Episode 8
"BAKIT ako maghahanda? Birthday ko ba?" Kumunot ang noo ko kay Liwanag. "Fiesta ba?"
Doon ay napaharap siya sa akin. Nakabusangot. Matapos ay nagkamot siya sa ulo na para bang sinasabing isa akong malalang problema para sa kanya. "Alam mo? Ang bobo mo talaga."
Napaka-tabil talaga ng nguso nito. Kapag talaga ako hindi nakapag-pigil, papapakin ko 'yan gamit ang labi ko. Taenang 'yan.
"Eh, bakit ba kasi pinaghahanda mo ako?"
"Eh kasi nga," isang malalim na buntonghininga ang kanyang pinakawalan bago muling nagsalita, "haliparot ang mga diwatang 'yon."
Tinaasan niya ako ng kilay bago tingnan mula ulo hanggang paa. "At sa katawan at mukha mong 'yan, hindi na nakakagulat na pati ikaw, harutin nila."
"Bakit, magseselos ka ba kapag hinarot nila ako?" Nagtaas-baba ang mga kilay ko. Siya naman ay kinunutan lang ako ng noo.
"Pero teka nga." Naningkit ang mga mata ko. "Hindi ba magandang ideya 'yon? Kapag naakit sila sa akin, edi mabilis natin silang mapapapayag sa gusto natin—,"
"Tanga." Ang marahas niyang pagputol sa akin. "Kapag naakit sila sa isang lalaki, namamatay 'yon. Isa iyong sumpa na iginawad sa kanila ng may kapal. Gusto mong mamatay?"
"Gagi, hindi!" Ramdam ko ang biglang pamumulta ng mukha ko. Kingina, ito na ba 'yung reference sa too much love will you?!
"Kaya manahimik ka diyan kapag humarap na tayo sa kanila. Hayaan mong ako na lang ang dumiskarte para hindi ka mapahamak. Maliwanag ba 'yon?"
I nod at her. Ramdam kong ngayon ay halata sa mukha ko ang takot at pangamba na baka ang tatlong diwatang iyon na nga ang maging katapusan ko. Taena, ayoko nga!
Naglakad na uli kami ni Liwanag patungo doon sa mahiwagang kubo. Habang papalapit kami nang papalapit doon ay dito ko lang napagtatanto na papalaki rin pala nang papalaki ang kubong iyon. It was really gigantic that I can easily compare it to the buildings of Manila.
Hanggang sa ilan pang paghakbang ang ginawa namin ay bigla, may isang bintana ang nagbukas. Hanggang sa sinundan iyon ng pangalawa at hindi na nga rin nagtagal ay bumukas na rin iyong panghuli.
"Isang lalaki . . ." Sambit ng isang malanding boses ng babae.
"Mabango . . . At hmmm, mukhang matipuno." Ang sagot naman ng isa pa. Nagmumula iyon sa pangalawang bintana.
Hanggang sa napalunok na lang talaga ako nang bigla, may mga animo higanteng dumungaw mula sa mga bintana. Lahat sila ay magaganda. Ang kanilang mga balat ay kayumanggi. Ang kanilang bahagyang kulot na buhok ay tila ba umaalon kasabay ng hangin na hindi ko malaman kung saan nanggagaling.
One thing is for sure. With their beauty, they are all glowing.
"Tama ang aking tinuran, Maria Makiling!" Sambit ng diwata mula sa unang bintana. "Makisig ang binatang ito. Ang kanyang katawan ay tila ba kasing hubog ng maskuladong pangangatawan ng Panginoong Sidapa, ang mukha naman niya ay tila ba kasing-amo ng kay Lakambini."
I blinked. Why do I fucking feel like she just criticized my physique as if I am a contestant for a male pageant contest?!
"Sumasang-ayon ako, Maria Sinukuan." Told by the other one from the third window. Hindi ko alam pero natutunaw ako sa paraan kung papaano niya ako tingnan habang nakakagat-labi.
"Mukhang ang lalaking ito ang panibagong sanhi ng ating pagtatalo, Maria Cacao." Ang tugon naman ng diwata mula sa gitnang bintana.
"Hep! Bago kayo humarot diyan!" Ang pagpigil naman ni Liwanag sa tatlo. Gusto ko na ngang magtago sa likod niya dahil sa takot kaso ma-pride lang talaga ako.
"Ipapaalala ko lang na . . ." Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Na ang lalaking ito ay akin nang kasintahan. Hindi ninyo na siya maari pang silatin mula sa akin."
I continued blinking at Liwanag. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napangiti. Hindi ko talaga alam kung bakit lalong lumalawak ang ngiting ito sa pagtagal ng mga segundo.
Kingina, kinikilig ba ako?
"Maswerte ka at naunahan mo kami, Liwanag." Isang banayad na tawa ang ginawa nung diwatang nag-ngangalang Maria Cacao.
"Siya nga." Tugon naman ni Maria Sinukuan.
"Pero ano ba ang sinadya ninyo dito, Liwanag?" Si Maria Makiling. "Katatapos lang naming mag-ayos ng sigalot sa aming tatlo, mabuti at naging sakto ang oras ng iyong pagdulog."
"Kami ay nandito upang hingin ang inyong tulong." Then Liwanag nudged me on my arms. Doon lang ako natauhan. Doon ko lang na-realize na kanina pa pala ako nakatulala sa kanyang mukha. Kikisap-kisap ay tumango-tango ako.
"Y-Yes, she is right!"
"Tanga, hindi nakakaintindi ng english ang mga 'yan." Mariing bulong sa akin ni Liwanag.
Uubo-ubo ay napangiwi ako. "I mean—ang ibig kong sabihin ay . . . ay . . . ay tama ang kanyang sinabi!"
"At anong tulong naman ang gusto ninyong isadya sa amin?" Dito na tumaas ang kilay ni Maria Makiling. Mukhang hindi ito magandang senyales para sa amin.
"Gusto lang naming hingin ang inyong tulong para mapakiusapan ang Panginoong Sidapa na maitawid sa mundo ng mga tao ang taga-daigdig na ito."
Liwanag continued after she heaved a deep sigh. "Ako ang nagdala sa kanya dito. Sa kasalanang iyon ay pinatawan ako ng Panginoong Lakambini ng isang mabigat na kaparusahan. Ang masunog sa Kasanaan habang buhay kung hindi ko maitatawid sa kabilang mundo ang taga-daigdig na ito bago sumapit ang panibagong kabilugan ng buwan"
"Hmmm . . ." It was Maria Sinukuan. "Maaari naman namin iyong gawin pero Liwanag, alam mong lahat ng bagay para sa amin ay may kapalit— may kabayaran."
"And what is that—" ang pag-sagot ko sana pero siniko na naman ako ni Liwanag.
"At ano naman ang gusto ninyong maging kabayaran para dito?" Then she appeared to translate what I just said.
"Madali lang naman . . ." Sambit ni Maria Cacao bago sila magkatinginang tatlo. Nang muling bumalik sa amin ang kanilang mga mata ay may matatamis na silang ngiti. Isang bagay na hindi ko alam kung ikakatuwa ba namin o hindi.
"Kailangan ninyong sundin ang tatlong ipag-u-utos namin. Kung hindi ninyo ito magtatagumpayan ay patawarin ninyo sana kami kung hindi namin maigagawa ang tulong na inyong hinihingi."
"Handa kami sa lahat ng kondisyon ninyo, Maria Makiling." Liwanag's eyes are flaming right now as if the approval of these three diwatas is our one and only hope. "Handang-handa kami."
"Tama ba ang iyong tinuran? Na handa talaga kayo sa kapalit na aming hihingin?" Said by Maria Sinukuan. She looked like Liwanag's confidence is an entertainment for her.
"Oo, handang-handa kami." I answered. Equalling the confidence of Liwanag.
"Kung gayon, magdala kayo sa akin ng isang daang ginintuang hiblang buhok ng isang Tikbalang." Si Maria Cacao. Na agad sinundan ni Maria Sinukuan.
"Ang sa akin naman ay ang ulo ng Tiyanak na dati nang gumigimbala sa Bundok Arayat."
My mount went agape when it was Maria Makiling's turn. "Isang pirasong kristal sa korona ng reyna ng mga engkanto naman ang ninanais ko."
Tangina, ano 'to? Bring me? Bakit naman walang nagsabi sa akin na christmas party pala 'to?!
Matapos ay sabay-sabay silang nagsalita. "Ang tatlong kahilingan na iyon kapalit sa pagpayag naming maging daan para makausap ninyo ang Panginoong Sidapa. Magagawa ninyo ba ito bago sumapit ang panibagong kabilugan ng buwan?"
"Ah . . . Ehehe . . ." Liwanag's blood seems to leave her face. Kitang-kita ko ang pamumutla niya. Pati na rin ang kaba mula sa kanyang mga mata.
"O-Opo," she glanced at me and secretly winced, "m-magagawa po namin lahat ng iyan."
That moment, her conviction is nowhere to be found on her voice. Just like my hopes on escaping this fucking world. Those requests seemed impossible for us to achieve. Nodding our head to that is also us, flashing them a tarpaulin that says, "yes, we are ready to die."
aUq nHua, b0ozX .....!!!...?!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top