Chapter 21

Five days since Zed's accident, Adi never left. They were together almost 24/7, and no one complained. Sabay silang kumakain, naliligo, at natutulog. Sabay sila sa laundry, sa groceries, sa paglinis ng kanya-kanyang unit, at pati sa car wash ng kanya-kanyang sasakyan.

Humarap si Adi sa salamin para ayusin ang buhok niya nang yumakap si Zed sa likuran niya. Paalis sila dahil kailangang magpunta ni Adi sa school. Mayroon siyang files na kailangan at para na rin makausap ang dean na babalik na siya sa susunod na linggo.

Pupunta naman si Zed sa university para sa meeting at practice. Maayos na ang lagay niya, nakaisang laro na rin siya kasama ang teammates, pero hindi pa sa league.

"Don't you wanna move back in?" Zed asked and kissed Adi's right shoulder. "Balik ka na rito sa condo natin. We're just two floors away, but I miss you here."

Adi felt Zed's arms wrapped around her waist. Both were staring in the mirror. Adi was thinking, Zed was waiting.

"I'll think about it," Adi said simply. "Kung okay lang sa 'yo, tapusin ko muna itong semester. Wala lang, just not to break the routine."

Zed shrugged. "Okay lang. Eh 'di ako muna ang matutulog sa condo mo. Parang gusto ko rin munang ipa-deep clean. What do you think? Parang nakakahiya kasi kung babalik ka rito and for almost two years, I did the bare minimum."

Mahinang natawa si Adi at tumango. She agreed. Ilang beses niya itong sinita tungkol sa condo dahil hindi niya gusto ang ilang nakakalat. Gets din naman niya. Busy si Zed na halos tulog na lang ang ginagawa sa condo at minsan lang nahaharap maglinis.

Two floors away. They were just two floors away from each other. It was one thing Zed requested—na magkakaroon ng break, pero hindi puwedeng malayo ang titirhan.

Weird, but it worked. Sa halos dalawang taon din namang "magkahiwalay" sila, halos hindi sila nagkita dahil sa busy schedule. Minsang nagme-message si Zed, kinakamusta si Adi... ngunit hanggang doon lang. Both respected the boundaries, especially Zed.

Pagdating sa university, nagpaalam muna si Adi kay Zed na sinabing maghihintay sa parking. Lumabas siya at sumandal sa sasakyan habang inoobserbahan ang university nang maalala ang conversation nila tungkol sa pag-resign nito.

Ito ang unang beses na walang planong sinabi si Adi sa kaniya pagkatapos ng resignation. Sanay siya na palaging may kasunod, na posibleng magtrabaho o mag-apply sa iba, pero wala. Adi didn't tell him anything and he was thinking a lot. Naninibago siya.

"Almazan!"

Lumingon siya nang makita si Francis, isa sa manlalaro ng South Therium. Papalapit ito sa kaniya, handang makipag-fist bump na tinaggap din niya.

"Musta ka na? Makakapaglaro ka ba next week?" tanong nito. "Kami kalaban n'yo, eh."

Umiling siya. "Ayaw pa akong payagan ni misis."

"Tss. Sayang naman," ani Francis na tumayo sa tabi niya. "Pakiusapan na ba namin si Miss Adi?" pagbibiro nito. "Pero ayos ka na ba? Ano'ng sabi ng doctor sa 'yo? Gagi, alala kaming lahat. Katakot iyong bagsak mo, kahit coaches namin nagulat."

Natawa siya at hindi makapaniwalang ganito ang matatanggap niyang pag-aalala kahit na sa mga kalaban niya. "Ayos naman, wala namang nangyaring iba. Medyo naitukod ko rin 'yong braso ko kaya medyo naprotektahan ang likod at ulo ko."

"Buti naman. Napatayo kami noong nanonood. Gagi, alam naming magaling ka at gusto ka naming talunin, pero hindi naman sa ganoong paraan." Nag-tsk si Francis. "Sayang hindi kita makakalaban next week. Next round, kita tayo."

Muling nakipag-fist bump sa kaniya si Francis bago ito nagpaalam at umalis.

Naalala niyang bumaba ang messages niya mula sa mga dating player, manlalarong kalaban nila sa iba't ibang universities, dating manlalaro, at iba pa dahil sa nangyari. May mga nagpadala ng pagkain at malaki rin ang pasasalamat niya sa university para sa naging aksyon sa nangyari sa kaniya.

Mula sa malayo, nakita niya si Adi. Hindi naman ito nagmamadali, mag-isang naglalakad, at nililipad nang malakas na hangin ang buhok.

Adi was wearing simple blue jeans, tennis shoes, and a fitted white shirt. Medyo hanging ang shirt kaya labas ang pusod nito. Just the usual fit he was used to, far from the university professor everyone knew.

"All done," Adi smiled widely.

"Hatid na kita sa condo o may gusto kang puntahan?" Zed checked his wristwatch. "Sa gym na kasi ako in hour dapat."

Adi squinted. "What if sumama ako? I mean, puwede ba? Wala akong ibang gagawin and I don't wanna stay at home alone."

"Serious?" Zed's eyes widened. "Puwedeng-puwede, pero serious? Sama ka sa practice?"

"Oo, manonood ako or magbabasa ng book," Adi shrugged. "Please?"

Kung tutuusin, hindi kailangang mag-please ni Adi. Kaagad silang nagpunta sa university. Alam ni Zed na late na siya sa practice dahil mas maaga ang naging usapan, pero mas inuna muna nila ang kailangang asikasuhin ni Adi. His coaches and teammates didn't mind. Kung tutuusin naman kasi sinabihan siyang sa susunod na linggo na bumalik, hindi lang din talaga siya makatiis.

Hawak ni Zed ang kamay ni Adi habang naglalakad sila mula sa parking papuntang gym. Nakatingin ang ilang estudyante sa kanila, ang ilan ay babatiin pa sila. May ilang professor din na huminto para kumustahin siya, sila ni Adi.

Some would even openly say it was nice seeing them together again.

They used to be inseparable until they needed to be separated because life happened. Everyone knew they were married, even the new students knew he was married.

Pagpasok na pagpasok sa gym, literal na huminto sa paglalaro ang mga kaibigan niya at sabay-sabay tumingin sa pinto. At dahil medyo mayabang naman talaga siya, itinaas niya ang kamay nila ni Adi na naging dahilan para maghiyawan ang mga ito at tumakbo pa papalapit sa kanila.

"Pizza party na ulit!" ani Led na lumapit kay Adi at nakipag-high five. "Na-miss ka namin dito, Ate!"

Isa-isang lumapit kay Adi ang teammates niya para makipag-highfive at fistbump. Panay ang sabing na-miss nila si Adi, sana palagi na ulit manood sa practices, at kung puwede na ba ulit manood sa mismong league.

His teammates literally grew with him and Adi. Seeing the reactions, Zed knew he wasn't the only one who missed his wife. Everyone inside the gym missed her. Lumapit pa nga sa kaniya ang coaching staff para itanong kung nagkabalikan na ba sila.

"So, kailangan mo lang pala talagang bumagsak malala?" pagbibiro ng coach nila. "Sabi na, eh. Noong nakita ko kayong magkasama sa library, may something, eh." Nakipag-fistbump ito sa kaniya. "Good to see you guys back together."

"Buti naman at least bago matapos ang year mo rito, kayo na ulit," pagbibiro ni Sir Edison. "Pa-pizza tayo. Sagot na namin, pa-welcome kay Misis."

Mahinang natawa si Zed at nag-volunteer na magbayad sa kung ano ang bibilhin. Hindi naman tumanggi ang mga ito at basta na lang tumawag sa paboritong pizza place nila para sa pizza party. Sinabihan niya rin ang nag-order na bumili ng churros at mozarella cheese bites para kay Adi na masayang nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan niya.

Habang busy si Adi, tinawag si Zed ng coach nila at pinapunta sa opisina para sandaling makausap. Tinanong nito kung kaya na ba niyang maglaro.

"Medyo mahirap kasi ang kalaban next game," mapait na ngumiti ang coach niya. "Pero kung hindi mo kaya, naiintindihan naman namin."

"Kaya ko coach," aniya at malalim na huminga. "Subukan kong kausapin si Adi kasi siya ang ayaw na maglaro muna ako this week. Kapag pumayag, maglalaro ako. Kapag hindi, sorry po."

Sumandal sa swivel chair ang coach niya at tumango. "I get it, but Zared. We've been working for so long already na parang anak na ang turing ko sa 'yo. Seeing you together, masaya ako na bumagsak ka noong araw na 'yon."

Parang sandaling nabingi si Zed sa sinabi ng coach niya hanggang sa sabay silang humalakhak. Pinag-usapan nila ang tungkol sa offers na natanggap niya itong season para sa endorsement at nabanggit na rin ng team manager nila ang tungkol sa malaking brands na gustong mag-sponsor next year kung sakali mang mag-champion sila.

That was his goal, too. Gusto niyang umalis ng university na champion ang team, kasama siya.

Meanwhile, Adi was looking for Zed, but was told that he was in a meeting room. Nagpaalam na rin muna ang buong team na babalik sa paglalaro kaya naglakad siya papunta sa bleacher at nakita si Sachi, ang girlfriend ni Led.

Malapad itong ngumiti, tumayo, at mahigpit siyang niyakap. "Long time no see, Ate Adi!" magiliwn itong pagbati sa kaniya. "Ang tagal mong hindi nagpunta rito."

"I was busy," aniya dahil iyon naman ang totoo. "Ikaw, palagi ka pa rin ba rito? Sabay pa rin ang klases n'yo ni Led?"

Tumango si Sachi at inaya siyang maupo. "Of course, Ate! By the way, this si Rylee..." Ipinakilala nito ang babaeng nakaupo sa bleacher. "Jed's girlfriend."

Adi's lips formed into an 'o' and smiled. She offered a handshake when Rylee stood up, accepted her hand, and widely smiled.

"Hello!" Rylee giggled. "It's nice to finally meet you po. Jedrus has been talking about you and Kuya Zed... like a lot," she said with hand gestures. "Oh my gosh. It's nice to finally meet you in person. I swear."

Adi saw how Sachi chuckled while looking at Rylee, who started asking about her day and if she was comfortable, and even gave her a chewy candy just because.

She subtly observed Rylee, who wouldn't stop talking about the movie she watched. Pareho silang nakatingin ni Sachi at seryosong nakikinig. Adi listened carefully and admired the cutesy woman in front of her.

Pasimple niyang nilingon si Jed na nakatingin pala sa kanila at tinanguan siya. Kinindatan niya ito bago ibinalik ang tingin kay Rylee.

Rylee was wearing a white sando with a pastel pink knitted oversized cardigan paired with a plaid purple and white mini skirt with plits. She was also wearing a knee high socks with a small ribbon on top and a white block heel sandal. Hair was long and flowy.

Adi also noticed the braces and the oversized, thick glasses.

"I'm sorry," Rylee exhaled, looking at Adi. "Am I talking too much? Sorry po."

"No, it's okay," Adi assured. "I am listening. I just noticed your glasses."

"Yeah, but I am already planning to have LASIK. Still unsure, but considering it," Rylee smiled widely. "Anyway..."

Adi bit her lower lip and started listening to Rylee. Sobrang cute nitong magkuwento dahil may action, minsan pang tumatayo para ipakita sa kanila kung paano nito nakitang maglakad ang isang character sa movie na ikinukuwento. Sachi was laughing and Adi realized she missed everything about the place.

The sound of shoes screeching, the bouncing ball, and the laughter with the other girlfriends.

She realized that everything felt like home.


T H E X W H Y S

www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys