CHAPTER 40

Iminulat ko ang mga mata ko.

Kumikirot pa rin ang kalamnan ko tulad ng dati. Para akong kinuryente sa hindi malamang dahilan. Napangiwi ako.

I found myself again in the middle of nowhere. But this time, alam ko na kung nasaan ako ngayon. I am here  in Mount Hida, nearby a well.

Kahit hinang-hina ay pilit akong bumangon. Napahawak ako sa pulso ko at natutop ang bibig.

"Fudge, I thought this will heal," bulong ko at napangiwi nang mapansing sugat pa rin ang kaliwa kong pulso matapos ko itong hiwain.

Pero bakit ganoon? Ang weird ng oras rito kumpara sa Tokyo. Sobrang laki ng pagkakaiba nila.

Napakagat-labi na lamang ako upang indain ang sakit. Hindi na naman nagdurugo pero kita ko pa rin ang pagkakahiwa nito. Shit, I never thought I'd hurt myself for the first time.

Now, I have to find my way back to the palace. I have to find Tsuyu and his siblings as well as Mira.









Paika-ika man ay naglakad ako palapit sa dalawang kawal na nagbabantay sa labas ng palasyo. Napadali ang pagbaba ko ng bundok dahil na rin sa mabuting Samaritan na nagpasakay sa akin sa kanyang kabayo.

Ilang metro akong napatigil mula sa gate. Napansin nilang nakatayo lamang ako at hindi gumagalaw.

Mayamaya ay bumukas ang malaking gate at niluwa nito ang isang kawal na pamilyar sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, ito iyong bantay na laging nakasunod  sa akin noong pinadala si Tsuyu sa giyera.

Para akong batang sinilip-silip siya habang masayang nakikipagkwentuhan sa dalawang kawal hanggang sa mapadako ang tingin niya sa akin. Tinuro niya ako at hindi makapaniwalang sumigaw. Tila gulat pa itong makita ako.

"Si Hera! Hera!"









Dahan-dahan kong inilapag ang tasa ng tsaa sa mesa at ngumiti sa dalawang prinsipe na kaharap ko ngayon. Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita.

"K-kumusta?" tanong ko kaya sa hindi malamang dahilan ay umalingawngaw sa apat na sulok ng silid ang malakas na iyak ni Itsoru sabay yakap sa akin nang sobrang higpit.

"Hera, buti nagbalik ka! Akala ko hindi na kita makikita ulit! Sayang at hindi mo nakita kung gaano ako kagaling makipaglaban!" aniya sa pagitan ng hikbi.
Napangiti ako at tinapik-tapik ang likuran niya. Ang batang prinsipe na ito talaga.

"Nakakahanga ka. Pinagtanggol mo ang kaharian," sagot ko at kumawala sa pagkakayakap.

"Hindi ka na ulit aalis hindi ba?" paniniyak pa ni Itsoru kaya napaiwas ako ng tingin sabay harap kay Jin na hindi nagpapakita ngayon ng kahit anong emosyon. Maging siya ay nagulat rin nang makita akong nakabalik.

"Itsoru, hindi siya mananatili rito ng matagal. Narito lang siya upang personal na makapagpaalam sa atin." Dahil sa sinabi ni Jin ay napatungo ako.

"T-totoo ba, Hera?" Pumiyok ang boses ni Itsoru.  Napatango ako.

"M-may gusto ka bang sabihin sa akin kahit sa huling pagkakataon?" nakangiti kong tanong kaya mas napahikbi siya. May mas iyakin pa pala kaysa sa akin.








"Hera, hindi kita makakalimutan. Sa ilang buwan mong pananatili rito sa palasyo, naging tunay at tapat kang kaibigan sa akin. Hindi ko lubos maisip kung bakit kailangan mo pang bumalik sa totoo mong mundo kung pwede ka namang manatili rito? Hera, kami ang pamilya mo. Pakiusap, huwag mo sana kaming kakalimutan. Umaasang babalik ka, Itsoru."

Halos mabasa ng luha ko ang papel na naglalaman ng sulat ni Itsoru sa akin. Napasalampak ako sa bato at nasapo ang mukha ko. Nasasaktan ako sa mga nababasa ko.

"Isinulat niya iyan dahil hindi niya kayang sabihin sa harapan. Malambot pa ang puso niya. Hindi niya kayang kontrolin ang emosyon. Sasabihan ko na lamang siya oras na nakaalis ka na," sambit ni Jin habang nakatingin sa malayo.

"S-salamat."

"Napakarami ko nang nabasang aklat kakahintay sa pagbabalik mo. Halos maubos ko na ang mga libro sa loob ng silid-aklatan. Pagkatapos nito, susunugin ko na naman ang kilay ko ng ilang taon at maghihintay muli kung babalik ka pa."

"Jin," sambit ko. Akala ko ay sa mismong sulat lamang ni Itsoru ako masasaktan. Pero mas tagos pala kapag naririnig mo.

"Maraming salamat, Hera. Sa pansamantalang oras at panahon. Patawarin mo ako kung naging duwag ako noon para iligtas ka. Naging makasarili ako. Para sa trono, para sa karangalan. Sana malaman mong pinagsisisihan ko ang pagtalikod ko sa iyo noong mga panahong kailangan mo ng tulong. Naging...espesyal ka para sa akin, kaya hindi kita malilimutan," nakangiti niyang litanya habang nakatingin pa rin sa malayo. Bakas sa mga mata niya ang lungkot. Napahawak ako sa dibdib ko. Kumikirot na naman ito.

"Parating na si Kaisei mayamaya lamang galing sa pangangaso. Kailangan mo ring ipaalam ang pag-alis mo," aniya at humarap na sa akin. Nakangiti pa rin siya.
"Hangad ko ang masaya at ligtas mong paglalakbay pabalik sa totoo mong mundo. Paalam, Hera. Hanggang sa muli." Tuluyan na siyang tumalikod sa akin matapos tapikin ang balikat ko.

"Jin," tawag ko kaya napahinto siya sa paglalakad.

"Kapag nakabalik ako, pwede mo bang ikwento sa akin lahat ng mga pamagat ng nabasa mong libro?" Pinilit kong pasayahin ang boses ko kahit naiiyak ako. Lumingon siya sa akin at napatango-tango. Ngumiti kami sa isa't isa.

Napaiyak na lamang ako habang pinagmamasdan siyang maglakad palayo. Gusto ko siyang habulin at makakwentuhan muli. Pero alam kong hindi na iyon mauulit pa.

Napayuko ako at hinayaan ang sarili na iiyak ang sakit.

Now I know that there's no good thing at goodbyes. It tortures me knowing that they have been that real friends to me.

Nakakalungkot lamang at magtatapos lang ang pagkakaibigan namin dahil lang sa hindi kami magkatugma ng panahon at ng oras.







"Hera?" Napahid ko ng mabilis ang mga luha ko at napatalikod nang marinig ang boses ni Kaisei. Itinago ko ang papel na naglalaman ng sulat ni Itsoru at inayos ang sarili.

"Hera!" masaya niyang sambit at agad akong niyakap ng pagkahigpit-higpit. "Hindi man lang ako nakapagpaalam sa'yo noong araw na iyon. Buti at bumalik ka. Masaya akong makita ka ulit," dugtong pa niya. Ngumiti ako ng tipid.

"Hindi rin ako magtatagal. Narito lang ako para pormal na makapagpaalam," tipid kong sagot kaya napawi ang ngiti sa mga labi niya.

"Mukha nga." Napaiwas siya ng tingin at napabuntong-hininga sabay tingala sa langit. I think I disappointed him too. They're thinking that I went back here to live permanently in Gokayama. But the truth is I cannot live with them in the palace. I have my own life too outside this book. I can't  just be a lost soul who will forever trap here inside their tale.

I am not Hera, afterall.

I heard him chuckled.

"Malungkot ang hari, tinraydor siya ng kaisa-isa niyang reyna." Nanlaki ang mga mata ko sa naririnig mula kay Kaisei.

"Pagkatapos ng paglusob, nalaman ang buong katotohanan. Na ang prinsesa ng Timog na si Takumi at ang reyna ay totoong magkadugo. May balak silang pabagsakin ang imperyo ng Gokayama kaya plano nilang maikasal ang prinsesa sa alin man sa amin."

"Nagalit ang kamahalan, lalo na nang malaman na ang reyna ang nasa likod ng pag-atakeng ito. Ipinatapon ang mag-ina pabalik sa Timog at sinintensyahan ng panghabang-buhay na pagkakaluklok sa maliit nilang pamayanan. Tinanggalan siya ng kapangyarihan, pati ng korona. Pero hindi siya magawang ipapatay ng hari sa kabila ng pagtataksil na ginawa sa kanya nito. Ibang klase talaga ang nagagawa ng pag-ibig," mapait na kwento ni Kaisei at halata sa boses niya ang hinanakit.

"Kaming apat na lamang ang mayroon  si ama. Hindi ko kayang sa pagkakataong ito ay mawala rin siya. Kaya ginagawa namin ang lahat para hindi mawala ang tiwala niya sa amin. Alam kong buong buhay niya, hinihintay niyang magkasundo kami at sa buong buhay na iyon, hindi man lang namin natupad ang gusto niya. Babawi kami." Narinig ko siyang suminghot at napapikit.

He's crying. Ilang araw lang akong nawala, napakarami na agad ng nangyari. Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang pinagdaraanan niya ngayon. I stand near him and hold his hand.

"Alam kong makakaya mo 'to lahat. Magagampanan mo ng mas mabuti ang responsibilidad bilang isang tagapagmana ng trono."

"Hera, wala na naman akong intensyon sa trono. Mula nang mawala ka, nawala na rin ang pagnanais ko sa kapangyarihan at karangalan. Sa akin, ayos lang kung mawala na lahat. Aalis rin naman lahat, hind ba?" Napatitig siya sa akin. Luhaan ang kanyang mga mata. Hindi ko alam ang isasagot.

Napasinghap siya at napatingin muli sa malayo.

"Si Mira, napaslang siya matapos manlaban sa mga armado."

Mas kumirot ang puso ko dahil sa sinabi niya.  Natutop ko na lamang ang bibig ko upang maiwasan ang malakas na pag-iyak. Napakasakit, dahil wala ako noong mga panahon na iyon para sa kanya. Hinayaan ko siya at tinakbuhan. Napakawalang-kwenta ko.

"Pero pinagbilin niya sa akin sa huli niyang hininga, na sabihin sa'yong huwag mong sisihin ang sarili mo sa mga mangyayari sa kanya. Isa siyang tapat na kaibigan sa'yo rito sa palasyo, Hera. Kaya sana huwag mo rin siyang kalimutan." Nagpatuloy ako sa pag-iyak at siya naman ay nagpapahid na ng luha.

"Hangad ko rin ang ligtas mong pagbabalik sa Tokyo," nakangiti na niyang sambit at napaharap sa akin. "Mag-iingat ka palagi. Huwag mong pababayaan ang sarili mo. Hindi kita malilimutan, Hera."

Mas tumindi ang nararamdaman kong emosyon nang yakapin niya ako ng mahigpit at pagtapik niya sa balikat ko.

Napatango siya at itinaas ang hinliliit na daliri.

That's our pinky promise.

"Walang limutan," kapwa naming sambit at pagkuwa'y nagtawanan.

"Maiba ako, hindi ka ba magpapaalam sa kanya?" Napawi ang ngiti ko.

"Kung gusto mo siyang makausap, nasa burol siya ngayon dahil dinadalaw ang mga kapatid niya. Ingat," paalam niya at agad kumaway palayo sa akin.

Pinahid ko ang luha ko habang pinapanood maglakad palayo sa akin ang ikatlong prinsipe.








Malakas na hampas ng hangin ang sumalubong sa akin pag-akyat pa lamang ng mataas na burol. Sinunod ko ang direksyon na tinuro sa akin ni Kaisei at natagpuan ko ang sarili ko rito. Hindi na naman ako magtatagal kaya kailangan ko na rin siya makausap. I have to go back as soon as possible.

Naluluha na ako nang matanaw ko pa lamang ang likuran niya. May sukbit pa rin siyang espada. Napakakisig pa rin niya.

Gusto ko siyang tawagin mula rito sa malayo. Gusto kong isigaw muli ang pangalan niya. Gusto ko na siyang yakapin. Naramdaman ko ang biglaan niyang pag-atras at mayamaya'y pagharap sa akin.

Gulat ang rumehistro sa mukha niya. Hindi ata niya inaasahan na magbabalik ako. Nginitian ko lamang siya at napayuko.

"Kamahalan, masaya akong makita ka ulit," sambit ko nang may paggalang.









Kapwa kami nakatitig sa dalawang puntod na nasa harapan namin ngayon. Ang isa ay kay Yamaro, at isa naman ay kay Yuri. Sa paanan ng puntod nila ay may bungkos ng mga bulaklak at mga kandila.

Mahal na mahal talaga niya ang dalawang ito kahit hindi niya mga kadugo.

Tanging ihip lang ng hangin ang nararamdaman ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at ninamnam ang lamig nito.

This is the last time that I will inhale the fresh air of Gokayama. I will surely miss it.

"Aalis ka rin, hindi ba?" he asked out of nowhere. I automatically open my eyes and face him.

"Bago ako tuluyang umalis, gusto ko muna magpasalamat," panimula ko dahilan para matawa siya. Hindi siya makatingin sa akin. Samantalang ako, panay ang titig sa kanya. Sinusulit ko na. Dahil alam kong walang isang Tsuyu sa Tokyo. Wala akong mahahanap na gaya niyang gagawin ang lahat para sa taong minamahal.

"Para saan naman ang pagpapasalamat mo?"

"Sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Gusto kong kahit umalis ako, hindi mo sisisihin ang sarili mo sa muli kong pagkawala. Naiintindihan mo ba? Pasensya na, ang gulo ko magpaliwanag," naluluha kong sambit at napatingala sa langit.

"Araw-araw ko namang sinisisi ang sarili ko kaya hindi ko magagawa iyan," giit niya.

"Maraming salamat, Tsuyu. Dahil sa'yo, ang dami kong natutunan sa pananatili sa loob ng palasyo. Sa katotohanan, ikaw ang...pinakamagandang nangyari sa buong buhay ko rito sa Gokayama." Napakagat-labi ako at napatungo.
Tumutulo na kasi ang mga luha ko.

"Aalis ka na nga talaga." May panghihinayang sa boses niya. Napalunok ako. Ang sakit sa lalamunan magpigil ng pag-iyak.

"Akala ko sa muli mong pagbabalik, hindi ka na aalis. Pero napagtanto kong bakit ko ipagpipilitan na manatili ka rito? Hindi ka nga pala tagarito. Hindi magkatugma ang oras at panahon natin. Magkaiba tayo ng mundo. Hindi tayo...nababagay sa isa't isa." I heard him sigh that made me even sicker.

Those words are very hurtful for me. Knowing that this is my first time to fall in love and for pete's sake, sa karakter pa ng isang libro!

"Ayokong sabihin na mag-ingat ka palagi dahil hindi mo naman gagawin. Pasaway ka, eh. Ang sa akin lang, gawin mo ang lahat para mabuhay. Maging matatag ka. Wala ako sa Tokyo para samahan at protektahan ka."

Sa sinabi niya'y tuluyan nang bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Napahawak ako sa mga tuhod ko dahil nanghihina na ang mga ito.

"Lagi mong tatandaan na kahit hindi mo ako kasama umalis, mananatili ako sa tabi mo, kahit saan ka magpunta, kahit kailan, Hera."

"Ikaw ang...paborito kong tao. At hindi mababago iyon."

Naiangat ko ang ulo ko upang tingnan ang bagay na iniaabot niya sa akin.

Ang hairpin ko.

Mas napaiyak ako. Alam ko na kung bakit niya ibinabalik sa akin ito ngayon.

"Sa pagbabalik ko ng bagay na ito ay tuluyan nang mapuputol ang koneksyon na mayroon tayo ngayon sa isa't isa. Pagbalik mo ng kabilang mundo, wala ka nang maaalala. Si Jin, si Kaisei, si Itsoru, ang hari, ang buong Gokayama at lahat ng mga naranasan mo rito. Lahat ng ito mabubura sa alaala mo, pati na ako."

"Mabubuhay ka ulit ng normal, Hera. Huwag mo na ulit kami hanapin pa. Ito ang mas makakabuti para sa ating dalawa." May luha sa kanyang mga mata.

Napatitig ako sa hairpin na iniaabot ng nanginginig niyang mga kamay. Napakagat-labi ako at napasinghot.

Wala na akong pakialam kung makita niya ako bilang isang iyakin. Nasasaktan ako ngayon.

Ayoko sana siyang iwan. Pero alam kong hindi ako pwedeng manatili rito.

Iba ang nakatadhana sa kanya. Ibang buhay ang nakalaan para sa akin.

"Hindi mo naman ako malilimutan, di'ba Tsuyu?" paninigurado ko sa pagitan ng pag-iyak. Tumitig lamang siya sa akin at napangiti. Ngiti na walang bakas ng pagsisisi. Alam kong sa muli kong pagbalik ay tuluyan ko na siyang hindi maaalala. Pero ako kaya, matandaan pa rin niya rito?

"Palagi mo akong kasama, Hera. Parati kang kasama sa lahat ng panalangin ko rito sa Gokayama." Mas kumirot ang puso ko.

Dahan-dahan kong tinanggap ang hairpin at napahigpit ang kapit rito. Napatango siya.

"Paalam, Hera."

Bago pa tuluyang magliwanag ang paligid ko ay otomatiko ko siyang sinunggaban ng yakap. Sobrang higpit. Ayoko na siyang pakawalan.

Ramdam ko ang pagganti niya ng yakap. Mas naiyak ako.

Hindi ko na siya mayayakap ng ganito pagkatapos ng lahat. Mami-miss ko ng sobra ang prinsipe na ito.

"Tsuyu, mag-iingat ka palagi. Ai shiteru!"

Sa wakas ay nasambit ko ang mga katagang akala ko'y imposibleng hindi ko masasabi sa kanya.  This is the first and last time I would say this. I wish to bring him to Tokyo with me, but that's impossible.

"Ai---"

Bago ko pa marinig ang sagot niya ay tuluyan nang nagliwanag ang lahat sa akin. Tila hinihigop na naman ako papasok ng tunnel. Tuluyan ako napabitaw sa pagkakayakap niya.

Hindi ko na narinig ang sigaw ko. Tinatawag ko pa rin ang pangalan niya, pero nakangiti lamang siya sa akin habang kumakaway.

Alam na niyang mangyayari ito. Walang bakas ng pagsisisi sa muli naming pag-uusap. Pinaghandaan niya itong mabuti.

Napapikit na lamang ako hanggang sa magdilim na sa akin ang lahat.











Sa isang iglap ay natagpuan ko na naman ang sarili ko sa loob ng madilim at tahimik na library. Nakaupo katabi ng basag na flower vase at ang mga nalaglag na aklat.

Natutop ko ang bibig ko at nagsimula nang humikbi kahit hindi ko alam ang dahilan.

"Fudge, Celeste? It's almost 3 in the morning. Nakatulog ba ako? Taragis naman! Yare ako kay kuya," mura ko sa sarili nang mapatingin sa wrist watch. Pumunta lang ata ako rito para magbreak-down.

Dahan-dahan ako napatayo at pinagpagan ang suot kong palda dahil sa alikabok.

"Tangina, ano bang ginagawa ko? Ugh!"

Paika-ika akong naglakad palabas ng silid-aklatan habang kinakausap ang sarili ko.

I have to go back home now. I'm sure kuya Chester will be mad at me for sneaking out.



***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top