Chapter 12
ZIAN
"IS THAT THE smile of a man in love?"
Napahaplos ako sa batok ko nang mahuli ulit ako ng katrabaho ko na ngumingiti mag-isa. He's one of my seniors. Palagi niya talaga akong binibiro kapag nakikita niya akong nakatutok sa telepono ko kapag downtime.
I quickly locked my phone. "Don't start. I'm just in a good mood."
"You've been staring at that screen for ten minutes straight. She must be really pretty, huh? What's her name?"
Hindi ko napigilang hindi mapangiti. "Carly."
Lumapit siya sa 'kin at kinuha ang phone para tingnan din ang picture. "Damn, you've got good taste! She's Filipina?"
"Yeah, she's based here, too. She's an artist."
"I can tell she's really special." Lumapad ang ngiti niya, tapos binalik na sa 'kin ang telepono. "No wonder you're in love. Good for you." Tinapik-tapik niya pa ako sa balikat bago siya umalis.
Napangiti na lang ulit ako nang mag-isa.
I can't deny it, I'm in love again. Pero iba 'tong ngayon kasi alam kong nasa tamang landas na ako.
I tapped Carly's photo on my phone.
Kuha ko 'to nung sinundo ko siya sa art camp at nakita siyang nakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan niyang artists. She didn't know I took photos of her. Gandang-ganda kasi ako sa kanya no'n kahit pa sinabi niyang ang gulo ng buhok niya at pawis siya.
I want to see her again today. Huling araw na ng art camp.
Hindi ko pa ulit siya nakikita pagkatapos nung nakatulog ako sa apartment nila. Kanina naman, ang dami naming calls sa station kaya hindi ko pa siya nakakausap. Balak ko siyang sunduin ngayon, naghihintay lang ako ng reply niya. Hindi pa kasi siya nagpaparamdam.
I wrapped up my shift quick so I could catch her. It's past 5 pm.
Handa ako ngayon. May dala na akong mga damit para kung sakaling hindi ko ulit kayanin at makatulog ako sa apartment niya.
Initsa ko ang mga gamit ko sa likod ng kotse. Pagkasakay, sinubukan ko uling tawagan si Carly, pero hindi pa rin sumasagot. Busy pa siguro sa pagtuturo. Hindi ko na muna guguluhin. Nag-drive na lang ako papunta sa art camp.
I never really thought I'd fall for her this hard.
Ang bilis din talaga. It's barely been two months since we met, I think. Araw-araw niya akong pinapasaya. She shows up for me everytime I need her. Akala ko, pagkatapos ng nangyari sa 'kin kay Vanessa, hindi ko na magagawang magmahal ulit. But then Carly came along. And honestly, everything has been better since her.
I made it to the art camp in no time.
Hindi pa rin siya sumasagot sa mga tawag ko. Pinuntahan ko siya sa booth para sana sorpresahin na lang siya, pero nagtaka ako kasi wala ng mga tao at gamit doon.
Kinausap ko 'yung artist sa kabilang booth na alam kong isa sa mga kaibigan niya. "Excuse me, have you seen Carla?"
"Oh! You're her guy, right?"
Napangiti ako. "Yeah. Do you know where she is?"
"She took off early. No idea why. She just finished her last workshop and then left."
Bigla akong kinabahan. Nagpasalamat lang ako sa nakausap ko, tapos umalis na para bumalik sa kotse.
I tried calling Carly again, but she's still not picking up. Pinag-aalala niya ako. Bakit hindi siya nagsabi na maaga pala siyang aalis? Hindi siya gano'n. She likes keeping me updated.
Pagkasakay ko sa kotse, tinawagan ko ulit siya at sa wakas sinagot niya na rin. "Ano ba, Zian! Bakit ka ba tawag nang tawag? Ang kulit mo."
I was taken aback. Galit ang boses niya, wala pa nga akong sinasabi.
Lalo tuloy akong kinabahan. "I'm sorry, am I bugging you?"
"Wag mo muna akong kausapin." Bigla niyang binaba ang tawag.
Napakunot ako ng noo at tumitig sa screen ng cellphone. She really did hang up on me. Tinawagan ko ulit kasi hindi ko maintindihan kung bakit mainit ang ulo niya sa 'kin.
Buti na lang sumagot ulit siya. "Alam mo, ang kulit mo."
"Carly, hey, what's happening? Nandito ako sa art camp. Susunduin sana kita pero wala ka na. Where are you?"
"Nakauwi na ako sa apartment. Umuwi ka na rin."
"What? Bakit hindi ka nagsabi? Could you please just tell me what's going on?"
"Wala. Sige na, bukas na ulit tayo mag-usap." Binaba niya na ulit ang tawag.
Nataranta na ako. Binuhay ko ang makina ng kotse at nagmaneho agad papunta sa apartment niya.
Hindi ako mapakali. Did I do something? Inisip ko na lahat ng mga pinagusapan namin kagabi at kaninang umaga kasi baka may nasabi ako na hindi niya nagustuhan, pero wala naman akong maalala. O baka dahil hindi ko siya nakausap buong araw? Tsk, I really don't know.
Pagkarating ko sa apartment building, umakyat na agad ako at nag-doorbell.
Ang tagal bago niya ako pinagbuksan. Parang hindi pa nga siya masaya nung nakita ako kasi bigla siyang umirap. "Ang kulit mo talaga." She left me at the door and went back to her room.
Sinundan ko agad siya. "Carly, please let's talk. May kasalanan ba ako?"
Hindi siya sumagot. Dumapa lang siya sa kama at nagtakip ng unan.
"Carly?"
"Tsk, bakit ba kasi pumunta ka pa rito? Sinabi na ngang bukas na tayo mag-usap."
"How could I not come? I'm worried."
"Umuwi ka na. Ayaw kitang makita."
Ok, this is enough. Pumasok na ako sa kwarto at umupo sa tabi ng kama niya para maglambing.
That's when I noticed the box of tampons on her nightstand.
Napakunot ako ng noo, tapos hinawi ko ang buhok niya para silipin siya. "Are you on your period?"
She just gave a slight nod.
Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Napapikit ako at malambing siyang hinalikan sa balikat. "You scared me."
Kabadong-kabado ako, akala ko may nagawa akong mali. But I get it now.
I brushed her hair back and kissed her cheek. "Let me take care of you. Just stay here."
Lumabas muna ako ng kwarto para gawan siya ng warm compress. Hindi ko alam kung nasaan nakalagay ang mga gamit niya, pero mangingialam na lang muna ako.
Nakahinga talaga ako nang maluwag. Bakit nga ba hindi ko naisip na baka meron lang siya? I know her mood shifts when it's that time of the month.
Naalala ko, ganito rin siya nung unang beses kaming nagkakilala sa Piers Park. Sinungitan niya ako no'n kasi ang lakas daw ng boses ko. Turns out, she was on her period. Nabanggit na rin sa 'kin ni Max na masungit talaga siya kapag nagkakaroon, pero hindi ko naisip na ganito katindi na tipong ayaw niya akong makita. She really scared me. Nakaka-praning, kasi ang pinaka-ayokong mangyari ay 'yung magtampo o magalit siya sa 'kin.
Pagkatapos kong gumawa ng warm compress, binalikan ko na siya sa kwarto.
Marahan kong inalis ang unan na pinantatakip niya sa mukha niya. "Hey, I got you something warm. Put this on your tummy."
Tumihaya siya ng higa. She looked in pain. Kinuha niya ang warm compress at nilagay sa tiyan niya.
I run a hand through her hair. "Ano pang masakit sa 'yo, hmm?"
"My head."
"Uminom ka na ng gamot?"
Tumango siya. "Hindi tumatalab."
"Okay, come here. I'll massage you a bit." Pumwesto ako sa headboard ng kama at pinasandal siya sa 'kin, tapos minasahe ko ang ulo niya.
I felt her shoulders relax.
"I hope this eases the pain," I said.
"It's helping. Thank you."
Napangiti ako kasi bumabait na ulit ang boses niya. Hindi na katulad kanina na naiinis siya sa 'kin. Bigla kong naalala na nung unang araw ng art camp, masakit na rin ang ulo niya no'n. Siguro nag-uumpisa nang sumama ang pakiramdam niya, tapos pinagod ko pa siya kasi may nangyari na naman sa 'min. I tried to be good that night but I just missed her so much and I lost all control again.
Pero handa naman akong alagaan siya katulad ng pag-aalaga niya sa 'kin noong na-aksidente ako. It actually feels good taking care of her.
Matagal-tagal ko pa siyang minasahe hanggang sa naramdaman kong bumibigat na ang katawan niya. Pagkasilip ko, nakatulog na pala siya ulit.
Dahan-dahan ko na siyang ihiniga nang maayos sa kama para makapagpahinga na siya nang deretso.
Pagkatapos, humila ako ng upuan sa tabi at binantayan lang siya habang natutulog. She's still beautiful, even in her sleep.
Ganitong-ganito rin kami nung unang beses na may nangyari sa 'min. She fell asleep on the couch right after making love to me. I carried her to bed, cleaned her up, and just watched her.
Pagod din ako nung gabing 'yon pero hindi ako nakatulog kasi ang gulo-gulo ng isip ko.
I knew I was already into her even before we crossed the line, but a part of me still felt the guilt. Alam ko kasing hindi pa ako buo at masasaktan ko lang siya sa huli. I admit, iniisip ko pa rin si Vanessa noong mga panahong 'yon. And I don't want to be unfair to Carly.
Naliwanagan lang ako nung nag-usap na kami kinabukasan. She was so willing to love me, flaws and all, even after the mess I'd made with someone else's wife. Kahit na alam niyang walang kasiguraduhan 'yung sa 'min at masasaktan lang siya, sumugal pa rin siya. Gumawa pa siya ng setup na siya ang dehado. And I knew right then, I had to become someone worthy of that kind of love. Hindi pwedeng habangbuhay akong nakatali sa pagkakamali ko. I want to be better for her and be the man she deserves.
Hindi naman ako nahirapang gawin 'yon. Ang dami ng nagbago sa 'kin. Hindi niya lang alam, pero natulungan niya ako sa maraming bagay. Siya ang nag-ahon sa 'kin paalis sa pinakamalungkot na parte ng buhay ko. Because of her, I was able to let go of Vanessa. Hindi na nga ako nakikibalita sa pinsan no'n at hindi ko na rin siya hinahanap.
Tahimik na ang mundo ko ngayon dahil kay Carly. Payapa na ang isip ko. And truth is, I've never felt this at peace with someone. Kaya wala na akong ibang gustong gawin ngayon kung 'di ang mapasaya lang siya.
Nabalik ako sa sarili nang bigla siyang gumalaw at marahang dumilat.
Akala ko nagising siya, pero pumikit lang siya ulit at bumalik sa pagtulog.
I tucked her hair behind her ear and kissed her forehead. "Tulog ka lang, may bibilhin lang ako. I'll be back."
Iniwanan ko muna siya at lumabas ng apartment.
I went to the nearest convenience store to buy some snacks and chocolates for her. They say girls crave sweets when they're on their period. Alam ko, kasi gano'n din ang kapatid ko. I just want to make Carly feel better.
Pagbalik ko sa apartment dala ang mga binili ko, tulog na tulog pa rin siya. Ni hindi siya gumalaw kung paano ko siya iniwanan. I just washed up and lay down next to her to sleep.
Nagising ako bandang alas-nueve ng gabi. Carly's still not up yet. Nagpa-deliver muna ako ng pagkain, tapos nanood na lang ng T.V kasi naalala ko na may movie kami na hindi natapos nung nakaraan.
I'm about to finish the film when I heard Carly wake up. Lumabas siya ng kwarto. Ang cute niya nga kasi nakabalot pa siya ng blanket niya.
Pinatay ko ang T.V at pinalapit siya sa 'kin. "Hey, come here."
Pinuntahan niya ako sa couch. Kumandong siya sa 'kin at malambing akong niyakap. 'Yung blanket niya, naka-takip na sa aming dalawa.
She's like a sweet baby. Mas matanda siya sa 'kin, pero kapag ganitong naglalambing siya, para siyang nagiging bata.
I held her close to my chest. "How are you feeling?"
Tumango lang siya.
"Better now?"
"Mhm, a little." She looked up at me. 'Yung mga mata niya, parang maiiyak. "I thought you already left."
"Hindi, nandito lang ako. Hinihintay kitang magising."
"I'm sorry for giving you the attitude earlier."
Ngumiti ako at hinawi ang ilang mga hibla ng buhok niya mula sa mukha niya. "Wala 'yon."
"Pinuntahan mo ako kanina sa art camp?"
"Oo, pero umuwi ka na pala. Okay lang naman."
Bigla niyang tinago ang mukha niya sa dibdib ko na parang bata na nahiya. "I'm so sorry, napagod pa kita. Nakaka-guilty tuloy. Sobrang grumpy ko lang talaga kapag may period ako. I didn't mean to take it out on you. I'm really sorry."
"Hey, don't apologize. You're good."
"No. Alam ko kasi na tuloy-tuloy ang shift mo at pagod ka, tapos na-hassle ka pa sa 'kin. Did I scare you?"
Nagpigil ako ng ngiti. "A bit. Ang sungit mo, e. Pinapauwi mo pa ako. Kinabahan ako na baka may nagawa akong kasalanan. Pero okay na 'yon. I'm just glad I was able to take care of you." Hinaplos ko ang tiyan niya. "Does it still hurt?"
"Just a little. Thank you sa warm compress at free head massage. Nakatulog ako dahil doon."
"Good." I kissed her on her forehead. "Gutom ka na? Gusto mo nang kumain?"
"May pagkain tayo?"
"Mm-hmm, I got us some delivery. Naalala mo 'yung binili ko sa 'yo galing sa paborito kong noodle house?"
Bigla siyang napatuwid ng upo at tumingin sa kitchen counters sa likod namin. "We have that right now? Kaya pala kanina, parang naaamoy ko siya. I thought I was just dreaming."
I chuckled. "Ok, let's eat. Dadalhin ko na lang dito. Wag ka nang tumayo, mapapagod ka."
Kinuha ko ang pagkain pati na rin 'yung mga binili kong chocolates kanina sa convenience store. Hinanda ko lang sa center table katapat ng couch, tapos binigay sa kanya ang paper bag. "Here. I also bought some snacks and chocolates for you."
Nanlaki ang mga mata niya. "Chocolates? Why?"
"'Di ba gano'n kayo kapag nagkakaroon? You're craving sweets."
"How do you know that?"
"I have a sister. Pero tama ba, gusto mo rin ng ganyan?"
"I do! Oh my goodness, you made me happy!" Nagbukas agad siya ng isang chocolate bar at kinain 'yon.
This is one of the things I like about her. Ang bilis niyang pasayahin. Kahit simpleng bagay lang ang gawin ko, naa-appreciate niya agad. She's very precious.
Matapos naming kumain, doon na siya tuluyang nagkaroon ng lakas. Medyo namumutla pa rin siya, pero bumalik na siya sa pagiging makwento.
"Hindi ka na masungit?" biro ko sa kanya.
Napangiti siya habang hinihigop 'yung natitirang noodle soup niya sa bowl.
Uminom muna siya ng tubig bago sumagot. "I couldn't believe you've really seen me on my bad days. Ang sama ko sa part na pinauwi kita at sinabihang ayaw kitang makita."
I chuckled. "Baka naman ayaw mo talaga akong makita."
"Hindi, 'no! Kahapon pa nga ako excited makita ka kasi last day na ng art camp ngayon. I just didn't expect I'll have my period. Umaga pa lang tuloy, ang sama na ng pakiramdam ko."
"Natapos mo ba ang camp?"
"Natapos naman. Pinilit kong matapos ang mga workshops ko. Kaya hindi rin kita nasabihan agad na uuwi na ako kasi alam kong matatarayan lang kita. Next time kapag may period ako, lumayo ka sa 'kin."
Natawa ako. "Why would I do that? I can handle you, don't worry. Gusto rin kitang alagaan."
Ngumiti siya at lumapit. She leaned her chin on my shoulder and looked up with those cute eyes again. "Thank you for taking care me. Si Max ang usually nag-aalaga sa 'kin kapag red days ko. Pero masaya ako na ikaw ang kasama ko ngayon."
"Ibig sabihin, may araw kada buwan na inaaway mo si Max?"
"Oo." Natawa siya. "Sanay na 'yon. Ibibigay niya lang kung anong kailangan ko, tapos iiwas na siya kasi alam niyang mainit ang ulo ko sa lahat. May one time nga, nilayasan ko siya rito sa apartment, e. Wala lang, emotional lang talaga ako that time. Hinabol niya ako. Tapos the next day, nagalit na siya kasi nagmukha raw siyang jowa ko na naghabol sa 'kin."
Natawa ako sa kwento niya. "Sana hindi mo rin ako layasan kung sakali. Sasanayin ko rin ang sarili ko sa 'yo. I promise to look after you more on your red days."
"You're spoiling me too much. Pero sobrang na-appreciate ko na kahit pagod ka sa trabaho, nagbibigay ka pa rin ng oras sa 'kin."
"Gano'n ka rin naman kapag kailangan kita."
She looked up at me again, smiling. "Parang hindi pa tuloy kita kayang pauwiin ngayong gabi."
"Sino bang nagsabing uuwi ako? I'll stay the night if you want. May dala na akong damit."
Biglang nagningning ang mga mata niya. "Really? Thank you! I should probably freshen up now so we can take a rest. Alam kong wala ka pang masyadong tulog at may shift ka pa ulit bukas."
"Okay. It's getting late too. Ako na ang magliligpit ng mga pinagkainan natin."
Tumayo na siya mula sa couch. Sinundan ko lang siya ng tingin habang papasok siya sa kwarto, tapos sa C.R. Natutuwa ako kapag nakikita ko mismo kung ano ang mga ginagawa niya.
That's why I really like the idea of living together. If only she had agreed to move in with me. Pero naiintindihan ko naman na hindi niya kayang iwanan si Max, kaya ginawan ko na lang din ng paraan. Gusto ko lang talaga siyang makasama araw-araw kasi doon ako masaya.
All night, we just cuddled in bed until we both fell asleep.
Siya na ulit ang unang nagising kinabukasan. Humahaba talaga ang tulog ko kapag katabi siya.
I took a shower and prepared for work. Pagkatapos kong mag-ayos, pinuntahan ko na siya sa kusina. Nagluluto siya.
I held her waist from behind and kissed her shoulder. "I need to leave now."
"Okay. Dalhin mo ito." May binigay siya sa 'kin na naka-maliit na bag.
"What's this?" tanong ko sa kanya.
"Baon mo."
"Nilutuan mo ako ng baon?"
"Mm-hmm. Dalhin mo sa station. Marami-rami 'yan, pwede mong bigyan ang mga katrabaho mo."
I don't even know what to say. Niyakap ko na lang siya nang mahigpit at hinalikan sa ulo.
"Na-surprise ka ba?" tanong niya.
I nodded. "Hindi ako sanay na may naghahanda ng ganito para sa 'kin."
"I just want to take care of you. Tsaka pangbawi ko na rin kasi inaway kita kahapon."
"Hindi mo naman kailangang bumawi, pero salamat. Natuwa ako. Uubusin ko 'to lahat, hindi ako mamimigay."
Natawa siya at kumalas ng yakap. "Okay, ikaw ang bahala." Tapos pinlantsa niya ng mga kamay niya ang suot kong uniform. "Mag-iingat ka sa trabaho, ah? Wag kang basta-basta aakyat sa mga bahay at susugod sa apoy."
I chuckled. "But that's exactly my job."
"Alam ko. Pero basta mag-iingat ka. Baka maaksidente ka na naman, e. Alam mo naman na kinakabahan ako."
"I know. Triple na ang pag-iingat ko ngayon kasi alam kong nag-aalala ka. Ikaw na nga ang palagi kong iniisip kapag may emergency kami. Kailangan makauwi ako nang buo at walang galos."
"Good." Malambing niyang sinuklay ang buhok ko. "Okay, you should get going now, Mr. Firefighter. I don't want you to be late. The city of Boston is counting on you."
I bit back a grin. "Teka, may ibibigay rin pala ako sa 'yo." Nilabas ko sa bulsa ko ang pinagawa kong susi. Binigay ko sa kanya.
Her brows furrowed. "What's this?"
"Duplicate key to my apartment."
Napabagsak siya ng mga balikat. "Zian..."
"Alam kong napag-usapan na natin 'to. Hindi mo naman kailangang pumunta palagi, basta gusto lang kitang makasama nang mas madalas..."
I hugged her to my chest. "...Nothing would make me happier than coming home to you."
TO BE CONTINUED
Bitin ba? Read advanced chapters on Patreon for FREE! Just go to www.patreon.com/c/barbsgaliciawrites and join as a free member.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top