Chapter 33


Nagising na lang ako wala na siya sa tabi ko.

Nagtaka ako dahil wala siyang note na iniwan na note doon sa may lampshade. Araw araw niya itong ginagawa, imposible naman na makalimutan niya, o baka naman wala siyang sticky note ngayon.

Agad akong bumangon sa pagkakahiga. Ano naman kung hindi siya mag-iwan ng note, alam ko naman na nasa kusina lang siya at nagluluto ng pagkain namin. Saka hindi naman siya aalis ng hindi nagpapaalam sa akin.

Agad akong lumakad palabas ng kwarto at pumunta sa kitchen pero wala siya roon.

Aksidente naman na napalinga ako doon sa may bintana, nagulat ako sa tumambad sa akin.

Si Nikko bitbit yung mga gamit niya.

Teka anong ibig sabihin nito?

Halos tumakbo na ako dahil ang bilis maglakad ni Nikko. kailangan ko siyang maabutan, hindi niya ako pwedeng iwan. Hindi siya pwedeng mawala. Hindi!

"Nikko!" Paulit-ulit ko siyang tinatawag pero tila wala siyang naririnig, dire-diretso lang siyang naglalakad palayo sa akin.

Tumakbo ako para habulin siya, nang maabutan ko siya ay niyakap ko siya patalikod. Ayoko. Ayoko siyang pakawalan. Bakit kailangan niyang umalis, ano ba ang naging pagkukulang ko sa kanya. Hindi ba ako masyadong manlambing, madalang lang ba kasi akong mag-I love you sa kanya?

Pilit niyang inaalis yung mga kamay ko at dahil doon mas lalo ko namang hininigpitan ang yakap sa kanya.

"Hindi kita pakakawalan Nikko, huwag mo akong iwan." Tila wala siyang naririnig at pilit pa rin niyang kinakalas yung mga kamay ko sa kanya.

Pero sadya talaga na mas malakas siya sa akin at magawa niyang alisin ang mga kamay ko sa kanya.

Dahan-dahan siyang humarap sa akin. Kitang-kita ko napunong-puno ng hinanakit yung mga mata niya, punong-puno ng sakit. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganyan, may nagawa ba ako sa kanya?

Gustuhin ko man iyon alisin ang mga iyon sa kanya, pero lumalayo na siya sa akin.

"Nikko, huwag mo akong iwan." Humarap muli siya sa akin at umiling. Iiwan niya talaga ako.

Sigaw ako ng sigaw sa pangalan niya Gusto ko siyang habulin pero tila napako na yata yung mga paa ko sa lupa, at napaluhod na lang dahil sa sobrang panghihina na nararamdam ko. Hanggang dito na lang ba kami?

"Nikko!" Hindi na niya ako hinarap pa at lumakad ng palayo ng palayo sa akin.

"Eris gising." Nagising na lang ako nang may yumuyuyog sa akin.

Nakahinga ako ng maluwag nang agad ko siyang nakita pagkagising ko. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Akala ko totoo na iyong panaginip ko na iyon. Akala ko mawawala na siya sa akin, dahil hindi ko alam kung paano ako mamumuhay ng wala siya. Nasanay nanaman kasi ako na laging nandyan siya na nasa tabi ko

Hindi totoong nangyari iyon.. mabuti na at hindi totoo iyon.

Pero iba ang kutob ko sa paniginip kong iyon. Dahil hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang pagkabog nito.

Nakatingin lang ako sa kanya na tila kinakabisado ko yung bawat angulo ng kanyang mukha. Ayoko siyang mawala sa akin.

"Eris ok ka lang." Nang matauhan ako ay tumango lang ako sa kanya.

"Sigurado ka? Putlang-putla ka." Tumango lang din ako sa kanya.

"Hindi ka mawawala sa akin ha." Sabi ko sa kanya. Sobra kasi akong natatakot

"Bakit naman ako mawawala sayo. Ang tagal kong hiniling itong makasama ka, tapos pakakawalan ko na lang ito basta." Aniya at hinawakan ng mahigpit yung kamay ko. "Hinding-hindi ako mawawala sayo." He said in his assuring tone, kahit papaano ay nakampante ako dahil doon.

Kung sabagay sabi nga nila kung ano ang nangyari sa isang panaginip, kabaliktaram nito ang mangyayari sa totoong buhay. Hinding-hindi kami magkakahiwalay ni Nikko. Hinding hindi ako makakapayag doon.

Hindi dapat ako matakot, basta't kasama ko siya.

......................

Naisipan kong lutuan siya ng pagkain niya, baka mamaya hindi nga siya talagang kumakain doon. Siyempre hindi ko makakalimutan na gawan siya ng sandwich, alam kong hahanapin niya iyon.

Hindi nga dapat siya papasok ngayon, pero pinilit ko. Aaminin ko gusto ko pa siyang makasama kanina pero ayoko naman din na mapabayaan niya yung mga ibang responsibilidad niya. Lalo pa at alam kong pinaghirapan niyang itaguyod yung kumpanya na iyon.

Alam kong pagod yun, kaya sinigurado ko na magugustuhan niya itong ginawa ko para sa kanya. Ito na nga lang yung alam kong maitutulong ko sa kanya.

..............

Agad akong pinapasok sa Golden State, kilala naman na kasi ako ng security doon. Dumeretsako doon sa may office niya.

Lunchbreak na nila pero siya ay tutok na tutok pa rin sa laptop niya. Sabi na nga ba, hindi siya nakakakain ng maayos dito.

Kumatok muna ako sa pinto bago ako pumasok ng tuluyan. Mukhang hindi pa niya yata namalayan na nandito na ko, tutok na tutok pa rin siya doon.

"Break ka muna." Doon ay nakuha ko yung atensyon niya.

Nakangiti siya sa akin pero halata ko pa rin yung pagod sa kanyang mga mata. Feeling ko ay kasalanan ko kung bakit siya nagkakaganyan. Kasi kung hindi naman dahil sa akin ay hindi naman siya aabsent. Pabigat na nga ako sa kanya, ako pa yung dahilan kung bakit siya natatambakan ng trabaho ngayon.

"Sabi ko diba dapat kumain ka." Sabi ko at inihahain yung mga pagkain sa isa pa niyang desk. Punong-puno kasi ng mga kung ano-anong papel yung mismo niyang desk.

Maya-maya ay naramdaman ko na lang yung mga braso niya sa bewang ko.

Hinayaan ko lang na ganoon kami. Ang sarap sa pakiramdam na yakap yakap niya ako ngayon.

"Sweet naman ng mahal ko." Tinignan ko siya.

"Ayaw ko lang na magutom ka." Sabi ko at pinagpatuloy ang paghahain, yakap-yakap niya pa rin ako.

"Makita lang kita, busog na ko." Aniya.

"Nikko tigil-tigilan mo nga ako sa kakornihan mo. Kumain na tayo." Bumitiw siya sa akin at naglahad sa akin ng upuan.

"Eris kain na." Aniya at sinusubuan pa ako ng pagkain.

"Ako dapat ang gumagawa niyan." Umiling lang siya sa akin.

"No, because you are my queen."

Napangiti ako, kahit pagod siya ay ako pa rin yung iniisip niya. Ang swerte swerte ko talaga sa kanya. Ipapangako ko sa sarili ko na hindi ko siya hahayaan na mawala sa buhay ko at gagawin ko ang lahat para maging deserving sa kanya.

He is doing so much for me and I am thankful for that.

Kaming dalawa yung nagligpit ng pinagkainan namin. Buti na lang at marami akong dinalang pagkain para sa kanya. Gutom na gutom din pala yung mokong.

Pagkatapos ay pinipilit niya akong magstay doon sa office niya, pero tumanggi na ako. Hindi ko naman forte yung ginagawa niya kaya wala rin akong maitutulong doon.

Sinabi ko na lang na pagdating niya lulutuan ko siya ng dinner saka idinahilan ko na mag-aapply uli ako, kaya napapayag ko rin. Malamang kasi ay hindi niya magagawa yung trabaho niya kung nandyan ako.

Office hours niya ngayon at may oras na para sa aming dalawa lang.

"Teka Eris." Huminto ako at hinarap siya, nandoon pala siya malapit sa akin.

Nagulat ako nang ninakawan niya ako ng halik.

"Energy throughout the day." I was shocked again when yanked me towards him and kissed me on my temple.

"I love you Eris."

...............

Bakit hanggang ngayon wala pa rin siya. Sayang naman itong niluto ko sa kanya, lumamig lang. Alas diyes na, ng gabi,sobra naman kung nag-over time siya. Kung sabagay ay madami nga siyang trabaho ngayon. Baka nakatulog na yun doon.

Lumabas ako ng kwarto para uminom ng tubig. Kung puntahan ko kaya siya ulit?

Kumuha muna ako ng baso at kinuha yung tubig sa ref. Aksidenteng natabig ko pa yung basong kinuha ko.

Nasugatan pa ang aking daliri dahil sa pagpulot ng mga bubog.

Bigla rumehistro sa isip ko yung si Nikko. Ramdam na ramdam ko yung pagkabog ng aking dibdib. Nasaan na kaya yun?

Dali dali ko siyang tinawagan.

Nakailang tawag na ako pero laging cannot be reach. Mas lalo akong kinakabahan. Sana hindi totoo ang iniisip ko ngayon, na maaring may mangyari na masama sa kanya.

Nasaan ka na ba kasi Nikko.

Patanaw-tanaw lang ako sa bintana, ngunit wala pa rin talaga.

Nakahinga ako ng maluwag nang may natanggap na video call galing kay Nikko. Agad agad ko itong nasagot.

Pero nagulat ako sa nakita.

Hindi ko mapigilan na mapahikbi nang makita ko ang kanyang kalagayan.

Nakatali si Nikko at pinaliligiran ng 5 lalakimay nakita akong mga pasa sa kanyang mukha. Pati yung polo niya ay may mga bahid na ng dugo. Bakit siya nagkaganyan? Bakit?

"What did you do to him?!" Agad kong sabi. Ngunit hindi nila ako sinagot.

"Dont hurt him please." Tila wala silang naririnig, patuloy pa rin sila sa pananakit nila kay Nikko. Para silang mga demonyo kung tumawa sa tuwing naririnig nilang dumadaing sa sakit si Nikko.

"Stop it please, stop!" Sigaw ako ng sigaw pero wala pa rin. Hindi ko magawang tignan ang ginagawa nila kay Nikko. Hindi ko kaya.

Tinakpan ko ang tainga ko dahil ayoko marinig ang pagdaing niya pero tila nanunuot iyon sa aking pandinig. Papatayin ko sana yung video call pero binantaan ako ng isang lalaki.

Hanggang sa nakarinig ako ng putok, mas lalong kumabog ang aking dibdib, kaninong tumama iyon? Tuluyan ko idinilat ang mga mata ko.

"Nikko!" Sigaw ko dahil siya ang tinamaan ng bala, kitang kita ko kung paano siya napangiwi sa sakit. Tatatawag sana ako ng pulis pero..

"Dont you dare to call the police miss, or I will shoot him again."

"No please, dont hurt him, let him go." Ngumisi lang yung lalaki sa akin.

Mga hayop kayo!

Naiinis ako sa sarili ko dahil wala man lang akong magawa para tulungan siya sa sitwasyon iyang iyon. Nandoon lang ako nanunood sa kung anumang nangyayari sa kanya ngayon.

Gusto ko siyang puntahan pero hindi ko alam kung saan iyon.

Bakit ba nangyayari sa kanya iyon. Mabait siyang tao, bakit siya ginaganito. Kung pwede lang ipasa sa akin ang sakit na nararamdam niya gagawin ko. He does not deserve what is happening to him right now.

Iyak ako ng iyak dahil nasasaktan ako sa sitwasyon namin ngayon. Napakawalang kwenta ko, wala man lang ako magawa para sayo.

Nanlaki ang mga mata ko nang tumambad sa video ang mukha ni Lauren.

Bakit siya nandyaan? Bakit niya hinayaan na gawin ang mga iyon sa kapatid niya? Bakit?

"Lauren help Nikko please." Blanko lang siyang tumingin sa akin.

Pero mas lalo akong nagulat sa sinabi niya.

"Iiwan mo si Nikko, o papatayin ko siya, mamili ka."

........

Napagtripan ko po siyang isali sa Wattys2016. Hahaha. Please support this story. Add this on your library, vote, comment or tweet na rin hahaha (if you want to) Salamat. 😂✌

Last 3 na po.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top