Chapter 5
"Sabi na nga ba e! Siya yung lalaki sa painting na nakita ko noon." Inamin niya kasi sa akin na nakapasok siya doon sa may isa kong secret room kung saan doon nakadisplay yung painting naming dalawa noon sa New York.
"Sino na nga ba yun?"
"He's Nikko Sarmiento." Walang ganang sagot sa kanya ni Taylor.
"What! As in Nikko! Nicholas Sarmiento talaga! The CEO of the Golden State. OMG he's my crush kaya." Hindi ko na lang siya pinansin at tinignan na lang yung contract kung saan na magiging opisyal na magiging model siya ng clothing line ko.
"But since bestie kita, I'll make paraya to you." Blanko lang akong tumungin sa kanya. Napailing lang ako sa kanya, may asawa na nga yung tao, baka mamaya may anak na yun.
"Yeah you should to that or I will punch your face." Ani ni Taylor at punagitna sa amin, napatingin din siya sa contract na hawak ko. Hindi ko pa kasi napipirmahan iyon.
Hindi ko nga rin alam kung pipirmahan ko na nga ba iyon. Kasi sa oras na pinirmahan ko iyon, alam kong babalik na naman siya sa buhay ko, as friends siyempre.
"By the way Eris, ok ba na siya yung gawing model."
Hindi ako kumibo dahil hindi ko rin naman alam yung isasagot ko sa kanila.
I think it is not ok.
"I think the board likes Nikko E."
"Alam mo naman kapag nagustuhan nila." Tumango na lang ako, wala rin naman akong magagawa. Sila rin naman kasi yung nagrecommend sa kanya.
Naphilot na lang ako sa sentido ko. Oo nga pala, wala na rin akong magagawa. Dali-dali kong pinirmahan yung kontrata.
I guess I am also welcoming him in my life.
"Rina bakita hingal na hingal ka diyan."
"Miss Eris, Mr. Nicholas Sarmiento will be here at 4pm in the afternoon."
"What! Agad agad!"
...........
Nikko
"Bro I'm really really sorry, Ikaw lang kasi yung pumasok sa isip ko." Blanko lang akong tumingin kay Morris. Ilang beses na ako napapasubo sa mga ganito niya. Yes I am modelling sa mga clothing lines na tinatanggihan niya at ako yung irerecommend niya. Alam niya kasing hindi niya ako tatanggihan kaya malakas ang loob niya ganituhin niya ako.
Si Morris, he is one of the famous internationa models at nagtiyatiyaga sa akin. Kaya hindi ko rin magawang mainis ng tuluyan sa kanya.
"I'm not into modelling Morris, you know that." Napakamot na lang siya ng ulo.
"I just want to focus in my company. Pang ilang beses na ito." I saw him doing his puppy eyes, that is so gay. Gusto ko siyang sapakin sa tuwing gagawin niya iyon.
"Nikko last na ito, alam mo naman na marami akong modeling commitments at nanghihingi sila ng recommendation sa akin." Napabuga lang ako ng hininga, ano pa ba ang magagawa ko?
Kundi tumango sa kanya.
"Thank you, thank you bro." Aniya at akmang yayakapin ako pero pinigilan ko siya.
Pagpunta kami doon sa may company ng clothing line na iyon, doon ko nalaman na isa si Eris sa mga fashion designers nila. That is ok with me as long as hindi ako magiging model niya.
Pero...
Huli na rin na malaman ko na I'll be modeling in her designs. I already signed the contract, hindi ko kasi nabasa kaagad dahil nagmamadali ako.
Kung alam ko lang na siya,tatanggi na ako agad dito. Ayokong makita yung babaeng iyon, ayoko na siya makaharap pa. Yung babaeng nanakit sa akin at halos sumira ng buhay ko.
Sa pumatay sa dating ako....
Pero siguro dapat ko na rin siyang makaharap.
Napatingin ako sa kontratang iyon. Sana hindi iyon maging daan para bumalik siya sa buhay ko.
...................
3:30 pm
"Kanina ka pa paikot ikot diyan. Nahihilo na kami sayo."
"Yes, he's right will you please just calm down." Dagdag pa ni Taylor.
I really thought that I am ready for this. Hindi pala. Hindi ko pa rin alam ang gagawin ko.
Siguro ay dapat na kaming magharap, pero napagtanto ko na hindi pa talaga akong handa na makaharap siya.
I really dont know how to approach him? Siya pa ba yung dating Nikko na nakilala ko. Papansinin ba niya ako.
"E your eyebrows is not pantay." Ani ni Taylor habang nakatitig siya sa mukha ko. Agad naman akong sumugod doon sa may pinakamalapit na salamin.
"Huh totoo ba?" Sabi ko habang sinisipat-sipat yung kilay ko.
"I'm just joking E." Sinamaan ko lang siya ng tingin. Tensyonadong-tensyonado ako rito, nakuha pa niya akong biruin ng ganoon.
"Just put a red lisptick rather than using nude, mas mahahalata ka niyan na namumutla, papangit ka bes."Ani pa ni Michael at nilagay sa akin yung red na lipstick.
"Oh! Here!" Aniya nang natapos siya.
"It's too red Michael!" Para akong sumipsip ng dugo dahil sa sobrang pula ng pagkakalagay niya. Ok lang naman siya sa akin, but I dont want to face him wearing this kind of lipstick. Nakakahiya!
"Ano ka ba ok lang yan." Sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niyang iyon.
"Ok your face!" Bulyaw ni Taylor sa kanya, tapos hinarap niya ako. "Our friend looks like a total bitch wearing that! If you want that color, you should be the one who will wear it."
"Hmp!" Nag-irapan lang silang dalawa sa harapan ko.
"This wear my pink lipstick." Aniya nung tuluyan na niyang naialis yung lipstick sa labi ko at ibinigay yung pink na lipstick sa akin.
I smiled, that looks better, mukha siyang natural sa labi ko
"Hey dont be nervous it's just Nikko ok?"
How I wish that, sana ganoon lang kadali ang lahat, sana siya pa rin yung Nikko na kilala ko. Sana.. Iyon din kasi ang kinakatakot ko, baka kapag nagkita kami, parang hindi kami magkakilala, dahil hindi na namin kilala ang isa't-isa.
"Paano kung." Pinigilan niya ako gamit yung hintuturo niya.
"Dont think of the negative side ok."
Napalingon kaming pareho sa may pinto.
"Hay nako si Rina na naman yan. Kanina pa pabalik-balik dito yan kaloka." Ani ni Michael habang naglalakad papalapit sa pinto.
"Ako na." Sabi ko nang napigilan ko siya. May ginagawa kasi si Michael doon sa laptop ko, nagle-layout ng mga posters for my upcoming runway.
Dali-dali kong binuksan yung pinto.
Hay nako sana si Michael na lang yung pinagbukas ko.
I wish that I will evaporate like a bubble when I saw that face...
Those eyes..
"Good afternoon Miss Eris." Nakangiting sabi ni Rina at gumilid para mas makita ko si Nikko.
"This is Miss Eris Magdayo, our fashion designer and Miss Eris this is our new model, Mr. Nicholas Sarmiento."
Doon ay mas napako yung tingin sa kanya. Napansin ko na mas gumanda yung built niya, mas nagmature yung mukha niya, may kaunti rin siyang mga stubbles at naging mas disente siya dahil nakasuit siya ngayon. Dati pants at t-shirt lang yung sinusuot niya.
He also wears glasses, mukha siyang hot doon.
He is more handsome now than before.
Maraming nagbago sa kanya, those things makes him look better.
Mas lalo akong kinabahan na...
Lumapit siya sa akin ang inilahad yung kanan niyang kamay.
"Nice meeting you Miss Magdayo." He said without any smile in his face. Napansin ko kanina na hindi nga siya ngumingiti. Noon naman walang oras na hindi ko siya nakikita na nakangiti.
What happened to his smile?
Mukhang tama yung hinala ko na maaring ibang Nikko na yung kaharap ko ngayon.
Guilt invaded me again. Baka dahil sa akin kung bakit siya nagkaganoon.
Maya-maya ay lumapit si Michael kay Rina at tumango-tango lang ito. Mukhang nagkasundo si Michael at Taylor at may pinaplano na hindi maganda.
"Miss Eris have you met Mr. Sarmiento before." Para akong nabuhusan ng yelo sa tanong ng iyon. Tila natameme na ako at walang boses na lumalabas sa bibig ko. Humanda talaga sila sa akin pagkatapos nito.
Nanlaki ang mga mata ko dahil siya yung sumagot sa tanong ni Rina.
"Yes, and she is a good friend of mine."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top