Chapter 26

TAHIMIK lang siya nakaupo sa tabi ni Reese at Finn habang tinatawagan ni Paris ang kapatid niya sa cellphone sa kanilang harapan. Wala sana siyang balak sumang-ayon sa mga ito na papuntahin si Phoenix kung nasaan siya.

Sa dami ba naman nalaman niya sa araw na 'yon. Hindi niya gugustuhin na may makausap pang iba pero hindi naman siya pu-pwede mag-stay lang sa bahay nila Reese. In the end of this day, kailangan niya pa rin umuwi sa kanila.

Wala pa rin siyang takas. Masyado niya lang pinapatagal pa. Bumuntong hininga siya nang sagutin ni Phoenix ang tawag. "Phoenix, I'll put you on loudspeaker," ani Paris bago nito pinindot ang screen.

Narinig na lang nila ang boses ng kapatid. "What do you mean Genesis is with you?" bungad na tanong ni Phoenix. Nanginginig naman ang kaniyang kamay sa kaba. Hindi pa rin siya makapaniwala na hindi niya ito tunay na kapatid.

"We're here in Reese's residence. I'm also with kuya Finn. Come here. Gene needs her kuya."

Binalewala ni Phoenix ang sinabi ni Paris. Bagkus ay tinawag siya nito. "Gene, nandiyan ka ba? If you're listening to this, we're sorry we lied to you. I'll go there and get you. Then, let's talk later, okay?"

Tumango naman siya tapos pinunasan ang luha. "We love you. Always remember that, Genesis. You are dad's daughter and kuya's baby sis, hm?"

She hummed. "Uh... I... I know, k-kuya."

HINDI rin nagtagal ay dumating si Phoenix para sunduin siya nito kala Reese. Nang makita siya nito ay niyakap siya nito nang mahigpit. Ang luha niyang tumigil na kanina ay bumagsak na naman.

"I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry.""

Tumango-tango siya na walang sinabi. Nasasaktan siya, oo. Pero mas malaki 'yong pagmamahal niya para sa pamilya niya upang ipagtabuyan ang mga ito. At isa pa, kailangan niya makausap ang ina at ama.

Hindi niya rin hihilingin makilala ang tunay na tatay. Kuntento na siya sa kung anong mayro'n siyang pamilya. Alam niyang mahal siya ng mga ito at alam niya rin na mahal niya rin ang mga ito.

Nagpasalamat si Phoenix kay Reese nang makalabas sila ng gate. Nilingon niya rin ang kaibigan. Hinawakan ang kamay at nagpasalamat ulit. Ngumiti ito sa kaniya bago siya nito niyakap.

"I'm always here," bulong nito. Sumang-ayon siya rito. Pinisil niya pa ang kamay nito. "Me, too," saad niya rito dahil alam niyang kung may problema ito ay tutulungan niya rin ito.

"Stop crying na," anito. Ngumiti siya. "Yes." Pinunasan niya pa ang luha. Natawa naman si Reese at ginulo ang buhok niya.

"Sige na, ingat kayo," paalam nito.

Inakbayan naman siya ni Phoenix at sabay na silang pumunta sa sasakyan nito. Nang makaupo siya sa passenger seat. Patakbong lumapit si Finn sa gawing bintana sa gilid niya. Hindi kasi sasabay ang dalawa sa kanila dahil may bitbit na sasakyan si Finn at si Paris ang sasabay dito.

Pinindot niya ang gilid para bumaba ang bintana sa gawi niya. May ngiti naman sa labi si Finn na nilapit ang bibig nito sa kaniyang tainga upang makabulong.

"Pakisapak si Phoenix para sa'kin. Tell him next time he better listen to me." Natawa siya rito pagkatapos saglit na lumingon siya sa kapatid nasa driver seat kung saan kausap din si Paris. "And you'll be okay, soon. Call me if you need someone to talk to; kami ni Paris, hm?"

Nagthumbs up siya rito. Tinapik naman ni Finn ang likuran niya. "Ingat kayo."

"Salamat, kuya. Super appreciated ko kayo," aniya. Ngumiti ito sa kaniya. "I know," malokong saad nito na kina-ikot ng mata niya. Bumalik na naman kasi ang pagiging maloko nito.


GABI na nang makabalik sila sa subdivision at sa mismong tapat ng bahay nila. Agad niyang nakita ang ina na lumabas nang marinig ang makina ng sasakyan ni Phoenix. Umiiyak pa rin ito.

"Let's go home?" ani Phoenix sa gilid niya. Nilingon niya ito saglit. Nakangiti na tumango siya rito pagkatapos ay binalik niya ang tingin sa ina nang makita niyang hindi na ito nag-iisa. Sa tabi nito, nakaakbay ang kanilang ama sa tabi ng kaniyang ina.

Bigla ulit nagbadya tumulo ang kaniyang mga luha. "Genesis?" Hinawakan ni Phoenix ang kamay niya. Nagpakawala naman siya ng malalim na buntong hininga bago tuluyan nang bumaba.

Sinalubong siya agad ng ina. Mahigpit siya nitong niyakap habang tinititigan niya ang amang nakatingin sa kanila ng ina. Katabi na nito si Phoenix nakatago ang kamay sa loob ng bulsa ng pantalon. Hindi nawawala ang ngiti nito maski ang ama nilang palaging seryoso ay nakangiti na rin sa kanilang mag-ina.

"Baby ko. I'm so sorry," paulit-ulit na paghingi ng tawad ng ina sa kaniya. Bumitaw naman siya rito at tinitigan ito sa mata.

Hindi magtigil ang pag-iyak ng kaniyang ina. Ngayon araw, ilang beses niya nakita umiyak ang ina sa kaniyang harapan. Nasasaktan siya, shempre.

"Let's talk, ma?" saad niya rito. Tumango ito at hinawakan ang kamay niya. Sabay naman silang pumasok sa loob ng bahay habang nakasunod sa kanila sina Phoenix at dad nila.

SA loob ng sala. Tinabihan siya ng ina umupo sa sofa habang nanatili naman nakatayo si Phoenix sa gilid. Nakamasid sa kanila.

"Anak." Lumingon siya sa kaniyang ama nang tawagin siya nito. Lumapit ito sa kanila. Lumuhod sa kanilang harapan at parehas hinawakan ang kamay nila ng ina.

Ngumiti naman siya sa tatay niya. Hindi niya ito tunay na kadugo pero tinuring siya nitong tunay na anak kahit alam niyang masakit makita ang naging bungga ng asawa nito sa pagtataksil.

Hindi naman na niya napigilan ang pag-iyak. Nasasaktan siya at nahihiya. Parang hindi niya deserve 'yong pinaparamdam sa kaniyang pagmamahal ng pamilyang kinilala niya.

"Salamat po... for raising me like your own... daughter," aniya sa inakalang ama. Hindi niya magawang tumingin dito sa mga mata. Nakakaramdam kasi siya ng pagkahiya.

Hindi niya maiwasan maalala ang background ng pamilya nito. Natulad ito sa magulang. Ang malala pa ay nagkaroon ng anak ang asawa nito. Pero sa lahat nang iyon, nagawa pa rin nito patawarin ang ina niya at tanggapin siya bilang sariling anak.

"And I'm sorry," nadagdag niya rito. Naramdaman niyang pinisil ng ama ang kaniyang kamay. Rinig niya rin ang pag-iyak ng ina sa kanilang tabi.

"Genesis, look at me." Tumingin naman siya rito. Nahihiya pa rin. Hindi niya alam kung paano tatanggapin na bungga siya ng isang kasalanan. Gusto niya intindihin ang nararamdaman ng ama pero kahit anong gawin niya. Nauuwi pa rin ito sa negatibong sagot.

"Wala kang kasalanan at kung nag-aalala ka. I forgave your mom a long time ago."

"But it's still feels w-wrong, dad, sir," pabulong niyang saad. Nagawa niya pang tumingin sa ina. She wasn't proud of what her mom did. At nasasaktan siya para sa tinuring na ama.

"Yes, it is but I love your mom and I love you like my own. Anak, Gene, kahit anong sabihin nila sa'yo. Sa'kin ka at anak kita." Mas lalo siya lumuha. Bumitaw siya sa hawak ng mga ito at mahigpit na niyakap ang ama.

"Thank you, dad. Mahal ko rin po kayo."

BITBIT ang unan. Lumabas siya ng kaniyang kwarto at nagtungo sa silid ng kapatid. Hindi siya sigurado kung gising pa 'to dahil masyado nang gabi pero kailangan niya ng makakasama.

Kakainin siya ng mga iniisip niya at ayaw niyang malunod dahil sa mga ito.

Kumatok siya saglit bago binuksan ang pinto. Sumilip siya sa madilim na silid. Maririnig sa loob ang ingay ng aircon.

"Kuya?" bulong niyang tawag sa kapatid. Napansin naman niya ang pagkilos sa ibabaw ng kama nito pagkatapos bumukas ang ilaw ng lamp.

Nakahinga siya ng malalim nang malaman na gising pa ang kapatid. Pumasok siya loob. Umurong naman si Phoenix para bigyan siya ng espasyo sa kama nito.

Inilagay niya ang sariling unan at humilata sa tabi nito.

"Can't sleep?" namamaos nitong tanong sa kaniya. Tumango siya.

Kanina pa siya binabagabag ng pag-iisip niya. Iniisip niya kasi kung bakit hindi man lang niya nagawa magalit. Dalawang taon siya natakot na baka mahuli sila ng sinuman dahil sa ginagawa nilang magpipinsan.

"How long do you know kuya about our cousins?"

Napansin niyang natigilan si Phoenix pero nagawa pa rin nito sumagot. "Ever since," sagot nito. Mapaklang ngumiti siya rito.

"Alam mo bang gusto ko magalit kay mama? Gusto ko magalit sa pamilya natin. Gusto ko magalit sa inyo kasi ang unfair. Alam niyo kasi kung saan kayong lulugar, that's why you could do all these things perfectly fine kasi wala naman palang mawawala. Alam niyong hindi kayo magpipinsan." Pinunasan niya ang luhang tumulo. Hindi nya akalain na hindi pala talaga siya okay.

"Ang unfair kuya. Pakiramdam ko ang sama kong tao. Madumi. Makasalanan. May guilt sa puso ko pero ginagawa ko pa rin kasi it looks fine. It does feel okay. Bakit parang hindi mali? I asked myself for the nth times. Kasi ang totoo, hindi naman pala tayo magkadugo." Nilabas niya lahat ng hinanakit dito.

Niyakap naman siya ni Phoenix. Pilit siyang bumitaw dito pero mas lalong hinigpitan ni Phoenix ang yakap sa kaniya hanggang umiyak na lang siya sa mga bisig nito.

"I'm sorry, Gene. Hindi ko naisip na ganito ang mararamdaman mo. I got scared kapag nalaman mo 'yong katotohan tungkol sa pamilya natin... I'm sorry, natakot ako."

Mas lalo siya umiyak. Naiintindihan niya rin. "Pero takot din ako kuya. Takot na takot sa mga sasabihin ng ibang tao."

"Alam ko. Alam ko. Sorry. I'm sorry," bulong nito sa kaniya. Hindi niya akalain na umiiyak na rin ito pagkatapos ay ilang beses din siya nito hinalikan sa noo habang patuloy tumutulo ang kaniyang luha.

Ilang minuto silang nag-stay sa gano'ng pwesto hanggang makaramdam siya ng pagod. Nakakapagod pala ang umiyak nang buong araw. Naipikit na lang niya ang mga mata at nagpasakop sa pagod at antok nararamdaman.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top