to go back inside the book.

I know, I am being desperate.

But I can't lay here doing nothing. There are still voices in my head telling me to come back. Hindi ko alam kung bakit. Ang alam ko lang, may nag-uudyok sa akin na bumalik muli ngayon sa silid-aklatan at hanapin kung saan itinago ni Madame Akako ang libro.

"Shit, Celeste. You're being paranoid. Panaginip lang 'yon. Oo tama, panaginip lang." Napabuntong-hininga ako at tinitigan ang bracelet na hanggang ngayon ay suot ko pa rin.

Pero kung panaginip lang iyon bakit pakiramdam ko totoo? 'Yung sakit na naramdaman ko. Ang mga luha paggising ko. Bakit hanggang ngayon may parte pa rin sa nakaraan ko na gusto kong balikan? Parang may kulang. Hindi ko alam kong ano.

Tinakpan ko ang mukha ko ng unan at tumagilid na rin ng higa. Pinipilit kong iwaksi ang mga iniisip ko pero sadyang hindi ata ako patutulugin nito ngayong gabi.



"Hindi ka talaga matatahimik kung pilit mong ibabalik ang lahat. Ikaw at ang mga tauhan ng aklat na pinasok mo ay konektado pa rin sa isa't isa dahil may bagay kang naiwan sa kabilang mundo at may isang bagay rin mula sa kanila ang baon mo pa rin hanggang ngayon. Putulin mo na ang koneksyon ninyo, Celeste! Maawa ka sa sarili mo!"


Mariin akong napapikit nang maalala ang sinabi ni Madame Akako at saka napamulat.

"Nasa akin pa 'tong bracelet. Kung ganoon, konektado pa rin ako sa kanila. Ano naman ang naiwan ko roon?" Napabalikwas ako ng bangon at napatingin sa wall clock.

It's almost 11:30 in the evening.

I can't take this anymore. I don't want to bury this bracelet yet. Gusto ko pang makapagpaalam sa kanila ng maayos. Gusto kong makita pa sila sa huling pagkakataon.

Dali-dali kong inalis ang kumot na tumatakip sa kalahati ng katawan ko at agad pumuslit sa kusina bitbit ang bagpack. Kumuha ako ng mga pagkain mula sa refrigerator dahil kakagaling lang naman ni kuya sa pag-grocery.

Chuckie. Chocolates. Biscuits. Bottled water.

Nang masiguro kong puno na ang bag ay isinuot ko ang varsity jacket ko na pampasok sa school. Pagkuwa'y sumilip sa kwarto ni kuya.

Mahimbing na ang tulog nito kaya hindi niya napansin na nakalapit na ako sa pwesto niya. Tinitigan ko muna siya at napakagat-labi.

His face reminds me of his endless sacrifices for me. And here I am, trying to act against his rules for the nth time. Napasinghot ako dahil nakakaiyak.

"I'm sorry kuya. I promise I'll try my best to return home safe and sound. Ai shiteru, kuya Chester," I whispered and kissed his forehead before leaving.
I don't know if I could go back again this second time around once I find the way back to Gokayama, but I must try. I just need to fix things out.










Ilang minuto pa ay nakarating ako sa Hirokoshi High sakay lamang ng aking bisikleta. Hingal na hingal man ay pasimple akong dumaan sa likurang gate ng eskwelahan upang hindi mahuli ng guard. Iilan na lang ang bukas na ilaw sa buong building dahil wala namang estudyante ang kumuha ng nigh shifts na subjects. It's just the professors and the dean who always take over time.

Dumaan ako sa fire exit paakyat ng fourth floor, library. Pagpihit ko pa lamang seradura ng pintuan ay napangiti ako. It's not locked. Probably, Madame Akako almost forgot to lock this before going home. Poor, librarian.

"Great night, Celeste," I smirk and enter the dark and old library.

Hindi ko na binuksan ang ilaw. Gamit ang flashlight ng cellphone ko ay dumako ako sa pinakadulong shelf. Wala roon ang libro. Mukhang tinago ng mabuti ng matanda ang aklat na iyon para huwag ko na balikan.

Nagpalinga-linga ako. There, I saw a strange light again coming from the second shelf. Biglang kumabog ang puso ko. Ito rin iyong liwanang na namataan ko bago ako mawala rito.

Malalaking hakbang ang ginawa ko at nagtungo roon.

I was correct. Madame Akako hid the book between the thick Science book and a Bible so we could find it hard to search. That old woman, aish.

Unti-unti kong binuklat ang aklat. Nanginginig ang mga palad kong hinawakan ang mga lumang pahina. Bawat page, parang tinatambol ang puso ko. Halos lahat ng nasa loob ng libro, lahat ito naranasan ko.

Napasinghap ako nang magliwanag na naman ito. This time, hindi ako agad hinigop. Walang pwersa ang naghahatak sa akin papasok.

Napakunot ang noo ko. Bakit?

Noong nasa loob ako, that guy never told me that he knew about the portal all along. And when we were about to be caught, he slashed my wrist for a drop of blood before the lights pop out.

"A blood!" I exclaimed and wander to look for any sharp materials.

Agad kong hinablot ang malapit na flower vase at binasag iyon. Ayoko sanang gawin ito. I am so scared to hurt myself because I am not a suicidal person. But I have to do this.

Pikit-mata akong humugot ng lakas at hiniwa ang kaliwa kong pulso gamit ang piraso ng bubog. Napangiwi ako.

Makirot. Hanggang sa maramdaman kong lumalabas na ang dugo rito. Nanghihina ang mga tuhod ko.

Mayamaya'y kusang kumilos na ang liwanag at agad akong pinalibutan.

Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko at hinayaang dalhin ako sa mundong minsan ko nang napuntahan.




***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top