Chapter 23

AGAD na tinago ni Chase ang cellphone sa loob ng bulsa. Halata rito ang pagmamadali. Naiinis na naman kasi ito dahil ayaw na naman itong tantanan ni Valerie.
Lahat na binigay ng binata sa babae. Pinakilala niya ito sa kaniyang mga pinsan dahil ayon ang kagustuhan ni Valerie upang hindi nito ipagkalat ang tungkol sa kanilang pamilya.
Pati libreng oras ni Chase ay binibigay na rin sa babae, upang manahimik lang ito. At pagod na pagod na ang binata sa lahat ng kadramahan pinaggagawa nito.
But for her, Chase would always chose to endured everything. Kahit siya na mismo ang masaktan. 'Wag lang ang babaeng mahalaga sa kaniya.
"I don't think they need to know this."
Natigilan si Chase nang may marinig itong boses nagmumula sa loob ng sala. Papalabas sana ito dahil pupuntahana niya si Valerie sa apartment nito.
Pero mukhang mauudlot pa ito o ma-di-delayed dahil sa sala nila, nakaupo ang matatanda nilang magpipinsan.
Zara, Wesley, Phoenix, and River.
Seryosong naguusap ang mga ito. At ang boses kanina ay galing sa kuya Wesley niya.
Kumunot ang noo niya. Ano ang hindi dapat nilang malaman?
Agad siyang nagtago nang lumingon sa gawi niya ang ate Zara niya. Maraming nangyari sa nakaraan na linggo. And he couldn't afford to be caught.
Lalo na't halatang importante ang pinaguusapan ng mga ito.
"They need to know, Wes. Tingnan mo naman nangyari sa kambal. Nina and Gene were shocked," mariin na saad ni Zara.
Natuod si Chase sa pagkakatayo nang marinig ang pangalan ni Genesis. That's his que na hindi siya aalis sa kinatatayuan niya hangga't hindi niya nalalaman kung ano tinatago ng mga ito.
"I agree with Zara," ani River.
Pinanood niyang tumaas ang kilay ni Wesley sa sinabi ni River. Kumunot ang noo niya. Ano ba kasi pinag-a-agree-han ng mga ito?
"You just want to have Gene without conflict," singhal ni Wesley.
Malalim na bumuntong hiningi si River. Pinipigilan ang sarili. Kahit si Chase nagtatago ay mariin nang nakabilog ang kamao. Kanina pa kasi nito naririnig ang pangalan ng dalaga.
"They deserve the truth, Wesley," ani pa River.
"I disagree," bara ni Phoenix. Tumaas ang kilay ni Chase. Hindi malaman ang dahilan, bigla siya nainis sa kapatid ni Genesis.
"What do you mean, Phoenix?!" Rinig niyang singhal ni River. Naiirita na rin siya kasi hanggang ngayon hindi niya pa rin alam kung ano pinagtataluhan ng mga ito.
"I don't want Genesis to know the truth. Masasaktan siya. Ikaw na rin nagsabi. Ayaw mo masaktan kapatid ko. If you disagree, this way you won't," ani Phoenix.
"Alam mong kahit anong pasya natin. Malalaman at malalaman pa rin nila ang katotohanan," saad ni Zara.
"Kung walang magsasalita. Walang makakaalam," sabat ni Wesley. Hinilot ni Chase ang sentido. Sumasakit na ang ulo niya sa mga naririnig.
"Wesley, do you really want our cousins to live in the lies of our own family? Kasi ako, hindi kaya ng konsensya ko," ani Zara. Halata nang naiinis ito.
"Hindi ba sapat na sina Finn, Paige, at Paris alam na ang katotohanan?" may pag-uuyam na saad ni Wesley.
Chase froze. Naiinis na ito. Hindi lang pala ang nakakatanda sa kanila ang nakakaalam ng pinaguusapan ng mga ito.
"Fuck, guys! Let's just fucking agree to this!" inis nang saad ni River. Nagawa na nitong tumayo at guluhin ang buhok.
"My sister will be hurt!" sigaw na rin ni Phoenix. Namumula na ang leeg nito sa inis.
Hindi na ni Chase kinayanan ang paghihintay at makinig sa mga ito. Inis na inis na rin ito.
"Anong rason kung bakit masasaktan si Harper?" singhal ni Chase na tanong. Napatayo si Zara sa gulat nang makita siya.
Narinig niyang magmura si Phoenix habang parehas lang nakatingin sina Wesley at River sa binata na para bang alam na ng mga ito nakikinig siya.
"This is nothing, Chase," ani Wesley. Pinanlisikan ng binata nang tingin ang pinsan. Hindi na siya natutuwa.
"Just tell me the fucking truth." Lumingon si Chase kay River. Asking for the truth to be revealed. Natahimik ang tatlo. Alam ng binata na panalo na siya.
"You're not my real cousin," seryosong saad ni River kay Chase. Titig na titig pa ito.
Naguluhan si Chase. Paanong hindi siya naging tunay na pinsan nito?
"What the fuck guys?!" singhal niya. Nagawa na ni Chase lumapit sa kapatid. "Ate, what is it?"
"Hindi tayo tunay na apo ni lolo."
"A-ano?!" Napaatras si Chase sa kaniyang narinig. Pinagloloko ba siya ng mga ito?
"Ate, you're joking, right? Finn and Paige are not real twins tapos ngayon, tayo? Hindi apo ni lolo?"
"Tito Joaquin and si dad ay hindi tunay na anak ni lolo. We are Ayala by blood, Chase. Lola's first husband's surname. Not Thompson."
Hinilamusan ni Chase ang pagmumukha. Gulong-gulo na ito.
Natigilan ang apat nang biglaan tumawa si Chase pagkatapos ay may masamang tumingin ito sa kanila.
"Ha! Mauuwi lang pala sa lahat ang sakripisyo ko sa pamilyang 'to!"
"Ano pinagsasabi mo?" curious na tanong ni River. Mas lalo naman nainis si Chase.
"Valerie took a photo of me and Harper, kissing."
"What the fuck?!" Mabilis nakadalo si River kay Chase. Agad sinuntok ni River ang binata. Natumba naman si Chase sa sahig sa bigla nito.
Tumulo ang dugo sa gilid ng labi ni Chase. Sumigaw naman sa gulat si Zara. Maski sina Wesley at Phoenix ay hindi rin agad nakakilos sa biglaan suntok ni River sa pinsan.
Inis naman bumangon si Chase pagkatapos ay sinuntok din si River. Mas lalo kumulo ang galit ni River sa binata. Sunod-sunod ang pinakawalan na suntok ng dalawa.
"Oh my god! Guys, tama na!" sigaw ni Zara. Hinila nito sina Phoenix at Wesley para patigilan ang dalawa. Do'n naman nahimasmasan ang dalawa at pilit sinubukan pigilan ang dalawa.
"A-ano nangyayari dito?"
Gulat na lumingon si Zara sa kapatid na si Nina nasa bukana ng entrance. Gulat itong nakatingin sa apat na lalaking nagkakagulo.
"What's going on?"
Mas lalo na-stressed si Zara nang marinig ang boses ni Genesis nag-echo sa speaker ng cellphone ni Nina. Hindi pa nakakabawi si Nina nang mabilis daluhan ni Zara ang kapatid.
Hinila ito ni Zara at kinuha ang cellphone ng kapatid pagkatapos ay pinatay agad ang tawag ni Genesis. Gulat pa rin na lumingon si Nina sa kaniyang ate.
"A-ate, bakit nag-aaway silang apat sa loob? Anong mayro'n?"
Bumuntong hininga si Zara. This day wasn't going on the right note. Ang gulo-gulo ng buhay nila.
Zara just wanted the truth to be out dahil hindi na niya kinakayanan makita ang kapatid at mga pinsan sa mga nangyayari sa kanila nitong naraan na mga linggo.
Pagod na siya magtago at magsinungaling.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top