Chapter 24

KINABAHAN siya nang marinig si Nina sa kabilang linya. Lalo na't ang ingay sa background nito. Narinig niya pa ang pangalan ni Chase at River.
Hindi man niya alam kung ano ang nangyayari sa kanilang magpipinsan. Alam niyang kailangan niya puntahan ang mga ito. Especially, if River and Chase were involved.
Sabay silang umuwi ni Nina galing sa university at kausap niya pa ito dahil nagbabalak itong mag overnight sa bahay nila. Kung hindi niya lang narinig ang kaguluhan sa background nito ay wala siyang balak sumugod.
Tapos mas lalo pa siya kinabahan nang bigla na lang namatay ang tawag sa kabilang linya. Agad niyang kinuha ang susi ng sasakyan ni Phoenix nakasabit sa gilid pagkatapos ay dumiretso palabas.
Alam niyang mapapagalitan siya ng kapatid kapag nalaman nitong ginamit niya ang sasakyan nito nang wala man lang paalam dito.
Nang makasakay siya sa driver seat ay agad niya binuhay ang makina nito.
Tinaboy niya sa isipan ang paninermon ni Phoenix sa kaniya. At tinuloy niya ang pagmamaneho papunta sa bahay nina Chase at Nina. Agad siyang bumaba nang makarating siya. Sumalubong sa kaniya ang mukha nina River at Chase na putok dahil sa suntok.
Tahimik ang mga itong nakaupo sa sala. Lumingon sa kaniya si Nina na namamaga ang mga mata dahil sa pag-iyak? Bakit ito umiiyak?
"Gene/Harper," sabay na saad nina River at Chase sa kaniya nang makita siya ng mga ito. Sabay pa ang dalawa napatayo sa gulat.
Lalapitan na sana niya ang mga ito nang mariin na hinawakan ng kapatid niya ang braso niya. "Kuya?"
Wala itong sinabi bagkus ay kinuha nito ang susi sa kaniyang kamay pagkatapos ay hinila siya nito palabas ng bahay. Sinubukan niya umalis sa pagkakahawak dito nang mas higpitan ni Phoenix ang kapit sa kaniya.
"Kuya, ano ba?!" singhal niya rito. Bigla siya nainis. Kakarating niya lang tapos hihilahin siya nito agad palabas?
"Uuwi na tayo, Genesis!" balik na sigaw din nito. Saglit pa na lumingon si Phoenix sa kaniya pero agad nagpatuloy ulit ito sa paghila sa kaniya hanggang nasa tapat na sila ng sasakyan nito. Pinapasok siya nito sa loob ng passenger seat pagkatapos ay pabagsak na sinara ang pinto.
"Ano ba problema mo, kuya?!" tanong niya rito nang makaupo ito sa driver seat. Hindi man lang niya nakausap 'yong dalawa. Nag-aalala tuloy siya sa mga ito. "And what happened to kuya River and Chase?" sunod niyang tanong dito.
Hindi pa rin nagsalita si Phoenix hanggang makauwi sila sa bahay nila. Inis na bumaba siya at pumasok sa loob. Sinundan naman siya ni Phoenix. Halatang galit pa rin ito. Nainis tuloy siya. Nakapameywang na nilingon niya ito.
"Tell me what's going on or else, I'm going back there."
"You're not going anywhere, Genesis!" sigaw nito. Gulat siyang napaatras dito. Hindi niya mapunto kung saan humuhugot ito ng galit.
"Kuya Phoenix, what's wrong?" mahinahon na niyang tanong dito. Kailangan magkaroon ng isang mahinahon sa kanila. Hindi niya malalaman ang dahilan kung bakit ito galit at kung bakit parehas duguan ang mukha nina River at Chase.
"Hindi natin pinsan sila Chase," saad ni Phoenix sa kaniya. Natigilan siya. Hindi mag-process sa kaniyang isipan ang sinabi ng kapatid.
No'ng nakaraan nalaman lang nila na hindi nila tunay na pinsan si Finn at si Gideon pala ang tunay na pinsan. Tapos ngayon? Sasabihin sa kaniya ng kapatid na hindi nila pinsan sila Chase?
Umiling-iling siya. Imposible. Lumaki siyang kasama ang mga ito. Lalo na si Chase. Pinsan na matalik niya itong kaibigan. Pinaniwala niya ang sarili na pinsan niya ito. Paulit-ulit niya sinabi sa sarili na pinsan niya ito sa tuwing hinahalikan ito sa labi.
This isn't happening right now. Ngayon pa kung kailan, unti-unti na niyang tinatanggap na may girlfriend si Chase.
What the hell is going on?
Sino ang hindi tunay na anak? Sila ba ng kuya niya? Hindi niya rin ba pinsan si River?
"Gene, mali 'yong iniisip mo. Ganito 'yon. Ang kambal na sina tito Payton at tito Oliver ay tunay na kapatid ni dad. Anak sila ni lolo sa unang asawa nito habang sina tito Joaquin at tito Alexis naman ay anak ng pangalawang asawa ni lolo sa first husband nito."
Kumunot ang noo niya. "Si tita Freya?" tanong niya.
Suminghot pa siya. Pinunasan ang pisngi. Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya. At nang mapagtanto na umiiyak siya ay mas lalo siya umiyak.
"Half-sister siya ng lahat na magkakapatid."
"Ibig sabihin hindi natin pinsan sila Chase?"
Tumango si River. Sa lahat ng sinabi ng kapatid ay ayon lang ang pumasok sa kaniyang isipan. Hindi sila pinsan ni Chase pero si River ay tunay nilang pinsan.
Sumasakit ang ulo niya sa pag-iisip
"Paris as well. She is adopted child nila tita Freya." Nadagdagan pa ito nang magsalita pa ulit ang kapatid.
Hindi na niya alam. Iyak na lang siya nang iyak sa harapan nito.
Nang mapasinghap siya sa gulat. Nanlalaki ang mata niya nang sampalin si Phoenix ng nanay nila. Nagawa niya pa takpan ang bibig sa sobrang biglaan pagkagulat.
"M-ma, bakit mo sinampal si kuya? W-wala siyang ginawa sa'kin," frustrated niyang saad. Hinawakan niya pa ang kamay ng ina. Naluluha na lumingon ito sa kaniya. Mas lalo siya naguluhan. Bakit ba ito umiiyak?
Niyakap niya ito. "Mama naman," bulong niya rito. Nagmamakaawa. Mas niyakap naman siya nang mahigpit ng ina pagkatapos ay hinawakan nito ang dalawa niyang pisngi para patitigan siya nito sa mata.
"You're my baby," paulit-ulit nitong saad sa kaniya. Hindi tumitigil ang pag-iyak nito. Ngumiti siya sa ina. "Of course, ma, I'm your baby."
Umiling-iling ang ina. Hindi pa rin nito inalis ang kamay sa kaniyang pisngi. Nagawa pa nitong halikan ang pisngi niya nang paulit-ulit. "My baby. Don't listen to your brother. No matter what happens I'm your mother," anito.
Natigilan siya. A-ano raw?
Hindi naman iyon ang sinabi ng kapatid niya.
"P-po?" gulat niyang tanong. Nagawa niya pang mapabitaw sa hawak nito at umatras habang tinititigan ito sa mata.
"Mum! Gene doesn't know!" sigaw ni Phoenix. Bumalik ang tingin niya sa kapatid. Naluluha na rin ito pero mas halata na rito ang sobrang pagkainis.
Gulat na bumalik ang tingin ng kaniyang ina sa kaniya. Namutla ito na para bang nagkaroon siya ng dalawang ulo. "G-genesis," nauutal nitong tawag sa kaniya.
"What do you mean, ma?" she asked, bravely.
Takot man malaman ang tumatakbong katotohanan sa kaniyang isipan. She decided to know. Kahit masaktan siya. Kailangan niya malaman ang pinagsasabi ng ina dahil hindi ito iiyak nang walang dahilan.
"All you need to know is that you're my baby," anito. Aabutin pa sana nito ang pisngi niya nang umiwas siya. It's true, right? Hindi siya tunay na anak ng mga ito. Mas lalong bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata.
Binalik niya ang tingin kay Phoenix. Naiinis siya rito. So, hindi niya ito tunay na kapatid? Hindi niya rin pinsan si River? Hindi niya pinsan ang lahat ng mga ito.
Umiiyak na napaatras siya bago umiling at tumakbo palabas ng kanilang tahanan.
Kung matatawag pa ba niya itong tunay na tahanan kung hindi naman pala siya tunay na anak. Bigla niya tuloy naisip ang naramdaman ng kuya Finn niya.
Ganito rin ba iyon kasakit?
Na para bang tinutusok ang puso niya ng malalaking karayom sa sobrang kirot nito.
"Gene, it's not what you think it is," sigaw ni Phoenix pero hindi niya ito pinakinggan bagkus ay nagpatuloy siya sa pagtakbo palabas ng subdivision at palayo sa mga ito habang hindi magmaliw ang kaniyang mga luha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top