Chapter 25

Wala na siya pagmulat ng mga mata ko. Inilibot ko yung paningin ko sa buong kwarto. Wala talaga.

I sighed. Mukhang panaginip ang lahat kagabi. Isang magandang panaginip. Dali-dali na akong bumangon mula sa pagkakahiga.

I did my morning rituals, them I wore my favorite suit, and red lipstick. I looked at my calendar, and I notice that it is 2 days before our Amaya's project runway. It's makes me more excited because it is our big break in the clothing industry, I should be happy.

I dont know I should be happy or not. Hindi ko rin inakala na babalik din kami agad ni Nikko sa normal. Pero ok na rin siguro, atleast my wish is granted kahit saglit lang.

"Magiging ok rin ang lahat Eris.

I should be happy, I smile in the mirror.

Kinuha ko na yung tablet at bag ko at lumabas sa kwarto. Bumungad sila Taylor at Micha na kumakain sa couch.

I saw their grins as I walked towards them.

"What's with disappointed face." Ani ni Taylor.

"Nothing." Sabi ko at agad na kong kumuha ng plato at kukuha ng bacon.

Pero hindi rin ako nakakuha ng bacon dahil hinila ni Micha yung plato palayo sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Si fafa Nikko naman kasi, marami gagawin sa Golden State, kaya yun maaga umalis." Hindi ko mapigilan na mapangiti, It was real after all.

"Hindi ka na inabala na gisingin, mukhang napuyat yata kayo a?" Talagang pinagdiinan pa niya ang salitang napuyat.

"Walang nangyari sa amin ok?"

"Bakit may nangyari nga ba?" Muntik ko nang maibuga yung iniinom kong tubig at napalunok ng makita ko yung mga tingin nilang mapanuri.

"Walang nangyari." Madiin kong sabi.

"Ok ok." Sabi ni Micha at itinaas pa niya yung dalawa niyang kamay.

"Sabi mo e, wala kaming laban sa nanlalaki mong mata Erisha." Ani ni Micha at sumuno na ng bacon.

"Just give some bacon to Erisha, sige ka iiyak si Baby E natin." Ani pa ni Taylor at inabutan na ko ng plato ng bacon.

"Di na ko iiyak." I smiled, saka kumuha ng mga ilang pirasong bacon.

"Double meaning teh? Pero ok na rin kasi ayaw na namin nakikita kang umiiyak. " Ani ni Michael at nilagyan pa ako ng itlog sa plato ko, napangiti ako sa kanila. Kahit madalas nila akong asarin, never silang umalis sa tabi ko, lagi silang nandyan nakasuporta sa akin.

"Nakakatouch naman kayo."

"Aba siyempre Erisha, what are friends for no?" Nakangiting sabi ni Michael at sumubo uli ng bacon.

"So magkwento ka E." Pag-iiba ng usapan ni Taylor.

"Just like before." I looked from a far. "Nagstargaze kami sa mga glow in the dark stars ko. Para kaming mga bata. Tapos kwentuhan." Tumingin sila sa akin, para silang maiiyak.

"Bakit."

"Masayang-masaya kami para sa'yo Erisha. Ngayon ka lang namin uli nakitang ganyan." Ani ni Micha, and Taylor agreed with him. So masyado pala akong malungkot nitong nakaraang taon.

"Ako rin masayang-masaya, because I was given a chance to make it up to him." I smiled. "Kahit sa ilang araw lang masayang-masaya na ko, hindi ko naman akalain na bibigyan ako ng pagkakataon na makasama siya."

"Alam mo Erisha sa totoo lang, I dont like that setup, paano kung dumating si Lauren."

"Pero saglit lang naman, ayoko nang ipagkait sa sarili ko ang saglit na iyon, at ipinangako ko sa sarili ko na buburahin ko yung kung anuman na nararamdaman ko sa kanya." Tumango-tango na lamang silang dalawa sa akin.

"Basta wag mapapadpad sa Mark na yun."

"Wow! Taylor, straight tagalog ha."

"Michael I'm serious."

"Ok then, magkasundo naman tayo diyan diba." Nagkatinginan pa silang dalawa at tumango-tango saka sabay sumubo ng bacon. Lately napapansin ko na masyadong magkasundo ang dalawa, halos di sila mapaghiwalay kahit sa office. Nakakapagtaka, but I should be greatful because it is be considered sa good news, dahil hindi na ako maririndi sa kanilang dalawa.

Hindi na rin ako nagsalita pa, para matapos ko yung meal ko at maaga makapasok sa office.

"Oh shocks!" Pareho kaming napatingin ni Micha kay Taylor.

"Anong meron bes?"

"8:30 na naku late na tayo. Let us make it fast." Aniya at isinubo na lahat ng bacon sa kanyang bibig. Nagtutulungan na rin kami sa pag-aayos ng utensils. Mamaya na namin huhugasan, dahil wala na kaming oras para doon.

Ang tanga-tanga ko, bakit hindi ko naramdaman ang oras. Am I still in the middle of cloud 9? Wake up Eris!

Michael drives the car dahil siya na rin naman ang nakakuha ng susi.

..........

I greeted my employees back as they noticed me. Late na kami nakarating sa Amaya. They say that ok lang malate pag boss, pero hindi rin dapat. I should be an example to my employees in that aspect, dahil napakahalaga ng oras.

"Good morning Miss Eris." Pagbati ni Rina.

"What is my schedule for today?" Ani ko habang nakahinto ako sa may desk

"You will be having practice on the runway at 1pm, then 4pm meeting with the board about sa final touch ng runway."

"Thank you Rina."

"Welcome miss." Aniya at umalis na din sa office.

I've started answering all the emails para wala na akong masyadong iisipin mamaya. Some of the emails are from our clients before, saying their good lucks to me. Mas lalong lumalakas ang loob ko at confident na magiging successful ang runway project namin.

I was on the middle of answering Ms. Tesoro's email, when I heard Rina came in.

"Miss Eris, may nagpadala po pala ng flowers, pinapasabi namimiss ka na daw niya. Nasa note po." Turo-turo pa niya yung note sa may bouquet.

"Shocks! Eris kay Nikko yan. OMG talaga dali kunin mo na." Aniya at siya pa yung kumuha ng bouquet.

"Erisha grabe nagba-blush ka na talaga." Aniya pa at siya na rin yung umamoy ng tulips. "Ikaw na ikaw na talaga." Sabay pa nilang sabi ni Taylor at ibinigay pa niya sa akin yung bouquet. Inaamin ko, kung kinikilig sila, mas lalo na ako, kahit sa ganitong paraan lang, nagwawala na yung mga paru-paro sa tiyan ko.

"Aysus, pangiti -ngiti ka pa diyan, Erisha. Huwag kang ganyan me is so inggit. Hay sino kaya ang magbibigay sa akin ng kagaya niyan." Ani ni Michael.

"In your wish Michael!" Ani ni Taylor at inirapan siya at tumabi sa akin.

"Naku Erisha, I'm so happy for you, sana laging ganito. "Sabi ni Taylor at tinapik yung balikat ko.

"In my wish talaga, pag may meron lang Taylor, Who you ka talaga sa akin." Sabi ni Michael habang itinuro-turo pa yung ballpen kay Taylor.

"As if." Umirap na lang si Taylor. Hay nag-aaway na naman ang dalawang ito.

"Ehem." Pareho kami napatingin kay Rina na nakatayo pa pala doon.

"Uhm actually kay Mr. Ejercito galing yan." Agad sinamaan ng dalawa ng tingin si Rina. Tuloy hindi ko mapigilan na matawa sa reaksyon nila.

"Itapon mo yan Rina ha, Taylor pahiram ng Alcohol bilis! May mikrobyo na mga kamay ko." Ani ni Michael habang inagaw yung bouquet sa akin at binigay kay Rina.

"Sige na, Rina, ilapag mo lang diyan, thanks." Sabi ko, inilapag naman ni Rina sa desk ko at umalis na. Tinignan ko yung note, kumpirmado nga na galing kay Mark iyon.

"What's with that face Erisha?' Napatingin ako kay Michael na nakahalukipkip pa ang kamay, parang ine-interrogate ako. Hindi ko na lang siya kinibo at itinuon muli ang pansin sa pagsagot ng mga emails.

Oo nadismaya ako ng kaunti. I really thought it was him, dahil alam ko balik kami sa dati pansamantala, lalo pa at tulips ang mga iyon. Mark never gave me even a piece of tulips. Ngayon lang.

Ngayon ko na muli naalala si Mark. Oo matagal-tagal ko siyang nakikita, halos araw-araw pa dito. Masyado na yata naakupa ng trabaho at ni Nikko yung utak ko. Napangiti ako.

"E, don't tell me you are kinikilig to that Mark." Bigla akong natauhan.

"No way, may iniisip lang ako." Sabi ko. Napangiwi lang si Taylor.

"Dont be a such, here have some tea." Agad kong kinuha yung tea at ininom iyon.

.............................

"That's perfect Ms. Eris you got the perfect walk!" Ani nung choreographer, agad akong bumitiw sa may model na kapalit ni Nikko.

I was expecting him here, kaso wala naman siya. Wala akong ganang umupo sa may bench.

Where's is he? Parang mas gusto ko na lang ng panaginip lahat. I thought starting that night, nasa tabi ko na siya. Mahirap naman kasi na umasa lagi.

"Everyone let us take a walk again for the final practice for this day." Wala akong ganang tumayo.

Maya-maya ay napalingon ako sa sa pinto, bigla itong nagbukas.

Sa wakas!

Nilalaro ko yung ballpen ko habang iniisip pa yung kanina. Maghapon na wala si Nikko, sa practice namin wala talaga, at hanggang ngayon sa meeting namin, wala pa rin, secretary lang niya yung umattend sa meeting. Gustong-gusto ko na siyang puntahan kanina, pero naisip ko he must be very busy, baka makagulo lang ako sa kanya.

"Miss Eris." Bigla akong natauhan sa pagtapik ni Rina. Ako na pala yung presentor.

I just show them the designs that are going to be featured on the runway, pati yung design ng runway mismo, the models,  sponsors and everything.

"Ok everyone, we need to review everything, and make sure that everything is falling in its place." Di ko sadyang napatingin sa orasan. Alas-siyete na pala, hindi man lang namin namalayan.

"It's late already, that's all for today. Let's pack." I smiled, then nag-kanya kanya na kami ng ayos ng gamit.

Ako yung huli na lumabas ng conference hall. Naglalakad akong office, iniisip ko baka dumeretso siya dun. Pero wala pa din.

Agad na rin kaming umuwi nila Micha.

...............

"Naku nakanina ka pa nakatingin sa pinto. May date ka?"

Umiling lang ako at humarap uli sa laptop ko, habang inaayos ko pa yung mga kailangang ayusin.

"Eris may tawag ka." Agad ko namang inabot yung phone kay Micha.

"Miss Eris may papasign lang po ko. Kailangan na po kasi first thing in the morning, wala naman po kayo tomorrow morning, nandito na po ako sa building Miss."

"Rina, diba sinabi ko ayoko ng pupunta ka dito para magpapirma?"

"Miss I'm so sorry nalimutan ko po kasi Ms. Santiago needs these papers, kaya--" napailing  na lang ako, ano pa ba ang magagawa ko, nandito na siya.

"Fine, just make it to my unit fast."

Maya-maya ay nakarinig ako ng doorbell. Rina really did it fast huh?

"Rina give me the papers."

"Eris." Agad akong napatingala, hindi pa agad rumehistro sa akin na si Nikko na pala yung nakikita ko.

"Nikko"

"Miss Eris, sorry to--" hindi na natapos ni Rina yung sasabihin ng hinila siya ni Micha, papasok.

"Kami na diyan Rina, naku wag ka kasing nang-iistorbo ng moment." Ani pala nila at isinara yung pinto.

"Sorry Eris. Maraming kasing ginawa sa office, It's a big client kaya hindi ako makatanggi."

"Ok lang. Kamusta." I smiled at him.

"I bit stressful, but I can manage, ako pa ba." He smiled back.

"Hay nako Mr. Sarmiento, sana nagpahinga ka na lang, marami tayong gagawin bukas. Naiintindihan ko naman kung di ka makakapunta ngayon." Hinawakan niya yung 2 kamay ko, ramdam na ramdam ko yung init ng palad niya. Parang ayoko bumitaw sa kanya.

"No, ayokong mag-aksaya ng panahon ng di ka nakakasama. Kanina halos gusto ko ng tumakbo papunta sa'yo."

"Nikko, makulit ka pa rin. Halika na." Mas hinigpitan niya ang hawak sa akin.

"Stargaze muna tayo." Hay paano ba naman ako makakatanggi kung pakitaan niya ako ng killer smile niya.

"Fine, kunin ko lang yung bag ko."

"Huwag na, Let's go!" Para siyang bata na hinihila ako, at sumigaw pa siya sa pinto.

"Una na kami Micha."

"Sure kahit di mo na iuwi si Erisha."

Sinasabi na nga ba't nasa likod lang sila ng pinto. Humanda sila, aba't ayaw na ko pauwiin sa pamamahay ko.

Pagbaba ng building nakasalubong ko si Hope. She was standing infront of their Fortuner.

"Hello Tita Eris!"

I missed this kiddo. Niyakap ko siya ng mahigpit

"Pasensya ka na nagpumilit." Ani ni Nikko at tinapik si Hope sa balikat.

"Daddy, I said magbebehave naman po ako."

"Ok lang yan Nikko." Umupo ako saka pinalapit si Hope sa akin. Her curly hair bounces as she ran towards me.

"Nakuu Namiss kita Hope."

"I missed you too Tita Eris, daddy told me a lot of things about you, he told me you made a lot of dresses, is that true Tita Eris." She smiled like his dad, tumango ako sa kanya.

"Really, would you make me one dress for my birthday. Pleasee." How can I resist her pouty lips and that puppy eyes pleasing me to agree.

"Yey! Thank you tita Eris."

"Ikaw pa ba? I'll make sure that you will have prettiest dress on your birthday, I promise."

"Thank you so much Tita Eris, I love you." Aniya at hinalikan niya ako sa pisngi. I'm so overwhelmed in her action, kung buhay ba yung anak namin ni Nikko, ganito rin ba siya kasweet kay Hope? Maswerte si Nikko dahil kay Hope.

I felt my tears fell on my cheeks. If our child lives, I guess if our child still alive I guess I can also make him clothes that he wanted. I guess sa pamamagitan ni Hope, magagawa ko yun.

Naramdaman ko na bumitiw na sa pagkakayakap si Hope at dali-dali ko ng pinunasan yung luha ko.

"Tita why are you crying." Aniya at pinunasan din niya ang natitira ko pang luha.

"Masaya lang ako dahil nandito ka."

"Masaya din ako tita Eris, kaya dont cry na po. Sige po malulungkot din po yung mga stars."

"Hindi na." I smiled saka tumayo na ako at hinawakan yung kamay niya at sumakay sa sasakyan.

.............

Naiwan kami ni Hope sa rooftop ng Golden State, nalimutan kasi ni Nikko yung mga buffalo wings sa sasakyan.

"Tita bakit may nahuhulog na star."

"Ang tawag diyan Hope, falling stars.  Minsan sila yung nahuhulog na bato galing space." Napatango tango lang si Hope sa akin.

"Pwede ko po ba saluhin yung bato from space, para di na mahulog sa lupa." Ngiting-ngiti pa siya at inaact pa niya na sasaluhin niya ang mga iyon. She's cute when she is doing that.

"Naku, hindi pwede. Kasi nasisira lahat ng tinatamaan ng bato."

"Hala Tita di na po." I chuckled, dahil takot na takot pa  siya at sumisiksik pa sa akin.

"Huwag kang matakot, di mangyayari sa atin yun. Pero alam mo ba pwede kang mag-wish diyan."

"Talaga po ba?" Tila napalitan ang takot niya ng excitement dahil kumikinang kinang pa ang mga mata niya. Wala talaga duda na anak siya ng tatay niya. I smiled.

"Pero kailangan muna natin makakita ng falling star."

"Sige, hahanap po tayo nun Tita Eris." Aniya, she even used her telescope para maghanap ng falling star.

"Yes, I found one, I found one." Nagtatatalon pa niyang sabi. Halos mawala na yung mata niya sa sobrang ngiti. Naku kung hindi ko mapigilan yung sarili ko, baka uuwi ko na talaga si Hope.

Dali-dali niyang pinikit yung mga mata niya.

Umupo si Hope sa may unan at pinalapit ko siya sa kanya.

"Anong wish mo Hope?"

"Sana maging happy na si daddy. Lagi po kasi siyang sad." Bigla siyang napayuko, at nawala yung ngiti niya. I felt sad for her, to her young age hindi niya dapat dinaranas to. Alam ko naman na kaya maging mabuting ama ni Nikko, siguro yung sa pagitan nilang dalawa ni Lauren.

Ayoko ng alamin pa yun.

"Please make daddy always happy.

"Oo naman. I promise." I held her hand  then we looked again in the skies. Alam kong gumaan ang loob niya dahil nakangiti na siya sa akin.

Sa mga ilang araw na iyon, sisikapin ko na tuparin yun para sa kanilang dalawa ni Hope.

Nakatulog na si Hope sa kakatingin at kakabilang ng mga stars. Hinahaplos ko yung kanyang buhok habang pinapanood ang kanyang maamong mukha. Kuhang-kuha niya talaga si Nikko hanggang sa pagtulog.

"She also likes stars." Aniya at inayos ang pagkakahiga ni Hope.

"Nadulas kasi ako sa kanya ng sinabi ko na mag-i-stargazing tayo. Naexcite din kasi ako." Tapos nilagyan niya ng kumot si Hope para hindi masyadong malamigan. "Ayun pinilit sa sumama."

"Ok lang na sinama mo si Hope, mas masaya nga e."

"Thank you."

"Para saan."

"For also accepting hope."

I chuckled. "Hindi na iba sa Hope sa akin, and besides she is a good kid, napalaki mo siya ng maayos."

Tumango-tango siya."Thank you, talagang sinikap ko na palakihin siya ng maayos kahit wala yung Mommy niy aa sa tabi niya." Agad akong napatingin sa kanya.

"Where is her mom anyway?" Nasa states, she is also starting another clothing line, halos nalimutan na niya si Hope, kaya siguro nasabik nung nasabi kong kasama ka dito. By the way let us not talk about it. It's our moment." Then he held my hand.

"Yeah." I smiled. Pinasandal niya ako sa kanya. Kung tutuusin para na kaming pamilya sa itsura namin, pero ayoko naman na angkinin ang hindi akin.

"Eris, I want to do this with you everyday."

Kahit ako rin sobrang gusto ko. Sana hindi na talaga matapos to.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top