CHAPTER 38
CELESTE'S POV
"Hera! Hera!"
"Hera gumising ka!"
Unti-unti kong iminulat ang hanggang ngayo'y nanlalabo kong mga paningin at tumambad sa akin ang kwartong purong kulay puti ang pintura. Puting bedsheet, puting kurtina, kisame at isang nakapinid na bintana. Kumurap-kumurap ako dahil naninibago ako sa nakikita ko sa aking paligid. Nasaan ako?
"Hija? Mabuti naman at nagising ka na. Dalawang araw ka nang narito sa hospital at walang-malay. Tiyak matutuwa ang kuya at mga kaibigan mo oras na malaman nilang nagka-ulirat ka na." Isang ginang na nakasuot na kulay-puting coat ang pumasok sa silid na kinaroroonan ko at may malapad na ngisi. "Ako nga pala si Doctora Cordero," dagdag pa nito na hindi ko na binigyang-pansin pa.
"N-Nasaan ako?" Gustuhin ko mang makapagtanong pa ng ilang bagay ay ito na lamang ang kusang lumabas sa bibig ko.
"Celeste!" Ngunit bago pa man makasagot ang doktora ay nakarinig na ako ng mga yabag at sigawan na paparating. Pumasok ang isang babae at dalawang lalaki at dinaluhan kami. Tila tuwang-tuwa na makita akong buhay at humihinga pa. Kung hindi pa nabubura sa ala-ala ko ay sina Truce, Patrice at kuya Chester ito.
"Celeste, bruha ka! Nag-alala kaming lahat sa'yo! Huhuhu! Akala namin mawawala ka na ee!" halos maiyak si Patrice nang yakapin ako.
"Oo nga nakakainis ka dude. Ingatan mo naman ang buhay mo. Di ka pa welcome sa langit, uy," pagbibiro pa ni Truce at inayos ang suot niyang eyeglasses.
"Narinig mo ang mga kaibigan mo. Next time, mag-iingat Celeste. Alam kong mahilig ka sa mga libro pero huwag mo naman ilagay ang buhay mo sa alanganin nang dahil sa isang libro lang. Hays, pambihira ka." Lumapit si kuya Chester sa akin at ginulo ang buhok ko. Napakunot naman ang noo ko dahil sa pinagsasasabi nila. Ano raw?
"A-ano bang nangyari?" Wala sa huwisyo kong tanong kaya nasapo ni Patrice ang noo niya.
"Hindi mo maalala? Ilang araw kang nawala. Natagpuan kang walang-malay sa loob ng lumang school library. Nagkalat ang mga libro sa tabi mo habang nakabulagta ka. Pinaghihinalaang nabagok ang ulo mo dahil roon," litanya niya sa akin.
"Hindi pa sure, icoconfirm pa kapag lumabas na ang result ng skull X-ray na ginawa sa'yo ni Doctora. Sa ngayon magpahinga ka na muna," dugtong at payo ni Truce.
"Oh, baka naman dahil roon naalog na ang utak mo. Sabihin mo nga sa amin, anong grade level mo na at saang school ka nag-aaral?"
"Grade 12, ABM student sa Hirokoshi High," sagot ko at tinaasan sila ng kilay. Anong akala nila sa akin? Nagka-amnesia agad?
"Anong pangalan mo?" Dahil sa tanong ni kuya ay napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman kong kumirot ito.
"Ayos ka lang?"
"Hala s'ya. Naalog nga ata."
Sa hindi malamang dahilan ay nakarinig ako ng mga hindi pamilyar na boses na tinatawag ako sa isang pangalan.
"Hera, Hera ang iyong pangalan."
'Simula ngayon ay tatawagin ka sa pangalan na Hera."
"Hera, hindi ba't napakagandang ngalan?"
"Bes, ayos ka lang?" Mas tumindi ang kirot ng ulo ko kaya napatingin ako kina kuya na naghihintay ng sagot ko.
"Anong pangalan mo?"
"H-Hera. Hera ang pangalan ko." Ang singkit na mga mata ni Patrice ay namilog at napatanggal naman ng kanyang eyeglasses si Truce. Napanganga si kuya Chester sa naging sagot ko.
"A-anong sabi mo?"
"H-Hera..." halos pabulong kong ulit.
"S-saan mo napulot ang pangalan na iyan? Celeste ang pangalan mo! Celeste San Pedro!"
"Cel, ayos ka lang ba?"
Nakita ko silang lahat. May pag-aalala sa kanilang mga tingin. Mas sumakit ang ulo ko at pinilit inalala ang lahat.
Libro. Liwanag. Kakaibang paligid. Mga di pamilyar na mukha. May boses na tumatawag sa akin. Sigurado ako na ako mismo ang tinatawag niya. Kusang tumulo ang butil ng luha mula sa mga mata ko.
Hera.
Hera.
"Sinabi ko sa professor mo na magle-leave ka ng one week para makapagpagaling. Dadalawin ka na lang raw rito sa bahay nina Truce at Patrice kaya hindi ka maiinip. By the way maggo-grocery ang kuya mamaya. May gusto ka ba ipabili?"
"Hoy, Celeste!"
Nagulat ako nang pitikin ako ni kuya Chester sa noo. Ngayon ay nakatingin na siya sa akin na parang may mali sa kaharap niya ngayon.
"S-sorry. Ano nga ulit 'yon?" pag-uulit ko sa tanong niya dahil hindi ko naintindihan. Kanina pa siya nagsasalita pero nanatiling lutang ang pag-iisip ko.
Pakiramdam ko naninibago ako. Sa paligid. Pati sa mga taong nakakasalamuha ko kanina pa, simula paglabas ko ng ospital. Hetong suot ko ngayon, pati ang pagkaing inihain sa akin ni kuya Chester. Lahat ng meron ako ngayon, parang hindi ko na alam kung para saan.
Nabagok ba ako? Napatitig ako sa mga palad ko. Pati sa palapulsuhan. Nanlaki ang mata kong kinapa-kapa ito.
Imposible. Wala nang sugat. Hindi na masakit. Pero bakit parang kanina lang, may humiwa nito gamit ang matalim na bagay?
Fudge. Ano bang mga iniisip ko?
Nadako ang tingin ko sa kabila kong palapulsuhan. Narito pa rin ang bracelet na binigay niya. Ibig sabihin, totoo ba lahat ng nangyari?
"Panaginip ba 'yon?" sambit ko na lamang sa sarili.
"Celeste, I'm talking to you!" Naka-cross arm na si kuya Chester kaya napaayos ako sa pagkakaupo.
"Cel," aniya at hinawakan ng mahigpit ang kaliwa kong kamay nang makaupo sa tabi ko. "Ano ba talagang nangyari sa'yo? Dalawang araw kang hindi umuwi rito sa bahay. Ano bang nangyari sa library?"
Dahil sa naging tanong niya ay natulala ako. Pakiramdam ko, nagbabalik sa utak ko lahat ng mga nangyari pero napakalabo. Bumubulusok ako pailalim. Napakaliwanag.
At may mga boses na tinatawag ako sa pangalang Hera.
Imposible. Imposibleng dalawang araw lang nangyari ang mga naranasan kong iyon. How could it be?
Agad akong napailing at agad niyakap si kuya. Nagulat man siya ay niyakap niya ako pabalik. Mas hinigpitan ko ang yakap at napaiyak na lamang.
"Such a cry baby. Ano na namang iniiyak mo, Cel?" he asked as he patted my head.
I missed him so much. I thought I would never see and hug him like this again.
"Akala ko hindi na kita makikita ulit. Akala ko mamamatay na ako," pautal-utal kong sagot sa pagitan ng mga hikbi. I heard him chuckled and wipe my tears using his handkerchief.
"Ano ka ba? Huwag mo ngang isipin iyan. Mahaba pa ang buhay mo. Marami ka pang dapat maranasan rito sa Tokyo. Gagraduate ka pa, magka-college, may ipapakilala ka pang boyfriend na Hapon, hindi ba? Hays. Huwag ka na nga umiyak," pagpapatahan niya sa akin kaya natawa naman ako.
"Smile, Celeste. You are here now, you are already safe." I smiled back and he squeezed my hand as if I have nothing to worry about.
"Take a rest. You need it. Para makapasok ka na sa school next week. I'll go ahead, baka marami nang tao sa grocery store. May ipapabili ka ba?" sambit pa niya at tumayo na mula sa pagkakaupo.
"Just a gallon of ice cream, kuya," sagot ko na lamang.
"Okay, noted kapatid!"
Pagkalabas pa lamang niya ng pintuan ay napasandal ako sa upuan at inilibot ang paningin sa buong bahay namin. Mula sa kisame, upuan, refrigerator, television, at iba pang appliances. Nakuha rin ng atensyon ko ang picture namin ni kuya Chester na magkasama. Nakalagay ito sa picture frame.
I took a deep sigh and smiled.
"I guess, I'm already home."
Malalaking kagat ang ginawa ko sa slice ng pizza kaya madali ko itong naubos. Mayamaya ay kumuha ulit ako ng isa pang slice at uminom ng ice tea.
Goodness, na-miss ko kumain ng mga ganito. Feeling ko tuloy nagmu-mukbang ako ngayon.
"Celeste, dahan-dahan naman. Baka ma-empacho ka niyan, sige ka," paalala ni Patrice at sumipsip sa inorder niyang shakes. Si Truce naman ay nakangiwi akong pinanonood.
"Grabe ka palang magka-amnesia lods. Daig mo pa ang hindi nakakain ng ilang linggo. Tumatakaw ka, eh." Binatukan siya ni Patrice kaya lalo siyang napangiwi. Halos mabilaukan naman ako dahil sa kanila.
"Gago ka ba? Hindi siya nagka-amnesia. See? She can still remember us! Baka!" gigil na sambit ni Patrice.
"Sorry naman. Pero Cel, wala ka ba talaga naalala bago ka mawalan ng malay sa loob ng library?" usisa pa ni Truce kaya natigil ako sa pagkain.
"Ako kasi malakas talaga ang instinct ko na may kinalaman riyan si Madame Akako. Siya lang naman ang naroon bago mawala si Cel, hindi ba?" Naniningkit pa ang mga mata ni Patrice habang nagkukwento.
"Kaya nga, eh. Ang creepy pa naman niya!" gatong pa nitong si Truce.
Tinapos ko muna ang pagkain, lumagok ng ice tea at hinarap sila pagkatapos.
"Maniniwala ba kayong hinigop ako ng libro papasok?"
Dahil sa naging tanong ko ay nabulunan ang ngayo'y kumakain na si Truce at halos maibuga naman ni Patrice ang iniinom niya.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top