Episode 9

"SO, what are we going to do now?" Ang tanong ko kay Liwanag nang makalayo na kami sa kubo ng tatlong Maria.

She has a poker face when she faced me. "Ano pa nga ba? E 'di, magpakamatay."

Doon ay napasimangot ako sa kanya. Wala talaga sa katinuan ang isang 'to. Pero ano pa nga ba ang dapat kong asahan? Wala din naman sa katinuan ang mundong ginagalawan namin ngayon.

"Charot." Ang dagdag niya pa. Huminga siya nang malalim bago muling magsalita.

"Wala tayong choice kung hindi ang sundin ang tatlong kondisyon nila. Kasi hindi naman tayo gold. Hindi nila gagawin ang isang pabor kung wala iyong kapalit. Kaya kahit na mahirap . . . Kahit na mukhang imposible ang hinihingi nila, kailangan natin silang sundin. Kailangan nating maibigay ang kondisyon nila."

Napakamot na lang ako sa likod ng ulo ko. Uncertainty is really prominent on her voice right now. She seemed telling me that the hope for me to escape this underworld is at it's lowest percentage. Ang nakakainis pa dito, umaakto pa siyang okay lang ang lahat pero sa totoo lang, mukha na siyang matatae sa kaba.

Natulala na lang talaga ako. 

"Hep, 'wag munang mawalan ng pag-asa." She waved her hand on my face. That made me snapped out of my trance. "Mayroon pa tayong thirty days para masunod ang gusto nila. Mahaba pa ang susunod na kabilugan ng buwan."

"Ano ba kasing mayroon sa full moon na 'yan? Bakit ang big deal niyan? Bakit iyan ang basehan ninyo para makalabas ako dito?"

"Nagbubukas lang kasi ang portal papunta sa mundo ng mga tao tuwing kabilugan ng buwan. Ang liwanag na dala niyon ay ang tanging pinagkukunan ng lakas ng portal na iyon."

Naningkit ang mga mata ko sa kanya. "And? And if ever hindi ako makalabas sa full moon ngayong buwan, pwede namang sa susunod na full moon naman 'di ba?"

She shook her head. I don't know why I swallowed hard when she heaved another deep sigh. "Kapag hindi ka pa nakalabas sa susunod na full moon, habang buhay ka nang ma-ta-trap dito. Iyon ang patakaran ng yumaong Bathala."

That revelation made me stopped in combined confusion and fear. I never plan to die at this age. Yes, I was a suicidal teenager before but I will never wish my life to end this way.

I don't want this.

"Para mas malinaw sa 'yo, you are basically half alive right now. Maaaring sa mundong ibabaw, nasa hospital na ngayon ang katawang tao mo. Comatose. Buhay ka pero nasa kalagitnaan ka na ng kamatayan. Ang kaluluwa mo na lang ang naglalakbay ngayon dito sa mundong ilalim."

She continued with concern on her eyes. "Everything is still uncertain about your life at this moment. Kasi may chance na sumuko ang mga mahal mo sa buhay. Baka one of these days, mag-give up na lang sila at piliing patayin ang life support na tanging nagbibigay sa 'yo ng buhay sa mundong ibabaw. Kaya hangga't maaga pa— hangga't may oras pa, kailangan na nating magmadali."

Tila bang nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa narinig. Para ba itong kusang nabaklas. Bigla ay napaupo na lang ako sa lupa. Bumibigat ang mainit na kaba mula sa dibdib ko. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko para pakalmahin ang sarili ko.

Pero bigla akong napakurap nang makita ko ang kamay ni Liwanag. Inilahad niya iyon sa akin. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay seryoso ang kanyang mukha.

"Ano, uupo ka na lang ba diyan? O sasamahan mo akong simulan ang tatlong kondisyon ng mga Maria?"

"I think, we can't do that."

She rolled her eyes at me. "Akong bahala. Magtiwala ka sa akin." 

Huminga ako nang malalim. Puno ng lungkot sa mga mata, inabot ko ang kamay niya. Muli akong tumayo. Walang gana akong tumango sa kanya.

"So, what are we going to do now?"

"Simulan natin ang pabor ni Maria Cacao— ang isang daang ginintuang hibla ng buhok ng isang tikbalang."

"Tikbalang? What the fuck is that?"

She rolled her eyes at me for the second time. "Sila ay mga elemento na kalahating kabayo at kalahating tao. May ulo at paa sila ng mga kabayo pero kagaya naman ng sa tao ang kanilang katawan."

"That is . . . hilarious." I mumbled with a shocked face. "Wait, so paano pala tayo makakahanap ng ganoong . . . I don't know, hayop? Monster?"

"Ako nang bahala."

Bigla ay nagliwanag na naman ang kanyang katawan. And before I even knew it, she is now transforming into a humongous native pig! Sa laki niya ay pupusta akong kasing laki niya ang isang narra tree!

"Oink! Oink!" She mumbled with a language that I will never understand— but somehow, I realized. She wants me to ride on her back.

Bakas ang pag-aalangan sa mukha ay unti-unti akong umakyat sa kanyang likuran. At hindi ako naging handa nang bigla siyang tumakbo nang mabilis. Iyon ang dahilan kung bakit ako napakapit sa makapal niyang balahibo.

Malakas na hangin ang humahampas sa katawan ko. Gayon na rin ang mga sanga ng puno na tila bang binubugbog ako. Paniguradong matapos ang nakakamatay na ride na ito, magmumukha akong nabugbog ni Manny Pacquiao!

"Wala na bang ibibilis 'yan, ha?! I-todo mo na kaya—" my sarcasm gets the worst out me of. Mas binilisan pa niya ang pagtakbo. Halos humiwalay talaga ang kaluluwa ko dahil sa kanyang bilis.

"Pukingina naman!!!" Ang paghiyaw ko habang nagdadasal sa lahat ng diyos na sana ay buhay pa rin ako matapos nito! Kasi tangina naman, mukhang ito talaga ang ikamamatay ko!

Ilang minuto ang nakalipas ay inakala ko na talagang mamamatay na ako. Mabuti na lang at bigla siyang huminto. Sa biglang paghinto niya ay talagang tumilapon ako sa damuhan.

"Aray! Tangina naman, akala mo kasi laging dino-dogshow, eh—"

Bigla niyang tinakpan ang bibig ko. Ngayon ay isa na uli siyang tao. "Tumahimik ka, gago!" Ang mariin niyang bulong sa akin.

Doon lang ako napatingin sa kung nasaan kami. Ngayon ay nagtatago kami sa likod ng isang malaking balete tree. At mula sa kalayuan ay may natatanaw akong para bang isang garden wedding.

At ang weird ng panahon ngayon.

Tirik na tirik naman ang araw pero bakit ang lakas ng ulan?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top