Chapter 35
Bibigyan kita ng pagkakataon Eris, kapag hindi mo siya hiniwalayan alam mo na ang mangyayari.
...........................
"Eris!" Agad niya akong niyakap ni Nikko ng makita niya ako dito sa kinauupuan ko.
"Were have you been, you make me ao worried to you." Kitang-kita ko ang pag-aalala niya sa kanyang mga mata. Siguro ang tagal kong nawala kanina.
"You said you will be going to the restroom yet I am finding you here." Aniya at hinahaplos niya yung pisngi ko.
"Sorry." Iyon na lang yung nahagilap ko na tamang salita para sa kanya. Sorry kasi pakiramdam ko ay hindi ako nag-ingat kanina, kaya nadukot nila ako, labis ko pa siyang pinag-alala.
Sana rin nandoon siya yung mga oras na para kahit papaano ay makampante ako.
Takot na takot ako nung mga oras na iyon. Ang dilim dilim ng paligid, wala akong makita, hindi ako makagalaw, at alam ko pinaliligiran nila ako roon.
Yung mga tingin nila, ganoon din yung mga tingin ng mga gangsters na pumasok noon sa dati kong bahay.
Wala si Nikko sa tabi ko, ako lang mag-isa. Ako lang ang mag-isa na humaharap dito. Tahimik akong magdarasal para sa sarili ko, pati na rin sa kanya. Baka kasi may mangyari rin na masama sa kanya.
Sana wala, dahil hindi na kaya ng konsensya ko na may mangyayaring masama sa kanya dahil sa akin. Di bale ako na lang.
Laking pasasalamat ko rin dahil wala namang ginawang masama sa akin.
Pero nagbanta si Lauren kung hindi ako papayag sa gusto niya, sasaktan niya ako, si Nikko at sila Anikka.
Ok lang na ako, pero huwag lang sila.
Hindi ko alam kung tama itong gagawin ko. Pero alam kong ito lang yung magagawa ko para sa kanila, ayoko nang may madamay pa.
Si Nikko ang pinagbabantaan niya ng masama noon at hindi ko maintindihan kung bakit pati sila Anikka ay idadamay niya.
Gusto ko siyang labanan noon pero tinali nila ako. Gusto ko siyang kumprontahin, kung bakit niya ito ginagawa. Bakit kailangan pa niyang mandamay. Pati yung mga taong walang kinalaman at idadamay niya.
Nakagapos lang ako doon. Wala akong magawa kundi sikmurain lahat ng masasakit na salita ni Lauren, yung mga malulutong niyang sampal sa akin, ang mga tawanan ng mga taong nakapaligid sa akin.
Gusto kong sabihin kay Nikko lahat ng ito, pero pinangungunahan ako kaagad ng takot. Bumalik na naman ang pagiging duwag ko. Mas natatakot na ako ngayon dahil may mga taong nadadamay na sa sitwasyon namin.
Pero ayoko siyang pakawalan. Ayoko. Ayoko. Dahil alam kong masasaktan ko siya, ayokong saktan ang taong walang ginawa kundi mahalin at alagaan ako.
Pero sa sitwasyon na ito, sa tingin ko wala na akong option.
........................
Nakangiti siyang nakatingin sa mga bituin. Ang ganda ganda niya talagang ngumiti. Isa ito sa mga nagustuhan ko sa kanya, kasi parang wala siyang iniinda sa ngiting iyon.
Ako.
Paano ako makakangiti kung ang bigat bigat ng dala ko. Gusto kong umiyak sa kanya pero mag-aalala lang siya sa akin. Ayoko nun.
At ayoko rin sirain ang ngiting bitbit niya ngayon. Alam kong masaya siya sa meron kami. Ayokong mawala iyon sa kanya.
Pero hindi ko alam ang gagawin ko,
"Eris ok ka lang?" Tumango lang ako sa kanya.
Magiging ok ba ako kung ganito kabigat ang dinadala ko? Magiging ok ba ako kung magagawa kong bitawan si Nikko?
Hindi.
..............
"Nikko." Tumingin siya sa akin, hindi ko alam kung paano pero kailangan kong gawin ito.
Nakatanggap ako ng text kay Lauren kanina.
Kung anuman ang magagawa ko, patawarin niya sana ako.
"Nikko ayoko na." Pikit mata kong sabi. Ayokong makita ang reaksyon niya, ayoko. Gusto ko nang umalis na lang, pero hindi.
"Ha, ayaw mo ba yung pagkain, gusto mo magpapadeliver tayo." Nakangiti pa niyang sabi. Kumakain kasi kami ngayon, baka iyon ang pagkakaintindi niya.
Ayokong saktan ka Nikko.
"Nikko." Tinigasan ko yung aking boses. Pakiramdam ko ay maiiyak na ako sa harap niya. Ayokong gawin ito, ayoko.
Napapikit ako sa sinabi ko, ayokong tignan siya sa mata ngayon.
"I want a break up" Idinilat ko yung mga mata ko para tignan ang reaksyon niya. Parang walang talab ang sinabi ko sa kanya.
"Eris iplaplano pa natin kasal natin diba? Tapos magkakaroon tayo ng pamilya hindi ka na mag-iisa pa Eris." Nakangiti niyang sabi, pero alam ko, sa mga mata niya, nasasaktan ko na siya.
Hinawakan niya yung mga kamay ko, at tinignan ko lang iyon.
"Ang dami dami kong pangarap para sa atin Eris. Sisiguraduhin ko na magiging masaya ka."
"Ipagtatayo kita ng bahay.
Gusto ko na siyang tumigil, paano siya nakakangiti kahit nasasaktan siya. Paano? Baliw nga talaga siya.
"Nikko. Tama na please. Ayoko na."
Sumeryoso ang tingin sa akin.
"Ano bang meron Eris. Sabihin mo sa akin?" Hindi na siya nakangiti, seryosong-seryoso rin ang boses niya, gaya ng mga titig niya ngayon.
Kung makakalusaw lang ang tingin, siguro ay nalusaw na ako. Sana ay malusaw na lang ako.
"May kulang ba? Ibibigay ko sayo?" Doon ay lumambot ang expression ng kanyang mukha.
"Hindi ko na kayang lokohin ka Nikko. Ang dali mo kasing utuin e." sabi ko.
"Hindi kita mahal." Pilit ko pa rin tinitigasan ang boses at pinipigilan ang ang luha ko.
Seeing those eyes, alam kong sumusobra na ako. Nasasaktan ko na siya masyado. Gusto kong bawiin ang sinabi ko, pero kailangan kong gawin ito.
Pero ang mga titig niya ay nagkaroon ng poot. Ibang iba ito ngayon. Alam kong galit na galit siya sa akin ngayon.
Nakakuyom na ang kanyang kamao, tila nagpipigil siya ng emosyon. Hindi ko man gustong gawin sa kanya ito, pero alam kong masasaktan siya rito. Kahit ako ay nasasaktan din ngayon. Dahil kahit ayaw ko ay kailangan kong gawin ito sa kanya, dahil siguro ngayon ay kinamumuhian na niya ako.
Oo mahina ako.. Duwag pero hindi niyo ako masisi, ayokong may mangyaring masama sa mga mahal ko, at ito lang ang alam ko para maproteksyunan sila.
"Hindi ba ako sapat Eris, may kulang ba?"
Kung alam mo lang sobra sobra lahat ng binibigay mo sa akin at wala na akong mahihiling pa doon.
"Hinding hindi."
Marahas niyang hinila yung mga braso ko papalapit sa kanya.
"Tingin sa mata Eris." Pilit kong iniiwas ang tingin sa kanya. Baka kasi isang titig ko lang sa kanya, isang titig lang sa mga mata niya. Baka bawiin ko na sinabi ko sa kanya na ayoko na at sabihin kung gaano ko siya kamahal, yakapin siya ng mahigpit at magsumbong sa lahat lahat ng ginawa ng kapatid niya sa akin.
Oo baka yakapin ko talaga siya at hindi na siya pakakawalan pa. Ayoko siyang pakawalan, God knows kung gaano ko kaayaw gawin ito, kung gaano ko siya kamahal, pero buhay na niya ang nakasasalalay. Hindi lang siya ang nanganganib kundi pati sila Anikka.
Mas gugustuhin ko na magkahiwalay kami, kaysa sa hindi ko na siya makita pa kahit kailan, kaysa may madamay pa,mas hindi ko kakayanin iyon. Kaya kahit labag sa loob ko ay kailangan kong gawin, para sa kanya.
I am not selfish.
Masakit.
Pero kailangan.
Para mabuhay siya.
Para hindi na sila madamay pa.
Natauhan ako ng bigla niya akong hinila, dahil doon ay mas nalapit ako sa kanya. I am still tempting not to look his eyes.
"Tingin sa mata sabi! At ngayon sabihin mo na hindi mo ako mahal."
Hindi ko alam kung paano ako titingin sa mga matang iyon, kasi palagay ko pag tumagal ako, bibigay na ako.
Kasi para akong sinasaksak ng punyal sa dibdib makita kung gaano na iyon kalungkot dahil sa akin. Tapos iyong mga ngiti niya kanina, nawala dahil sa kagagawan ko.
Kitang kita ko rin ang pag-agos ng mga luha sa kanyang pisngi.
Nikko, I'm so sorry.
Gustong kong alisin ang nararamdaman niyang iyon. Hindi ako sanay na nagkakaganito siya. Ayoko siyang saktan, pero ano itong ginawa ko.
Sobra akong nakasakit sa kanya.
Pero wala akong magagawa, dapat panindigan ko itong choice na pinili ko, na iwan siya para hindi na siya saktan pa ng mga taong maaring manakit sa kanya and also I must face the consequences na maaring manyari.
"Sabihin mo sa akin na hindi mo ko mahal, at hahayaan kita sa gusto mo." Napapikit ako.
Nikko mahal na mahal kita kaya kailangan ko itong gawin. Balang araw ay mapapatawad mo rin ako sa nagawa ko sayo.
"Hindi. Kita. Mahal. Hindi kita minahal." Doon ay binitawan niya ako.
Nikko mahal na mahal kita.
"Hindi ito totoo, hindi totoo. Mahal mo ako diba?" Lumapit siya sa akin at hinawakan yung mga kamay ko.
Pero inalis ko kaagad yung kamay niya sa akin. Baka kasi mamaya hindi ko na siya mabitawan.
"Tumigil ka na, ayoko sayo noon pa man at ayoko pa rin sayo hanggang ngayon."
"Hindi." Lunapit siya muli sa akin at siniil ako ng halik. Hirap na hirap akong pigilan ang sarili ko na tugunin iyon. Kahit ganito ang nangyari sa amin his kisses are still passionate and gentle, ito yung mamimiss ko sa kanya.
Pero ang ginawa ko, sinampal ko siya.
"Pwede ba! Hindi kita mahal! Alam mo kung sino lang ang mamahalin ko? Si Lukas lang iyon, si Lukas lang! Gusto mo bang mas ipamukha pa iyon sayo!"
Nikko ikaw lang yung lalaking minahal ko ng ganito, higit pa kay Lukas.
Umiling lang siya siya sa akin.
"Sana hindi na lang kita nakilala. Sana hindi na lang kita pinigilan noon. Sana nawala ka na!" Tila sinasaksak ang dibdib ko ang mga sinasabi niyang iyon sa akin. Ang sakit-sakit pala. Ang sakit sakit.
"Sana hinayaan na lang kita, kasi ako ang pinatay mo ngayon." Dali dali siyang tumalikod sa akin.
Doon na lumabas ang mga luha na dapat lumabas kanina.
"Nikko!"
Ang sakit sakit pala at hindi ko alam kung kakayanin ko pa.
Alam kong mauunawaan mo rin kung bakit ko ito ginawa..
Alam ko...
May panahon din para sa ating dalawa, yung wala nang hahadlang sa atin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top