Chapter 23

Linggo at huling araw na rin nila sa bahay ng parents ni Adi dahil kailangan na rin nilang bumalik sa condo mamayang hapon. May practice si Zed sa school at mayroon namang lalakarin kinabukasan si Adi. Gustuhin man nilang mag-stay dahil iba ang pagkain sa bahay ng mga magulang nila, hindi puwede.

Isa pa, narito ang Ate ni Adi kasama ang asawa't anak kaya mas masaya, mas maingay, at mas marami.

Habang nakaupo sa sofa, binabasa ni Adi ang sports article tungkol kay Zed. Samantalang nasa likod si Zed, sinusuklay ang mahabang buhok ni Adi para magsimulang mag-braid.

Bago pa lang sila, natuto na siya. He watched videos and even asked their female classmates to teach him how to braid Adi's hair. He knew different braids, such as French, fishtail, and three-strand. Kaya na nga niyang gawin iyon kahit na nakapikit.

"They're excited for your pro-league," mahinang sambit ni Adi.

Tipid na ngumiti si Zed at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Mas excited pa sila kaysa sa 'kin. Kung ako lang, papahinga muna 'ko ng isang taon, eh. Bata pa lang ako naglalaro na ako. Parang gusto ko muna magpahinga."

"If that's what you want, Baby. Para hindi ka rin masiyadong pressured," sagot naman ni Adi. "But are you okay with resting? Like..." Tumingin ito sa kaniya. "Hindi ka ba mangangapa?"

"Iyan din ang sinabi sa 'kin nila coach." Malalim na huminga si Zed. "Okay lang naman magpahinga, pero baka tamarin na 'ko o kaya mahirapan na akong makabalik."

Gusto sana nilang ituloy ang kuwentuhan ngunit tinawag nila sa para kumain ng lunch. Siniguro naman muna ni Zed na maayos ang pagkaka-braid ng buhok ni Adi dahil gusto ring lagyan ng bulaklak ng mga pamangkin nito.

Paglabas nila ng kwarto, naghihintay na sa kanila ang family ni Adi sa dining room. Kaagad namang tumakbo papalapit sa kaniya ang bunsong pamangkin nila at nagpabuhat. Gusto rin daw nitong mag-basketball tulad niya na ikinangiti niya.

Zed looked around and smiled. For two years, during their break, he also lost this family. Palagi siyang inaaya ng mga magulang ni Adi sa ganitong dinner, pero hindi siya nagpupunta bilang respeto sa asawa niya. Kahit na sinabi ni Adi noon na ayos lang naman dahil hindi kasama ang pamilya nila sa space na hingi nito, siya na mismo ang umiwas.

But it was the saddest two years of her life.

Aside from being away from his wife, he also had to distance himself from the family he also considered his.

Si Zed na mismo ang nagsandok ng pagkain ni Adi. It was their routine, even before. Siya ang nagsasandok ng kanin, ulam na nakalagay sa bowl, at maanghang na sawsawan para sa sinigang na baka.

Adi loved radish, but he had to make sure it was the tasty one. Naalala niyang may nakain sila noong labanos na hindi masarap kaya halos taon bago umulit si Adi dahil nadala. Isa iyon sa siya lang ang nakakaalam pagdating sa asawa. May mga ulam o kahit anong pagkain itong hindi kinakain, dahil nadadala kahit na paborito noon.

Nagbukas ng topic ang daddy ni Adi, tinanong si Zed kung ilang games na lang ang natitira para sa league. Nalungkot siya nang sabihing dalawa na lang para makapasok sa finals dahil sigurado na sila sa final four. It was his goal to at least enter the final four slot, but would be better if the finals.

Medyo may lungkot dahil sa susunod, hindi na siya student varsity. Kung matutuloy at matatanggap siya, sa pro league na siya. It would be different, better in some ways, but he'd also miss the life of being a student athlete.

Masayang inobserbahan ni Zed ang lahat sa lamesa. Ito ang na-miss niya at nang lingunin si Adi na masayang nakikipagkuwentuhan sa mga magulang, ayaw na niya ulit maulit na mawala ito sa kaniya. Lalo na si Adi.

Si Zed at Aljohn, ang asawa ng ate ni Adi, ang kasama niyang magligpit at maghugas ng pinggan. Tulad noon, ganito na ang routine nila. Silang dalawa ang nakatoka sa kusina pagkatapos magkainan. Pinag-usapan nila ang tungkol sa basketball at kung ano ang plano niya sa susunod.

Maraming plano, pero mas focused siya sa huling taon sa university at kay Adi.

Nang matapos sa kusina, nagpaalam muna siya sa brother-in-law niya at hinanap si Adi. Pumasok siya sa kwarto nila ngunit walang tao hanggang marinig ang boses nito sa isang kwarto malapit sa kanila. The voices were faint, but enough for him to hear... and he heard his name.

"Ano'ng sabi ni Zed?" tanong ng Ate ni Adi. "Nabanggit sa 'kin ni Mommy iyong tatlong offer sa 'yo. Iyong master's degree sa US and South Korea saka iyong isang university sa Singapore. Ano'ng offer nila sa 'yo roon?"

Tumigil si Zed sa paglakad at nanatiling nakatayo sa hallway. Alam niya ang tungkol sa US, pero hindi ang sa South Korea at sa Singapore.

"I turned them down," sagot naman ni Adi. "Hindi pa time. I feel like... after after separating from Zed, gusto kong bumawi muna sa kaniya. I have so much time, marami akong chance sa mga susunod. But I want to focus on my marriage first."

Zed looked down and wanted to leave, but didn't. As much as he didn't want to eavesdrop, knowing Adi didn't tell him about the other offers made him want to listen more.

"I want to support him this time. Ayokong umalis, ayokong lumayo," mahinang sambit ni Adi. Sumandal si Zed sa pader at malalim na huminga. "I can still grab that opportunity next time, Ate."

Saktong dumating ang asawa ng ate ni Adi at mukhang nagtakha kung bakit siya nasa hallway ngunit narinig din ang pinag-uusapan ng magkapatid. Pareho silang nakasandal sa pader, nakinig.

"But basketball isn't forever. In five to ten years, Zed could retire. I just hope he'll retire because he wants to, not because of accidents or injuries." Narinig niya ang pagsinghot ni Adi bago ito nagpatuloy. "He should chase his dreams and work for it while he's young and able. His chosen path isn't forever, Ate. So I decided to support him while he's at it. It was a promise I made when we started dating."

Zed exhaled and remembered the promise they had. She'd support him until he retired; he'd be there for her until the end.

"I can still grab the opportunity even when I'm sixty," Adi chuckled lowly. "So I decided to focus on Zed now. He'll be my priority. Tama na iyong two years, Ate. I've neglected this marriage and I don't want to be away from him again."

Hindi na tinapos ni Zed ang pag-uusap kahit na narinig pa niya ulit ang pangalan niya. Nagkatinginan sila ng brother-in-law niya na tinapik ang braso niya dahil na rin sa narinig.

He should be happy. He should be thankful, but didn't know how.

Pagpasok sa kwarto ni Adi, inayos niya ang bag nila at inasikaso ang mga gamit. Isa-isa niyang inilagay ang mga damit nila ni Adi sa maleta habang paulit-ulit na inaalala ang bawat salitang narinig niya. It wasn't his intention, he hoped he didn't listen, because it was eating him up.

"What time tayo aalis?" tanong ni Adi.

Hindi siya lumingon at nagpatuloy sa pag-ayos sa bag. "We can leave in an hour or less if ready ka na."

Bumaba ang tingin niya sa magkasaklop ni kamay ni Adi. Yumakap ito sa likuran niya, mahigpit na mahigpit.

"Puwede bang daan muna tayo sa grocery bago tayo umuwi sa condo? I need to buy some stuff," ani Adi na mas humigpit ang yakap sa kaniya.

"Sure," tipid na sagot ni Zed. "I'll just shower, then we can go. Mag-shower ka rin ba?"

Humiwalay si Adi sa kaniya at tumayo sa gilid niya. "Hindi na, mamaya na lang bago matulog. We can leave as soon as you're done. Baba lang ako sandali. Nanghingi ako ng ulam, eh."

Zed nodded and watched as Adi happily told him about the home-cooked foods they'd bring to their place. Adi giggled in excitement, knowing they didn't have to cook for the next few days.

He smiled, but something felt heavy.

Bago pa man umalis, napansin na ni Adi ang malamig na pakikitungo ni Zed sa kaniya. Sa sasakyan, tahimik itong nagmamaneho. Sumasagot naman sa mga sinasabi niya o sa pinag-uusapan nila, pero hindi nagbubukas ng topic.

Hawak ni Zed ang kamay niya habang naglalakad mula sa parking lot hanggang sa makarating sa grocery, pero hindi ito nagsasalita o nangungulit. Deretsong naglalakad, ni hindi man lang lumilingon sa gawi niya.

Sa grocery, si Zed na rin ang kumuha ng cart at nagtulak. Gustong magtanong ni Adi kung ano ang problema, pero hindi niya ginawa. Kinuha na niya ang pakay tulad ng condiments, kaunting meat, gatas para sa morning coffee na siya na ang gumagawa, at mga panlinis ng condo.

Huminto sila sa bilihan ng shampoo. Hawak ang shampoo na ginagamit niya, nilingon niya si Zed. Nakapatong ang dalawang siko nito sa hawakan ng cart at busy sa phone.

"Babe?" Kinuha ni Adi ang atensyon ni Zed. "Don't you wanna try another shampoo? Like this?" Ipinakita niya ang shampoo for men.

Tumingin si Zed sa kaniya, naningkit ang mga mata, ngumuso, at umiling. "No. Sanay na 'ko sa shampoo natin. Let's just stick to that."

One nod, Adi got three bottles of the same shampoo they're using. Gamit na nila iyon simula nang magsama sa condo. Ikinagulat nga niyang iyon pa rin ang gamit ni Zed.

Ipinagpatuloy niya ang pag-ikot, tinatanong si Zed kung ano ang gusto nitong chips, sweets, o kahit na anong snacks, pero sinasagot siya ng 'bahala ka na', 'ikaw, ano bang gusto mo?', at 'kahit na'.

Adi insisted on paying for their grocery, but Zed didn't listen and just handed his card to the cashier. She wanted to argue, but didn't. She stayed silent, observed, and waited until all the bags were in the cart. Nauna na rin siyang maglakad, hinayaan si Zed sa likuran niya.

Huminto siya sa bilihan ng bread and pastries, bumili ng puwedeng almusal at habang nakapila, nakatingin siya kay Zed na nasa labas ng pastry shop. Same position. Nakapatong ang siko nito sa handle ng cart, nakaharap sa phone.

If that was what Zed wanted, Adi decided to give him space. No conversation during the car, even while inside the elevator, and upon entering their unit... she walked straight toward the bedroom and took her laptop.

Zed was busy arranging the groceries when their eyes met. Bumaba ang tingin nito sa laptop na bitbit niya at sa shoulder bag na nakasukbit sa balikat niya.

"Where are you going?" Zed frowned.

"Sa taas," Adi said lowly. "If you won't talk to me, I'll give you space. Kung may nagawa ako, I'm sorry. But I can bear with silence right now."

She walked past Zed, but was quick to carefully hold her right arm with a grip. She waited for him to say something, but he didn't. Bumaba ang tingin nito sa laptop niya bago siya binitawan.

"Sige," mahinang sambit ni Zed na ibinalik ang atensyon sa ginawa.

Mahinang natawa si Adi. "Just like that?"

"That's what you want," sabi ni Zed na sinalubong ang tingin niya.

"Okay." Tumango si Adi at naglakad papalapit sa pinto. Nakahawak sa siya door knob, nag-isip... bago ibinalik ang tingin kay Zed na nakahawak ang dalawang kamay sa gilid ng lamesa. "Do you think we're making a mistake? Do you think we'll work out again? Or maybe we're really better of—"

"Audrey," Zed exhaled and gazed at her sideways.

Adi's chin vibrated, but didn't let a single tear fall. "Maybe this is a bad idea? Us getting back? Baka hindi pa ulit ready and—"

"Susuko na naman? One argument, 'yan ang sasabihin mo sa 'kin? One silence, just a silence... aalis ka na naman?" Zed stood up. "Maybe we're really not ready for this... again."



T H E X W H Y S

www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys