Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Three
Dark
Pagkatapos umalis ni Genus nang gabing 'yon, nagpatuloy kami ni Rhian sa paghahanap ng clue kung nasaan si Shan. Binuksan ko rin ang cellphone na bigay ni Daddy at kinalikot ito para maging pamilyar ako sa aparato.
"Liah, tingnan mo 'to. May nahanap akong article tungkol doon sa nangyari five years ago." Dumungaw si Rhian sa akin mula sa itaas na kama.
Umupo ako at inabot ang cellphone para tingnan iyon. Nanigas ako sa kinauupuan nang mabasa ang unang bahagi niyon. It was an article about Shan in critical condition in the hospital and the suspect on the run. Hindi pinangalanan ang suspect ngunit may pakiramdam akong ako ang tinutukoy. Tiningnan ko kung kailan ito nailathala at nakitang limang taon na ang nakararaan. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa.
According to the article, Shan's father was a politician and came from an influential family. That might be the reason why we couldn't find a detailed report about what happened. They might have blocked and deleted all the information about that crime.
Natulala ako sa mga nabasa. Muling dumaan sa isip ko ang halos wala nang buhay na katawan ni Shan sa aking panaginip. Nangilid ang luha ko pero pinilit kong magpakatatag. Marami pa akong aalamin at dapat kong ihanda ang sarili ko.
Bumaba si Rhian ng kama niya at tumabi sa akin. "Patay na kaya s'ya?"
I heaved a deep sigh to feel better. Iyon din ang tanong ko pero ayaw kong tanggapin ang posibilidad noon. If there would be a possibility that she survived, I would hold onto that. Mahirap kapag nandito lang ako, hindi ko talaga malalaman ang mga nangyari noon. The sources were limited and I have a hunch that both parties decided to conduct the investigation privately.
If I was the suspect, maybe that dream was my last memory of Shan. But what happened after that? Para kong pinipiga ang utak ko pero wala na akong ibang maalala.
"Liah, huwag kang masyadong mag-isip. Baka makasama sa 'yo."
Nag-angat ako ng tingin. Hindi na pala ako nakapagsalita kaya niya nasabi 'yon. I didn't feel any headache, so there was no reason for her to worry.
"Inaalala ko lang kung may kinalaman ba ako sa nangyari sa kan'ya. H-Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung ako nga ang may gawa no'n." Hindi ko mapigilang gumaralgal ang boses ko.
Hinawakan ni Rhian ang kamay ko. "Kahit na kailan lamang kita nakilala, naniniwala akong mabuti kang tao."
Nagpapasalamat akong narito siya sa tabi ko. Malaya kong nasasabi sa kaniya ang mga alalahanin ko. Gulong-gulo ako sa mga nalaman at sapat na sa akin na may naniniwalang hindi ko magagawa 'yon. Mas umigting ang kagustuhan kong malaman ang totoong nangyari sa akin noon.
"I need to go back to Manila," sambit ko nang bahagyang kumalma ang pakiramdam ko.
"Nasabi mo na ba ito kay Genus?" nag-aatubiling tanong niya.
"Oo, nangako s'ya sa akin na isasama n'ya ako."
Malungkot siyang ngumiti. "Ibig sabihin iiwan mo na ako rito."
"Gusto mo bang sumama?" tanong ko.
"Hindi na muna, gusto kong manatili para kina Nanay at Tatay. Kailan ba ang alis n'yo?"
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ako sigurado."
Kailangan kong kausapin tungkol doon si Sir Genus. Hindi nga malinaw ang sagot niya kung kailan niya ako isasama sa Maynila. Baka puwede ko siyang kumbinsihing pagkatapos ng exam ng mga bata sa susunod na linggo. Pakiramdam ko talaga nasa Maynila ang kasagutan sa mga tanong ko.
Nang gabing iyon, muli kong napanaginipan si Shan. Mas klaro kong nakita ang katawan niyang nakalapat sa sahig at ang mapulang likido na nagkalat sa kinahihigaan niya.
"Shan!" Lumuhod ako sa tapat niya. Nag-unahan ang mga luha ko sa pagbalong sa aking mga mata pero nanaig ang takot ko para sa kalagayan niya.
"Gumising ka, please..." Bahagya kong tinapik ang kaniyang pisngi at umasang magigising siya ngunit hindi siya gumalaw. Sinuri ko ang katawan niya at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kaniyang duguang kamay na nakahawak sa isang malaking sugat sa kaniyang tiyan. Idiniin ko ang kamay ko roon upang pigilan ang pagdurugo.
Halos matulala ako nang gumalaw ang daliri niya sa kaliwang kamay. Nabuhayan ako ng pag-asa.
"Shan!" muling tawag ko at ch-in-eck ang palapulsuhan niya.
She's alive!
"Lumaban ka, Shan. Please..."
Sa nanginginig na kamay, kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa. Kailangan kong humingi ng tulong para madala siya sa ospital.
"Huwag kang kikilos nang masama!"
Halos mahulog ko ang cellphone ko nang marinig iyon. Dagli akong napalingon sa pinto na hindi ko naisara sa pagmamadali. Nakatutok sa akin ang baril ng dalawang pulis. Ang isa'y kinumpas ang kamay nito sa likod at narinig ko ang mga yabag papalapit.
Gulantang akong napatingin sa baril na hawak nila nang unti-unti silang lumapit sa akin. Ibinuka ko ang nanginginig kong labi ngunit walang lumabas na salita mula roon.
Ano'ng nangyayari?!
Sa mabilis na kilos, pumunta sa likod ko ang isang pulis habang nakatutok pa rin ang baril ng kasama niya sa akin. Malakas na tunog ng nahulog na cellphone ko ang tanging narinig nang marahas niyang hawakan ang dalawang kamay ko at dinala sa aking likuran. Napayuko ako at mas lalo akong napaluhod. Naramdaman ko ang malamig na posas na pumalibot sa palapulsuhan ko at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang nangyayari.
"Wala akong kasalanan! Pakawalan n'yo ako!" sigaw ko at iginalaw ang mga kamay ko upang makawala sa pulis na humawak sa akin. Ngunit tumulong ang isa pang pulis upang pigilan ako.
"Ikaw ay inaaresto sa tangkang pagpatay. Ikaw ay may karapatang manahimik o magsawalang kibo. Anuman ang iyong sasabihin ay maaaring gamiting pabor o laban sa iyo..."
Kasabay ng pagsasalita ng pulis—na halos hindi ko na narinig—natutok ang pansin ko sa pagpasok ng mga paramedic na mabilis inasikaso si Shan. Pilit akong pinatayo ng pulis at napasinghap ako nang maramdaman ang rahas ng pagkakahawak nito sa aking braso upang mailayo ako sa tabi ni Shan.
Pinalibutan si Shan ng mga paramedic kaya hindi ko makita kung anong ginagawa sa kaniya. Hinila ako ng pulis palabas ng pintuan ngunit naiwan ang mga mata ko sa kinaroroonan ni Shan. Wala akong ibang inisip kundi ang madala ito sa ospital.
Tumabi ang mga pulis sa gilid ng pintuan habang hila-hila ako nang maingat na binuhat si Shan para isakay sa stretcher na nag-aabang sa tapat. Mabilis nila iyong binuhat palayo.
Natulala ako sa dugong naiwan sa sahig. Bumuhos ang luha sa aking mga mata nang maisip ang kalagayan ni Shan.
Shan, lumaban ka, please...
"Anak daw ni Senator Roque ang biktima," bulong ng isang pulis sa aking tabi.
Nataranta ang nakahawak na pulis sa akin at halos kaladkarin ako nang humakbang siya. Doon ako natauhan at nanlamig. Pumiglas ako sa hawak niya kaya tumigil siya sa paghila sa akin. Hinarap niya ako.
"W-Wala po akong kasalanan!" nanginginig kong sabi ngunit natulos ako sa kinatatayuan nang nakita ang dilim ng tingin ng pulis sa akin. Natatakot ako sa kung anong puwedeng mangyari pero tinatagan ko ang sarili. Wala akong kasalanan.
"Miss, sumama ka nang mahinahon sa amin sa presinto," malamig at kalmadong turan niya.
Bahagya akong itinulak ng isang pulis sa likod ko para magpatuloy sa paglalakad. Lalong nangilid ang luha sa aking mga mata.
Bakit nangyayari sa akin ito?
Pumasok ang ilan pang kasamahan nila sa loob ng condo at mabilis pinalibutan ng dilaw na tape ang pintuan.
"Bilisan mong maglakad." Itinulak ulit ako ng pulis sa likod ko. Namamanhid at nanlalamig ako habang naglalakad. Hindi ko mapaniwalaan ang mga nangyayari.
Nakita ko ang ilang taong nagbubulungan sa labas ng unit. May mga pulis na umaawat sa kanila at sinasabihang umalis na. Yumuko ako upang itago ang mukha ko mula sa mapanuring tingin ng mga ito sa akin. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na wala akong kasalanan pero hindi ko mapigilan ang tahimik na mapahikbi.
Malakas na sirena ng ambulansya ang sumunod na umalingawngaw sa aking pandinig. Sariwang-sariwa sa isipan ko ang kalunos-lunos na anyo ni Shan. Bumuhos ang mga panibagong butil ng aking mga luha.
I prayed hard for Shan to be okay. Kumapit ako sa isiping malakas si Shan, na hindi niya ako iiwan.
Iminulat ko ang mga mata at sinalubong ako ng madilim na paligid. I stared blankly in the dark. I couldn't believe it. I was in the crime scene and I was arrested by the police. I didn't do it. That was for sure.
Then, who did?
Umupo ako at niyakap ang mga tuhod. Hinilamos ko ang mga kamay sa mukha ko. Noon ko lang napansin na basa ng luha ang aking mga pisngi. Hindi ko napigilan ang panginginig ng balikat ko sa paghikbi.
"Liah?"
Lumundo ang kama pero hindi ko pinansin. Mayamaya pa napaangat ako ng tingin nang lumiwanag ang paligid. Naabutan ko ang nag-aalalang mukha ni Rhian. I saw my reflection in her eyes that made me cry more.
Tinabihan niya ako na para bang alam niya ang pinagdadaanan ko. Tahimik niya akong niyakap at lalong nag-unahan ang mga luha ko. The warmth of her embrace made me feel that I wasn't alone. She was here with me and I needed it the most.
Lumipas ang ilang oras na tahimik akong umiyak pagkatapos umakyat ni Rhian sa kama niya. Paulit-ulit kong nakikita ang mga tagpong iyon sa aking utak na tuwing hihilahin ako ng antok ay bigla-bigla akong nagigising at umiiyak.
Sa pangatlong beses na pagbaba ni Rhian upang i-check ako dahil sa muling paggising ko, hinayaan ko siyang tumabi sa akin sa pagtulog. Iniwan niyang bukas ang ilaw pero hindi iyon nakatulong sa bigat ng nararamdaman ko.
Narinig ko ang mabining paghinga niya hudyat na tulog na siya pero dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. I lifted my hands and looked at my palms. I could imagine them full of blood and I shivered at the thought of me in prison. I could picture myself in a police station but I couldn't remember what happened. It was as if a distant memory that I hated to come back.
Hindi ko namalayang hinila ako ng antok pagkaraan ng mahabang sandali. Ngunit sa pagpikit ng aking mga mata ay mukha ni Shan na humihingi ng tulong ang sumalubong sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita siyang nahuhulog sa isang bangin. Mariing nakakapit ang dalawang kamay niya sa kinatatayuan ko ngunit iniabot niya sa akin ang isa nang makita ako.
"Liah, h-help me..." Nanginig ang kaniyang boses.
Agad kong inabot at hinawakan ang kamay niyang nakalahad sa akin pero hindi ko magawang hilahin ito.
"Shan, kumapit ka nang mabuti!" Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya pero hindi sapat ang lakas ko.
Unti-unti siyang nilamon ng dilim. Yumuko ako, halos mahulog na rin ako para hindi ko mabitawan ang kamay niya. Halos hindi ko na makita ang katawan niya pero natitiyak kong hawak ko pa rin ang kamay niya.
"Liah."
Her hand slowly slipped on mine. "Shan!" nangangatal ang labing sigaw ko.
Ngumiti siya sa akin bago nawala ang mukha niya sa paningin ko.
My tears couldn't stop falling as I knelt at the edge of the ground and I drooped forward to search for her. It was dark. I couldn't see anything. My frustration grew more.
"Bumalik ka, Shan!" Hinilamos ko ang mga kamay ko sa mukha kong basa ng luha. Nanginig ang buong katawan ko na tila nawalan ng lakas.
"Liah..."
Narinig ko ang boses ni Rhian pero kailangan kong hanapin si Shan. I desperately stood and looked for her in the dark even if I didn't know where to find her.
"Shan!"
"Liah!"
I wanted to stay but the dark was slowly disappearing. Gusto kong hilahin ang kadiliman ngunit unti-unti na itong nilalamon ng liwanag. I was half awake but I didn't want to wake up.
I stayed still for few moments with my eyes closed. I realized I was dreaming, again. Iginalaw ko ang kanang kamay at ipinatong ang likod ng palad ko sa aking mga mata. I wanted to go back but I couldn't.
Dumilat ako at natulala sa kama sa taas. Naramdaman ko ang mainit na luha na naglandas sa gilid ng aking mga mata.
"Shan..." bulong ko.
Nasaan ka?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top