CHAPTER 37

CELESTE'S POV



Napahigpit ang yakap ko kay Kaisei habang nakasakay kami sa kabayo. Tinatahak namin ngayon ang daan paakyat ng Hida, ang pinakamataas na kabundukan rito sa Gokayama. Gustuhin ko mang lingunin ang hitsura ng kaharian, ay natatakot ako.

Napapikit na lamang ako at yumuko.

"S-sa tingin mo ayos lang sila roon?" tanong ko sa tahimik na si Kaisei.

"Naroon si Jin at Itsoru protektahan ang kaharian maging ang hari at reyna. Matitibay ang pader na humaharang sa buong palasyo. Hindi basta-basta makakapasok ang mga armadong iyon," sagot niya na walang lingon-lingon. Napabuntong-hininga na lamang ako.

Gusto ko pang magtanong nang magtanong. Kung nasaan si Tsuyu sa mga panahong ito. Kung ayos lang rin ba siya? Alam ba niyang wala na ako sa palasyo?

Sa hindi inaasahan ay agad humalinghing ang kabayong sinasakyan namin. Wala kaming nagawa kundi mapaatras. Bumilis ang tibok ng puso ko nang masundan ito ng sunod-sunod na pagtama ng sibat sa pwesto namin. Kung saan nanggagaling ang mga ito, ay hindi ko rin alam.

"Hera, yuko!" sigaw ni Kaisei. Sinunod ko siya.

"Ayos ka lang ba?" tanong pa niya pero bago pa ako makasagot, pinaulanan muli kami ng sandata. Mas napasigaw ako sa takot.

Mula sa mga nagtataasang halaman, lumabas ang mga nag-aabang na armado mula sa kanluran. Pinalibutan nila kami.

Shit, wala na kaming takas. Nag-iisa lang si Kaisei. Hindi ako marunong makipaglaban. Iginala ko ang paningin. Wala kaming malulusutan. Rinig ko ang paghinga ng malalim ng prinsipeng kasama ko. Alam kong pati siya ay kinakabahan na rin.

"Saan mo naman balak dalhin ang dalagang iyan?" nakangising tanong ng armado na may mahabang peklat sa kanang pisngi.

Napalunok ako at napahigpit ang yakap kay Kaisei.

"Wala kayong takas. Ipaubaya mo na sa amin ang babae, at malaya ka nang makakauwi ng kaharian mo, mahal na prinsipe," ani pa ng isa pero hindi sila pinakinggan ni Kaisei.

Natatakot ako para sa buhay ko pero mas natatakot ako para sa buhay ng lalaking tinatangkang protektahan ako ngayon. He don't deserve this.

Isa lang naman akong hamak na taong mula sa kabilang mundo. Hindi nila responsibilidad na iligtas pa ako.

"K-Kaisei, iwan mo na ako. Sasama na lang ako sa kanila."

"Nahihibang ka na ba, Hera? Hindi ko hahayaang mangyari ulit ang nangyari sa'yo noon. Pakiusap, sumunod ka na lang. Itatakas kita rito."

"Mapapahamak ka lang dahil sa akin. Ako lang ang pakay nila. Kapag hinayaan mo ako, hahayaan na rin nila kayo," pangungumbinsi ko sa kanya pero tinadyakan lamang niya ang sinasakyan naming kabayo dahilan para humalinghing muli ito. Nagkaroon ng tsansa na mapaatras ng konti ang mga kalaban.

"Mula nang makilala kita, alam ko nang malalagay ang isa kong paa sa hukay. Pero dadalhin ko hanggang  hukay ang pangakong poprotektahan kita, Hera."

Dahil sa sinabi niya ay bumilis ang pintig ng puso ko.

Agad niyang hinugot ang espada niya at itinutok sa kawal na nasa harapan lamang niya. Ngunit tinawanan lamang siya nito.

"Alam ba ng hari na mas inuna mong protektahan ang hangal na iyan kaysa sa mamanahin mong trono? Hindi mo mapagsasabay ang dalawa, bata. Kailangan mong mamili. Ang palasyo, o ang babaeng iyan?" nang-aasar nitong tanong.

Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Kaisei sa espada niya. Nagtitimpi na lamang siya.

"Oh my God!"

Napasigaw  na lamang ako nang mamataan ko sa ere ang isang espada. Sa paglipad nito'y sumapol ang dulo sa leeg ng kawal. Nanlaki ang mata nito at nangingisay-ngisay na humandusay sa lupa.

Natutop ko ang sarili kong bibig at napaiyak.

"Pasensya na at nahuli ako."

Naiangat ko ang aking paningin nang marinig ang pamilyar na boses. Nakita ko siyang bumaba ng kabayo niya at hinugot mula sa patay nang armado ang kanyang espada. Nagsalubong ang titig namin. Naiiyak ako sa hindi ko alam na dahilan.

Ang dami niyang galos sa katawan pati sa mukha. May bahid pa ng dugo ang labi niya. Mukhang galing pa siya sa matinding pakikipaglaban. Ayos lang ba siya?

"T-Tsuyu..." usal ko at napakagat-labi upang pigilan ang pag-iyak.

Bumaba si Kaisei sa kabayo pagkuwa'y inalalayan rin akong makababa mula roon. Sa ngayon ay nag-aatrasan na ang ibang armado nang dumating si Tsuyu.

"Hera, hanggang dito na lang kita maihahatid." Nanlalaki ang mata kong napatingin kay Kaisei.  Nakatitig lamang siya kay Tsuyu na tila nag-uusap lamang sa tingin.

"A-ano?" pag-uulit ko. Iiwan na ba nila ako?

"Hanggang dito lang kita ihahatid. Si Tsuyu na ang bahala sa paglalakbay. Hindi ka pwedeng manatili rito at antayin akong matapos sa pakikipaglaban. Magpatuloy ka." Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi at nginitian ako.

Tuluyan na akong naiyak.

"Paano ka? Paano kung..."

"Kaya 'ko 'to. Ipangako mong magiging ligtas ka. Maiiwan ako rito para hindi na nila kayo masundan. Maliwanag ba?" paalala pa niya kaya napailing ako habang naiiyak.

Una si Mira. Ngayon siya naman. Sino pa ang susunod? Ayoko na.

Ayoko nang makitang may nagsasakripisyo para sa akin.

Nasasaktan ako.

"Kaisei..."

"Hera, magtiwala ka. Susunod ako." Napapikit na lamang ako nang hagkan niya ako sa noo. Dire-diretso na ang pagtulo ng luha ko.

"Ihatid mo siya ng ligtas. Sa pusod ng gubat, malapit sa balon. Alam mo naman siguro ang direksyon, hindi ba?" baling niya kay Tsuyu at  inihagis roon ang bag ko. Nasalo naman ito ni Tsuyu at napatango.

"Hera, mag-iingat ka," sambit pa niya kaya napatango ako kahit labag sa kalooban ko na iwan siya.

"Siraulo, ikaw ang mag-ingat." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nayakap siya nang mahigpit bago ako tuluyang sumama kay Tsuyu upang ipagpatuloy ang paglalakbay.

Kahit papaano ay naging malapit na rin siya sa puso ko. Hindi ko siya kayang iwan  ng ganito.

"Paalam, Hera."

Sa huling sulyap ko'y nakita ko ang ngiti niya at pagkaway bago tuluyang makipaglaban sa mga armado.








Isang hagulhol ang pinakawalan ko at napasalampak sa lupa matapos mapagdesisyunang magpahinga muna dahil madilim na rin.

Kanina pa ako iyak ng iyak. Wala na akong pakialam kung ma-dehydrate na ako dahil rito. Sa tuwing naiisip ko kasi ang nangyayari ngayon sa kaharian ay nanlulumo ako. Kumusta sina Jin at Itsoru? Paano kaya nila nakakaya ngayon ang pakikipaglaban kasama ang mga kawal? Si Mira? Sana ligtas siya roon.

Si Kaisei. Sabi niya susunod siya. Bakit hanggang ngayon, wala pa rin ni anino niya?

Bakit ang daming nagbubuwis ng buhay?

Panay ang singhot ko at tahimik namang nakikiramdam sa akin si Tsuyu na nasa di kalayuan mula sa pwesto ko. Isang dipa ang layo namin sa isa't isa. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Tanging hikbi ko lamang ang maririnig at huni ng mga kulisap sa aming paligid.

Pinahid ko ang mga luha at napatingala sa langit.

"Bakit kailangan n'yo pa akong protektahan?" I asked him but I received no answer. I heard him sigh.

"Tsuyu, kasalanan ko 'to. Dapat hindi na lang pumasok sa mundo n'yo. Hindi ko alam na ganito pala kakomplikado ang lahat. Sana nag-isip muna ako---"

"Nagsisisi kang nakilala mo ako?" Napatigil ako sa pagsasalita dahil sa naging tanong niya. Hindi ako nakaimik. Parang may pumipigil sa dila ko.

"Hera, mas gusto ko 'to kaysa sa mga nangyari noon. Ayoko nang makita kang nahihirapan. Tama nga ikaw dati. Hindi ka magiging masaya sa palasyo. Sasakalin ka nito hanggang mamatay ka," makahulugan niyang sambit. Naningkit ang mga mata ko. Ano bang sinasabi niya?

"Alam kong napahamak si Hera. Kayong apat, hindi n'yo siya natulungan. Huli na noong kumilos ka, nalagutan na siya ng hininga," litanya ko habang nakatitig lamang sa reaksyon niya.

"Inisip namin ang mga sarili namin noon. Ang sasabihin sa amin ng madla, ang kaparusahan na ipapataw ng hari. Ni hindi namin inisip na paano si Hera? Paano ka?"

"Tsuyu hindi ako ang inaakala n'yong si Hera! Malayong-malayo kami sa isa't isa, utang na loob!"

"Kung hindi ikaw, bakit ikaw ang nakikita ko lagi sa pagpikit ng mata ko?!" Napatingin siya sa akin. May namumuong luha mula sa kanyang mga mata.

May kumirot sa dibdib ko.

"Si Hera ka man o hindi, wala akong pakialam. Hindi namin nagawa ang tungkulin namin na protektahan siya noon. Kaya ngayong narito ka, hindi ka namin pababayaan. Hindi tulad ng pag-abandona namin sa kanya dati." Ramdam ko ang pagiging tapat niya sa mga binibitawang salita. Hindi ko namalayang kapwa na pala kami umiiyak.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Alinlangan man ay niyakap ko siya nang mahigpit.

"Salamat, Tsuyu..." tanging sambit ko na lamang at napapikit.

If I ever got a chance to be born and live again as Celeste in Tokyo, I will never forget this man I am hugging right now. I'll never forget his face, his name, and this feelings I have for him.









Sikat ng araw ang gumising sa akin at agad akong napabalikwas ng bangon. Bago pa man ako tumayo ay nakalahad na ang kanang kamay ni Tsuyu. Nakangiti rin siya sa akin.

"Bangon na, ipagpapatuloy pa natin ang paglalakbay," sambit niya kaya otomatiko akong napatayo. Pinagpagan ko ang unipormeng suot ko pa rin at saka sinuot na muli ang salakot.

Pero mayamaya'y napakislot ako at nakiramdam naman sa paligid si Tsuyu.

May naririnig kaming yabag. May paparating.

"Ilag!" Sa hindi inaasahan ay may nagpaulan na naman ng sandata mula sa iba't ibang direksyon. This time, these are knives.

What the hell? Mamamatay na yata kami.

"Tsuyu!" nag-aalala kong sigaw nang mapansin kong nadaplisan siya sa braso. Napangiwi siya pero hindi niya ito ininda.

"Takbo!" aniya at kinaladkad ako patungo sa ibang daanan habang pinauulanan pa rin kami ng sandamakmak na mga kutsilyo.









Paika-ika na siya ng lakad nang marating namin ang tuktok ng Hida. Naigala ko ang paningin ko sa paligid maging sa kaisa-isang balon na nakatayo sa di kalayuan.

Natutop ko ang bibig ko.

Pamilyar ang lugar na 'to. Dito ko noon natagpuan ang sarili ko matapos akong higupin ng libro.

"Tsuyu, ayos ka lang?" tanong ko pero hindi siya sumagot. Nagdurugo na ang sugat niya kaya akma ko sanang patitigilin muna upang gamutin nang hawakan niya ang kamay ko. Nanginginig siya.

"Tsuyu," naiiyak kong sambit.

"Ingatan mo ang sarili mo, Hera. Ipangako mo sa akin na mag-iingat ka palagi, anuman ang gawin mo." Hinawakan niya ang pisngi ko kahit nanginginig na ang mga kamay niya. Marahil ay dahil iyon sa sugat na natamo mula sa mga nagliliparang punyal.

"Ano bang sinasabi mo? Makakaligtas tayo," giit ko pero ngumiti lamang siya. Ngiti na pakiramdam ko huling beses ko nang masisilayan.

"Makakauwi ka na." Kumirot ang puso ko. Bumuka ang bibig ko ngunit walang salita ang nais lumabas.

"Hinihintay ka na nilang bumalik. Maraming nag-aabang sa pagbabalik mo. Ayoko nang dito ka muli maghirap at sa huli'y magsisi na naman ako, kami. Hindi ko na kakayanin. Kaya makakabuting ihatid na lang kita ng kusa, kaysa hayaan kang masakal ng Gokayama."

"Pero ang sabi mo hindi na ako makakauwi! Ang sabi ninyo wala nang daan pauwi ng Tokyo!" Nag-umpisa nang tumulo ang mga luha ko. Gusto ko mang magalit dahil nagsinungaling sila sa akin, hindi ko magawa.

All this time, may alam sila sa portal. They lied to me.

"Tsuyu, bakit?" Napasinghap ako.

Hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang iwan sa pagkakataong ito.

"Tsuyu," tawag ko sa kanya. Nanatili siyang nakatitig sa akin. May luha na rin sa kanyang mga mata.

"Ilang minuto paparating na sila," aniya at nakarinig na nga kami ng sigawan at yabag mula sa mga armado. They're coming after us.

"Tsuyu, tayo na! Tumakbo na tayo!" Akma ko na sanang hihilahin ang kamay niya nang hindi siya kumibo.

"Pakawalan mo ang babae at hayaan mo siyang sumama sa amin!" sigaw ng isang armado na ngayon ay papalapit na sa aming kinatatayuan. Kumakabog na ang puso ko sa takot.

Agad ngumisi si Tsuyu at hinugot ang espada niya. Pagkaraa'y hinawakan ako sa leeg na parang isang hostage. Napaluha na lamang ako.

"Heto ba ang pakay n'yo? Gusto n'yo bang tapusin ko na lang ang buhay niya sa harap ninyong lahat?" Nagulantang ang mga armado sa sinabi ni Tsuyu. Maging ako rin. I look at him in disbelief.

Hindi ko akalain na ang taong tumulong sa akin upang makarating rito ay siya rin palang tatapos ng buhay ko.

"Pakiusap, sabihin mong hindi totoo 'to," nangangatal kong wika pero tila walang narinig si Tsuyu. Mas hinigpitan niya ang hawak sa leeg ko to the point na hindi na ako makahinga.

Agad akong napasinghap nang ilapat niya ang kanyang espada sa palapulsuhan ko at ginilit iyon.

Nanghina bigla ang aking mga tuhod. Nakita ko kung paano sumirit ang masaganang dugo sa pulso ko. Tinotoo niya. This time, hindi siya nagsisinungaling.

All my life here in Gokayama, I'm always striving to escape from death threats. Nakaligtas ako sa pag-aalay. I even survived from tea poisoning. Ngunit ngayon ko lang nalaman na sa talim ng espada niya lang pala matatapos ang buhay ko.

Tumulo ang mga luha ko at napapikit na lamang upang tanggapin ang kapalaran. Marami nang dugo ang lumalabas mula sa malaking hiwa sa pulso ko. Pakiramdam ko nanlalabo na ang paningin ko. Otomatiko akong napaluhod.

"Ilang segundo na lang lalabas ang liwanag para ihatid ka pauwi," rinig kong bulong ni Tsuyu kaya napamulat ako at napatingin sa kanya kahit hinang-hina.

He slashed my wrist in a purpose, didn't he?

I smiled trying to savour my last energy before I close my eyes permanently. Unti-unti kong inangat ang palad ko upang haplusin ang pisngi niya sa huling pagkakataon.

Napangiti ako.

Alam kong kasalanan ang hawakan ang pisngi ng isang prinsipe pero ngayon, wala na akong pakialam. Kung kamatayan ang parusa sa kasalanang ito, handa na naman akong tanggapin iyon.

Tinitigan ko siya sa mga mata. May luha at pagdadalamhati.

Kumirot ang puso ko. Nasasaktan ako.

"Paalam, Hera." Bago pa niya tuluyang itarak ang talim ng kanyang espada sa dibdib ko ay nagliwanag bigla ang paligid.

Napapikit ako. Nakakasilaw. Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang pag-angat ng katawang-lupa ko. Hinihigop ako. Hindi ko alam kung papunta saan.

Napabitaw ako sa pagkakahawak-kamay ko kay Tsuyu at tuluyang napasigaw.







THIRD PERSON'S POV





Paluhod na napagbasak ang duguan at umiiyak na si Tsuyu. Nabitawan rin niya ang hawak na espada sa sobrang emosyon na nararamdaman.

Sa ikalawang pagkakataon ay pinakawalan na naman niya ang babaeng kahit kailan ay hindi niya makakasama ng habang-buhay. Ang kaninang hikbi ay nauwi sa hagulhol.

"Hinayaan niyang makatakas ang babae! Patayin ang prinsipe!"

"Patayin ang prinsipe!"

Nakatungo lamang siya. Wala na siyang pakialam kung matapos na rin ang kanyang buhay. Wala na rin namang dahilan para mabuhay pa siya.

Wala na si Hera.

Wala na ang babaeng mahal niya.

Napakagat-labi siya at napapikit. Naghihintay ng kamatayan sa kamay ng mga armadong nakapaligid na sa kanya.

Ngunit bago pa mangyari iyon, narinig na niya ang mga yabag galing sa kapatid niyang si Kaisei. Kahit hingal na hingal dahil sa kakatakbo ay handa itong saklolohan ang kapatid na ngayon'y hinang-hina na.

Matapos mapaslang ang halos anim na armado, hinagilap ni Kaisei ng tingin kung nasaan si Hera. Hindi niya ito mamataan.

"Nasaan si Hera?" tanong nito kay Tsuyu. Imbes na sumagot ay mas lumakas ang hagulhol nito dahilan para malaman na agad ng kapatid kung ano ang kinahinatnan ng dalaga.

"Huwag mo sabihing..." Hindi na ito tinapos ni Kaisei at nabitawan rin ang espada. Napalunok siya at napatingala upang huwag maiyak.

Hindi na niya naabutan si Hera. Hindi man lang siya nakapagpaalam. Mukhang nahuli siya.

Gusto niyang isigaw rin ang lahat ng sakit.

Pero tumango-tango lamang siya at napangiti.

"Tama ang desisyon mo. Hindi na siya maghihirap, Tsuyu." Mas lumakas ang iyak ng pangalawang prinsipe. Hindi akalain ni Kaisei na mas malalim pala ang nararamdaman nito para kay Hera kaysa sa damdamin niya para sa dalaga.

Ngayon alam na niya kung bakit mas matimbang si Tsuyu sa puso ni Hera mula pa noon.

Lumapit si Kaisei sa kapatid at tinapik ito sa balikat bago iabot ang isang bagay na nakalimutan niyang ibalik kay Hera.

Ang hairpin nito.

Tinanggap naman ito ni Tsuyu at pinagmasdan.

"Magiging masaya na siya sa kabila niyang buhay. Ipagpatuloy natin ang buhay natin rito. Umuwi na tayo, ibalita natin kina Jin at Itsoru na masayang nakabalik si Hera sa totoo niyang mundo," ani Kaisei at dahan-dahan ang hakbang palayo sa nagdadalamhati pa ring kapatid. Mas tumindi ang iyak nito.

Pagtalikod pa lamang niya ay nag-unahan na ring pumatak ang kanyang mga luha.

Napakasakit.

Hinayaan niyang tumulo ang luha ng pagpapaubaya at pagpapalaya.




***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top