Chapter 7



"Sorry na kasi Eris, gusto ko lang naman maging happy ka." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Do I look happy Michael."

"Kaya nga ililibre na lang kita." He pouted.

"Alam mo sasaktan na talaga kita." Kanina pa ako nakukulitan sa kanya. Naiinis ako dahil sa isinet-up niya kaming dalawa kahapon. Pero mas maiinis ako dahil hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyari. Mas naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko akalain na magiging ganito.

Yeah I should have expect that, pero alam ko na mabuting tao siya. Alam ko. Ang laki na nang

"Ee! Erisha naman, huwag mo nang dagdagan yung blackeye na gawa nung Taylor na yan. Nakakasira ng beauty."

"Matagal na sira beauty mo, echosera ka!" Biglang bulyaw sa kanya ni Taylor na nandoon na pala sa likuran niya. Inirapan lang siya ni Michael at hinarap ako.

"Halika nga Eris mag-mall na lang tayo." Aniya at kumapit siya sa braso ko.

"I heard that Michael, would you mind if I join."

"You are not invited bitch."

"Aray ikaw."

"Yeah I'm a total bitch asshole!" Tinaasan lang ni Taylor si Michael ng kilay bago niya ito tinalikuran.

"Ano tara na?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Si Taylor di mo isasama?"

"Isama na nga!" Napilitan na sabi ni Michael at si Taylor ay napangisi na lang sa kanya.

"Dami mo pang arte." Mukhang binaliwala ni Michael ang sinabi ni Taylor at lumapit siya sa akin. Nagsimula na rin kami na maglakad papuntang parking lot.

"Hay nako kung alam ko lang na ganoon yung gagawin ng Nikko na iyon sa iyo, kahit ganito ako sasapakin ko yun."

"If you can Michael. Baka ikaw pa masapak diyan." Singit ni Taylor.

"Don't understimate me. You.. You." Ani ni Michael with matching turo turo pa kay Taylor.

"Whatever." Ani na lang ni Taylor at sumakay sa passenger seat ng kotse.

"Hayaan mo na kasalanan ko naman kung bakit siya ganoon sa akin." Ani ko. Tama naman kasi, kasalanan ko naman talaga. May choice naman ako noon e, natakot lang talaga ako noon.

"Hay nako Eris, hindi pwede yan!" Napangisi ako dahil sabay pa nilang nasabi iyon. Diyan lang naman sila nagkakasundo, basta patungkol kay Nikko at pakikipag-away kay Mark.

"If he do that to you again, I can help Michael to punch his face."

"Baka naman mahal ka pa niyan." Humalukipkip pa si Michael at sumandal sa bintana.

Maari... Pero mas maaring hindi. Mas kinamumuhian niya ako ngayon at ramdam na ramdam ko ito ngayon.

I am happy and contented in my life. Masasabi ko na ok na talaga ako, tanggap ko na rin na hindi kami para sa isa't isa, at pinipilit na maging positive na isipin na balang araw ay mapapatawad niya rin ako, na mauunawaan niya kung bakit ko nagawa iyon sa kanya. Kahit iyon lang ang mangyari, masaya na ako. Basta magka-ayos lang kaming dalawa, ok na ako doon.

"Eris?" Bigla akong natauhan at namalayan ko na lang na may truck na may dumadaan sa harapan ko. Agad agad kong tinapakan yung brake.

Mabuti na lang at nakaabot ako, kundi ay babangga kami sa truck na iyon. Sinigawan pa nga kami ng driver bago tuluyang umalis, mas pinili ko na lang na huwag nang pansinin iyon.

"Kaloka ka Eris, muntik na tayong mabangga o!" Medyo kinakabahan si Michael sa sinabi niyang iyon.

"Sorry." Wika ko at nagpatuloy na sa pagmamaneho.

Pagdating sa mall ay pinagsasabihan na naman ako ni Michael.

"Iniisip mo na naman si Fafa Nikko. Alam mo Eris pwede mo naman siya isipin, huwag lang yung habang nagda-drive ka hane? Ikamamatay namin yan."

"Ok... Alam mo kasi Eris, hindi na tama na gawin niya iyon sayo. If he really gets over you, dapat napatawad ka na niya." Singit ni Taylor.

"Kung alam lang kasi sana niya." Tamad akong sumandal sa upuan. Umalis muna si Michael dahil siya yung kukuha ng order namin.

"Why don't you have a little talk with, tell him what happened before. I know he will understand.

"For what? He is already--"

"Hindi lahat ng nagpapakasal ay mahal ang isa't isa." Singit ni Michael at umupo sa may bakanteng upuan,

"Yes he is right. What if he is only forced to do that or he's just mad and he just want to get over you." Sabat ni Taylor.

"Oh Taylor, do you think he's already over Eris?" Ani ni Michael sabay harap kay Taylor na prenteng nakasandal sa upuan.

"I don't know." Taylor shrugged.

"I know mamahalin din siya ni Nikko. It's been three years." Walang gana kong sabi.

"Sa tingin mo ba masaya siya ngayon?" Naging seryoso na yung boses ni Michael.

Maaring hindi.. Maaring oo..

"Hindi ko alam."

"It seems that he doesn't. He didn't even smile now, unlike before he smiles like a crazy man." Pagsingit muli ni Taylor.

"Eh?" Tila hindi pa makapaniwala si Michael sa sinabi ni Taylor.

"Yeah, that's why Eris is too irritated with him, because of his smile." Tumango tango lang si Michael.

"Pero doon din nainlove yang Erisha na ito."

"Exactly." Nakangiting pag-ayon sa kanya ni Taylor.

"Alam mo maaring malungkot nga yung mokong na iyon, even in the magazines and in person, di nakangiti. May picture ka ba niya na nakasmile."

"Haller the painting." Paalala sa kanya ni Taylor.

"Aahhh, yes. Kaya siguro di ko siya nakikila kasi ang ganda ng ngiti niya doon. Para kasi siyang pinagsakluban ng langit at lupa ngayon."

"Tama na nga yan." Ani ni Taylor na bigla ring kumunot yung noo nang makita na paparating na yung mga order namin.

"Hey where's mine." Aniya nang mapagtanto na wala yung kanya.

" Kumuha ka nang sayo." Ani ni Michael at tinaasan pa siya ng kilay nito.

"Eh? Pambayad ko ay?" Sabay lahad naman ni Taylor ng palad niya kay Michael.

"May pera ka diyan." Bulyaw sa kanya nito.

"Hey, it is your treat!" Ganti niya.

"Sinabi ko ba na kasama ka." Sagot pa sa kanya ni Michael.

Pagkaamba pa lang ni Taylor ay hinawakan ni Michael yung dalawa niyang kamay.

"Sige, Ano! Papatulan na talaga kitang hilaw ka."

"Tumigil nga kayong dalawa diyan, pinagtitinginan kayo." Binigay ko kay Taylor yung ice cream ko.

"Ako na lang yung kukuha nung akin."

"Pero Erisha."

"Stay, mag-ayos kayo diyan." Pagkatapos ay tumayo na rin ako kaagad. Naririndi talaga ang tainga ko sa tuwing mag-aaway silang dalawa kaya lumayo muna ako. Hay nako, daig pa talaga nila ang aso at pusa. Di wari kasi magkasundo na lang silang dalawa, walang araw na hindi talaga sila nag-aaway.

"Aww." Humarap ako at tumambad sa akin yung isang batang nakayuko dahil sa nahulog niyang ice cream. Siguro nahulog iyon nung nabunggo ko siya.

"Sorry hija." Napatingin ako doon sa may nahulog na ice cream.

Lumuhod para mapantayan siya, nag-angat siya ng tingin sa akin.

Those eyes are so familiar to me.

Medyo chinita, she is brown eyed just like him. Almost her eyes are just the same with his.

"Gusto mo bilhan na lang kita ng ice cream."

Tumango siya sa akin at sumilay sa akin ang kanyang ngiti. Kahit na hindi pantay yung mga ngipin niya, mas lalo pa iyon gumanda nang dahil doon.

And that smile, parang ngiti niya rin talaga. Kung maari lang ay iisipin ko na anak ni Nikko ito. Babaeng version niya talaga itong nakikita ko.

"What's you name hija?"

"Hope po!" She smiled again.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top