Chapter 13
ZIAN
FINALLY, WORK'S OVER.
Iba ang pagod ko ngayon. Dapat kasi hanggang kaninang umaga lang ang 24-hour shift ko, kaso may sinalihan pa kaming training. Hapon na kami natapos.
The only thing hyping me up right now is I'll be off for four straight days. Matagal kong makakasama si Carly. Naghanda nga ako ng maliit na sorpresa para sa kanya bukas kasi gusto ko talagang masulit na wala akong trabaho.
I can't wait to see her again. Hindi pa ulit kami nagkikita kasi palagi akong pagod.
Pagkasakay ko sa kotse, tinawagan ko agad siya. I closed my eyes and rested my head on the seat while waiting for her to pick up. Antok na antok na ako.
Nakailang ring lang naman, sumagot na rin siya. "Hey!"
I smiled the second I heard her voice. "Hey. I miss you."
"I miss you, too. Tapos na ang training mo?"
"Yeah, I'm in the car now. Tinawagan lang muna kita bago ako umalis sa station."
"You sound tired. Are you okay?"
"I'm good, don't worry. Makakapagpahinga na rin naman ako. I want to see you. Are you busy right now? Daanan kita saglit?"
"Uhm..."
Ang tagal niyang makasagot.
"You're busy, aren't you?"
"Medyo, eh. I'm working on a commissioned piece. Nagbayad na kasi 'yung client kaya binibilisan kong tapusin."
"I see. It's okay."
"I'm sorry. Hindi pa tayo nagkikita ulit. But you've got a four-day break, right? Let's see each other tomorrow? For now, please head home and get some proper rest. Mag-aalala ako sa 'yo niyan, sige ka."
Napangiti ako. "Okay. I'll video call you once I'm home."
"Okay, I'll wait. Ingat sa pag-drive."
Nagpaalam lang ako at binaba na ang tawag, tapos nagmaneho na pauwi.
Medyo nagkaroon naman ako ng lakas pagkatapos siyang makausap. Minsan talaga, boses niya lang ang kailangan ko.
Mabilis akong nakauwi.
Papasok na dapat ako sa apartment pero natigilan agad ako kasi parang may ibang tao sa loob.
I opened the door fast, and I saw Carly, smiling sweetly at me from the kitchen.
"There you are," she said. "I've been waiting for you."
Pakiramdam ko, lahat ng pagod ko nawala.
Nakatitig lang ako sa kanya kasi hindi ko inasahan na nandito lang pala siya at naghihintay sa 'kin. The way she stood there smiling at me, I felt like coming home to a wife.
"Did I startle you that much?" she then teased. "Binigyan mo ako ng duplicate key, 'di ba?"
Tsaka lang ako nahimasmasan. Nilapitan ko na siya at niyakap agad nang mahigpit. I just sank into her warmth. "I couldn't believe you're here. I thought you were busy?"
"Palusot ko lang 'yon. Natapos ko na ang commissioned painting kagabi kaya libre na ulit ako. Kanina pa nga kita hinihintay e."
Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. "I missed you so much. Ang saya ko na pinuntahan mo ako."
Bahagya siyang kumalas ng yakap at hinaplos ang pisngi ko. I just closed my eyes and held her warm hand on my cheek. Ang sarap magpalambing sa kanya ngayon.
"Sabi mo hindi ka pagod," pag-aalala niya, "pero parang pagod na pagod ka naman. Your eyes are heavy again. Bakit kasi dumiretso ka pa sa training?"
"I had to."
"Hindi ko talaga maintindihan kung paano mo nagagawang magtrabaho ng gano'n kahaba."
"Nasanay na lang siguro. Or maybe it's the adrenaline. Ang dami nga ring tawag sa station namin kagabi kaya putol-putol ang pahinga ko. Even now, I feel like I could still hear the sirens in my head."
"Kawawa ka naman talaga. Parang nagsusumbong ka na sa 'kin. Come here." Niyakap niya ulit ako.
I held her tight and pressed my face against her hair. Sanay naman talaga ako sa pagod at alam kong kaya ko ang sarili ko, pero ewan ko ba kung bakit kapag kasama ko siya, gustong-gusto kong nagpapalambing.
"I really missed you," I just said, keeping her in my arms. "Sinorpresa mo ako, kaya bukas, may sorpresa ka rin sa 'kin. I'll take you out."
"Talaga? Saan tayo pupunta?"
"Surprise." I pulled away and tucked her hair behind her ear. "Pick up some clothes from your apartment tomorrow."
Napangisi siya. "Ooh, sounds fun. Sige, I'll stay the night here tapos idaan mo ako bukas sa apartment. Kain ka na pala. I cooked dinner for you."
Naghanda na siya ng pagkain sa mesa.
I was just watching her. Kung ganito sana ang uuwian ko araw-araw, siguradong tanggal palagi ang pagod ko sa trabaho.
PAGKATAPOS NAMING KUMAIN, doon na ulit ako nakaramdam ng antok. Nilalabanan ko na lang kasi gusto ko pang makinig sa mga kwento ni Carly. Natutuwa ako kapag madaldal siya.
Mayamaya lang, biglang tumunog ang tablet niya na nasa counter.
Tiningnan niya agad. "Oh! Max is calling." Tinapat niya sa 'min ang tablet bago sinagot ang video call. "Hi, Maximo!"
"Carla! I miss you!" Ang saya pa ng bati ni Max, pero natigilan din agad. "Wait, nasaan ka? That doesn't look like our apartment."
Natawa si Carly, tapos hinarap sa 'kin ang tablet.
Kumaway na lang ako. "Hey, Max. Sorry, she's at my place."
His eyes widened. "HOY! Bakit nasa iyo ang kaibigan ko? Did she move in with you?"
Carly giggled and turned the tablet back to her. "Wag ka ngang OA, Max. Dinalaw ko lang si Zian kasi pagod siya sa trabaho."
"Ah...so pinupuntahan mo pala siya. Imposibleng walang nangyayari sa inyo niyan."
"Oh my god." Napatakip agad ng mukha si Carly.
I'm trying not to chuckle. Her reaction was just so cute.
"Biro lang," bawi naman agad ni Max. "Wala naman akong pakialam kung anong mga ginagawa niyo, matatanda na kayo. Uhm...can I speak to Zian again, please?"
Hinarap ulit sa 'kin ni Carly ang tablet.
"Zian, let's talk privately," sabi sa 'kin ni Max. "Lumayo ka muna kay Carla."
Bigla namang sumilip si Carly. "Uy, ano 'yan? Wag mo muna siyang kausapin. He's tired."
"No, it's okay," sagot ko. "I can talk to him." Kinuha ko muna ang tablet, tapos pumasok sa isang kwarto.
I sat on the bed's edge and went on with the call. "Hey, what is it?"
"Seryoso ka ba kay Carla?" diretso niyang tanong.
Napangiti ako. I didn't expect him to be this upfront. Alam ko na agad kung tungkol saan 'tong pag-uusapan namin.
"I'm serious," diretsong sagot ko rin sa kanya. "I wouldn't want her here by my side if I wasn't."
"Ito Zian, matinong usapan, ah. Lalaki sa lalaki kahit na pusong babae ako. Wag mong sasaktan si Carla. Kapag sinaktan mo 'yan, kahit hindi ako marunong sumapak, sasapakin talaga kita."
"You can trust me on that. Alam kong importante siya sa 'yo, gano'n din naman siya sa 'kin. All I want is to keep her happy."
"Good. Paniniwalaan kita diyan. That woman is precious, okay? Sa totoo lang, ang swerte mo kasi 'yang si Carla, hindi 'yan mahilig sa mga lalaki. Hindi niya rin naman kailangan kasi sa pamilya niya pa lang at sa akin, busog na siya sa pagmamahal. So she must've seen something special in you. Ang consistent niya sa 'yo, e. Pasalamat ka na lang din kasi gusto kita para sa kanya."
Napangiti ako. "Ang swerte ko nga talaga. You don't have to worry, Max, I'm not playing around. Kusa akong magpapasapak sa 'yo kung sakaling masaktan ko siya."
He smirked. "Baliw. O sige na, I'm preparing for our last show tonight. Tatawagan ko na lang ulit si Carla mamaya."
"Okay. Bye."
Binaba na niya ang tawag.
Lumabas agad ako ng kwarto pagkatapos, pero nagulat ako kasi si Carly, nandito lang pala sa pintuan. Muntik pa siyang sumubsob pagkabukas ko ng pinto.
I shook my head with a grin. "Anong ginagawa mo diyan?"
"Hindi ko kayo marinig, e. Anong pinag-usapan niyo ni Max? Bakit kailangang private pa?"
"Wala. Secret."
"Tsk, ano nga?"
"Wala nga."
"Ah, gano'n? Sige, wag mo nang sabihin. Itago mo 'yan habangbuhay." Umirap siya at dapat magwo-walkout.
I chuckled and pulled her by the waist to kiss her cheek. "Ang sungit mo na naman, ah. Nagbilin lang sa 'kin si Max. Wag daw kitang sasaktan."
"S-sinabi niya 'yon?"
"Mm-hmm."
"And what did you tell him?"
"I told him that's the last thing I'd ever do."
Her eyes softened. "Sorry, overprotective lang talaga sa 'kin si Max. Ikaw lang din ang dinate ko na kinausap niya nang ganyan."
"I'm lucky, right? Pakiramdam ko, ipinagkatiwala ka na niya sa 'kin."
"He probably did. Pero panindigan mo kung ano man ang pinangako mo sa kanya, ah? Sobrang matampuhin 'yon. Blacklisted ka talaga kapag hindi ka tumupad."
"Of course. You're mine to protect now. Tsaka sasapakin niya raw ako kapag sinaktan kita. Syempre natakot ako. Papangit ako niyan."
Natawa siya. "Silly!" Tapos hinaplos ang buhok ko. "Go freshen up. Magsi-skincare muna tayo bago ka matulog."
"Anong skincare?"
"May dala akong clay mask." Umalis siya at kinuha sa bag niya para ipakita sa 'kin. "Here! Lalagyan kita sa mukha para lalo kang gumwapo."
I grinned. Parang alam ko na 'yon. Ayun 'yong kulay green sa mukha niya nung binisita ko siya dati sa apartment. I don't usually do stuff like this, but I will for her.
Pagkatapos kong maligo, pumwesto na kami sa tapat ng malaking salamin sa banyo. I lifted her and sat her on the vanity top, tapos inumpisahan na niya akong lagyan ng clay mask sa mukha. Nakapikit lang ako.
"You have really nice skin," sabi niya. "Nakakainggit. Tsaka bakit ang haba ng pilikmata mo? Pansin ko talaga sa inyong mga lalaki, ang haba ng mga pilikmata niyo. Hindi niyo naman 'yan kailangan."
I pursed my lips. "Please don't make me laugh. Ang hirap gumalaw rito sa nilalagay mo sa 'kin. How long should I leave this on?"
"One hour."
Bigla akong napadilat.
Natawa siya. "I'm just kidding! Mga 10 to 15 minutes lang. Pumikit ka, wag kang magulo."
I bit back a grin. "You know you're so cute when you're teasing me."
"Oo na. Na-in love ka na naman sa 'kin. O, tapos na. Ako naman ang lagyan mo." Binigay niya ang clay mask.
Nilagyan ko na rin siya sa mukha. I honestly had no idea what I was doing. Natatawa tuloy ako kasi lalo siyang naging cute.
Hindi ko nga napigilan, hinalikan ko siya sa labi habang nakapikit siya.
Nagulat siya at pinalo agad ako. "Tsk! Zian!"
"Sorry, I couldn't help it."
"Mag-concentrate ka nga sa pinagagawa ko sa 'yo. Hindi 'yung nagnanasa ka sa 'kin."
I chuckled. "Yes, ma'am."
"Baka naman kung ano nang itsura ko, ah? Pantayin mo ang paglagay."
"Pinapantay ko naman. You look perfect, don't worry." Sinabi ko lang 'yon, pero kalat-kalat na talaga 'tong ginagawa ko.
I'm enjoying it, though, doing silly things like this with her. Simple lang pero ang saya at ang sarap sa pakiramdam. It's like we have our own little world.
Habang pinatutuyo namin ang clay mask sa mga mukha namin, ang dami pa naming napagkwentuhan. Ang daldal niya pa rin, samantalang ako, halos wala ng emosyon kasi ang tigas pala nito sa mukha.
After ten minutes, we finally washed it off.
Si Carly ang nagpunas ng tuwalya sa mukha ko pagkatapos. Maalaga talaga siya. I always feel spoiled around her.
Mayamaya lang, bigla niyang hinaplos ang dibdib at ang braso ko. I still have no T-shirt on.
"Bakit parang mas lalong lumalaki ang katawan mo?" tanong niya. "You go to the gym everyday?"
"I work out every day at the station."
"Huh? Bakit?"
Natawa ako. "Anong bakit? Kasama 'yon sa trabaho namin. We work out everyday, we train everyday. Araw-araw nga rin kaming nagluluto ro'n."
"You cook there?"
"Oo. Ano bang akala mo sa 'min, pumapatay lang ng sunog?"
"Hindi ba?"
I chuckled and pinched her cute nose. "We have downtimes, too. Kapag wala akong ginagawa, nagwo-work out ako."
"I see. Kaya pala lalo kang lumalapad at ang lakas-lakas mo. It's too easy for you to just scoop me up and take me wherever you want."
"Even to the bed, right?"
She rolled her eyes. "Here comes Mr. Flirty again."
"Tara na, dalhin na kita ro'n." Tinabi ko ang tuwalya na pinangpunas niya sa 'kin, tapos bigla ko na siyang binuhat.
"Oh my gosh, Zian!"
Wala naman na siyang nagawa. She just giggled while wrapping her arms around my neck. "You really can't help yourself, can you?"
Ngumisi lang ako. Gustong-gusto ko lang talaga siyang nilalambing.
Pinasok ko siya sa kwarto ko at ibinaba sa tapat ng nakasabit na portrait painting na ginawa niya para sa 'kin.
Her eyes instantly lit up. "Hey, I know this. You have it framed?"
"Oo. Special kasi 'yan. Gawa ng paborito kong artist. Tingnan mo pala, may nagbabantay sa kanya."
Tsaka niya lang napansin 'yung picture na nakadikit doon. It was me as a kid dressed up in a firefighter costume.
Kinuha niya agad. "Oh my goodness! Is this you? You're so cute!"
"Six years old ako niyan," sabi ko. "Bigla kong nakita habang naglilinis. I thought of showing it to you."
Umupo siya sa kama habang manghang-mangha pa rin sa picture. "Grabe, bata ka pa lang talaga pangarap mo nang maging firefighter. Ang supportive rin ng family mo kasi may ganito ka pang costume."
Humiga na ako sa kama at ginawang unan ang isa kong braso bago sumagot. "Tuwang-tuwa sila Mama nung pinasuot nila sa 'kin 'yan. Bigay 'yan ng Lolo ko. He inspired me to do this job."
"Oo nga, naikwento mo sa 'kin 'yan. How old were you when you first volunteered in the fire service?"
"Nineteen yata. Sa Pilipinas 'yon. Nakakatawa nga nung first day ko, hinatid pa ako nila Mama at Papa sa station. Sobrang excited ko kasi akala ko susugod na agad ako sa mga sunog at mag-aapula ng apoy. Syempre firefighter, 'di ba? Ganun ang imagination ko. Pag dating ko ro'n, buong araw, pinaglinis lang nila ako ng station at mga fire truck."
Ang sarap ng tawa niya sa 'kin.
Natawa na lang din ako kasi kapag naaalala ko talaga 'yung araw na 'yon na nag-expect ako, nakakatawa talaga.
"You're so cute, my love." Ginulo-gulo niya pa ang buhok ko. "I could imagine you. 'Yung handang-handa kang sumabak sa emergency, tapos taga-linis ka lang pala."
"Oo. Nalungkot talaga ako no'n. Siguro 'yun ang first heartbreak ko. Ang masakit pa, pag-uwi ko sa bahay, kinwento ko 'yon kila Mama pero tinawanan lang nila ako."
She laughed so hard. "Kawawa ka naman. Pero nakakatawa talaga 'yon."
"Oo nga. Kahit ako natatawa na lang din kapag naaalala ko. Mga ilang araw pa kasi ako na taga-linis lang. I wasn't part of the fire response. Dapat nga aalis na ako sa volunteer group no'n. Pinalakas lang nila Mama ang loob ko."
"That's sweet. Supportive pala sa 'yo ang family mo, e."
"They were. Pero dumating din sa punto na gusto nilang mag-focus na lang ako sa kumpanya namin. I was being trained to step into the CEO role. Kaso gumawa ako ng kasalanan. Nawalan tuloy ako ng posisyon."
"Consequence mo 'yan kasi pasaway ka. E 'di sana CEO ka na ngayon."
Napangisi ako. "I know."
She chuckled. "I'm just kidding." Tapos humiga na rin siya sa tabi ko, hawak pa rin ang picture. "Look. Bata ka pa lang, gwapo ka na talaga. I'm sure kapag nagka-anak tayo ng lalaki, ganito rin ka-gwapo."
Natigilan ako at napatingin sa kanya.
She probably didn't mean anything by it, but the thought of us having a kid stayed with me.
Napangiti tuloy ako. "Bakit anak na lalaki agad ang naisip mo? I want a daughter."
Siya naman ang napatingin sa 'kin. "Babae ang gusto mo?"
"Yeah. And she's gonna be very pretty, just like you."
Hindi na siya nakasagot. Nakatitig na lang siya sa 'kin hanggang sa namula na ang mga pisngi niya.
Pabiro niya akong pinalo. "Tsk, matulog ka na nga. Kung anu-ano na ang nagiging topic natin e."
I chuckled and covered my eyes with my arm. "Why are you blushing?"
"No, I'm not. Sige na, umayos ka na ng higa para makatulog na tayo. 'Di ba sabi mo, pagod ka?"
Humiga na ako nang maayos habang natatawa pa rin. She lay down next to me.
Niyakap ko agad siya at sinandal ang ulo ko sa didbib niya. "If we ever have a daughter, we'll call her Zoey. It sounds like us, right? Zian and Carly."
She chuckled. "Ang bilis mo namang nakaisip ng pangalan?"
"Ayaw mo ba no'n?"
"Gusto ko. Sige na, matulog ka na. Sa lahat ng pagod, ikaw 'yung ang dami pa ring sinasabi. Go to sleep now." She looped her arms around me.
Napapangiti na lang ako sa sarili ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko 'to sinasabi. Probably because I can really see myself spending the rest of my life with her.
Hinigpitan ko ang yakap sa kanya hanggang sa nakaramdam na ulit ako ng antok.
• • •
ANG HIMBING NG tulog ko kagabi. Nakabawi na nga agad ako ng lakas at handa na para sa sorpresa ko mamaya.
It's 10 a.m now. Carly and I were preparing to leave. Dadaan pa kasi kami sa apartment niya para makakuha siya ng mga gamit. Mamayang hapon pa naman 'yung hinanda kong sorpresa.
Palabas na sana ako ng kwarto nang may biglang nag-message sa 'kin.
I checked my phone. It was Brian, one of my friends from college. Natigilan agad ako sa chat niya kasi binanggit niya si Vanessa. I tapped his message right away.
| Zian, nasa Pinas ka na ba ulit? Nakita ko si Allen at Vanessa. Parang nangayayat nga si Vannie. Is she sick? Naalala lang kita kaya napa-chat ako |
I just froze up. Biglang bumigat ang dibdib ko.
Magre-reply na sana agad ako para itanong kung saan niya nakita si Vanessa, pero ang bilis ko ring nahimasmasan.
Binura ko agad ang tina-type ko at napapikit na lang nang mariin.
That shouldn't matter to me now. Tapos na ako sa paghahanap kay Vanessa. Kung nasaan man siya ngayon at kung anong lagay niya, wala na akong pakialam at ayoko na ring mangialam.
Tsaka wala rin akong tiwala sa Brian na 'yon. He's two-faced. Kaibigan niya rin si Allen at mas close sila, kaya nakakapagtaka na bigla-bigla niya na lang akong icha-chat tungkol kay Vanessa kahit na alam niya naman ang nangyaring eskandalo sa 'min.
Huminga ako nang malalim para tuluyang kalmahin ang sarili ko. I don't want to be tied up with them anymore. That phase of my life is over.
Binulsa ko na ang phone ko at lumabas na ng kwarto para puntahan si Carly.
She's still in the bathroom putting on her makeup.
Niyakap ko agad siya mula sa likuran.
She giggled and reached her hand up to playfully mess my hair. "Bakit naglalambing ka na naman, hmm?"
Hindi ako sumagot. Nakasubsob lang ang mukha ko sa leeg niya.
Humarap siya sa 'kin, pero napakunot agad siya ng noo. "Parang namumutla ka? Are you okay?"
"I'm okay." I pulled her to my chest and hugged her tight again.
"Z-Zian? Something on your mind?"
Ngumiti ako at umiling. "Wala. Masaya lang ako kasi matagal kitang makakasama ngayon. I can't wait to show you my surprise later."
"Ano ba kasi talaga 'yang surprise na 'yan? Baka katawan mo lang 'yan, ah?"
Kumunot ang noo ko. "Bakit may 'lang' ka pa? Hindi ba magiging sapat kapag katawan ko lang?"
Natawa siya at malambing akong pinalo sa pisngi.
I just smirked. "I'm kidding. It's a different kind of surprise. I hope you'll love it." Hinalikan ko siya sa noo. "Are you done? Let's go? Dadaan pa tayo sa apartment mo."
"Yes, I'm good." Niligpit na niya ang mga makeup niya.
Pagkatapos, umalis na kami ng apartment at sumakay sa kotse.
I've got my calm back. Inalis ko na sa isip ko 'yung natanggap kong chat. I just want to make the most of my time off with Carly. Siya na ang mundo ko ngayon at ayokong gumawa ng kahit na anong bagay na ikasasakit niya.
TO BE CONTINUED
Bitin ba? Read advanced chapters on Patreon for FREE! Just go to www.patreon.com/c/barbsgaliciawrites and join as a free member.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top