Episode 7
MALAKAS na hangin ang humahampas sa mukha ko. Pakiramdam ko talaga ngayon ay para akong nasa isang roller coaster ride. Sa bilis na ginagawa namin ay pucha, baka masuka na lang talaga ako bigla dito!
"Walangya, pwede bang bagalan mo lang?! Kapag talaga ikaw, nasukahan ko! Walang sisihan, ha!" I asked Liwanag but she only glared at me. And with the transformation that she has right now, I never dare myself to mumble any words that might trigger her to just drop me in the middle of the sky.
Napangiwi na lang talaga ako habang pumapasok kami sa isang malaking ulap. Wala akong makita dito sa loob kung hindi puting mga usok. Nang makalabas naman kami ay doon ko lang napansin na basang-basa na pala ang kasuotan ko.
Doon ay lalo akong napangiwi. I glared at Liwanag. Pakiramdam ko kasi ay sinasadya niya na lang talaga ito.
Sa huli ay nag-buntong hininga na lang ako. Piniling manahimik dahil ano pa nga ba ang magagawa ko? It's like I am held hostage by her in the middle of the sky.
The least that I can do now is to just be kind and cooperative to her.
Kung curious kayo kung ano ang nangyayari sa amin ngayon. Oo, nakasakay ako ngayon kay Liwanag. At kung green minded ka, namo ka. Hindi 'yon ang tinutukoy ko.
Kanina lang kasi ay nagpalit anyo si Liwanag. Ngayon ay isa na siyang puting agila. Kumiskislap ang balahibo niya sa ilalim ng araw. Gayon na rin ang pakpak niyang para bang may natural na glitters. Sa totoo lang, tila ba siya nagliliwanag ngayon.
Hindi ko na talaga alam kung ano ang uunahin kong ikatakot. Ang masukahan siya dahil kanina pa ako nalulula dito? O ang bigla na lang mahulog sa ere dahil sa bilis niyang lumipad?!
Shutangina lang!
Stressed na nga ako, lalo pa akong na-i-stress!
Pero mabuti na lang talaga at bigla, unti-unting naging mabagal ang ginawa niyang paglipad. And before I knew it, unti-unti na rin kaming nag-la-landing sa isang kagubatan na punong-puno ng mga puno na may ginintuang mga dahon.
Nang makalapag na kami sa damuhan ay talagang namangha ako sa mga nakita. Ginintuang mga puno. Iba't iba ang kulay ng mga bulaklak sa damuhan, gayon na rin ang mga paro-paro na tila ba naghahabulan sa ibabaw ng mga bulaklak. Idagdag pa dito ang nakaka-relax na huni ng mga ibon mula sa ibabaw ng mga puno.
Everything here seemed like a disney movie.
Napanganga na lang talaga ako sa pagkamangha.
Pero ganoon na lang ang gulat ko nang bigla, may naramdaman akong pumasok sa bibig ko. Uubo-ubo ay dinura ko ang bagay na iyon. Sa lupa ay nakita kong isa lang pala iyong bulaklak.
I glared at Liwanag. Dahil kaming dalawa lang naman dito, siya lang talaga ang iisipin kong gagawa ng kagaguhang iyon sa akin!
"Ano?" She mumbled while knitting her eye brows. Isa na uli siyang magandang babae ngayon at oo, na wala pa ring bra.
"Bakit sinubuan mo ako ng bulaklak? Baka kapag ako ang may sinubo sa 'yo, umayaw ka diyan."
Lalong kumunot ang kanyang noo. "Tanga ka. Hindi ako 'yon." Matapos ay pinahaba niya ang nguso niya na tila ba tinuturo ang tabi ng mga binti ko. "Siya 'yon."
"Ha?"
Biglang sumulpot sa tabi ko ang isang duwende na nakasuot ng makulay at kumikinang na kasuotan. Mayroon din siyang mga gintong alahas.
Napatalon talaga ako sa gulat. Kahit na alam ko naman nang hindi ito normal na mundo ay ewan ko ba, nagugulat pa rin ako! Na-wa-warshock pa rin ako! Hanuba!
"Hoy, Bulinggit." Sambit ni Liwanag habang ako ay nanlalaki pa rin ang mga mata doon sa duwende. "Nandito kami ngayon para sa tatlong Maria. Nandiyan ba sila sa kanilang tahanan?"
Tumango ang Duwende sa kanya. "Mapalad kayo dahil kumpleto silang tatlo ngayon pero binabalaan kita, Liwanag. Kung ano man ang isasadya mo sa kanila ay mukhang hindi ito ang tamang oras. May alitan kasing namamagitan sa kanilang tatlo kung kaya't baka sa inyo nila mabunton ang lahat ng mga agam-agam nila."
"Ano na namang pinag-awayan nila?"
"Ano pa nga ba?" He smirked at her then chuckled. "Edi lalaki."
Doon ay napahagalpak si Liwanag habang napapailing. "Mahaharot talaga."
"Teka nga, sa kasuotan ng iyong kasama ay nawawari ko na siya ay isang taga-daigdig." Mula sa mukha ay naglakbay papunta sa paa ko ang mga mata ng Duwende. "Huwag mong sabihing ikaw ang nagdala sa kanya dito, Liwanag. Alam mo namang mariing ipinagbabawal iyon ng mga panginoon—"
"Let me rephrase that." Liwanag cut him off as if she is the bad bitch ever. "Hindi ko siya dinala dito. Sadyang bobo lang 'yan kaya siya napadpad dito. Sino ba namang tanga ang tatalon sa ilog para lang sa isang rabbit? Apakabobo talaga."
Ang galing! Kung i-rant ako sa ibang tao, parang wala ako sa harap niya!
I only glared at her and she just rolled her eyes at me again. "Kaya ayan, na-award-an tuloy ako ng Panginoong Lakambini."
Napakamot pa siya sa kanyang ulo na para bang sa pagitan naming dalawa, siya lang ang stress na stress, "apakabobo talaga!"
Tumikhim ang Duwende. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala kay Liwanag. "Mag-ingat ka, Liwanag at nawa ay mapagtagumpayan mo ang misyon na ito."
Matapos din niyon ay nagpaalam na ang nilalang na iyon kay Liwanag. At hindi ko alam pero para talaga akong nasa isang panaginip ngayon. Every shit seemed possible here and I am not here for it!
Makaraan ang ilang sandali ay binaybay na namin ni Liwanag ang isang daan na madilim ngunit lumiliwanag dahil sa gintong mga puno. Pero nagkamali pala ako. Sa malapitan ay hindi pala ginto ang mga dahon nito. Actually, wala talagang dahon ang mga puno dito. Ang mayroon lang ay mga alitaptap na nagliliparan sa bawat sanga ng mga puno. Sa dami nila ay talagang nagmistula silang mga dahon na kumikislap.
Sa dulo ng daan ay may natanaw akong isang kubo. Normal lang ang kubo na iyon. May tatlong bintana sa taas at may isang pinto sa baba. Madalas ko itong nakikita sa mga probinsya kapag taping namin.
"Malapit na tayo, ihanda mo na ang sarili mo." Liwanag told me and this is the very first time that I saw her this serious.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top