Chapter 14
CARLY
"SAAN BA TALAGA tayo pupunta?" tanong ko kay Zian habang nakatingin ako sa bintana ng kotse.
"Just wait a little. Malapit na tayo."
Medyo kinakabahan talaga ako sa mga pa-surprise nitong lalaking 'to e. Kanina niya pa ako ini-i-spoil. He treated me to a fancy lunch and later we enjoyed some afternoon tea. Napasarap ang kwentuhan kaya hinapon na kami sa susunod naming pupuntahan. Si Zian tuloy, medyo nagmamadali kasi baka ma-late raw kami. Parang ang dami niyang pinlano ngayong araw. Magpo-propose na yata sa 'kin 'to, e.
But jokes aside, Zian's been making me really happy lately.
Kahit na palagi siyang pagod sa trabaho, gumagawa pa rin siya ng paraan para magkasama kami. Hindi ko pa rin nga makalimutan na inalagaan niya ako noong may period ako.
Ayoko talagang magpakita sa kanya that time kasi alam kong masusungitan ko siya at baka ma-turn off lang siya sa 'kin. Pero parang hindi naman siya naapektuhan. He made it seem so easy to handle me on my worst days. Samantalang 'yun ang mga araw na lumalayo sa 'kin ang pamilya ko at si Max kasi alam nilang nagiging monster ako.
Tutok lang ako sa byahe namin ni Zian hanggang sa napansin ko na papasok kami sa isang sikat na hotel. It's one of the most luxurious here in Boston!
Napatuwid agad ako ng upo. "Dito tayo pupunta?"
Hindi siya sumagot. He was just grinning as he pulled into the valet.
"Uy, seryoso ba 'to? We're staying here?"
"Yeah. Let's go." 'Yun lang ang sinabi niya, tapos bumaba na ng kotse at binigay ang car key sa valet attendant.
Pinagbuksan na rin nila ako ng pinto. I was speechless. Para akong VIP na bumaba ng kotse.
Hinawakan agad ni Zian ang kamay ko at tuluyan na kaming pumasok sa hotel.
But I immediately paused at the entrance and clutched his arm. "Wow, everything looks so grand. Bakit dito mo pa ako dinala? Ang mahal-mahal dito. Okay naman na ako sa apartment e."
He chuckled. "This isn't even the main surprise yet."
"H-hindi pa ito 'yun?"
Natawa lang ulit siya. Hindi ko alam kung maiinis na ba ako o ano kasi parang kanina pa siya walang matino na sinasagot sa 'kin.
Heading to our room, I still couldn't stop staring around. Grabe, hindi ko na-imagine na makakapag-check in ako rito. Sana man lang nakapag-suot ako nang maayos. I'm only wearing a chic jumpsuit. Kung alam ko lang na 5-star hotel pala ang pupuntahan namin, sana nag-long gown ako. This place is beyond anything I could ever afford.
Pagkaakyat namin ni Zian sa kwarto, pinagbuksan niya ako ng pinto at pinaunang pumasok.
I literally froze in awe. It was a huge, elegant suite! Dumiretso agad ako papunta sa tapat ng malaking bintana. We have a breathtaking view of the harbor.
Nilingon ko si Zian na nakasunod sa 'kin. "Are we seriously staying here?"
Natawa siya. "Oo nga." He wrapped his arms around my neck from behind. "Just the two of us."
"Grabe ka, bakit mo ako ginagastusan? Ako lang 'to."
He let out a chuckle and turned me to face him. "Do you like it?"
"Like it? I love it! Sa ilang taon kong pagta-trabaho sa Boston, ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang view."
"May mas magandang view ka pang makikita mamaya." He glanced at his wrist watch. "Get ready. Our ride's coming in thirty minutes."
"Our ride? May susundo sa 'tin? Where are we going this time?"
Hindi na siya sumagot. Pinasok niya lang ang mga luggage sa kwarto nitong suite at sinimulang i-hang ang mga damit. Parang calculated na niya lahat ng ikikilos niya sa buong araw na 'to.
I just followed him and leaned against the entryway. I really admire men who always take the lead.
"Ang gwapo mo talaga, e, 'no?" sabi ko tuloy.
Napatingin siya sa 'kin. "What?"
"Nakakadagdag sa kagwapuhan mo na magaling kang mag-plano ng mga surprises at dates. So damn sexy." I bit my lower lip.
"Well...I'm all yours for the next two nights."
"Oo nga e. Dapat pala nagdala ka ng uniform mo para mag-roleplaying tayo rito."
"Anong roleplaying?"
Lumapit na ako sa kanya. My fingertip traced circles on his chest. "You know, kunwari I'm a sweet damsel in distress na nasunugan, tapos darating ka para iligtas ako. And to repay you for the favor, I will agree to have sex with you."
Bigla siyang napangisi at umiling-iling. "You're hot, but you're crazy."
Sumimangot ako. "Tsk, parang ayaw mo naman. Palibhasa, hindi mo kayang maging rough sa 'kin. Mahiyain ka kasi."
Inirapan ko siya, tapos pumunta na lang sa malaking banyo para manalamin.
Sumunod naman agad siya. "Carly?"
Hindi ko siya kinibo.
"Carly, is that serious?"
"Hindi, joke-joke lang. Sige na, tapusin mo na 'yung pag-aayos mo kasi baka dumating na ang sundo natin."
Hindi siya nakinig. Lumapit siya at niyakap ako mula sa likuran. "Bakit ang sungit mo agad? Are you on your period again?"
Napangisi ako. "Hindi. Tapos na, 'di ba?"
"I know." He brushed my hair to the side and whispered against my neck. "Gusto mo hindi ka na muna magkaroon? I can stop your period for nine months."
Nanlaki ang mga mata ko! Hinarap ko na siya at pinalo sa dibdib. "Silly!"
"I'm not kidding. I don't have my uniform here to roleplay, but I can be rough if that's what you want." He trailed slow kisses down my neck.
Na-turn on agad ako. Gusto kong bumigay, pero hindi pwede kasi aalis pa kami.
Hinarangan ko siya sa dibdib. "H-hey, stop. Our service will be here anytime soon, right?"
"Don't worry, I can finish this quick." Bigla siyang naghubad ng polo shirt niya at sinunggaban ako ng halik sa mga labi!
Pero saktong-sakto rin, biglang nag-ring ang phone niya.
He quickly pulled away and shut his eyes tight. "Shit."
Natawa na lang ako. "Answer it. Baka 'yung sundo na natin 'yan."
Kinuha niya ang phone niya mula sa bulsa. Nakakatawa kasi ang sama-sama ng tingin niya sa cellphone.
"Sila na nga?" tanong ko.
Tumango siya, nakakunot pa rin ang noo. "They're arriving early. Tsk, hindi ko naman sinabing pumunta sila nang maaga."
I chuckled. Ang cute niya palang mainis. Kinurot ko na lang ang ilong niya. "Don't be sad. You're all mine for the next two nights, remember?"
Pinulot ko na 'yung polo shirt niya na initsa niya lang sa sahig at binigay sa kanya. "O, suotin mo na ulit. Sayang, naghubad-hubad ka pa naman."
Natawa na lang siya sa 'kin.
Pero sa totoo lang, nabitin din ako. Ang hirap tuksuhin ni Zian kasi bumibigay rin talaga siya.
AFTER A QUICK freshen up, we headed down the hotel's front to wait for our ride. A black car picked us up.
Namangha na naman tuloy ako. Tiningnan ko si Zian bago kami sumakay. "Anong klaseng surprise na naman 'to, hmm?"
"Basta. It's going to be an experience."
Sumakay kami sa loob na para na namang mga VIPs. Buong byahe, nakatutok lang ako sa daan kasi iniisip ko kung saan naman ba kami pupunta this time.
Ayaw pa rin namang sabihin sa 'kin ni Zian. Ngumingiti lang siya kapag nagtatanong ako.
In just several minutes, we arrived at an airport.
"We're here," said Zian. "Pero bawal mo munang makita." Bigla siyang naglabas ng blindfold.
Natawa na lang ako habang tinatakpan niya ang mga mata ko. "Grabe, super effort? Hindi ko na alam kung mae-excite ba ako o kakabahan na, e."
"Don't worry, I've got you." Hinawakan niya ang kamay ko para hindi ako kabahan.
Soon enough, our car finally pulled up.
Inalalayan niya akong bumaba ng kotse, at saka niya inalis ang blindfold. "Surprise."
My eyes widened instantly. Nasa helipad na kami katapat ng isang helicopter!
Napahawak agad ako sa kumakabog kong dibdib. Hindi pa ako makapagsalita kasi hindi pa ma-proseso ng utak ko 'tong nangyayari. There is no way this is real.
"Ready to hop in?" tanong ni Zian.
"Sasakay talaga tayo rito?"
"Yes. I'm taking you to a private sunset tour."
Bigla nang uminit ang sulok ng mga mata ko. "Zian, this is too much."
"No. You deserve even more than this."
Pinakilala na niya ako sa pilot namin pagkatapos. The pilot gave us a little intro, pero sa totoo lang, wala akong naintindihan kasi mas nauna nang lumipad ang isip ko kaysa sa sasakyan naming helicopter. Never in my wildest dreams did I think I'd experience something like this!
Ilang saglit pa, inassist na kami pasakay sa helicopter. My heart was still racing with so much excitement.
Hinawakan ni Zian ang kamay ko at pinisil. "Are you ready? I just want you to have the best time."
Ngumiti ako at tumango, tapos niyakap siya kasi hindi ko talaga maitago kung gaano ako kasaya ngayon. "Thank you. You made me so happy!"
The helicopter slowly took off. Kinabahan pa ako noong una, pero kumalma rin kaagad nung unti-unti na kaming tumataas at nakikita ko na napakagandang view ng Boston. Sobrang surreal, lalo na't sunset pa. Everything was just so breathtaking! Totoo nga ang sinabi ni Zian kanina na may mas magandang view pa akong makikita.
Tiningnan ko siya habang nangingiyak na naman ang mga mata ko. We're wearing headsets para magkarinigan kami.
"Sobrang ganda!" sabi ko. "Have you tried this before?"
"Not yet. It's our first time together."
"I love it!" Binalik ko ang tingin sa bintana.
We're soaring over the stunning Boston skyline. Grabe, parang buhay na painting sa sobrang ganda.
Halos magkadikit na nga ang mga mukha namin ni Zian sa tapat ng bintana habang pinagmamasdan namin ang view. Tinuturo rin namin ang mga sikat na landmarks na nakikita namin.
I felt like dreaming. Hindi ko na nga napigilan at tuluyan na akong napaiyak.
Natawa tuloy si Zian. Malambing niyang hinawakan ang mukha ko. "Why are you crying?"
"Sorry, I'm just so happy. I can't believe I'm actually experiencing this."
Pinahid niya agad ang mga luha ko sa pisngi. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naging emotional. Siguro kasi wala pang ibang tao na nag-effort sa 'kin nang ganito. I was always the giver. Tsaka sobra-sobra naman kasi 'tong surprise ni Zian. Hindi ko talaga inexpect na isang helicopter tour pala ang hinanda niya para sa isang simpleng bakasyon lang.
Pinunasan ko na lang din ang mga luha ko kasi nakakahiya, tapos nilabas ko na lang ang phone ko. "I'll show this to Max and my family."
I took a video of the breathtaking scenes. Sigurado akong matutuwa rin sila kapag napanood 'to. And I'm definitely painting this view. Bigla akong nagkaroon ng bagong inspirasyon para mag-pinta.
Sa sobrang saya ko tuloy, gusto ko ring pasayahin si Zian.
Hinarap ko sa amin ang camera, tapos kumaway ako sa video. "Hello, our little Zoey! It's us, your Mom and Dad riding the helicopter for the first time!"
Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Zian, pero agad din siyang napangiti.
Hindi ko kasi nakalimutan 'yung sinabi niya na gusto niyang magka-baby girl kami, at Zoey ang ipapangalan namin.
I teased him. "Say hi to Zoey. She's gonna watch this someday."
Kumaway rin naman siya sa camera. Then he stared at me intently like I just gave him the world.
I looked back at him and chuckled. "Ba't ganyan ka makatingin?"
"I love you."
Bigla akong natigilan.
Hininto ko agad ang pagvi-video kasi nanghina ang mga kamay ko. "W-what did you say?"
He leaned close to my ear and whispered, "I said I love you."
I didn't see that coming at all. Hindi ko tuloy alam kung papaano magre-react. Nakatitig lang din ako sa kanya hanggang sa nangilid na ulit ang luha sa mga mata ko. I felt that lump in my throat, trying to keep the tears in.
Bigla niya akong niyakap at doon na naman ako tuluyang napaiyak.
He loves me.
Alam ko naman, e. Ramdam ko. Pero iba pa rin pala na nanggaling mismo sa bibig niya. Those three words meant more than I thought they would.
Hinigpitan ko ang yakap ko. Hindi ko alam na posible palang makaramdam ng ganitong klase ng saya. In this moment, my whole world was complete.
• • •
AFTER THE HELICOPTER tour, we went to a nice dinner spot before heading back to our hotel.
Pakiramdam ko nasa alapaap pa rin ako dahil sa dami ng nangyari ngayong araw.
Pagkabalik sa hotel room, binagsak ko agad ang katawan ko sa malaking kama.
Nagulat na lang ako kasi ginaya rin ako ni Zian at bigla pa siyang dumagan sa ibabaw ko!
I giggled and tried to push him. "Zian! You're so heavy, I can't breathe!"
Natawa lang siya, pero hindi siya umalis. He put his full weight on me and buried his face against my neck.
Ang bigat niya talaga, but for some reason, kaya ko at ang sarap sa pakiramdam na nakadagan siya sa 'kin. He's warm and smells really nice. I just embraced him tight. Tahimik lang kami, at ang tanging naririnig ko lang ay ang paghinga niya at mga tibok ng puso naming dalawa.
Ilang saglit lang, bahagya na niyang inangat ang sarili niya para tingnan ako. He stared right into my eyes, as if he had something unexpected to tell me again.
"I love you," he then said.
Napangiti ako. "Nasabi mo na kanina 'yan."
"Oo nga. Hindi mo pa kasi ako sinasagot."
Hinaplos ko ang pisngi niya habang magkatitigan pa rin kami. "I love you, too. You're making me too happy. Sana hindi ito matapos."
"It won't."
"Baka bigla ka na lang mawala, e."
"Saan naman ako pupunta?"
Ngumiti na lang ako nang mapait.
Hindi ko nakakalimutan na may kasunduan pa rin kami. That all of this was only happening because he agreed to my arrangement. At sigurado akong hindi niya rin nakakalimutan 'yon.
Pero ayoko nang banggitin kasi masisira pa ang masayang araw naming dalawa. He poured so much effort and time just to make me happy today.
Bigla niya na lang akong hinalikan sa noo. "Hindi ako mawawala," sabi niya. "I'll always be right beside you... or maybe on top of you."
Napaikot agad ako ng mga mata. "Oh my god."
He chuckled. "But no, really. I'm not going anywhere. Masyado mo rin akong pinapasaya. Bumalik ako rito sa Boston na sirang-sira ako at hindi ko na kilala ang sarili ko, pero tinulungan mo ako. You made me want to be better every single day, Carly. Kaya hindi ako mawawala." Hinalikan niya ang mga labi ko.
I instantly melted. I clutched his hair and tugged him closer, deepening the kiss.
Hindi ko alam, pero sa sobrang saya ko ngayon, gusto ko siyang maramdaman. His warmth, his body, all of him claiming every part of me. Nami-miss ko siya kahit buong araw naman kaming magkasama.
He switched our positions and suddenly, I was the one on top. Napangiti ako habang nagpapalitan pa rin ng halik ang mga labi namin.
He then pressed me against his growing arousal. Doon ako tumigil sa paghalik at ngumisi. Looks like he's as ready as I am.
Tumayo na ako mula sa kama at nagsimulang maghubad ng damit. "Shower together?"
TO BE CONTINUED
Bitin ba? Read advanced chapters on Patreon for FREE! Just go to www.patreon.com/c/barbsgaliciawrites and join as a free member.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top