Chapter 21

NIYAKAP ni Paige ang hubad na katawan ni Finn habang mahigpit naman nakayakap ang binata sa dalaga.
Ito ang unang beses nila ginawa ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Paige sa kaniyang nalaman sa tinuring niyang kakambal simula no'ng bata pa sila.
Sinubukan pigilan ni Paige ang nararamdaman para kay Finn na akala niya ay tunay niyang kapatid dahil alam niyang mali ang nararamdaman niya.
Kung hindi pa siya umiyak sa harapan ni Finn dahil sobra na siyang nasasaktan. Hindi niya malalaman ang buong katotohanan na hindi pala sila tunay na magkapatid.
"Please tell me again how you found out," bulong ni Paige. May luha ang mata habang parehas ang dalawa nakatingin sa malayo.
Marahan na hinimas ni Finn ang braso ni Paige at inalala ang araw nang malaman niyang hindi niya pala tunay na kambal ang babae.
"I was eleven years old," simula ni Finn. Maigi naman nakinig si Paige.
Busy ang labing isang taon na si Finn sa paghahanap ng video games nito sa loob ng silid. Tinago na naman kasi ito ng kaniyang ina dahil exam weeks nila.
Madalas hindi sila payagan ng kambal na maglaro kapag kailangan nila mag review para sa exam.
Ang palaging katwiran naman ni Finn ay kailangan niya ng kaunting pagkakaabalahan habang nagpapahinga ang kaniyang utak galing sa pag-aaral.
Patagong nagtungo si Finn sa silid ng kanilang magulang. Maingat itong pumasok at hinanap ang video games na tinago ng ina. Habang busy ang sampung taon na si Finn ay nakarinig ito ng kaluskos.
Mabilis niya kinuha ang playstation sa loob ng cabinet at agad na nagtago sa loob ng isa pang malaking cabinet.
Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Mahigpit din ang kapit niya sa katawan ng playstation habang may kaunting liwanag ang sumisilay sa maliit na puwang ng cabinet.
"Stop crying, Caroline! Itigili mo 'yang pag-iiyak mo. Marinig ka ng mga bata," mahina pero may riin na saad ni Joaquin.
"P-pero ang baby ko. Ang baby boy ko." Tuluyan nang makaupo si Caroline sa gilid ng kama at umiyak ito nang umiyak.
Joaquin sighed then sat besides his wife. Niyakap niya ito pagkatapos ay kinintalan ito ng halik sa bunbunan nito.
Si Finn naman nakatago sa cabinet ay kumunot ang noo. Ano ang nagawa niya para umiyak nang gano'n ang kaniyang ina?
Balak niya sana lumabas ng pinagtataguan niya nang mahinto siya. Hindi niya maigalaw ang katawan sa gulat narinig galing sa bibig ng kaniyang ina.
"Hindi natin anak si Finn, Joaquin. Paanong hindi natin anak si Finn?!" medyo pasigaw na saad ni Caroline.
"Shh!" Luminga-linga pa si Joaquin at pinakiramdaman ang paligid para tingnan kung nasa tabi ba ang kambal na ngayon ay mukhang hindi na.
"Tandang tanda ko na kambal ang pinanganak ko. Paano hindi ko anak si Finn?"
"I... I don't know, Caroline." Hinilot pa ni Joaquin ang sentido sa stress nararamdaman. Nasasaktan din ito sa kaniyang nalaman. Tinuring nilang anak si Finn at mahal na mahal nila ito. Paanong hindi nila ito anak?
"Please, Joaquin. Find our son." Hinawakan ni Caroline ang kamay ng asawa habang patuloy pa rin ito umiiyak.
Joaquin sadly nodded knowing Finn already found the truth.
Saglit na nilingon nito ang nakabukas na cabinet kung saan niya tinago ang playstation nito pagkatapos ay dumako ang paningin niya sa malaking cabinet. Nakalitaw ang isang joystick sa labas.
Kinagabihan no'n ay pinuntahan ni Joaquin ang anak na si Finn para kausapin ito.
Hindi makatingin si Finn sa ama nang tawagin siya nito. Dinala siya nito sa office ng ama. Parehas na tahimik ang dalawa habang diretsong nakatingin si Joaquin kay Finn habang nakayuko si Finn at hawak nito ang maliit na figurine. Binigay ito sa kaniya ng kambal na si Paige no'ng kaarawan nila.
Kung matatawag pa ba itong kaarawan nila kung hindi naman pala sila tunay na magkambal.
"Finn, anak."
Inangat ni Finn ang ulo at tinitigan ang ama.
"I know you were there and you heard us."
Natigilan siya.
Mas hinigpitan ang kapit sa figurine. Isa itong character sa cartoon. Si Tom dahil siya daw ang Tom sa kanilang magkapatid habang si Paige ay si Jerry na palagi niyang hinahabol dahil sa kakulitan nito.
"Is it true, dad?"
Hindi nakasagot si Joaquin. Marahan naman tumango si Finn. Alam niyang totoo ang lahat ng kaniyang narinig. His dad always say something but that moment he couldn't.
"Please, don't tell this to Paige, Finn. Hindi natin gusto masaktan ang kapatid mo."
Dumako ang paningin niya sa figurine ng cartoon character ni Tom. Hindi niya gusto mag sinungaling kay Paige pero hindi niya rin gusto sabihin ito sa babae. Hindi niya gusto masaktan ang tinuring niyang kambal.
"I'm still mad at you but I love you, Finn," bulong ni Paige sa binata. kinintalan naman ni Finn ng halik ang sentido ni Paige.
"I promise I won't leave you, Paige," saad ni Finn at mahigpit na niyakap ang dalaga.
NAGUGULUHAN na tinitigan niya ang mga pinsan nakapabilog nang upo sa living room sa clubhouse. Sabay-sabay ang mga ito nagsasalita pero wala siyang maintindihan.
Sumasakit ang ulo niya at walang pumapasok na matino sa kaniya. Everything was happening so fast. She couldn't catch up and breathe.
Sa sobrang daming iniisip ay naguguluhan na tumayo siya. Rinig niyang tinawag siya ng pinsan niya pero binalewala niya ang mga ito.
She kept hearing what Paris said to her.
"Anong gagawin mo kapag nalaman mong lahat ng nasanayan at inakala mo ay hindi naman pala talagang totoo?"
Paulit-ulit ito nag play sa kaniyang isipan na para bang isang plaka. Ito ba ang pinapahiwatig ni Paris sa kaniya? O may iba pa?
Lalabas na sana siya nang may humawak sa kaniyang kamay. Pag-angat niya ng ulo ay bumungad sa kaniya ang nag-aalala na si Chase.
For some reason, bigla siya nakahinga ng matiwasay. Niyakap siya nito nang mahigpit at do'n niya lang napansin nakatayo si River at balak din siya puntahan pero umiwas ito ng tingin sa kaniya at bumalik sa inuupuan nito.
"It's okay. I'm here," bulong ni Chase sa kaniya. Mas niyakap niya ito nang mahigpit pagkatapos ay bumalik sila sa hindi kalayuan sa mga pinsan nila nag uusap.
Hind siya nakinig sa mga ito at tinuon lang ang buong atensyon niya sa yakap ni Chase.
They were like that for a few minutes until she saw Gideon looking at them. Binalewala niya ito at umiwas ng tingin.
"Our parents need to know about this," ani Skyler.
"Sasabihin natin sa kanila but right now. Take a deep breath. Para kayong ine-imbestigahan sa lagay niyo. Hinga. I know, this is a lot to take in," ani Wesley.
Sumang-ayon pa si Zara. May pag-aalala na tinitigan niya ang kapatid na si Phoenix. Kanina pa ito tahimik sa isang tabi na para bang may malalim na iniisip.
Dumako ang paningin niya kay Paris nang hawakan nito ang kamay ni Phoenix at may sinabi rito na walang nakarinig sa kanila.
She had to take a note to herself to ask her brother later.
Mahigpit nakapalibot ang kaliwang braso ni Chase sa baywang niya habang hawak nito ang kanan niyang kamay. Paminsan-minsan pa ay hinahalikan ito ng binata.
Hindi naman niya maintindihan ang sarili kung bakit sobrang magwala ng kaniyang puso.
And as much as possible she wanted to hug him. Pakiramdam niya ay wala na siyang pagkakataon no'n. At parang narinig siya ng tadhana.
Parehas silang natigilan ni Chase nang marinig nila ang pag ring ng cellphone nito. Hindi pa sana kukunin ito ni Chase pero sobrang ingay nito at lahat ng pinsan nila ay nakatingin na sa kanila.
Kinuha ito ni Chase. Sumilip siya sa screen at nakitang si Valerie ito. Umiwas siya ng tingin dito at bumitaw sa yakap nito.
Bumalik ang tingin ni Chase sa kaniya. Hahawakan sana siya nito sa kamay nang kunin ni River ang kamay niya at kunin siya nito kay Chase.
Napansin niya pa ang paghigpit ng kapit ni Chase sa cellphone at ang masamang binibigay na tingin ni Chase kay River.
Mas lalo siya umiwas ng tingin dito. Hindi niya ito gusto makita na gano'n. Hindi niya mapaliwanag ang pusong nararamdaman sa tuwing gano'n si Chase.
Binalik ni Chase ang tingin sa cellphone. Tumayo ito. Sinagot ang tawag ni Valerie at lumabas ng clubhouse.
Habang siya ay pinagmasdan lang ang likuran nitong papalayo sa kaniya. Nawala lang iyon nang marahan na pinisil ni River ang kamay niya.
Ngumiti ito sa kaniya at binigyan siya ng halik sa noo.
"Come on," ani River. Kunot noo na tinitigan niya ito. "Let's go outside. Kain tayo ng dinner sa labas," bulong ni River sa huling sinabi nito sa kaniya.
Bumalik ang tingin niya sa pinsan nila. Mas hinila naman siya ni River. Lumabas sila sa clubhouse na hindi nagpapaalam. Nakita niya pa si Chase sa gilid ng pool na may kausap.
Binalewala niya ito at ang kaniyang nararamdaman at sumama kay River.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top