Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-One
Clean
Nanlalaki ang mga matang nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Daddy at sa kasama niya ngunit nagtagal ang titig ko sa huli. Sinikap kong alalahanin ang pag-uusap namin ni Daddy kahit gulong-gulo ako.
Ibinuka ko ang bunganga para sa mga salitang nais mamutawi sa bibig ko pero parang ayaw lumabas ng mga ito. Nalilito ako pero mas lamang ang takot sa akin nang mahinuha ang ibig sabihin ng mga salita ni Daddy.
"Anna, can you please leave us for now?" tahimik na saad ni Daddy, kalmado at nananantiya ang mga tingin sa akin. I remember him this way, serious and laid back.
Tumango si Ma'am Anna. "Sa labas lang ako," paalam nito.
Nang naisarado nito ang pintuan ay lalong lumakas ang pintig ng puso ko. Hindi ko namalayang nasa gilid ko na si Genus. He was watching me carefully, like something would go wrong. Nagtatanong ang mga matang tumingin ako rito, nasisiguro kong alam nito ang mga nangyayari ngunit tikom ang labi nito at walang senyales na magsasalita.
Lumipad ang tingin ko sa pintuan nang marinig ang langitngit no'n. Tahimik na pumasok sa silid sina Nanay at Tatay.
"Tamang-tama ang dating n'yo," seryosong salubong ni Daddy sa kanila. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa pagdating nila pero hindi na nawala ang kaba sa dibdib ko.
Naunang nagmano ang kasama ni Daddy kina Nanay at Tatay nang makalapit sila sa amin. "'Nay, 'Tay."
Nawiwindang akong napatingin sa kaniya.
Lisa? But I thought...
"Lisa, umupo muna kayo roon." Kinumpirma ni Daddy ang tanong sa isip ko pero hindi matanggal sa akin ang pagdududa sa isa pang posibilidad.
Pumikit ako at tahimik na naghintay ng sasabihin ni Daddy. Kung tama ako, magaling maglaro ang tadhana. I smiled bitterly. Parang nababaliw na tumingin ako sa kawalan. Memories of Daddy and Mommy arguing flashed in my head and every word was like a dagger that piercing through my heart.
Ako ang dahilan ng pagkawala ni Rhian.
Kusang bumuhos ang mga alaala at mga boses. Tulala akong nakatitig kay Daddy. Pumikit ako ng ilang segundo at pinakiramdaman ang sarili. I'm fine.
Huminga nang malalim si Daddy. Tahimik ang silid kaya habang papalapit siya sa akin ay rinig na rinig ang bawat yabag ng kaniyang sapatos. Naramdaman ko ang pamilyar na takot sa aking dibdib.
"Liah, hanggang saan ang naaalala mo?" marahang tanong niya. Despite his serious and calmness I sensed gentleness.
I gathered all my strength to keep myself composed even when I wanted to burst with my own emotions.
"I-I think that was before graduation in elementary. And I also remember some before college?" hindi sigurado at kabadong sabi ko.
Nagkatinginan sina Daddy at Genus. Si Lisa naman ay tahimik lang, tila malalim ang iniisip.
"Do you not remember anything about Rhian?" maingat na tanong ni Daddy.
Namilog ang mga mata ko. That was my cue.
"She's the last memory I recall, but I just heard that name from your argument with M-Mommy," I said nervously.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako kung mapapatunayan ko iyon o magagalit dahil alam kong 'yon ang dahilan kung bakit malupit si Daddy sa akin noon.
Tumingin si Daddy kay Lisa, pagkaraan ay muling tumutok ang paningin sa akin. Kitang-kita ko ang paghihirap sa kaniyang ekspresyon.
"Liah, Rhian is your twin sister." Umupo si Daddy sa tabi ko at ginagap ang mga kamay ko.
Nagtiim-bagang ako. May parte sa aking ayaw marinig ang mga sasabihin ni Daddy.
"I believed she died when you two were only four years old during that tragedy..." His voice cracked like it was very painful for him to remember but he managed to continue. Parang pinupunit ang puso kong makita siyang ganito.
"S-Sinisi kita sa pagkawala ng kakambal mo. I was stupid to put the blame on you." He paused and looked at me with so much regret. I couldn't look back at him. Pinisil-pisil ko ang mga daliri ng kamay ko.
"N-Napakasama kong ama, I'm really s-sorry, Liah." His voice sounded raw and broken, something I never heard from him before or at least from my latest memory.
Nanubig ang mga mata ko sa narinig. Nanlalabo ang mga matang tumingin ako kay Daddy na nakayuko, halata ang paghihirap at pagsisisi, namumula at nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata.
Tears silently fell on my cheeks. Naramdaman ko ang masuyong hagod ng kamay ni Genus sa likod ko pero hindi nito maiibsan ang sakit na nararamdaman ko para sa batang Liah na walang kamuwang-muwang. She must have been really hurt because her Daddy wouldn't appreciate her. It must been hard for her to grow up, knowing that she was not enough in the eyes of her father.
Nakikita ko ang batang Liah na umiiyak sa isang sulok ng kuwarto, nagdurusa sa kasalanang hindi niya alam at hindi niya maintindihan.
"Labis-labis ang pagsisisi ko noong nawala ka at inakala naming p-patay ka na, anak. Naisip kong ako na lang sana ang kinuha Niya kung gusto Niya akong pagbayarin sa mga kasalanan ko, hindi ikaw na walang ibang ginawa kundi mahalin ako at maging mabuti sa pamilya natin."
Pinunasan ko ang mga luha ko ngunit namuo na naman ang mga panibagong butil sa 'king mga mata.
"H-Huwag n'yo pong sabihin 'yan, Dad," bulong ko at muling pinunasan ang mga luhang naglandas sa aking pisngi. Even though my memories of my Dad were painful, I love him. I wouldn't want him to be hurt.
"I'm... I'm really sorry..." he trailed off. "Maiintindihan ko kung hindi mo ako mapatawad pero gusto kong malaman mo na wala kang kasalanan sa pagkawala ng kapatid mo, Liah. K-Kasalanan ko, hindi ko lang matanggap na ako ang nagpahamak sa inyo..." Tumigil siya sa pagsasalita at tumingin kay Lisa na nakatingin lamang sa amin mula sa sofa.
Nakita ko ang kaunting awa sa mga mata ni Lisa pero dagli ring nawala nang nagsalubong ang aming paningin. Muli kong tinuyo ang mga pisngi mula sa mga luha gamit ang kaliwang palad. Sinulyapan ko sina Nanay at Tatay na tahimik lang ngunit nang makita ang tingin ko'y tipid silang ngumiti sa akin. Their smile and kindness gave me assurance and inspired me to forgive.
Hindi ko mababago ang nakaraan, pero hindi ko rin hahayaang maging bilanggo ako ng mga mapapait at masalimuot na alaala.
"I've already forgiven you, Dad. Whatever happened in the past was already just a faded memory to me. But... thank you for telling me this. It means so much to m-me." My lips trembled and a sob escaped from my lips. My heart instantly felt light even when tears couldn't stop from gushing down my cheeks.
Humigpit ang hawak ni Daddy sa kamay ko. "Thank you, Liah."
Ilang minutong hindi ako nakapagsalita, nakatingin lang sa mukha ni Daddy. The wrinkles at the tip of his eyes were more visible and they were slightly swollen from the tears. I could imagine how devastated he was when he realized that again he lost another daughter. I wasn't in the position to judge him, I know he suffered enough.
Inangat ko ang paningin at tumutok ang mga mata ko kay Lisa. I smiled when I finally accepted that she was already here with us.
My gaze fell on Daddy. Nagtagal ang tingin ko sa kaniya na nagpupunas ng luha at unti-unti nang kumakalma. I needed his confirmation.
"Daddy," tawag ko sa kaniya. "I-Is she... " Hindi ko matuloy ang nais kong sabihin.
Lumambot ang ekspresyon ni Daddy habang nakatingin sa akin pero maaaninag pa rin ang paghihirap.
"Nahanap ni Rann si Rhian, Liah. Nahanap na ang kapatid mo," nahimigan ko ang kasiyahan sa boses ni Dad.
It felt like the loads I had on my shoulders got lifted. Ngumiti si Daddy nang makita ang reaksyon ko. Mabagal na naglakad si Lisa at tumayo sa tabi ni Daddy. Mataman siyang tumingin sa akin at awkward na ngumiti.
"Liah, this is Rhian, y-your twin sister. Hindi pa lumalabas ang resulta ng DNA test pero nasisiguro kong siya ang anak ko at ang kapatid mo."
Napakurap-kurap ako at hinayaang makaapak ang paa ko sa sahig upang makatayo. Tahimik naman akong inalalayan ni Genus.
"H-Hi, Liah," nag-aalinlangang bati niya.
It was ironic how fate worked on our lives. I experienced how she lived for the past years. The family we grow up with was very different from each other. Ilan lamang ba ang nabibigyan ng pagkakataong makilala ang nawawalang kapamilya? I consider myself lucky, because despite everything, I met my family, even in an unexpected way.
Malapad akong ngumiti, may kaunting luha sa mga mata pero masaya akong makilala siya kahit wala akong alaala sa kaniya. Sa tingin ko naman ay hindi pa huli ang lahat para kilalanin namin ang isa't isa.
"R-Rhian," bulong ko.
Namasa ang mga mata niya at umambang yayakapin ako. Nagpaubaya ako at niyakap siya nang mahigpit. Nagtawanan kami nang matapos ang yakap. I could feel the instant connection with her.
"Ang drama pala ng pamilya natin," natatawang sabi niya pagkatapos naming kumalas sa isa't isa.
I chuckled and smiled wider. She's my sister. I've finally have someone on my side. If only I met her sooner, I guess things would be different.
Lumapit sa amin sina Nanay at Tatay. Bagaman may kaunting luha sa mga mata ay nakangiti naman. Niyakap sila ni Rhian. I was very thankful of them. For the past years, they loved me like their real daughter and I know they did the same to Rhian.
Time flies quickly. We didn't notice it when we were having a good time together. Iniwan kami ng mga matatanda at ni Genus, sa loob ng silid para makapag-usap nang maayos. I didn't expect that Rhian was very talkative. Hindi makapaniwala si Ma'am Anna nang ipakilala ko siya bilang kakambal ko.
"Totoo ba 'yan, Liah? Baka gino-good time mo ako, ah."
I gestured Rhian's face. "Hindi ba halata? We looked the same."
"Bakit ba hindi ka naniniwala?" supladang wika ni Rhian na nasa tabi ko. Tumayo siya at lumebel kay Ma'am Anna na nakatayo rin.
Umirap si Ma'am Anna. "Sa ugali pa lang magkaiba na."
"Aba—"
"Tama na 'yan," saway ko sa kanila. Tumigil sila pero umirap naman sa isa't isa.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit mainit ang dugo nila sa bawat isa. Naalala ko ang mga kuwento ni Ma'am Anna sa akin tungkol kay Lisa. Sa tingin ko naman ay hindi niya gagawin 'yon nang walang dahilan.
It was almost ten in the evening when they decided to go home. Nagpumilit si Daddy na ihatid sila dahil may sasakyan siya at hindi na sila nakatanggi dahil gabi na, mahihirapan silang mag-commute kung sakali.
Tatay offered me to stay in our house when I would be discharged from the hospital tomorrow. Daddy agreed because he said, he would be at ease knowing that I was somewhere safe. Ang ikinabahala ko lang ay dalawa lang ang kuwarto sa bahay. The rooms were already occupied but Rhian insisted that she wanted us to stay together in her room. They would change the bed into a double deck to let me sleep in there.
Naiwan kaming dalawa ni Genus sa silid. His eyes burned into mine when our gaze met. The day was tiring but it was worth it. He took a step closer, never leaving me with those deep, soulful eyes.
"Are you tired?" he asked. His voice soft and I shivered at the thought that we were alone. The spacious room seemed congested because of his presence.
Tumango ako pero hindi ako inaantok. Maybe, because I took a nap in the afternoon. I watched him as he moved towards me. He did most of the work in finding me and Rhian. He was a busy person and yet he was here, taking care of me.
"How are you feeling?" He sat on the vacant chair beside the hospital bed. I straightened my wrinkled hospital gown, feeling anxious.
He dragged his chair closer to the bed and I unconsciously leaned back to avoid him. He raised an eyebrow at my sudden movement. I was uncomfortable, alright. He looked undeniably good with his navy blue shirt and khaki pants while I probably looked like a mess. I was sure that my hair was tangled and messy, not to mention my face. No doubt I looked like crap!
I sprung my legs on the edge of the bed and let my bare feet on the cold floor. I got up and immediately pulled the dextrose along with me.
"Where are you going?" Genus stood abruptly and was taken aback by my movements. He stalked me from behind but he stopped midway when he realized I was heading to the bathroom.
I went inside leaving the door open. I stared at the sink to figure out how to wash my face with just one hand. Hindi ko puwedeng gamitin ang kabilang kamay dahil nakakabit ang swero doon. Nasanay kasi akong tinutulungan ni Nanay tuwing nasa ospital kaya mahihirapan ako, panigurado.
Huminga ako nang malalim nang napagtantong hindi ko nadala ang mga kakailanganin ko.
"Need help?" Prenteng nakatayo si Genus malapit sa pintuan, nakamasid sa akin.
Nahihiya akong tumango, walang ibang tutulong sa akin kundi siya.
"Can you get my bag beside the bed?" I softly asked. Nanay brought some of my personal needs yesterday.
"What do you need?" He placed my bag in front of the door and opened it.
"The pink pouch inside," I replied. Dumungaw ako sa kaniya na nakaluhod at kinakalkal ang bag ko.
Mabilis din naman niyang nahanap at iniabot sa akin. "Thank you."
Dali-dali kong kinuha sa loob ng pouch ang toothbrush at toothpaste. I started to brush my teeth while he was watching me. Pagkatapos magsepilyo ay naghanap ako sa pouch ng pantali ng buhok. Mabuti na lang at nakahanda na ang mga ito kung sakaling may emergency na napapadalas mangyari.
"Give me that." Hindi ko namalayang lumapit sa akin si Genus.
"Huh?" Naguguluhan akong tumitig sa kaniya.
Nakatingin siya sa hawak kong ponytail. Napatingin din tuloy ako sa kamay ko. Nagsimula akong maghanap ng ponytail sa pouch nang mapagtantong baka gusto rin niyang itali ang may kahabaan niyang buhok. Nakikita kong itinatali niya rin kasi 'yon.
Nagulat ako nang kinuha niya ang pantali na inilagay ko sa gilid ng sink. Magpoprotesta sana ako dahil pambabae 'yon at kulay pink pa pero inunahan niya ako.
"I'll tie your hair."
I stiffened when he positioned himself behind my back. Maingat niyang sinikop ang mga hibla ng buhok kong alam kong oily na dahil sa hindi pagligo. His scent attacked my nose. He smells so good but not too strong that could make me faint. It was clean yet addicting.
Yumuko ako nang kaunti at bahagyang inamoy ang sarili. Inilayo ko rin ang ulo ko, nako-conscious. Hindi naman ako mabaho pero nakakahiya dahil pakiramdam ko'y ang dungis ko.
"Don't move," he said seriously. Parang nakikinita ko siyang seryoso sa pagtatali ng buhok ko. I felt that he was trying to be as gentle as possible. Hindi ko mapigilang mapangiti.
"Done." Ngumiti siya at lumipat sa gilid ko. "Ano pa ang gagawin mo?"
"Maghihilamos pa ako. Doon ka na," taboy ko sa kaniya. Hindi makabubuti sa naghaharumentado kong puso ang presensiya niya sa tabi ko.
Hindi siya gumalaw dahilan ng pagbaling ko ng tingin sa kaniya. "Ano?"
"You can't use your left hand." Sinulyapan niya ang kaliwang kamay ko. "Let me wash you up. May nakita akong maliit na tuwalya sa bag mo. I'll just get it."
Namimilog ang mga matang sumunod ang tingin ko sa kaniya. Mabilis niyang binuksan ang bag ko at kinuha ang tuwalya na isinampay niya sa balikat niya at dinampot na rin ang maliit na face towel.
"Hindi mo na kailangang gawin 'yan. Kaya ko." Natatarantang inabot ko ang tuwalya sa balikat niya ngunit iniwas niya ito.
Hindi niya pinansin ang mga sinabi ko. Seryoso lang siyang tumingin sa akin at pumuwesto na sa gilid ko. Binuksan niya ang pouch ko roon, at hinalungkat ang nasa loob. Tahimik niyang binasa ang mga brand ng mga bote hanggang sa mahanap niya ang ginagamit kong face wash.
Huminga ako nang malalim at kinagat ang labi ko. Bakit ba lagi niya akong napapasunod sa gusto niyang mangyari?
Humarap na lang ako sa sink, binuksan ang gripo at binasa ang mukha ko gamit ang isang kamay. Naglagay siya ng face wash sa kamay niya at pinabula 'yon. Siya pa yata ang magsasabon sa mukha ko. Maingat niyang idinampi ang bula ng sabon sa magkabilang pisngi ko. I quickly spread the soap all over my face. Baka maisipan pa niyang siya ang gumawa no'n, mahirap na.
"Ako na ang magbabanlaw," presenta niya pero hindi ko siya pinakinggan.
Yumuko ako sa sink para mabanlawan nang mabuti ang mukha ko. Hirap na hirap ako dahil isang kamay lang ang puwede kong gamiting pansahod ng tubig. Nagtagal ako roon at matiyaga naman niya akong hinintay.
Humarap ako sa kaniya para kunin ang tuwalya nang matapos ako.
"I'll get my towel," I said when he didn't move. He stared at my face like something was wrong.
Hinilamos ko naman ang kamay ko sa mukha ko para matanggal ang ano mang sabon o duming naiwan.
"May sabon pa rito." He pointed at my temple. Mabilis ko namang hinaplos iyon pero umiling siya. Kumunot ang noo ko.
Pinaglalaruan niya ba ako?
Humarap siya sa sink. "Come here."
Sumunod ako para matapos na. Binasa niya ng tubig ang kamay niya at dahan-dahang idinampi sa sentido ko. Heat rushed on my cheeks when I felt his gentle hands slightly stroking my temples. Ilang beses pa niyang inulit bago marahang idinampi ang tuwalya sa mukha ko para tuyuin ang tubig doon.
Para na akong tuod sa kinatatayuan nang matapos niyang punasan ang mukha kong tiyak na singpula ng kamatis. Lalabas na sana ako ng banyo nang pigilan niya ako.
"Let's clean your arms, also."
My eyes widened a fraction and shook my head fast. "Hindi na."
Nakakahiya naman na siya pa ang gagawa no'n pero hindi siya nakinig. Binasa niya ng tubig ang face towel at piniga ito. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at marahang idinampi roon ang basang face towel.
Hindi ko na maitsura ang mukha ko habang nakatingin sa kaniyang ginagawa. Pakiramdam ko'y naririnig na niya ang lakas ng kalampag ng puso ko dahil sa katahimikan. Parang wala lang naman 'yon sa kaniya pero habang nakatitig ako'y unti-unti kong natatanggap ang kakaibang nararamdaman ko na pilit kong itinatanggi sa mga nakalipas na linggo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top