Chapter 22

TULALA siyang nakatingin sa mga bituin sa kalangitan habang walang gana hinahalo ang hawak na tub of ice cream sa kaniyang mga kamay. Hindi mawala sa kaniyang isipan ang tagpong nangyari kanina lamang sa clubhouse.
Buong buhay niya. Kinilala niyang pinsan si Finn na kambal ng kaniyang ate Paige. Ngunit, hindi niya inaasahan ang lahat ng paniniwala ay wala pa lang katotohanan.
Hindi niya tuloy mapigilan ang mag-isip kung may iba pa bang tinatago ang pamilya nila sa kanilang magpipinsan. O baka naman alam na ito ng kaniyang mga pinsan na lalaki?
Especially, these past weeks they've seemed serious na palaging may malalim na pinaguusapan.
Lumingon tuloy siya kay River nasa kaniyang tabi. Kasalukuyan silang nakaupo sa labas ng pickup truck nito. May nilabas lang na blanket ang binata para hindi sila lamigin dalawa. Nang lingunin niya ito ay napansin niyang nakatingin na ito sa kaniya.
Ngumiti ito sa kaniya pero hindi gano'n umabot ito sa kaniyang mga mata. Alam niyang kahit ito ay affected rin sa nangyayari sa pamilya nila. Finn was their cousin for how long she could remember.
Binitawan niya ang ice cream pagkatapos ay niyakap niya nang mahigpit ang tuhod. "What will gonna happen to them, kuya?" may lungkot na tanong niya rito. Inabot ni River ang kamay niya. Dumako ang paningin niya sa kamay nilang pinagdakop nito.
"They're gonna be fine, Gene." Pinisil pa ni River ang kaniyang kamay. "Panigurado akong pinaguusapan na 'to ng kambal," saad pa nito.
Mas lalo naman siya nalungkot. Kambal. Sinong kambal ang sinasabi ni River kung hindi naman tunay na magkapatid sina Finn at Paige.
Hindi na.
Nanahimik siya. Hindi niya alam kung paano sasabihin ang susunod niyang itatanong dito. Natatakot siya sa magiging sagot nito pero hindi naman siya magagalit kung alam na nito.
"What is it?" he asked. May pag-aalala. Binalik niya ang tingin dito. "Do... do you already know?" nagawa na niyang itanong dito. Hindi nakapagsalita si River. Sa katahimikan nito, alam niyang matagal na nitong alam.
Ngumiti siya pagkatapos ay pinisil ang kamay nito. "It's okay, Riri."
Tumaas ang kilay ni River sa nickname na binigay niya rito. Mas lalo naman siyang ngumiti rito. "Do you like what I called you?" maloko niyang tanong dito.
Mahina itong natawa. "Bakit pakiramdam ko inaasar mo ako?" tanong nito.
Natawa naman siya kasi totoong natutuwa siya rito. "Eh, paano ba naman." Huminto siya saglit. Hindi niya mapigilan ang hindi ngumisi sa ka-cutan ng binata. "Lahat na lang ng tinatawag ko sa'yo gusto mo. Gano'n mo ba ako kagusto, kuya?" loko niya pa rito.
Napasinghap ito. Another sight na minsan lang nito ipakita sa ibang tao. Mas lalo niya ito inasar nang matigilan siya sa pangangasar dito dahil sa seryoso nitong sinabi.
"Yes, Genesis. I like... no... I love you damn much."
"K-kuya..." Hindi niya mahanap ang susunod na sasabihin dito. Naguguluhan siya. Lalo na't ang daming nangyayari sa pamilya nila. Pero ang puso niya hindi matigil sa paghampas sa kaniyang dibdib.
Rinig na rinig niya ito at natatakot siya na baka marinig na rin ito ng binata.
"It's okay, baby. You don't need to answer that. Gusto ko lang ipaalam na sa'yo nararamdaman ko. I won't keep denying na. Even though, I've been telling you this pero mahal kita. At gagawin ko ang lahat para hindi ka masaktan dahil sa pamilya natin."
Tuluyan nang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. Namalayan na lang niya ang sarili na mahigpit nakayakap kay River habang hindi magmaliw ang kaniyang pag-iyak.
LUMIPAS ang ilang linggo nang tuluyan nang nalaman ng magulang nina Finn at Paige ang tungkol kay Gideon.
Tahimik nakaupo ang tatlo sa sofa habang magkahawak ang kamay ng mag asawang sina Joaquin at Caroline sa kabilang sofa.
Kanina pang umiiyak nakatingin si Caroline sa tunay na anak nitong lalaking na si Gideon. Hindi inaasahan ni Caroline na hahanapin sila nito.
Matagal na ito hinahanap ng babae pero palagi itong sinasabihan ng asawang si Joaquin na wala pa rin itong nalalaman tungkol sa kanilang tunay na anak.
Kaya no'ng sa wakas nakita na ito ni Caroline sa kaniyang harapan. Hindi niya mapigilan maging emotional. Nakalimutan nito kung ano ba ang mararamdaman ni Finn na tinurong nilang anak at kambal ni Paige.
Habang sa kabilang gawi naman. Hindi maalis ni Finn ang tingin sa tinuring niyang ina habang nakatingin ito kay Gideon sa tabi ni Paige.
Napansin ito ni Paige kung kaya marahan na pinisil ng dalaga ang kamay ni Finn na kanina niya pang hawak.
"Kailan niyo pa alam?" seryosong tanong ni Joaquin sa mga anak. Tumingin pa ito kay Finn dahil ito lang ang nakakaalam sa katotohanan.
Hindi naman natinag si Paige. Mas hinigpitan niya ang kapit sa kamay ni Finn. Alam niyang sa mga oras na iyon ay vulnerable ang binata. Matagal nitong tinago sa kaniya ang totoong pagkatao nito dahil inutusan ito ng kaniyang ama na huwag sabihin sa kaniya.
Maalala pa lang ni Paige iyon ay mas lalo siya nalulungkot at naiinis sa inasta ng ama. Kahit pa sabihin na para ito sa kabubuti niya pero paano naman ang ikabubuti ni Finn? Kung nasaan ang tunay na magulang nito? Hindi nila iyon naisip.
"Hindi na mahalaga kung kailan ko nalaman na hindi ko tunay na kambal si Finn. Hindi mahalaga kung ano ang nararamdaman ko. Ang mahalaga sa ngayon ay sina Gideon at Finn. They need their real parents." Bumuntong hininga.
"Kahit ayon man lang, 'wag mo ipagdamot kay Finn, dad. At kay Gideon, ang gusto lang namin malaman kung bakit hindi niyo siya hinanap kung matagal niyo naman nang alam na hindi niyo tunay na anak si Finn," saad niya pa. Nagawa pa ni Paige halikan ang kamay ni Finn upang ipaalam dito na kailangan niya sabihin iyon sa magulang nila.
"Finn is my baby boy. I don't want to hurt him. He's my own. Tinuring ko siyang akin," ani Caroline. Patuloy pa rin itong umiiyak. Inalo naman ito ni Joaquin.
"And we've been looking for your real twin brother ever since we found out the truth."
"It's just not enough," komento ni Paige. Nagawa pa nitong umikot ang mata. Pinisil naman ni Finn ang kamay ni Paige. Bata pa lamang ay magkakampi na ang dalawa laban sa kanilang magulang. Kahit hindi pa nila nalalaman ang katotohanan.
"I found Gideon."
Natigilan si Caroline nang magsalita ang asawa. Gulat itong tumingin kay Joaquin. Hindi makapaniwala sa kaniyang narinig.
"You told me you haven't found him," galit na reklamo ni Caroline. Inalis pa nito ang yakap ng asawa sa kaniya.
"I'm sorry, honey. I know how much you love Finn and you don't want to hurt him. You keep insisting he's ours."
"So, kasalanan ko pa?" Tumayo na si Caroline. Hindi makapaniwala sa dahilan ng asawa.
Tumayo rin si Joaquin. Magkatapat ang mag asawa habang pinanood lang ng tatlo ang mga ito. Bumuntong hininga si Paige pagkatapos ay kinuha ang kamay ni Gideon.
"I never abandoned Gideon, Caroline. I gave him a scholarship kung saan nag-aaral ang kambal."
"A scholarship? Really, Joaquin?! May pinagkaiba ba 'yon?! Sige nga, nagpakilala ka ba sa kaniya?!"
Natahimik si Joaquin. Alam niyang kasalanan niyang hindi sinabi sa asawa ang totoo. Nagsinungaling siya rito. Sinabihan niya pa na huwag sabihin ni Finn ang katotohanan kay Paige.
Dahil natakot siya sa mangyayari.
Kahit kay Gideon ay natakot din ito magpakilala. Takot na baka hindi siya tanggapin ng sariling anak.
Hindi siya naging mabuting asawa at tatay sa kaniyang mga anak.
"I'm sorry," nasabi na lang ni Joaquin sa asawa at mga anak. "I'm sorry for lying and keeping the truth about Gideon." Tumingin si Joaquin sa asawang hindi magtigil sa pag-iyak.
Niyakap niya ito at hinalikan ang bunbunan pagkatapos ay seryosong tumingin kay Finn.
"Finn, nahanap ko ang tunay mong magulang. I just don't want to tell you the truth because I know you will be in good hands with us."
Nabitawan ni Finn ang kamay ni Paige pagkatapos ay gulat itong napatayo. Halata na rito ang namumulang mata na kanina pa pinipigilan na umiyak.
"Y-you found them?"
"Yes, anak but they're not in a good shape. Your real father is in jail and your mother is in rehabilitation," pahinang-pahina na saad ni Joaquin sa anak.
Hindi naman makapagsalita si Finn. Still shocked. Dinaluhan ito ni Paige at niyakap ng mahigpit. "We will visit them, okay?"
Hinawakan pa ni Paige ang pisngi ni Finn para tumingin ito sa kaniya. Tulalang dumako ang paningin ni Finn sa dalaga. Nasasaktan si Paige para dito.
Finn doesn't deserve it.
"Hey, I'm with you," assurance ni Paige rito. Tumingin pa ang dalaga kay Gideon. "Even Gi will help us to visit your parents," bulong ni Paige sa tainga ni Finn pagkatapos ay hinalikan ito sa pisngi.
Tumulo na rin ang luha ng dalaga pagkatapos ay niyakap ulit ang binata ng mahigpit. "I love you," paulit-ulit na saad ni Paige rito. Yumakap naman si Finn dito at sinubsob ang mukha sa leeg ng dalaga. Tuluyan na itong umiyak.
Tumayo naman si Gideon at dinaluhan ang dalawa. Niyakap ito ng binata.
Habang mas lalong umiyak si Caroline nang makinang magkakayakap ang kanilang tatlong anak.
"I swear to God, Joaquin. You need to help Finn."
Humalik si Joaquin ulit sa bunbunan ng asawa at tumango rito. "Yes, honey. We will help them."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top