Chapter 20
Krista, Zed's mom, smiled the moment she opened the door and carefully closed it without making a sound. She faced her husband, who arranged the food they brought.
"Tulog pa sila," ngumiti si Krista kay Yvo. "Magkatabi silang matulog."
Mahinang natawa si Yvo. "Let's not get our hopes high, pero sana nakapag-usap na sila nang maayos. It's been two years."
Malalim na huminga si Krista at nagpunta sa kusina para ayusin ang pagkaing dala nila. Galing pa silang probinsya at nagmadaling magbyahe nang makausap si Adi kahapon. Hindi nila makalimutan ni Yvo kung paano ito umiyak at kung paanong nakiusap na magpunta sila.
Papunta na rin ang mga magulang ni Adi para bumisita. Kausap niya kanina ang mommy nito, para itanong kung ano magiging setup sa mga susuno at nag-decide na patirahin muna si Zed sa bahay ng mga ito habang nagpapagaling para mayroong kasama.
It was almost eight in the morning, and Krista was able to talk to Zed's doctor, assuring her that all tests came back normal. Yvo, on the otherhand, remembered why he retired early. Not similar to Zed, but was injured. ACL and he recovered, but thought of his wife's cries.
He didn't look back. It was the best decision. Hindi na niya nakitang palaging nag-aalala ang asawa niya at iyon ang dahilan kung bakit sila naging tutol noon sa maagang pagpapakasal nina Zed and Adi. He didn't want to let his son feel the same—the fear and anxiety.
Samantalang nagising si Zed nang marinig ang pamilyar na boses mula sa labas ng kwarto. Nilingon niya si Adi na mahimbing pa ring natutulog sa tabi niya kaya maingat ang paggalaw niya at inayos pa ang kumot nito bago tuluyang lumabas.
Naabutan niya sa living room ang parents nila ni Adi. Sabay-sabay tumingin ang mga ito sa kaniya at walang sabing lumapit ang mommy niya.
"Good morning." His mom hugged him tight. "Wala naman bang masakit sa 'yo?"
Zed hugged his mom back while smiling at his dad. "Medyo masakit ang katawan ko, that's it. Ano'ng oras kayo dumating? You guys didn't have to."
"Of course, we have to!" Humiwalay sa kaniya ang mommy niya. "Tinawagan kami ni Adi kahapon kaya bumyahe kaagad kami, but we stayed in a nearby hotel to rest before coming here. Baka rin kasi natutulog pa kayo."
Nagpasalamat siya sa parents niya at nilapitan ang mga magulang ni Adi para magmano. Kinamusta rin siya at masaya ang lahat na walang masyadong naging epekto sa kaniya ang pagbasak niya. Their fathers were watching the game when it happened.
Medyo matagal na rin simula nang huling magkasama ang parents nila dahil parehong busy. Napapadalas din kasi ang out of the country ng parents ni Adi para bisitahin ang ibang kamag-anak sa US. Ang mga magulang naman ni Zed, busy sa probinsya kaya bihira din niyang makita ang mga ito. Kung tutuusin, mas madalas pa niyang makasama ang mga magulang ni Adi noon.
"Are you guys back together?" biglang tanong ng mommy ni Zed na ikinatahimik ng lahat. "I'm sorry for asking, Zared. I was just—"
"We're working on it," pag-aamin niya. "I don't wanna rush Audrey, but we've been seeing each other for months already."
Nakita niyang ngumiti ang mommy ni Adi. "Natuwa nga ako noong nalaman kong nasa bahay kayong dalawa noong nakaraan. We actually thought you already talked about it not until Adi told us na hindi pa."
Zed bitterly smiled and drank a cup of coffee made by her mom. Nagising na rin si Adi na binati ang mga magulang nila at nagpasalamat sa pagbisita. Nalaman din nila na nag-decide ang mga ito na mag-stay sa bahay ng parents ni Adi, kasama sila.
They didn't say no and just went with it. Bihira lang din naman kasi nilang makasama ang parents ni Zed. Isa pa, nalaman ni Zed na nag-leave si Adi sa trabaho para sa kaniya. He said she didn't have to, but she wanted to.
Inayos ni Adi ang discharge papers ni Zed. Wala silang binayaran ni singko dahil sagot ng Eastern U. Nag-offer din ang ospital na ihatid sila sa kung saan, pero tumanggi sila at sumakay na lang sa sasakyan ng parents ni Zed. Pagdating naman sa bahay, nakaayos na ang lahat para sa kanila. They would sleep on Adi's room, too.
Wala namang awkwardness kasama ang mga magulang nila ngunit nakaramdam si Adi ng pagod. Gustuhin man niyang makipagkuwentuhan, nagpaalam na muna siyang papasok sa kwarto para ayusin ang bagahe ni Zed.
Habang nakaharap sa malaking salamin ng bathroom, nakita ni Adi ang pamamaga ng mga mata niya dahil sa pag-iyak kahapon. Napansin din niya ang breakout sa noo at pisngi niya pati na rin ang magulong buhok niya. She felt tired and weak and just wanted to rest.
Adi was brushing her teeth when Zed walked inside the bathroom and stood beside her. They stared at each other and smiled. It wasn't comfortable. They used to brush their teeth together when they were still living together.
"Babalik din kaagad sila mommy sa probinsya bukas," ani Zed nang matapos si Adi. "Hindi kasi puwedeng walang tao sa farm. Okay lang sa 'yong sumabay ng lunch and dinner? I can ex—"
"I'm good," ngumiti si Adi. "Inayos ko lang din muna ang mga damit mo galing sa gym bag. Papalabhan ko muna kila Ate." Lumapit siya at hinaplos ang likod ni Zed. "Masakit pa?"
Tumango si Zed at itinaas ang t-shirt. Nakita niya ang malaking pasa dahil sa pagbagsak. "Two games kang hindi maglalaro?"
"Oo. Sabi mo, eh," natawa si Zed. "I'll attend the meetings, that's it. Papasok din muna ako sa class kaya kailangan ko ring bumalik kaagad sa condo bukas. Ikaw? Sabay ka na?"
"Yup. May mga laundry din akong kailangang asikasuhin sa condo and I need to clean my unit," aniya habang nakatingin kay Zed. "Baka pupunta rin ako sa school kasi naiwan ko iyong ibang gamit ko."
But Zed observed that Adi wasn't really okay. She was talking, laughing, and bonding with everyone, but would sometimes stay silent and observe. Napansin din niyang madalas na kumunot ang noo nito at malalim na huminga. Minsang magtatama ang tingin nila, ngingiti si Adi sa kaniya ngunit bigla ulit tatahimik.
Kinagabihan, bago pumasok sa kwarto, tinanong ng daddy niya kung puwede ba silang lumabas ng bahay at maglakad lang saglit sa subdivision. Nagtanong ito kung kumusta ang team, paglalaro, at kung ano ang plano niya after graduation.
His dad smiled when he mentioned going pro. Pinag-usapan din nila ang pag-aaral niya at kung may plano ba siyang magpahinga, pero sinabi niyang wala.
"Ano'ng sabi ni Adi sa desisyon mo?" tanong ng daddy niya na patagilid tumingin sa kaniya. "Is she okay with your decision to go pro without resting?"
"Yes, Dad. We recently talked about it. Siya rin ang nag-push sa 'kin, and it's our first plan even before. Na, I'll take advantage of everything. Strength, age, popularity," seryosong sambit ni Adi. "But what do you think?"
Supportive ang mga magulang niya umpisa pa lang. Idol niya ang daddy niya kaya siya naging basketball player. Bata pa lang siya, sinasama na siya ng mommy niya sa games, sa practices, sa lahat. Zed's dad became his inspiration, the person he looked up to.
Tumigil sila sa daan na walang bahay. Tumingala ang daddy niya.
"Natakot ako para sa 'yo noong napanood ko ang nangyari," pag-aamin ng daddy niya. "I was convincing your mom that you were okay, but as an athlete, I know that fall was... was dangerous. Noong tumawag sa 'min si Adi, para akong bumalik sa araw na iniyakan ako ng mommy mo."
Tahimik na nakatingin si Zed sa daddy niya.
"We heard Adi's cries... and we cried with her. Your mom's trying to calm her down. Paulit-ulit sinasabi ng mommy mo na maayos ang resulta ng tests mo, pero hindi tumigil si Adi hanggang sa mahimasmasan na siya. Your mom let her cry this time, to ease the nervousness and fear," pagpapatuloy ng daddy niya na malalim na huminga. "No pressure, Zed... but fight for this marriage. It's been two years. Ayokong pagsisihan mo ang mga sinabi mo sa 'kin noong hindi kami pumayag na magpakasal kayo."
Yumuko si Zed at mahinang natawa. Muli silang naglakad pabalik sa bahay habang pinag-uusapan ang tungkol sa farm. Nagsabi ang daddy niya na sana ay makabisita sila ni Adi, at iyon ang plano niya pagkatapos ng graduation.
Pagpasok ni Zed sa kwarto ni Adi, naabutan niya itong nakasalampak sa sahig at nakaupo sa carpeted floor habang nagbabasa ng libro. Patagilid itong tumingin sa kaniya, suot ang salamin, at tipid na ngumiti. No words, just Adi smiling at him.
"Sorry, naglakad lang kami ni daddy sa labas." Naupo siya sa tabi ni Adi, pareho silang nakasandal sa kama. "Inaaya niya tayo sa probinsya kapag may time tayong dalawa. Bonding lang. Ipapakita rin daw niya iyong bagong panganak na kalabaw."
Mahinang natawa si Adi at sinara ang libro. Muli nitong tinanong kung kumusta ang pakiramdam niya ngunit ibinalik niya ang tanong na naging dahilan nang pagsalubong ng kilay ni Adi.
"I'm okay, just tired," anito habang hinahaplos ang pisngi niya. "Nakatulog naman ako kagabi, pero hindi malalim... but I'll be okay."
Hinawakan ni Zed ang kamay ni Adi at hinalikan iyon.
"Nag-message si attorney sa 'kin kanina. Kausap na rin daw niya ang lawyers ng ibang involved, but I told her na wala pa ako sa wisyo para pag-usapan iyon," malalim na huminga si Adi. "I can only focus on one right now. You first."
Zed wanted to tell Adi he was okay, but didn't. He wanted to let her... let them be together through this. These times were hard for them, and he didn't want them to face anything alone.
Not again.
This time, he wanted to do his best to make this work. He remembered the song... The Script's 'For the First Time' line.
These times are hard.
They're making us crazy.
Don't give up on me, baby.
He wouldn't, and hoping Adi wouldn't.
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top