Chapter 8
This chapter is dedicated to Miss @SarahQtqt9, thanks for the messages encouraging me to update. Haha. I cant find any dedication button in the wattpad app so I decided just to write it here.
....................
Eris
"Thank you po Ate Eris kasi nibili ko yung peborit kong flavor. Kulang daw kasi yung pera ko kaya nibigay niya sa akin ng ibang flavor."
"Yaya?may kasama ka pala, gusto mo hanapin natin siya?
"Huwag na po, mukhang ayaw naman niya ako nisamahan. I just want to buy ice cream and she just want to buy some make-up."
Napangiti lang ako sa sinabi niya at siya at ipinagpatuloy yung pagdila sa ice cream niya. Inaalalayan ko pa rin siya kumain pero hindi siya magdungis, ang dami dami kasi mga tulo ng tunaw na ice cream.
Tumigil muna siya sa pagkain at humarap sa akin.
"Daddy says, I'm beautiful so why I am be needing to put make up."
"Besides yaya is so ugly."
"Dont say that Hope, it's bad. Even if Yaya is not that good to you, you should be always kind to her because she's taking care of you."
Nakanganga lang siya sa akin.
"You'll understand it one day kiddo." Hinimas ko na lang yung ulo niya.
"I'm sure your Yaya is searching for you. Nag-aalala yun sayo kaya ibabalik kita sa kanya mamaya ha." Matamlay lang na tumango yung bata sa akin.
Hinawakan ko yung kamay niya at dinala doon sa may table namin.
"Hay sa wakas
Eris dumating ka na rin hindi ko na kakayanin---" nanlaki yung mga mata niya nang makita
"Aba! May dala ka palang batuting. Ang cute cute." Lalapit sana si Michael sa kanya pero nagtago si Hope sa likod ko.
"Ay." Dismayado niyang sabi.
"Ang harass mo kasi!" Singhal ni Taylor at saka humarap kay Hope.
"Hey kiddo!" Nakangiting sabi niya. Lumapit naman sa kanya si Hope at nginitian ito.
"I like your hair." Ani ni Hope habang hinaplos ang ilang hibla nito.
"O really?" Tumango lang si Hope sa kanya.
"I want it." Aniya at nahila pa niya yung mga ilang hibla ng buhok ni Taylor.
Bigla naman ginunting ni Michael yung hawak ni Hope na mga hibla ng buhok no Taylor. Wala rin naman nagawa si Taylor kundi pandilatan ito dahil wala rin naman siyang magagawa at nakita naman niya na natuwa si Hope rito at hindi naman na maikakabit sa kanya yung mga nabawasan na buhok sa kanya.
"Here!" Ani ni Michael dahil may mga nagupit pa siyang mga ibang hibla na buhok ni Taylor.
"Wow! Can I put this in my hair?" Ani ni Hope at inilagay sa buhok niya.
"No, Bawal yan sayo. Tago mo na lang."
Maya maya ay humarap si Michael sa akin.
"So anong plano mo sa bata, alangan naman ampunin natin yan." Umiling lang ako sa kanya.
"Isasauli ko rin naman siya at isasama muna natin siya saglit habang kumakain tayo dito."
"Naku Eris kapag napagkamalan tayong mga kidnaper dito."
"Dont worry Micha ikaw lang naman yung mukha kidnaper dito sa atin." Ani ni Taylor at sinimulan nang kainin ang kanyang banana split.
Irap lang ang naging sagot ni Michael sa kanya.
"Mamaya dadalhin din natin siya sa information center para makita siya kaagad ng yaya niya." Napatingin kaming lahat kay Hope nang bigla siyang tumigil sa pagkain.
"Ate Eris ayaw ko po doon sa yaya kong iyon."
"Hope, kailangan ka namin isoli sa kaniya. Kasi hinahanap ka na ng Yaya mo."
"Ayoko po talaga sa kanya! Hindi naman niya po ako nilalagaan, hindi po tulad ni Daddy na talaga nagpeplay po kami. Kaso busy naman si Daddy." Doon ko nakita na naging malungkot yung mga mata niya. Talagang Daddy's girl ang batang ito. Pero nasaan kaya ang mommy niya, mukhang Daddy lang niya ang bukambibig nito. Gustuhin ko man tanungin na baka maging personal ito para sa bata, baka hindi pa niya ako masagot at lumayo pa ang loob sa akin.
Ngiting ngiti si Hope na itinago na yung mga ilang hibla ng buhok ni Taylor. Sinabihan kasi ni Michael kanina na itago ang mga ito dahil baka may manguha pa nito. Nauto niya yung bata na kukunin iyon ng monster. Kat na alam ko na ang monster na tinutukoy niya ay si Taylor.
Mukhang isinawalang bahala naman ni Taylor yung naputol niyang buhok, mukhang nawala naman yung galit niya kay Michael nang makita niya na nakangiti si Hope.
Ang ganda rin kasi talaga yung ngiti ni Hope. Talagang pati ikaw na mapapangiti rin.
Feel na feel ko na yung pag-aalaga sa kanya, pakiramdam ko ay parang anak ko na rin siya. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito sa bata. Sobrang gaan kasi ng loob ko sa kanya. Siguro ay dahil nakikita ko si Nikko sa kanya, dahil para siyang girl version nito at maganda rin ang kanya ngiti.
Paano nga kung anak siya ni Nikko? Ano kaya yung gagawin ko?
Mapait akong napangiti. Kung sakali man siya yung bunga ng pagmamahalan nila ni Lauren.
Paano kung kami pa ni Nikko hanggang ngayon, we can also have a great kid like Hope.
"Ate Eris, diba niipitan mo pa ako." Agad akong natauhan sa pagkaway ni Hope sa akin at ibinigay yung mga sanrio at mga ribbons niya. Naisipan ko kasi kanina na ayusan siya ng buhok, medyo magulo na kasi yung pagkakaipit ng buhok niya nang makita ko siya kanina.
"Ay oo nga no. Sige upo ka dito." Sabi ko at itinuro yung maliit na upuan sa harapan ko para maipitan ko siya ng buhok na maayos.
"Ok done." Sabi ko sa kanya at ibinigay sa kanya yung maliit kong salamin.
"Thank you po Ate Eris. Yaya dont make ipit me like this." Ngiting ngiti niyang sabi, mukhang manghang mangha pa siya sa simpleng pigtail na braid na ginawa ko sa buhok niya.
Nginitian ko lang siya at niyakap ng mahigpit. Nagtataka ako kung bakit ni hindi siya gumanti ng yakap sa akin. Pahapyaw akong tumingin sa kanya, ang layo layo ng tingin niya pero ngiting ngiti naman siya.
"Daddy!" Napatingin din ako sa direksyon kung saan nakatingin si Hope.
Gusto kong hilingin na sana ay namimilikmata ako, sana hindi siya ang ama ni Hope. Tumingin ako sa ibang direksyon, maraming mga lalaking palakad-lakad sa paligid.
Pero tanging siya lang yung naglalakad palapit sa amin. Agad siyang bumitaw sa akin at tila mawala na ako sa presensya niya at tumakbo na siya papunta sa kanya.
I just want to punch my realization already comes to my mind.
Siya nga!
Pinipigilan ako ang sarili ko na mapanganga sa nakikita ko ngayon. Tama nga ang hinala ko kanina si Nikko ang ama ni Hope. What a coincidence! Anong sasabihin ko? Anong gagawin ko? Para na akong poste na nakatayo dito. Tila nasisiyahan lang ako sa nakikita ko
How I wish now that I am Hope's mother, sigurado mas lalo ko pang maapreciate yung view na nakikita ko ngayon, kung yung mag-ama mo ay ganyan kasweet. Napakaswerte talaga ni Lauren kay Nikko.
Napabuntong hininga na lamang ako.
"I'm so worried about you baby." He kissed Hope's temple.
Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa bata. Mukhang pagod na pagod si Nikko dahil medyo gulo gulo na rin yung buhok niya at hindi na nakaayos yung tie niya. Mukhang galing pa ito sa meeting.
It looks like that he become a good father to Hope dahil kitang kita ko yung sobrang attament nilang dalawa. Lalo na kay Hope na sobra kung makayakap sa kanya ngayon.
Sayang talaga....
Niyakap niya si Hope nang mahigpit na parang nakadepende ang mundo niya sa kanya at tumingin sa akin.
...............
Imma so sorry for the long no update. Babawi ako this sembreak. In my very best. Well, hindi ko nga feel yung sembreak namin dahil ang dami nilang pinapagawa sa amin. Huhu.
Ok, babawi ako at sana magustuhan niyo pa rin yung story.
How's this chapter?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top