Chapter 11
CARLY
ZIAN IS ALL better now. Halos isang linggo na rin simula nung na-aksidente siya. I never left his side. Kaya ngayon feeling ko, siya naman ang bumabawi sa 'kin.
It's the first day of my Summer art camp.
Dapat nagfo-focus na lang siya sa trabaho niya dahil ilang araw siyang hindi nakapag-duty, pero kani-kanina lang, tumawag siya para sabihing susunduin niya ako rito sa city park kung saan ginaganap ang art camp. Of course I got all excited. Ngayon ko na lang ulit siya makikita at miss na miss ko na siya.
Saktong katatapos lang ng huli kong workshop, napansin ko na ang kotse ni Zian na paparating.
Nilabas ko na ang phone ko kasi alam kong tatawag na siya any minute. At ilang saglit nga lang, nag-ring na ang phone ko.
I answered it right away. "Hey!"
"Hey. I'm here."
"Oo nga, nakita na kita. Wait lang, nagliligpit na lang ako."
"Where are you? Tutulungan na kita."
Nakita ko siya na nililibot ng tingin ang park. Kumaway ako mula sa booth ko para mabilis niya akong makita.
His face lit up the second he saw me. "There you are. I'm coming."
Binaba ko na ang tawag at tinuloy na ulit ang pagliligpit. May mga fellow Boston artists ako na lumapit sa 'kin para mangumusta. Nakipag-english-an muna ako sa kanila saglit, hanggang sa napansin ko na nakatayo na pala si Zian sa tabi ng kalapit na puno. His eyes were fixed on me.
I waved at him. "Zian!"
Doon lang siya parang nabalik sa sarili. Napangiti siya at saka tuluyang lumapit. He's wearing his usual Boston Fire shirt that hugs him in all the right ways.
"Bakit hindi ka lumalapit?" tanong ko sa kanya. "Nahihiya ka na naman ba kasi may mga kausap ako?"
"Of course not. Gusto lang muna kitang panoorin." Bigla niya akong niyakap at marahang hinalikan sa gilid ng ulo.
Ako tuloy ang nakaramdam ng hiya. Hindi ko siya nayakap pabalik kasi sumilip agad ako sa mga kaibigan kong artists. They were all staring and grinning at me.
Nagtaka si Zian. "What, I can't hug you in public?"
"Syempre, pwede. Nahiya lang ako. They don't know I'm with someone."
"I see. Sabihin mo, masanay na sila kasi palagi na nila akong makikita kung nasaan ka."
"Silly! Marunong ka nang bumanat."
Napangiti na lang siya sabay tingin sa booth ko. "Is everything done?"
"Mm-hmm. You arrived just in time. Katatapos lang ng last workshop."
"How was it?"
"It's fun! Nag-enjoy ako this time compared last year. Parang ang dami kong naituro. Siguro kasi inspired ako?"
Bigla niya akong kinurot sa pisngi. "You're really cute. Come on, let me help you pack up."
Tinulungan na niya akong bitbitin ang mga paintings at ibang mga gamit ko. Pinakilala ko rin muna siya sa mga kaibigan kong artists, tapos pumunta na kami sa kotse.
Kwento ako nang kwento tungkol sa art camp habang naglalakad kami. Nakikinig lang naman siya. Ganyan siya palagi. He always pays attention every time I'm talking. Para bang napaka-interesting palagi ng mga kwento ko.
"Grabe, ngayon ko na naramdaman ang sakit ng ulo ko," sabi ko kanya.
"Why, are you hungry? O baka masyado kang nainitan? Parang ang nipis kasi ng tent niyo."
"Sobrang gutom na siguro. I realized hindi pa ako kumakain nang maayos."
"Hindi ka pa kumakain? Tsk, dapat tinawagan mo ako para nadaanan muna kita kanina. Don't worry, I have something for you in the car."
"What is it?"
"Basta." Kinuha niya na rin ang iba kong mga bitbit para mas mabilis kaming makapunta sa sasakyan.
Pinagbuksan niya ako ng pinto, tapos may binigay siya sa 'kin na naka-paper bag.
"Uy, ano 'to?" tanong ko.
"Pagkain. Hot noodles."
I blinked in surprise. "Binilhan mo ako?" Pagkaupo ko sa loob, binuksan ko agad ang paper bag at napapikit na lang dahil sa sarap ng amoy. "Oh my god, this smells so good!"
"Comfort food ko 'yan galing sa paborito kong noodle bar. Tikman mo muna bago tayo umalis."
Nilabas ko agad mula sa bag at excited na tinikman. Napapikit na naman nga ako at napabagsak ng mga balikat. "Sobrang sarap!" Then I looked at him with my sweetest eyes. "Thank you. Buti bumili ka. I'm really hungry."
Hinaplos niya ang buhok ko. "Sige na, ubusin mo muna 'yan. Then I'll drive you home fast so you can take a rest. I bought some groceries. Ikaw naman ang paglulutuan ko."
"Talaga? Sige, galingan mo, ha. Angkan kami ng mga magagaling magluto kaya mataas ang standards ko."
Natawa lang siya.
Tinuloy-tuloy ko naman ang pag kain ng noodles. Ang sarap pa ng bawat higop ko sa sabaw. It's really good! Feeling ko nasa Pinas ako kasi ang homey ng lasa. Sa ilang taon ko rito sa Boston, hindi ko alam na may nabibilhan pala ng masarap na ganito.
Halos paubos ko na ang noodles tsaka ko napansing pinanonood pala ako ni Zian.
Na-conscious tuloy ako. Nagpunas agad ako ng tissue sa bibig . "Wag ka sanang ma-turn off. Gutom talaga ako."
He chuckled. "No. I'm just looking at you. You're very, very pretty."
"Ha? Paano naging pretty, e nanlalagkit na nga ako sa pawis. Ang init kasi sa labas. Hindi pa ako nakakapag-ayos."
Tinabi ko na ang pinagkainan ko para tingnan ang sarili ko sa salamin ng kotse. "Ano ba 'yan! Ang gulo na pala ng buhok ko, hindi mo man lang sinabi sa 'kin."
"No, you still look perfect." He brushed my hair and tucked it behind my ear.
Tiningnan ko na lang siya nang masama kasi hindi ko maipakita na kinikilig ako. Siya lang yata 'yung nagagandahan pa rin sa 'kin kahit na mukha akong haggard.
Nag-drive na siya pagkatapos at hinatid ako sa apartment.
• • •
"Anong lulutuin mo?" Tanong ko sa kanya pagkarating namin at matapos mai-akyat lahat ng mga gamit.
"My mom's truffle pasta recipe. Thought I'd make it for you."
"Wow! Sige. Sana lang hindi ka mahirapan sa kitchen namin kasi mas malaki 'yung sa apartment mo."
"Your kitchen's perfect, don't worry." Inumpisahan niya nang ilabas ang mga pinamili niyang groceries. May dala rin pala siyang fresh cherries. Nilagay ko muna sa fridge para mamaya, may dessert kami.
Ang saya ko ngayon kahit pagod ako. Because look at us playing house. Pakiramdam ko mag-asawa kami na magkasamang naghahanda ng pagkain.
"How's your head feeling now?" bigla niyang tanong. "Masakit pa rin?"
"It's better now. Salamat sa pasalubong mo."
"Good." Lumapit siya sa 'kin habang tinutulungan ko na siyang ihanda ang mga ingredients niya sa kitchen counter, tapos niyakap niya ako nang mahigpit mula sa likuran.
"I missed you so much," sabi niya sabay halik sa pisngi ko. "I haven't seen you in a week."
"Matagal ba 'yon?"
"Matagal na 'yon para sa 'kin. Turn around and hug me back. Hindi mo ako niyakap kanina sa park."
Nagpigil ako ng ngiti at humarap sa kanya. I circled my arm around his neck and softly pinched his nose. "Alam mo, parang nagsisisi na ako na nag-first move ako sa 'yo."
"Why?"
"Because you've become so clingy and needy! Ganitong-ganito ka rin nung nandoon ako sa apartment mo, e. Parang kada minuto, gusto mo palagi kang nakalingkis sa 'kin."
He chuckled and pulled away. "Masaya lang ako kapag naglalambing ako sa 'yo."
"Baliw na baliw ka na sa 'kin porke't inalagaan kita. O, ikaw na muna ang bahala rito. Pagkatapos mong magluto, maghain ka na rin."
"Where are you going?"
"I'll just shower real quick. Gusto ko na ring maghubad ng bra kasi ang sakit na ng boobs ko."
I heard him chuckle.
Kumuha muna ako ng damit sa kwarto, tapos dumiretso na sa C.R at nag-umpisang maligo. After bath, I stepped out in my silk nightwear.
Napatingin agad sa 'kin si Zian habang nagluluto siya. "You're done?"
"Mm-hmm. Best feeling after a long tiring day."
"Wala ka nang bra niyan?"
Napangisi ako. "Obvious ba? Nakaligo na nga ako e."
"Can I see it?"
"See what?"
"That?" Tinuro niya pa ang dibdib ko na bakat na mula sa suot kong pangtulog.
I walked up to him and tucked his hair back. "You being naughty now, hmm?"
"I'm just kidding."
"Kidding ka diyan. I know how guys think. Kapag malaki ang boobs, gustong-gusto niyo 'yon."
Hindi siya sumagot. Pangiti-ngiti lang siya.
"I'm right, aren't I?" sabi ko. "Pero alam mo ba, ako, hindi ko gusto 'tong dibdib ko."
"What? Why?"
"Sobrang hassle. Nahihirapan akong maghanap ng damit kasi madalas kasya na sana sa 'kin pero sa dibdib ko, hindi. Kapag ako talaga yumaman, pababawasan ko 'to e."
"But I like it."
Tiningnan ko siya nang masama. He looked so serious.
"They're full and jiggly," dagdag niya at ginalaw pa talaga ang kamay niya na parang minamasahe ang dibdib ko.
I hit his arm. "Tumigil ka nga. Since when do you say things like that? Mag-focus ka na lang diyan sa niluluto mo."
Nagpigil na lang naman siya ng ngiti at tumuloy sa ginagawa niya.
This man. Akala ko shy type at softie, pero may tinatago rin palang kapilyuhan.
• • •
AFTER DINNER, TINULUNGAN ko na siyang magligpit ng pinagkainan namin.
Ang sarap ng niluto niyang truffle pasta! Naka-jackpot talaga ako sa lalaking 'to kasi ang galing niya rin palang magluto. Recipe raw 'yon ng Mama niya kaya talagang inenjoy ko ang pag kain. Naubos nga namin lahat.
Now it's time for dessert. Hinugasan ko na ang cherries at hinanda sa kitchen island.
"Hey, come here," tawag ko na sa kanya. "Dessert's ready."
Nandoon kasi siya sa tapat ng mga paintings ko. Tinitingnan niya 'yung portrait niya.
"Natapos mo na pala 'to," sabi niya sa 'kin.
"Mm-hmm. You promised me you'll buy it, right? Pwede mo nang bilhin. Bale $300 na lang para sa 'yo."
"Ok. Pwede bang sa ibang paraan ko bayaran?"
Napangisi ako habang tumitikim ng cherry. "That's very tempting, mister. But sorry, I need cash."
He chuckled and walked right up to me at the counter. Umupo siya sa katabing bar stool.
"What time are you leaving?" tanong ko sa kanya.
"Depends. You still want me to stay?
"Gusto sana, kaso maaga pa ang trabaho mo bukas."
Huminga siya nang malalim. "Ayoko pa talagang umuwi. Let me stay here a little longer."
"Baka hindi ka na naman makapasok bukas, ah? Bumabawi ka pa lang sa trabaho mo."
"I know. I'll go to work tomorrow, I promise."
"Okay. Kain ka na." Nilapit ko ang bowl ng cherries. "Masarap."
"Talaga?"
"Mm-hmm." I slowly sucked on the cherry and licked the juice from my lips.
Nakakarami na ako ng kain at hindi ko namalayang nakatitig na lang pala siya sa mga labi ko, na para bang pinanonood niya ang bawat paggalaw no'n.
I poked him. "What are you looking at? Kumain ka na. They're really sweet." I popped another cherry into my mouth.
Nagulat na lang ako nang nilapit niya ang mukha niya sa 'kin at bigla akong hinalikan.
He tasted the cherry off my lips then pulled away with a grin. "You're right, they're sweet."
Ilang segundo akong na-stuck bago ko na-realize ang ginawa niya.
Okay, that was definitely a flirt. Napangisi na lang din ako at kumuha ng isa pang cherry. I slowly bit into it and let the juice slide down my lips.
Hindi siya nakapagpigil at napatayo na mula sa upuan. He grabbed my face and crashed his lips onto mine.
I immediately melted into him. Muntik pa akong mawalan ng balanse mula sa kinauupuan ko kaya pinulupot ko na agad ang mga braso ko sa leeg niya at hinalikan din siya nang mariin.
Oh god, I missed this. Ramdam ko sa bawat paggalaw ng mga labi niya kung gaano rin siya kasabik, na para bang ang tagal niya akong hinintay na muling mahalikan. His lips were hungry and desperate.
Bumaba ang maiinit niyang mga halik papunta sa leeg ko. My breath hitched and I clutched at his shirt. "Z-Zian..."
Nagpatuloy siya sa pagsipsip at paghalik sa balat ko. Nagsisimula ko nang maramdaman ang init ng mga katawan namin. His mouth lingered at my neck while his hand was gripping my waist like he couldn't let go.
Muli niyang inangkin ang mga labi ko. Mas dumiin ang mga paghalik niya at marahan pa siyang napapaungol. I ran my fingers through his hair and along his shoulders as I match the rhythm of our mouths. God, gustong-gusto ko siyang maramdaman. I wrapped my legs around his hips and pressed myself against the thick bulge in his pants.
That's when he pulled back, breathing hard. "You want me to keep going?"
My eyes fluttered shut. "Y-you've got work tomorrow."
"I'll leave after. I just want more of you tonight."
Hindi niya na hinintay ang sagot ko. With just one arm, he scooped me up and carried me straight to my bedroom.
• • •
NAKATULOG KAMI NI Zian dahil sa pagod.
I woke up at 2 a.m and couldn't go back to sleep. Pinagmamasdan ko na lang si Zian na mahimbing pa ring natutulog. Hindi na siya nakauwi. Maaga pa naman ang pasok niya mamaya.
Ang tigas kasi ng ulo, e. Sinabihan ko na siya kagabi na umuwi na pagkatapos naming mag-dinner, ayaw pa. Ayan tuloy, kasalanan ko pa kapag hindi siya nakapasok.
Last night was something special. He went down on me for the first time.
I couldn't even begin to describe how heavenly it felt when he devoured me and then made love to me after.
May iba talaga sa bawat paggalaw niya na ngayon ko lang naramdaman. He was not the rough type. He always takes it slow and makes me feel every inch of him. At kapag umuungol siya sa bawat pag-ulos niya? Doon ako lalong nababaliw. I like it when he moans and really shows me how much he enjoys me.
Muntik na naman tuloy kaming madisgrasya. I begged him to finish inside me again because I was so lost in the moment. Buti na lang at napigilan niya ang sarili niya. He pulled out just in time. Ang messy tuloy ng kama ko, pero okay lang kasi katas naman 'to ni Zian.
I stared at his face again. Ang gwapo-gwapo. I must've done something right to have this beautiful man sleeping naked beside me.
Marahan kong hinaplos ang pisngi niya. Then my finger softly traced the line of his nose, down to his kissable lips.
Bigla tuloy siyang nagising. Kumunot ang noo niya at dahan-dahang dumilat.
"Hey..." I said in a hush. "You have work in the morning. You need to go home."
"I am home." At bumalik na siya sa pagkakapikit.
Napangiti na lang ako nang matamis at siniksik ang sarili ko sa dibdib niya. He pulled me close and snuggled me until I fell asleep again.
Bandang alas-kwatro nang umaga, tuluyan na akong nagising.
Ayoko pa sanang bumangon kasi ang sarap katabi si Zian, pero kailangan ko nang mag-prepare ng breakfast.
Zian also needs to leave soon, kaso tulog na tulog pa rin siya. Hinayaan ko na nga muna kahit na nag-aalala na ako na baka hindi na talaga siya makapasok sa trabaho.
Nag-suot lang muna ako ng oversized shirt, tapos pumunta na sa kusina. I leaned on the kitchen counter. Ngayon ko naramdaman ang sakit ng katawan ko. Sana kayanin ko mamaya. Day 2 pa naman ng art camp.
Saktong gumagawa na ako ng kape sa coffee maker nang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Lumabas na si Zian. He looks so cute with his sleepy eyes.
Nginitian ko siya. "Good morning!"
Hindi naman siya sumagot. Dumiretso lang agad siya sa 'kin at malambing akong niyakap mula sa likuran. He buried his face on my neck.
I reached up and ruffled his hair. "Still sleepy? Mag-prepare ka na. Hindi ka na nakauwi kagabi. Papasok ka pa sa trabaho."
"I'll just stop by my apartment to clean up."
"Okay. Pwede rin muna kitang pahiramin ng T-shirt ni Max para may susuotin ka pauwi. Ako na ang bahalang mag-explain sa kanya, basta ibalik mo agad."
Tumango lang siya habang nakasiksik pa rin sa leeg ko.
"Sige na, mag-breakfast ka muna," sabi ko. "I made some toast for you. Ako, magsi-cereals."
Kumalas muna ako sa yakap niya para paghandaan siya ng pagkain at i-prepare na rin ang coffee niya.
"How was your sleep?" tanong ko.
"Peaceful."
"Really? Me too. Bagsak agad ako kagabi kasi pagod din sa art camp. Here's your coffee." Binigay ko na ang tasa sa kanya.
Nagulat na lang naman ako nang bigla niya akong binuhat at pinaupo sa ibabaw ng kitchen island.
Ang aga-aga, ang clingy na naman ng lalaking 'to. Tumapat siya sa 'kin at sa ganitong ayos kami nag-umpisang mag-almusal.
"What time is your art camp?" tanong niya.
"Mamaya pang 9 a.m. Pero maaga akong pupunta kasi kailangan ko pang mag-set up."
"I'll drop you off."
"Wag na. Kakain pa 'yun sa oras mo, e. Umuwi ka na agad sa apartment mo para hindi ka ma-late sa station."
"But I want more time with you. Baka kasi hindi rin kita masundo mamaya."
I smiled at him. "That's okay. Marami pa namang araw na pwede tayong magsama. Unahin mo muna ang trabaho mo."
Hindi na siya sumagot. Uminom na lang siya ng kape na para bang may malalim na siyang iniisip.
Ilang saglit lang, nagsalita siya ulit. "Carly?"
"Hmm."
"I was thinking...wouldn't it be nice if you move in with me?"
Naubo ako sa kinakain kong cereals. "Y-you mean live together?"
Nahihiya siyang tumango.
"Zian..."
"Sorry, it's just that, I sleep better when you're next to me. Simula kasi nung nakagawa ako ng kasalanan, hindi na talaga ako nakakatulog nang maayos. Pero kapag katabi kita, ewan ko, pero kumakalma ako at nakakapagpahinga. Also, I like to see you everyday."
Napangiti ako nang mapait. "That's so sweet, my love. Parang nabanggit mo nga 'yan sa 'kin dati na hirap kang makatulog kaya pinapagod mo na lang ang sarili mo sa trabaho. But I'm sorry. As much as I want to live with you, hindi ko pwedeng iwanan mag-isa rito si Max. Magtatampo 'yun."
Ngumiti lang siya nang tipid at tumango. "I understand."
"I'm really sorry." Malambing kong hinaplos ang pisngi niya.
"No, it's okay."
"Pwede pa rin naman tayong magkita araw-araw, 'di ba? Basta hindi ka pagod sa trabaho. You can come here whenever you want habang wala pa si Max. And I don't mind coming to your place either. How does that sound?"
"Sounds perfect."
"Good." I kissed his cheek and gave it a little tap after. "Sige na, finish that and get ready. Ibabalot ko lang muna 'yung portrait painting mo para maiuwi mo na. I-send mo na lang sa account ko ang bayad."
"Akala ko bayad na ako kagabi?"
Tiningnan ko siya nang masama. "Ha ha, very funny. Tip mo lang 'yon. Kailangan mo pa ring mag-bayad."
He just chuckled. Iisahan niya pa ako riyan. Oo, masarap siya kung sa masarap, pero kailangan ko pa rin ng pera.
Matapos mag-handa ni Zian, hinatid ko na siya sa pintuan ng apartment ko.
"Ingat ka sa pagda-drive," sabi ko sa kanya. "Don't forget to text me when you arrive home and at the station so I don't worry, hmm?"
"Yes, ma'am. Miss na kita agad kahit hindi pa ako umaalis. I'll see you again soon."
He pressed a kiss to my forehead before heading out the door.
TO BE CONTINUED
Are you enjoying this story? Read an advanced chapter on Patreon for FREE. Just go to www.patreon.com/c/barbsgaliciawrites and join as a free member.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top