Chapter 34
Nagulat ako nang tumambad yung mukha ni Nikko pagbukas ko ng pinto.
Nakangiti pa rin siya sa akin na para bang walang nangyaring masama sa kanya.
Gustong gusto ko siyang yakapin ng mahigpit, para hindi na siya mawala pa sa akin.
"Namiss kita." Miss na miss ko na siya kahit isang linggo ko lang siyang hindi na kita, paano na kaya kung malayo siya sa akin ng tuluyan.
"May business conference kami, sorry hindi ko nasabi sayo."
Parang gusto akong kainin ng kunsensya ko, paanong nasabi niya na may business conference siya? I know that he was shot that night. At hindi ko man lang siya pinuntahan para kamustahin.
Hindi ko kasi alam yung gagawin ko, nailagay ko siya sa peligro dahil sa akin.
Gusto niya iwanan ko si Nikko. Ayoko hindi ko gagawin, pero kapalit na yun ng buhay niya. Ibang usapan na iyon, lalo pa at nagawa niyang barilin si Nikko, hindi imposible sa kanya na tuluyan ito.
Kitang kita ko kung paano tutukan siya ng baril at kung paano iyon iputok sa kanya.
That is the only way that I know to save him sa mga oras na iyon. Kitang kita ko na namimilipit siya sa sakit, man lang wala akong nagawa para tulungan siya doon. Nanood lang ako habang nandoon siya pinapahirapan. Nandoon lang ako nakatayo at wala man lang ginagawa, napakasama ko.
Kaya kinabahan ako nang nakita ko siya. Kasi maaring nasundan pa siya rito at kung ano naman ang gagawin sa kanya. Ayokong masaktan pa siya ulit ng ganoon ng dahil sa akin. Hindi kakayanin ng kunsensya ko.
Baliw iyong kapatid niya. Oo nasasabi kong baliw talaga. Kapatid niya nagawa niya saktan at hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na niya ako kinaiinisan.
Imposible na hindi niya kayang gawin ulit iyon kay Nikko. Ayaw ko na magkahiwalay kami, I love Nikko so much at hindi ko alam kung paano ako mamumuhay kung wala siya.
Binuo ako ni Nikko. Pero ayoko naman na mawala siya, mas hindi ko kakayanin.
Mas gugustuhin ko pa na masaktan ako ng paulit ulit dahil alam kong hindi siya mapapasaakin, kaysa masaktan ako ng pauulit ulit kasi alam ko na wala na siya. Hindi ko na siya unabis na mahahawakan.
"Is it something wrong Eris"
Pang-ilang ulit na naman niya akong nahuling na nakatulala. Hindi maialis sa isip ko ang nangyari sa akin at sa kung anoman ang mangyayari.
"Wala Nikko."
"Mukhang di ka naman nakikinig." Nagkukwento kasi siya sa akin mukhang hindi ko rin naman maabsorb dahil sa pag-aalala ko sa kanya.
Paano kung pagkatapos nito ay may mangyari sa kanya. Hindi ako pwedeng makampante dahil alam kong kahit anumang oras ay may mangyayaring masama sa kanya.
"No, I am just staring at you." Tama rin naman, gusto ko kasing sulitin itong mga araw na makakasama ko siya.
"Nagwagwapuhan ka na naman sa akin."
"Oo na gwapo ka na." Nilapit niya pa lalo yung mukha niya sa akin.
"Iyan o titigan mo na."
Imbis na titigan nga iyon ay niyakap ko siya ng mahigpit. Ito yung mamimiss ko sa kanya, yung makulong sa kanyang mga bisig.
Iba kasi pakiramdam ko sa tuwing niyayakap niya ako. I feel that this is one of me comfort zone, because I felt loved and protected whenever I am between his arms.
Sana ganito na lang lagi.
"Bakit ka umiiyak?" Aniya at pinupunasan pa ang aking mga luha.
"Tandaan mo mahal na mahal kita, hindi ko man madalas ipadama sayo. Pero mahal na mahal kita Nikko."
"I love you more Eris." He kisses my temple. Palihim kong kinunan kaming dalawa ng ganoong litrato, this will be supposed to be last na gagawin niya iyon sa akin. Pero mukhang nakita rin niyang ginagawa ko iyon.
"Ikaw naman Eris, magsabi ka naman. Papayagan naman kita kahit videohan mo pa." Bahagya akong napangiti sa sinabi niya. I loved to, gusto ko kasi mag-ipon ng maraming memories na kasama siya, para kung magkalayo man kami, marami akong babaunin, kahit maaring mas masakit pa iyon sa akin.
Napangiti ako dahil ang ganda nung shot namin.
Nikko taught me how to be strong, move on and to be happy. Kaya alam kong kakayanin ko.
Basta't para sa kanya.
"Ikaw kasi Eris bakit ba ang lalim lalim ng iniisip mo." Gustong gusto kong magsumbong sa kanya ngayon, pero lagi akong napapangunahan ng takot. Takot sa anumang maaring mangyari.
Duwag na kung duwag, pero hindi ko na kakayanin kung maulit pa sa kanya iyon ulit.
"Halika nga!" Hinawakan niya yung mga kamay ko.
"Labas tayo." Napangiti ako sa sinabi niya. Namimiss ko rin kasi na lumabas na kasama siya, kahit na palakad-lakad lang kami sa park ay masaya na ako, kasi alam kong hindi ako nag-iisa kasama ko siya.
Siguro nga isantabi ko muna yung mga bagay na iyon, dapat ay maging masaya ako.
May oras para isipin iyon, pero kung kasama ko siya, dapat hindi ako magpaapekto sa mga nangyayari.
Kailangang sulitin ko yung mga oras na makakasama ko siya.
.............
Hawak kamay kaming tumatakbo paakyat sa rooftop.
I wish that we can also runaway with our situation, para mas madali na ang lahat sa amin.
Ganito rin yung set up nung nagtapat kami sa isa't isa.
If there will be a falling star, I wish na sana wala ng hahadlang sa akin.
Even if forever doesn't exist, maniniwala pa rin ako, na sana kami pa rin.
Kung pwede lang. Kung pwede lang.
Kung hindi lang kami naipit na dalawa sa ganitong sitwasyon.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin kung mawawala siya.
Dapat ko ba siyang pakawalan?
Hindi ko alam. Ayoko. Pero wala akong magawa.
Hinawakan niya yung kamay ko ng mahigpit.
Tumingin ako sa kanya at tila may inilalabas siya sa kanyang bulsa.
Maya maya ay may tinali siyang ribbon sa palasingsingan ko.
"Ikaw lang yung babaeng kaya kong mahalin ng ganito Eris at hindi ko alam ang mangyayari sa akin kung mawawala ka pa sa akin."
Hanggang sa natapos niyang itali sa akin yung ribbon.
"I dont want to accept any rejections, you will marry me Eris."
Tumango ako sa kanya. I don't have any plans to reject him. I can afford to lose this man. I love him so much to do that.
Ayoko siyang bitiwan. Kung kailangan pang kumapit kakapit ako.
This man never failed to make me happy, to make me feel loved.
Naiinis ako sa sarili ko.
Bakit ko ba naisipan na pakawalan ang isang katulad niya na walang ginawa kundi mahalin at alaagan ako. Kung meron pa sana akong magagawa ay gagawin ko basta't huwag lang siyang mawawala sa akin.
Kung kailangang lumaban...
Lalaban ako..
Dahil siya rin yung lalaking nakikita kong mamahalin ng ganito kalala.
............
Lumabas kami ng building at kumain sa isang burger house.
"Restroomlang ako." Paalam ko sa kanya, habang umo-order siya. Kanina ko pa kasi nararamdaman ito, siguro sa kilig?
Napailing ako, masyado na akong matanda para sa bagay na iyon. Pero wala naman sigurong masama kung maramdaman ko ulit iyon.
"Sama ako." He grined.
"Nikko di pwede." Sabay iling. Alam ko ang ibig sabihin ng nakakaloko niyang ngisi. Hindi.
"Nandito lang naman ako, hindi ako aalis." Para siyang bata kung makahila ng damit ko. Hay nako.
"Mabilis lang ito." Sabi ko. Tumango na rin siya at pinakawalan yung pagkakahawak sa damit ko.
Pagtapak ko pa lang sa loob ng restroom ay bigla na lang magdilim lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top