Chapter 25

NANG makalabas siya ng subdivision ay mabilis siyang nagpara ng taxi. Sumakay siya rito na hindi alam kung saan ang patutunguhan.
"Saan ho kayo, miss?" tanong ng driver sa kaniya. Sumilip pa ito sa rear-view mirror. Alam niyang kinukwesyon na siya nito dahil sa pag-iyak niya nang pag-iyak pero winalang bahala niya ito.
At nag-isip kung saan niya gusto pumunta. Wala siyang kaibigan maliban sa mga pinsan niya pero hindi niya kayang makausap pa ang mga ito.
Napaisip siya kung alam din ba nila na hindi siya tunay na anak ng magulang niya. Dahil kung alam nila at hindi man lang nagawang sabihin sa kaniya ng mga ito ang katotohanan. Hindi na niya alam kung sino ang paniniwalaan.
Pinunasan niya ang luhang ayaw tumigil sa pag-agos. Kung sa gano'n, nasaan ang tunay niyang magulang?
"Ma'am?"
Inangat niya ang tingin sa driver pagkatapos ay binalik niya ang tingin sa cellphone na kanina pa nag-ri-ring. Hindi niya ito sinagot. Bagkus ay sinagot niya ang driver kung saan siya papunta.
Ilang minuto lang din ang naging biyahe at huminto rin ang sinasakyan niya. Kinakabahan na bumaba siya. Nanginginig ang kamay na pinindot niya ang doorbell. Hinintay niya ang pagbuksan nito.
"Genesis?"
Maluluha na sinalubong niya ito ng yakap. Nagulat naman si Reese sa biglaan niyang aksyon. "May problema ba? Bakit ka umiiyak?" tanong nito sa kaniya. Halata ang pag-aalala sa tono nito.
Bumitaw siya sa pagkakayakap dito. Hinarap niya ito at tinitigan sa mata. "Can I come in?"
Hindi man sigurado ay tumango ito sa kaniya at pinapasok siya nito sa loob. Palingon-lingon din ito sa kaniya na para bang may gustong sabihin o itanong but he chose not to say anything.
At appreciated niya ang gesture na iyon.
Pinaupo siya nito sa mahabang sofa bago ito pumunta sa kusina. Habang hinihintay niya ito ay pinunasan niya ang pisngi at pinatigil ang sarili sa pag-iyak. She needed to clear her mind.
"Mag miryenda ka muna, Gene. Wala ngayon sila mama and don't worry, wala rin dito pinsan kong si Valerie," anito. Tumango naman siya habang inaabot ang inumin para makainom siya.
Tahimik na tumabi sa kaniya si Reese. Hindi niya pinansin ang paninitig nito sa kaniya. Alam niyang kailangan niyang sabihn dito ang dahilan kung bakit siya biglaan pumunta sa bahay nito nang walang pasabi. Lalo na at umiiyak pa siya.
Hawak-hawak niya ang baso ng juice nang tumunog ulit ang cellphone niya. This time, it was from River. Katulad kanina, hindi niya rin ito sinagot. Hindi naman nagkomento si Reese sa kaniyang ginawa. Kundi ay hinintay lang siya nito hanggang maging handa na siya magkwento.
HINDI rin naman nagtagal at kinuwento niya kay Reese ang natuklasan sa pamilya nila. Kung bakit siya umiiyak at kung bakit siya ang pinuntahan niya.
Maliban shempre sa mga bagay na ginagawa nilang magpipinsan. Tahimik lang naman itong nakinig sa kaniya.
"Thanks for trusting me, Genesis," saad nito. Inabot pa nito ang kamay niya para pisilin ng marahan. Tumango at umiling siya rito. "No, thank you for listening to me. Salamat nandiyan ka," aniya rito.
Ngumiti si Reese sa kaniya bago ito bumitaw sa pagkakahawak sa kaniyang kamay. Sobrang nagpapasalamat siya sa presinsya nito. She was thankful he found someone like him.
"Ano ang plano mo ngayon?" basag na tanong ni Reese sa kaniya.
Kinagat-kagat niya ang kuko sa kamay habang nag-iisip. Isa lang ang pumapasok sa kaniyang isipan. At sigurado siyang sila lang ang makakaintindi sa kaniya dahil magkakaparehas sila ng sitwasyon.
"I need to call kuya Finn and ate Paris."
At katulad nga nang sinabi niya kay Reese. Tinawagan niya ang dalawang pinsan. Mabuti na lang talaga at pumayag ang mga ito na puntahan siya. Sinabihan niya rin ang dalawa na huwag sabihin ito sa iba pa nilang pinsan at 'wag ipaalam sa kapatid niya kung nasaan siya.
Hindi rin nagtagal ay nakarinig sila ni Reese ng doorbell. Tumayo agad si Reese para pagbuksan ng pinto ang dalawa habang tahimik lamang siya na hinihintay ang mga ito.
Nang makita niya ang kuya Finn at ate Paris niya. Tumulo na naman ang luha sa kaniyang mga mata. Agad siyang dinaluhan ni Paris ng yakap. Hindi man sila gano'n close nito pero sa mga oras na iyon, nagbago ang lahat. Para siyang nakakuha ng panibagong sandalan.
Kahit si Finn ay niyakap din silang dalawa ni Paris at parehas silang binigyan ng halik sa bunbunan. Mas lalo siya napaiyak. Do'n niya napagtanto na sobrang mahal niya pala talaga ang mga pinsan niya. Ang pamilya nila kahit pa hindi ito karaniwang sa ibang pamilya.
"I'm sorry, Gene, you found it this way," ani Paris.
Parehas na silang nakaupo ni Paris sa sofa. Parehas na magkahawak ang kamay sa isa't isa habang si Finn naman ay sinamahan si Reese sa loob ng kusina para maiwan muna silang dalawa ni Paris mag-isa sa sala.
"Ayos lang. Mabuti na rin 'yon, 'di ba? Alam ko na 'yong katotohanan ng pagkatao ko," malungkot niyang saad. "Sadyang, nagulat lang talaga ako sa mga nalaman ko ngayon araw."
"Sorry kung hindi namin agad nasabi sa'yo, sainyo," ani pa Paris. Tumango-tango siya. Gustuhin man niya magalit pero hindi niya magawa dahil naging maganda ang turing ng pamilyang Thompson sa kaniya.
"Grabe rin 'yong revelation sa pamilya nila lolo. Hindi man lang natin nalaman na may first wife siya."
"What I've heard, masakit sa part ni lolo Leonardo ang pagkawala ng first wife niya. Hindi lang kasi ito nagkasakit ng cancer. Nalaman pa nito that lola cheated on him."
"Hala, really?"
"Yup, that's what mum kwento sa'kin."
"Sandali, kailan mo pa alam na hindi ka tunay na anak?" gulat niyang tanong dito. Mukha kasing ang dami nitong nalalaman na wala siyang alam. Hindi rin ito umiiyak o gulat man lang.
"Since mum Freya adopted me from the orphanage. So, since I was little," mahinhin natawa ito sa balitang sinabi sa kaniya. Gulat na gulat naman siya. "Also, your kuya knows, too," dagdag pa nito.
"W-what?!"
"I'm sorry, Gene." Pinisil pa nito ang kamay niya. Umiling naman siya. Hindi siya galit o nainis. Na kay Paris kung sasabihin nito ang katotohan na pagkatao nito sa kanila. Hindi siya puwedeng magalit dito.
"I'm really okay, ate. Naiintindihan ko 'yong sa'yo. Ang gusto ko lang intidihin 'yong sa'kin," mahina niyang saad sa pinakahuling sinabi.
"Kahit na hindi kayo magkapatid ni Phoenix by blood. Tinuring ka niyang tunay na kapatid."
"Alam ko, but why he didn't tell me?" malungkot niyang saad. Gusto niya malaman kung bakit ayaw sabihin sa kaniya ng kapatid. Kahit kanina ay sinabi lang nito ang tungkol sa pamilya nila at hindi man lang sinabi nito ang tungkol sa kaniya.
Kung hindi lang umiyak ang nanay nila sa kaniyang harapan ay hindi niya pa malalaman. Gusto niya malaman ang dahilan kung bakit siya inampon ng mga ito. Ano ang dahilan?
"It's because your mom; tita Aurora cheated on tito Leo. Kaya hindi ito masabi sa'yo dahil ayaw ni Phoenix masaktan ka sa katotohanan."
"A-ano?" Sinubukan niya buksan ang bibig para dagdagan ang sasabihin pero paulit-ulit niya lang ito sinasara at pina-process ang lahat ng impormasyon sa kaniyang utak.
"And tito Leo already forgiven tita Aurora. Kaya, hindi mo na dapat pa malaman ang katotohanan but of course, you deserve the truth." Pilit na ngumiti si Paris sa kaniya. Bumitaw siya sa pagkakahawak dito.
Hindi siya tunay na anak ng amang kinalakihan niya pero tunay siyang anak ng nanay niya. Naalala niya tuloy ang huling sinabi ng ina.
"All you need to know is that you're my baby."
Nagsasabi ito ng totoo pero bakit sobrang sakit para sa kaniya malaman ang katotohan sa likod ng kasinungalingan nilang lahat?
Tulalang napatayo siya. Tinawag siya ni Paris pero hindi niya ito pinansin. Pinagmasdan niya si Finn nang makabalik ito galing sa kusina kasama si Reese. Gusto niya umalis sa lugar na iyon. Gusto niya magpakalayo-layo.
Napapagod na siya sa mga nalalaman niya.
"I... I need to go," tulalang saad niya pero hindi niya maihakbang ang mga paa. Naistatwa siya sa kaniyang kinatatayuan hanggang tuloy-tuloy na lang siyang umiyak sa harapan ng mga ito.
Dinaluhan siya ni Reese at niyakap nang mahigpit. Umiyak siya nang umiyak at nagpalunod sa mga impormasyon na kaniyang nalaman.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top