Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Two
Maynila
It had been two days since I was discharged from the hospital. Naayos na rin ang kuwarto namin ni Rhian at doon na ako natulog simula nang makauwi ako.
Nakaupo kami ni Rhian sa balkonahe, gumagawa ng pamaypay na nagsisilbing pampalipas-oras dahil hindi ako pinayagang pumasok sa paaralan. Doctor Seo advised me to take a rest until Sunday but he let me go to our remedial class on Saturday. Half-day lang naman kaya hindi mabigat sa akin.
Mainit pa ang sikat ng araw kaya nagdesisyon kaming manatili muna sa bahay at mag-usap tungkol sa mga bagay-bagay. Rhian and I get along well and we were in the process of knowing each other better.
Nalaman kong lumayas siya noong nalaman niyang ampon siya. Nagalit daw siya kina Nanay at Tatay sa hindi nila pagsasabi sa kaniya ng katotohanan kaya niya nagawa 'yon—na pinagsisihan niya sa mga nakalipas na taon.
"Nahihiya ako sa kanila kaya hindi ako agad bumalik ng San Jacinto. Pumunta ako ng Maynila sa pagbabakasakaling mahanap ko ang sarili ko pero nabigo ako. Hindi ko akalaing napakahirap ng buhay roon."
Huminga siya nang malalim at malungkot na ngumiti. "Hindi ko inasahang dito ko rin mahahanap ang pamilya ko. Don't get me wrong, ah. Ginusto kong makilala ang tunay kong pamilya pero mananatiling parte ng pamilya ko sina Nanay at Tatay."
Ngumiti ako. "Naintindihan kita. "
Sina Nanay at Tatay ang kinalakihan niyang pamilya kaya hindi na magbabago na kilalanin niyang mga magulang ang mga ito. Kahit naman ako mananatili silang parte ng pamilya ko, itinuring ko na silang pangalawang magulang ko.
"Pero gusto kong makilala ang Mommy natin, Liah."
Napalingon ako sa kaniya. Gusto ko rin sanang makita si Mommy pero ayaw akong isama ni Daddy sa Maynila.
The day I was about to be discharged from the hospital, I heard Daddy talking to someone on the phone. Inakala siguro niyang tulog ako kaya hindi siya lumabas ng silid nang may tumawag. Mahina man ang boses niya pero malinaw ko siyang narinig.
"I'll take the earliest flight today. Bantayan n'yo siya nang mabuti, tiyak na dudumugin siya ng media kapag nalamang nagkamalay na s'ya. Please, take good care of my wife. "
Ilang sandaling nakatayo lamang siya bago niya nakita na gising na ako. Mabilis siyang lumapit sa akin.
"Good morning, anak. How was your sleep?"
Napakurap-kurap ako. Hindi pa rin talaga ako nasasanay na ganoon ang tungo niya sa akin.
"Good morning, Dad. I slept well. Sino po ang kausap ninyo? Tungkol po ba 'yon kay Mommy?" magkakasunod na tanong ko.
"Yes. I will go back to Manila after accompanying you home. Your Mom was already awake," he said. I sensed hope in his voice.
"Dad, I want to come with you. I want to see Mommy."
Sumeryoso siya. "It's too dangerous, Liah. You have to stay here."
"Pero Dad—"
"No. You're staying here," pinal na sabi niya.
"Bakit po? May dapat po ba akong katakutan doon?" naguguluhang tanong ko. Kung may problema ang kompanya, damay ba ako?
His expression softened like he read what was running on my mind.
"Anak, gusto kong magpahinga ka nang mabuti rito. Nag-aalala ako sa kalagayan mo. Makinig ka na lang sa akin, please?" humihingi ng pang-unawang paliwanag ni Daddy.
Wala akong nagawa kundi sundin ang gusto niyang mangyari. I know something was going on and he didn't want to tell me about it. I remember the woman covered with blood. May kinalaman ba 'yon kung bakit ayaw niya akong pabalikin ng Maynila?
"Pero siguro, hindi pa ngayon. Sabi naman ni Daddy, maayos ang kalagayan ni Mommy. Gusto ko munang bumawi kina Nanay at Tatay."
Naputol ang daloy ng iniisip ko nang nagsalita si Rhian. I wanted to tell her about that woman but I didn't know if she could understand. Dagdag lang 'yon sa kaniyang alalahanin at isa pa ayaw kong makaabala.
"May iba pa bang nabanggit si Daddy?" tanong ko, baka may nasabi si Daddy tungkol sa nangyayari sa Maynila.
"Tungkol lang kay Mommy at sa estado ng kompanya."
"'Yon lang ba?"
"Oo. May dapat pa ba akong malaman?" nagtatakang tanong niya pabalik.
Umiling ako. Siguro nga iyon lang naman ang rason ni Daddy. Maybe, I was just overthinking, but I couldn't take it out of my mind. Hindi ko kasi makuha ang rason kung bakit ako napadpad dito at kung bakit may mga humahabol sa akin na naging dahilan ng aksidente.
"Magtapat ka nga sa akin, Liah. May tinatago ka ba sa akin?" seryoso nang tanong niya mayamaya.
Ibinaba ko ang ginagawang pamaypay at matagal na tinitigan iyon. Gusto kong ipaalam sa kaniya ang nasa isip ko pero hindi ako sigurado.
"Kung may problema ka, huwag kang mahiyang magsabi sa akin."
Tumitig ako sa kaniya nang ilang sandali. Sa ilang araw na nakasama ko siya ay napansin ko ang ilang pagkakaiba naming dalawa. Her wavy locks were more defined than mine and a little lighter in color. We have the same upturned nose but mine was a little bit slimmer. Although we have almost the same features, we were very different. She was full of energy while I was timid.
We may had those differences but she's my sister. Maybe, it wasn't a bother to tell her some of my problems.
"Hindi ko maintindihan kung paano ako napadpad dito. Naalala kong may humahabol sa akin at kung paano ako nalunod sa dagat." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nanatili naman siyang tahimik lang na nakikinig.
"May napapanaginipan akong duguang babae at tingin ko may kinalaman siya sa nangyari sa akin. Hindi ko maintindihan... pero malakas ang pakiramdam ko na kilala ko ang babaeng 'yon." Naalala ko kung paano ako umiyak at sumigaw sa panaginip na 'yon.
"Nakita mo ba ang itsura ng babae? Baka kaibigan mo?"
Now that she mentioned it, I realized that the woman could be a dear friend. "Hindi ko nakita ang mukha niya."
Tumayo siya. "Kunin ko lang ang cellphone ko."
Mabilis din naman siyang bumalik dala ang touchscreen na cellphone niya at tumabi sa akin. Binigyan kami ni Daddy ng ganitong cellphone, luma na rin kasi ang de-keypad na ginagamit ko. Maayos pa naman 'yon kaya nakatago ang bigay nito.
May kinalikot siya sa aparato. "Malamang may impormasyon ang pamilya natin dito."
Pinanood ko siya sa mga tina-type niya sa search bar.
"Hayun, meron," sabi niya sabay pindot sa nakitang article.
Ilang minuto kaming nagbasa ng mga articles tungkol sa pamilya namin at naghanap ng mga pictures sa kung saan-saang websites. Hanggang sa mapadpad kami sa isang social media application. May account pala ako roon pero naka-private kaya hindi namin makita ang nilalaman. Sinubukan kong buksan ng ilang beses pero hindi ko maalala ang password.
"Subukan mo pa, alalahanin mo nang mabuti."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko sa pag-iisip. Anong password ang gagamitin ko sa ganito?
Mabilis kong itinipa ang pumasok sa isip ko. Mabilis na nag-loading at nanlaki ang mata ko nang nabuksan.
"OMG!" excited na sambit ni Rhian habang hinihintay ang paglinaw ng mga larawan.
Kinakabahan ako pero mas nananaig sa akin ang kagustuhang malaman kung sino ang babaeng 'yon. Luminaw ang mga naunang larawan. Natanto ko na noong nakaraang araw na nagtatrabaho ako sa kompanya namin at ang mga larawang iyon ang nagpatunay roon. Kasama ko sa mga larawang iyon ang sa tingin ko'y mga kasamahan ko sa opisina.
Nakuha ng atensyon ko ang isang babaeng nakasuot ng white long-sleeved at itim na pencil cut skirt, mahaba ang buhok at nahihiyang nakangiti sa camera.
"S'ya ba?" komento ni Rhian.
Umiling ako at nagtingin pa ng mga pictures sa ibaba. Baka kaibigan ko siya sa opisina pero sigurado akong hindi siya ang hinahanap ko. Familiar faces popped on the pictures, but I couldn't find who I wanted to see. Naka-tag lang din kasi ako kadalasan sa mga pictures. I guess I wasn't that active in social media before.
Nakarating na ako sa mga mas batang pictures ko. I checked the date and counted back. I supposed it was in my sophomore year in college. Nawawalan na ako ng pag-asa. Kung kaibigan ko siya, bakit wala siya sa mga naunang larawan?
Kinuha ni Rhian ang cellphone sa kamay ko at nagpatuloy sa pag-scroll. Napatuwid ako ng upo nang may makitang picture pero mabilis niyang nalagpasan.
"Sandali Rhian, ibalik mo."
"Saan?" Mabilis niyang binalikan ang mga larawan.
There... The picture was taken in a photography studio. We were laughing as we hugged each other. Natulala ako sa nakangiting mukha ng kasama ko sa picture. Natitiyak kong ito ang nasa panaginip ko pero hindi ako makapaniwalang nakikita ko ito sa larawang masaya. But even if we were happy on that picture, pain and frustration engulfed my system.
Sino ba siya? Bakit ganito na lamang ang nararamdaman kong sakit at pagdadalamhati?
"Tingnan mo, may naka-tag na pangalan," wika ni Rhian na nagpabalik ng atensyon ko sa aparato.
"Shaniah Lhoelle Roque," basa ko sa nakalagay na pangalan.
Habang nakatingin ako sa mukha ng babae ay nagiging pamilyar ang ngiting iyon na para bang ilang beses ko nang nasilayan. Mas nakumbinsi ako na matalik ko nga itong kaibigan.
Pero nasaan siya ngayon? Bakit hindi binabanggit ni Daddy o 'di kaya ni Genus?
Rhian tapped the comment section. There were lots of comments from people I didn't know but a comment got my curiosity.
Betsy Andrada: Hindi na naman nagtawag...
In her comment, three people replied.
Serri Madrid: Hindi ka pa ba nasanay? May sariling mundo ang mga 'yan, e.
Tracy Murillo: Hayaan n'yo na, busy rin naman kayo kaya hindi kayo makakasama.
Hinanap namin ang account ng mga nag-comment sa mga iyon at nalaman kong magkakaibigan kami base sa mga pictures na nakapost sa mga personal account nila. Ngunit kung hindi ako nagkakamali, si Shaniah ang pinakamalapit kong kaibigan. Wala kaming mahanap na recent pictures na kasama nila si Shaniah, karamihan ay larawan kasama ang pamilya nila ang aking nakita.
"Nasaan kaya si Shaniah?" wala sa sariling tanong ko.
"Check natin."
Muling bumalik si Rhian sa larawan naming dalawa ni Shaniah at tiningnan ang personal account nito. The last photo posted was dated back five years ago. She was wearing a red sweetheart midriff paired with a skimpy skirt. Her face was illuminated with different lights and her right hand holds a glass of liquor. She looked sultry and carefree, I guess she was in a bar.
"Five years ago pa ang last post niya, baka kasabay mo siyang nawala?" nag-iisip na wika ni Rhian.
Natahimik ako. Siya ba ang dahilan ng pagkawala ko? Pero nakita ko siyang duguan at wala nang malay. Namilog ang mga mata ko sa napagtanto.
Patay na ba siya? Tsaka may kinalaman ba ako sa nangyari sa kaniya?
Kaya ko bang gawin 'yon? Natitiyak kong hindi ko kayang gumawa ng ganoon pero kilala ko na nga ba ang sarili ko? Paano kung...
"Liah..." untag sa akin ni Rhian.
Napakurap-kurap ako. "B-Bakit?"
Inilagay niya sa kamay ko ang cellphone. Maraming hindi pa nababasang mensahe sa inbox ng account ko. Binuksan ko ang mga iyon.
Tracy Murillo: Liah, nasaan ka na? Nasa ospital si Shan. Bumalik ka na, please.
Betsy Andrada: Girl, where are you? Totoo bang may kinalaman ka sa nangyari kay Shan? Magparamdam ka na sa amin, hindi ako naniniwala sa kanila.
Serri Madrid: Liah, paano mo nagawa 'yon kay Shan? Matalik na magkaibigan kayo, hindi ba? Ano ba'ng nangyayari?
Marami pang ganoon ang mensaheng hinahanap ako pero sila ang nakakuha ng pansin ko dahil sa tingin ko sila ang pinakamalapit na kaibigan ko.
Shan...
Yumuko ako dahil sa bigat na unti-unting dumadagan sa aking dibdib.
Paano nga kung may kinalaman ako sa nangyari kay Shan? Kaya ba ayaw akong pasamahin ni Daddy sa kaniya? Kaya ba sinabi niyang delikado?
Tears formed on the corners of my eyes. Hindi ko matanggap na may kinalaman ako. Hindi ko matanggap na magagawa ko iyon. Napahilot ako sa sentido ko nang maramdaman ang mga tila maliliit na karayom na tumutusok doon.
"Liah, bakit? Masakit ba ang ulo mo?" natatarantang tanong ni Rhian, hindi niya alam kung saan niya ako hahawakan.
"Pakikuhanan ako ng tubig, Rhian," mahinang saad ko.
Mabilis naman siyang pumasok sa loob ng bahay. Sinikap kong isantabi ang mga iniisip para kumalma ang pakiramdam ko. Pumikit ako at sumandal sa poste sa likuran ng inuupuan ko. Seconds passed and slowly I opened my eyes, only to find Genus standing in front of me. Napaahon ako at napatuwid ng upo nang makasalubong ang tingin niyang tila binabasa ang tinatakbo ng isip ko.
"Liah— Narito ka pala." Iniabot sa akin ni Rhian ang tubig at awkward na ngumiti kay Genus.
Pasimpleng inilagay ko sa likuran ko ang kamay kong may hawak na cellphone bago kinuha ang tubig.
"May nangyari ba?" tanong niya, hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.
Dahan-dahan akong tumayo at awkward na ngumiti. "Ano namang mangyayari?"
"Liah, tara na. Tutulungan mo akong magluto, hindi ba?" sabat ni Rhian na ipinagpasalamat ko.
Nauna nang pumasok si Rhian kaya sumunod ako sa kaniya. Lumingon ako nang hindi ko naramdamang sumunod sa amin si Genus. Naabutan ko siyang nakatitig sa cellphone na hawak ko ngunit nag-angat din naman ng tingin nang makitang nakatingin ako sa kaniya.
"Hindi ka ba papasok?"
Tumango siya pero halatang may malalim na iniisip. Kinagat ko ang labi ko at tinalikuran siya para sumunod kay Rhian sa kusina.
"Ayaw mo bang ipaalam sa kaniya?" bulong ni Rhian nang makalapit ako.
"Susubukan kong magtanong pero hindi ko sasabihing may nalaman ako. Baka katulad din ni Daddy na ayaw sabihin sa akin."
Tumango siya at nagpatuloy kami sa paghahanda ng lulutuin. Sumunod ang tingin ko kay Genus na inilapag sa lamesa ang dalang box ng doughnut at umupo na. Nag-iwas ako ng tingin nang akmang titingin siya sa banda namin.
"Bigyan mo kaya ng tubig at kausapin mo roon, kawawa naman," tila nanunudyong wika ni Rhian.
Hindi na bago kay Rhian ang pagpunta rito ni Genus dahil mula nang makauwi ako ay lagi siyang narito tuwing hapon. Sinulyapan ko si Genus na nakasunod ang tingin sa akin.
Nagtungo ako sa may refrigerator para kumuha ng pitsel ng tubig, kumuha ako ng baso at nilapitan siya. Inilapag ko ang mga ito sa harap niya. My brow shot up when he didn't move.
"You want to tell me something?" Matiim pa rin ang titig niya sa akin.
Inatake ako ng kaba pero hindi ko pinahalata. Kalmado akong umupo at nagsalin ng tubig sa baso. Iminuwestra ko iyon sa kaniya pero hindi pa rin siya gumalaw.
Tumikhim ako. "May problema ba sa Maynila?" panimula ko.
His eyes became distant. Nanatili siyang tahimik na tila pinapag-aralan ang mga reaksyon ko. Nag-iwas ako ng tingin.
"Don't worry, okay? Everything is under control," he answered after a long while.
Tumalim ang tingin ko sa kaniya. Definitely not the answer I wanted from him.
"Kailan ka pupunta ng Maynila? Gusto kong sumama." I stared back at him. Hindi ako naniniwalang wala akong dapat ipag-alala.
Nagbaba siya ng tingin at kinuha ang baso sa lamesa. Mabagal siyang uminom ng tubig, nag-iisip. Ang tagal niyang sumagot kaya umahon ang irita ko sa kaniya.
"Hindi ka puwedeng sumama," kalmado niyang tugon pagkatapos ibaba ang baso sa lamesa.
Umirap ako at tinitigan siya nang matalim. Sinasabi ko na nga bang katulad din siya ni Daddy.
"Bakit?"
"It's not safe, Liah. In the eyes of everyone, you were already dead. Baka—" He stopped on his tracks and pursed his lips.
"Ano?" frustrated na tanong ko. Mas pinatunayan lang ng mga sagot niya na may tinatago nga sila sa akin.
"Liah, don't think too much. I will take you to Manila. Just be patient, okay?" Tumayo siya at nananantiyang tumingin sa mga mata ko.
Huminga ako nang malalim. "Dapat ko ba 'yang panghawakan?" nagdududa pa ring tanong ko.
Tumango siya, seryoso pa rin ang mukha. "Yes, in time."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top