Chapter 6


"Ano ito Eris may babaguhin ka na naman sa irarampa nating mga damit." Aniya nang makita niya yung folder ng bago kong proposal.Tumango lang ako sa kanya habang nakaharap sa laptop ko.

"Alam mo naman na next month na ito. Gusto mo ba ma-extend tayo? At We've been prepared all the things, tapos sasayangin mo lang?" Medyo iritable niyang sabi.

"Kaunti lang naman yung binago ko Michael." Sabi ko sa kanya nang hindi tumitingin sa kanya, meron pa kasi ako tinatapos na iaattach ko sa proposal.

"Hay nako Eris, alam ko kapag sinabi mong kaunti lang, halos baguhin mo na nga lahat noon e and by the way its Micha!" Hindi ko na lang siya kinibo hindi rin naman ako mananalo sa kanya, pasasakitin ko lang yung ulo ko.

"Gusto mo talagang sayangin yung pinaghirapan natin. Kung sana ikaw lang, kaso nandadamay ka pa."Aniya bago niya tuluyan na buksan yung folder at agad kong nakita yung panlalaki ng kanyang mga mata niya.

"Teka Erisha huwag mong sabihin na."

Blanko lang akong tumingin sa kanya.

"Oooo May Giee!" Aniya at nagtatatalon pa, napailing na lang ako sa kanya. Ipo-propose ko lang naman na gawin main attraction yung suit na dinesign ko para kay Nikko at alam kong matagal na niyang gustong ilabas iyon as my main attraction sa mga previous runway projects ko.

Nang mapagod sa kakatalon ay umupo siya sa upuan kaharap ng desk ko

"Pero teka why sudden change of mind diba ayaw mong ipakita itong design na to." Tumingin muli ako sa kanya.

"Dahil nandyan na yung ginawan ko niya."

"Oh my is that Fafa Nikko." Aniya at nagtatatalon pa. Hindi ko naman siya masisi doon, ultimate crush pa rin niya si Nikko.

"Sino pa ba?"

"Waaah! Dapat siya lang no, huwag na dun sa Mark na yun, yung pangit na yun."

"Grabe ka naman kung makalait sa kanya, mabait yung tao sayo o."

"Mabait? Naku! Plastic lang yun, parang yung mukha niyang pinaplastic surgery."

"Bakit ba kasi ang init ng dugo mo doon? May gusto ko siguro doon?"

"What the? Over my dead and super sexy body. Ayoko sa hinayupak na yun kahit siya pa matirang lalaki in the world."

"Grabe siya papatulan ka rin ba niya if ever na mangyari iyon."

"Hay nako Erisha, wala akong tiwala sa tukmol na yun." Napailing na lang ako sa kanya at iniba yung usapan.

"Basta, ikaw yung magsusukat sa kanya."

"Sure Erisha, hindi ako tatanggi diyan." Medyo kinikilig pa siyang umalis sa office, pinapatawag na naman kasi siya para mag-sukat ng damit sa iba pa naming mga clients.

..........

Napapayag ko naman yung board tungkol sa pagpapalit ko ng main event, gusto rin naman kasi nila yung design na iyon at matagal na nilang gusto na iparelease sa akin iyon, ako lang naman kasi yung may ayaw noon.

Paglabas ko ng board room ay lumapit sa akin ang hingal na hingal na si Rina.

"Mam si ano.."

"Sino?" Kumunot ang ulo ko.

"Si ano po mam."

"Sino nga ba?"

"Si ano."

"Kapag di ka nagsalita sisisantihin kita!" Medyo nagtaas na boses ko, bakit kasi hindi pa niya sabihin yung sinasabi niya, hindu yung paghuhulain pa ako. Hindi ako magaling manghula. Huminga muna siya ng malalim bago tuluyan na magsalita.

"Sir Sir Michael po." Aniya tapos napayuko na lang siya. Ano kaya ang nangyari sa Michael na yunx

"Nasaan si Sir Michael mo?"

"Ah.. Eh.. Miss Eris, pinapasabi nga niya po sa inyo na kayo na lang dahil masama po yung pakiramdam niya."

"Ano?" Hindu pupwede ito, kanina ay ok na ok siya at siya

Agad kong kinuha yung cellphone ko at tinawagan siya pero cannot be reach. Ibig-ibig ko nang ihagis ang cellphone ko sa inis. Bakit ngayon pa siya nawala, at alam ko na gusto niya ring sukatan si Nikko.

Padabog kong nilapag yung cellphone ko sa desk ko.

I have no choice ako yung magsusukat sa kanya ngayon. Hindi ko naman pwedeng ipamove yung pagsukat sa kanya, baka isipin niya na iniiwasan ko siya.

Walang gana kong kinuha yung measuring tape sa desk ko at dumeretso doon sa may dressing room, doon kasi siya susukatan.

Pagpasok ko wala pa siya doon, kaya umupo muna ako at tumingala sa orasan, sinusundan ko yung paggalaw ng mahabang kamay ng orasan.

I am really nervous right now, I dont know how to face him right now. He changed a lot and I knew that he is not the old Nikko that I know.

But I am still hoping that old Nikko will exist in him, even if it is bit of it.

Maswerte lang ako noong araw na iyon dahil hindi kami magsyadong nagkaharap noon dahil meron din siyang meeting ng mga oras na iyon.

Napasinghap ako nang bumukas yung pinto, alam kong siya na iyon. Nakangiti akong humarap sa kanya, kahit na wala man lang reaksyon na makikita sa mukha niya ngayon.

"H-hello." Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil agad na siyang nagsalita,

"It's been a long time Miss Magdayo." Ngumiti ako sa kanya, pero blanko lang siyang nakatingin sa akin, ni hindi man lang siya ngumingiti sa akin.

" Eris na lang Nikko, para naman wala tayong pinagsamahan."

"May pinagsamahan nga ba talaga tayo Miss Magdayo." Madiin niyang sabi. Malamang meron.. Meron kaming pinagsamahan, higit pa roon at hindi ko makakalimutan iyon. Pero hindi ko nagawang sabihin sa kanya iyon at napayuko na lang.

"Anyways hindi naman big deal sayo iyon." Sinisikap ko na pigilan ang mga luha nagbabadyang bumagsak mula sa aking mga mata. Kasalanan ko kung bakit ganyan na siya ngayon. Kasalanan ko kung bakit ganito na trato niya sa akin. Tumalikod ako at pinunasan yung mga luha ko bago ko siya harapin ulit.

Kasalanan ko naman e, I should face the consequences.

Blanko lang siyang tumingin sa akin, pero agad din itong napalitan ng pagkairita.

"Come on mahalaga ang oras ko. I have 2 meeting after this kaya huwag kang tumunganga diyan. You are not that important."

Tila may tumusok sa dibdib ko sa sinabi niyang iyon. Ang sakit. Wala na talaga.. Namumuhi siya sa akin.

Hindi ko na lang siya kinibo pa at sinikap na pigilan ang pagtulo ng luha ko. Baka kung ano pang sabihin niya kapag nakita niya akong umiyak, baka hindi ko pa kayanin. Kaya sinimulan ko na siyang sukatan, para matapos na ito kaagad. Simula sa shoulder, chest, neck, arms, at back.

Napalunok ako nang magawi sa crouch area niya dahil nakita ko ang pag-ngisi niya. Alam ko kung ano ang iniisip niya, pero kung ano man iyon ay dapat kong pabayaan. Trabaho lang ito, kahit hindi ko naman trabaho pati yung pagsusukat sa kanya ngayon.

"I like to see that you are kneeling at me, but I prefer that you also beg for me."

Hindi ko na lang siya pinansin at wari na wala akong narinig. Mas binilisan ko na ang pagsukat sa kanya dahil hindi ko na kaya yung presensya niya. Iba na siya, yung mga tingin niya sa akin ngayon, ramdam kong may halong pagkamuhi iyon sa akin.

Hindi ko na yata kilala yung Nikko na kaharap ko ngayon. Isa na siyang estranghero.

Mas naiinis ako sa sarili ko, kagagawan ko ito!

Kung pwede ko lang sanang sabihin sa kanya iyon, kaso ano naman ang mangyayari kung gawin ko iyon, huli na ang lahat. Para saan pa kung sabihin ko iyon, wala rin namang magbabago.

Matipid akong ngumiti sa kanya nang matapos ko siyang sukatan.

"I really have a good time with you Miss Magdayo, I hope to see you soon again."

"We still really have to meet Nikko."

He really changed a lot, mukhang hindi ko na kilala yung Nikko na kaharap ko ngayon. Hindi ko na rin alam kung babagay pa sa kanya yung dinesign kong terno para sa kanya.

"By the way Miss Magdayo, It's Nicholas not Nikko."

He left.

.................

Sorry guys it took me a long time to update. I am hoping that you like this chapter. Thank you. Mwah! Haha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top