Chapter 26
Pagkatok ko pa lang binuksan na kaagad ni Micha yung pinto. Nakahalukipkip pa siya sa aming dalawa habang nakataas ang plakada niyang kilay.
"Hatinggabi na, Akala na namin hindi mo na iuuwi yung Erisha namin, pero di bale ok lang naman." Ani ni Michael
"Michael!" Pag-awat ko sa kanya.
"O siya sige, hindi na po ako manggugulo ng moment." Lumapit siya sa akin at hinawakan ko sa balikat.
"Buksan mo na lang yung pinto pag tapos na kayo ha." Tumango na lang ako at pumasok na rin si Michael sa loob.
"Nikko, salamat ha. Nag-enjoy ako kanina, lalo na kay Hope."
"I had a great time too, thank you."
"Pero dapat kasi ako ang mapasalamat sayo." Ani ko, kanina masyang masaya ako, kasi pakiramdam ko pamilya ko na sila. Ang saya saya ko kasi pakiramdam ko kahit papaano
"Bakit?"
"Basta, salamat sa lahat lahat Nikko." Hindi niya pupwede na malaman yung anak niya. Ayokong sabihin sa kanya iyon, hindi ko alam kung kailan pa ko magkakaroon ng lakas ng loob para sabihin iyon sa kanya.
Maya-maya hinawakan niya ang kamay ko. Nakatingin lang ako doon.
"Eris naman, para kang namamaalam na sa akin." Tumingin na ako sa kanya tapos umiling lang ako.
"Sige na, una na ko, baka kasi hinahanap na ako ni Hope."
Binitiwan ko na yung kamay niya. "Ingat kayong dalawa." I smiled at him."
Dahan-dahan siyang tumalikod at naglakad, pero bumalik din naman siya.
"Eris may nakalimutan lang ako,"
"Ano?"
Nanlaki ang mga mata ko ng hinalikan niya yung labi ko. Agad din siyang bumitaw, pero nakahawak pa rin siya sa baba ko.
"Nikko!"
He just winked.
"Sige na, pasok ka na baka maiuwi na talaga kita." Kung pwede lang talaga. Napangiti lang ako, saka tumango sa kaniya at lumapit na ko sa pinto.
"Maiingat kayo ha, dahan-dahan sa pagdrive."
"Yes love!" Pinihit ko na yung sendura ng pinto at unti-unti na rin akong tumalikod sa kanya.
The last thing before I closed the door is his smiling face. Talagang nakatingin pa rin talaga siya hanggang sa pagpasok ko.
Pinatay na pala nila Micha yung ilaw, tanging lampshade na lang yung umiilaw sa loob. Siguro natulog na rin sila Michael. Talagang hinintay pa nila ako, di bale ililibre ko na lang sila
Bago ko pa mapihit yung doorknob agad na bumukas yung ilaw.
Nakaupo si Michael sa couch, habang nakahiga naman si Taylor sa tabi niya. Tulog na tulog.
"Magkwento ka!" Aniya at pinakitaan pa ako ng mapanuri niyang mga tingin.
"Michael--"
"Hey dont be noisy, I'm sleeping here, idiots." She said huskily at agad na bumalik sa pagkakatulog. Agad siyang kinurot ni Michael.
"Awww."
"Dont aw aw me! Look!" Aniya at pwersaharang iniharap si Taylor sa akin.
"Ehh?" Dali dali siyang bumangon mula sa pagkakahiga saka tumingin sa akin.
"What's up Eris." Ani ni Taylor habang pupungas-pungas pa.
I grinned.
"Nothing." Then I shut the door."
"Napakadamot mo Erisha! Hindi ka pagpapalain."
Napangiti na lang ako. Whatever Micha.
....................................
"Naku, thank you Erisha at naisipan mo kaming ilibre. Pero hindi pa rin namin malilimutan yung atraso mo sa amin. Nakuuu." Hindi ko na lang sila kinibo at dire-diretso lang ako na naglalakad.
"Erisha, magkukwento ka rin naman mamaya, huwag ka nga kasi nagpapapilit. Siguro talaga nag-" Hindi na natapos ang sasabhin ni Michael nang takpan agad ni Taylor ang bibig nito.
"Yung bibig mo!" Ani ni Taylor at agad na tinakpan yung bibig ni Michael.
Tuluyan na kaming nakapasok sa studio, agad din kaming sinalubong sa mga crew doon, saka ng mga ilang models.
Maya-maya ay meron na lang isang babae na biglang yumakap sa akin. Halos di na ko makahinga sa sobrang higpit na yakap nito.
"Miss teka." Pag-awat sa kaniya nila Micha. Pumunta na rin yung mga ilang guards para hilahin palayo sa akin yung babae. Tumingin ako sa kanya, isa rin pala siya sa mga models namin.
"Teka! Para kayong taeng-tae a!"
Minsan ko lang naman makakausap yung idol ko ano ba!." Aniya habang pumipiglas pa rin at pinipilit na lumapit sa akin.
Hindi na rin nakakibo ang mga guards dahil halos masuntok na niya ang mga ito sa bibig. Pero kahit na ganoon, hawak hawak pa rin nila yung pumipiglas na babae.
"Sige na, bitawan niyo na siya." Ani ko, agad naman siyang binitiwan ng mga guards."
"You are only given 5 minutes, or else you are out!" Agad siyang lumapit sa akin at pinisil ang mga pisngi ko.
"Ang ganda ganda niyo po, lalo na sa malapitan."Gigil na gigil talaga siyang pinipisil ang magkabilang pisngi ko. I guess I dont need any blush ons because this girl is crazy fangirling at me.
"Awww." Agad silang nagsilapitan ng dumaing ako.
"It's ok!" Pagpigil ko sa kanila. Agad natauhan yung babae at binitawan niya yung magkabila kong pisngi.
"Hello po Ms. Erisha, pasensya na po masyado akong na-carried away." Maluha-luha pa niyang sabi, agad naman niyang pinunasan ito. "Idol na idol ko po kasi kayo sobra!" Aniya at niyakap niya ako, saka humiwalay sa akin.
Tinitigan ko uli yung babae, maganda rin siya, her curly hair really compliments her well. Magaling din pala silang pumili ng mga models.
"What is your name by the way? Malay mo kunin uli kita as one of Amaya." Agad nanlaki ang mga mata niya.
"Oh my!! I'm Paola po. Thank you po." Aniya at niyakap uli ako ng mahigpit.
"Selfie po tayo ha." Tumango ako. Nakailang shots kaming dalawa, saka niya tuluyang itinago yung phone niya.
"Miss, five minutes are over." Pagtapik ng guard sa kanya.
"Oo na sige na!" Bumitiw na siya sa akin sabay ngiti sa akin.
"Thank you po talaga Miss Erisha." Aniya at tuluyan na silang tumalikod with the guards. Nagtatatalon pa siya paalis. Hindi ko mapigilan na mapangiti, kahit papaano ay nakikita ko rin ang sarili ko sa kanya, lalo nung teenager pa ko.
Kasama sila Taylor, Micha at mga ibang crew, nagtungo na kami sa ibang direksyon.
Agad ko siyang nakita sa may dressing room, nakarelax na nakasandal doon. Bigla na lang ako kinurot ni Micha sa tagiliran. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Mahahalata ka pag ganyan Erisha." He said softly.
Hindi ko na lang siya binati, at nginitian ang nakangiting si Nikko.
"Good morning Miss Eris."
"Good morning Mr. Sarmiento." He held my hand at sabay na kaming pumasok sa loob.
"Nikko!" Pinandilatan ko siya ng mga mata.
"Ano?" Aniya, tumingin ako sa baba. Ngumisi lang siya at tila binaliwala na lang yung sinabi ko.
Napailing na lang ako at hinayaan na hawakan yung kamay ko. I guess I have no choice but to savor the moment.
May nakahain na mga pagkain doon sa table. He guided me to my seat and he sat beside me. I was amazed when there's baked mac and cheese served on my plate.
Napangiti ako, just like the old times. Namiss ko rin kumain nito. I still remember what does it taste like, at kuhang kuha pa rin yun ni Nikko.
Kung gawan ko kaya si Nikko ng sandwich mamaya? Sigurado akong matutuwa siya.
"Mr. Sarmiento, hinay hinay lang po baka di magkasya kay Ms. Eris yung susuutin niya." Ani ni Michael nung tinapik niya. Paano kasi ay nilalagyan pa ni Nikko ng mac and cheese yung plate ko.
"Kailangan niyang maubos yan."He just smirked at patuloy sa pagkain. Sinimulan ko na rin kumain.
I just started to eat it again. Kahit na kumain naman ako ng breakfast kanina, pakiramdam ko gutom na gutom pa rin ako.
Kaunti na lang ang kumakain sa amin. Mostly are still talking about our runway project. .
Napansin ko na lang si Michael ay panay ang pagrampa sa harap. He is good in modelling too. Actually makikitulong din siya sa choreographer namin.
Maya-maya nagsimula na rin yung rehearsals namin.
Nikko and I are sitting on a block, while watching for the other models to their ramp. Medyo matatagalan kami dahil kami ang lalakad sa dulo.
The models are all good. Kinakabahan tuloy ako, feeling ko, baka di ako makarampa ng maayos, baka ako pa ang makasira sa show.
"Dont worry, we can do it. Nandito lang ako."Ani ni Nikko at hinawakan niya yung kanan kong kamay. I just hold it tight, di na alintana sa akin kung nanlalamig ako.
He just smiled at me. "Just believe in yourself, kasi kami naniniwala kami sayo."
"Eh Nikko paano kung.."
"Shhh... Just treat them like potatoes, do your best, enjoy lang." He smiled again. He just calmly watching with me. Naturuwa nga ako sa kanya, dahil ni hindi man lang siya kinakabahan lalo pa at first time niya, at wala pang background sa modelling.
"Just smile Eris." Aniya at hinawakan niya yung baba ko. I just showed him my plain smile.
"Yan, mas maganda ka kapag nakangiti ka." Hinawakan niya yung magkabila kong kamay. "Tapos hinga ng malalim, inhale, exhale."
We did breathing exercises for many times, kahit papaano na napapakalma na ako.
"Nikko iba na yata yung lumabas." Hindi ko na mapigilan natawa, pagkatapos na pagkatapos ng exhale, ibang tunog na yung narinig ko. "Ang baho ha."
"That's not me Eris. Hindi ako yun." Natatawa niyang sabi sa akin. Hindi ko inakala na ganito kalakas umutot si Nikko.
"No you are hahaha." Tinakpan ko na yung bibig ko dahil baka hindi ko mapigilan at narinig na ko sa labas.
"Ikaw ha, panay accusation mo sa akin, dont tell me that the fashion designer and a model to be Eris Magdayo." Tumingin siya sa akin."Ay malakas umutot." He laughed at sinamaan ko siya ng tingin. Sa kanya nangaling yung tunog e, tapos pagbibintangan pa ko. Maya-maya ay tumunog uli yun.
"Dont worry, hindi naman ako matuturnoff sayo." Aniya at natatawa-tawa pa.
"Ewan ko sayo, hindi ako yun. Ikaw yun." Madiin kong sabi sa kanya.
"Eris, ok lang-"
Pareho kaming natigilan na marinig uli yung tunog na iyon.
"Nikko galing talaga sayo e." Ani ko at pinipigilan ko pa rin ang sarili ko na matawa ng malakas, lalo pa at hindi na siya makakibo sa akin.
"Sabi na kasi talaga ikaw yun e. Hahaha." Ani ko.
Maya-maya ay tumunog uli yun.
"Nikko naman e... Ang haba nun a? Gusto mo sasamahan na kita sa Restroom?"
Umiling lang siya. Hay nako nahiya pa siya sa akin a?
Maya-maya ay napatingin ako doon kay Manong na nagtutulak ng cart. Huwag mong sabihin na sa cart galing yung tunog.
Napatingin ako sa kanya, I saw him grin. Ok you win.
"Wag kang mag-alala kahit malakas pa at may amoy yang utot mo, tanggap pa rin kita." Nakangiti niyang sabi.
"Whatever Nikko." Ani ko at inirapan ko siya. He just laughed at me, baliw talaga tong lalaking to.
"Eris." Tinapik niya ako, hindi ko pa rin siya pinapansin. I'm just focusing on my email.
"Eris tayo na."
"Whatever Nikko." I said without looking at him, because I was responding on my friend's email.
"Eris next na tayo." Aniya, at nakita ko na si Michael na sumesenyas sa akin. Dali-dali akong tumayo at naglakad sa entrance ng stage.
Parang bumalik na yata yung kaba ko kanina. I took a deep breath para mabawasan yung kaba ko kahit papaano.
"Pwede huwag mo kong iwan please." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Eris kasi dapat sabay tayong lalabas ng stage." He held my hand and smile.
Whatever.
I took a deep breath bago ako lumabas. The runway has one pathway, then a 2 way diversion and one way again. I did my fierce look bago uli kami nagsalubong ni Nikko. We hold hands and I turn around then we took a bow for our final move.
"Everyone did great!" Pumapalpak yung choreographer sa amin. I was happy because everything is working well.
"You know what Miss E, you should always keep it up. You really act like a pro. Yung totoo first time mo ba?"
"Binola mo pa ako." Pabiro kong sabi sa kanya. I think I'm not that good enough, dahil unang beses ko lang rarampa sa ganito.
"No,no,no,no,no. Nagsasabi ako ng totoo, If you will pursue modelling, sisikat ka. Mark my words." Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Thank you, and you will be my choreo." He's been good, kaya siguro naging ok ang performance ko. Saka ng lahat ng models.
"Really?! Thank you Miss Eris."
"Dont mention it. You deserve it." Ani ko sa kanya. Nagpaalam ako sa kanya na pupunta sa dressing room, para makapagpahinga. Medyo nakakapagod kasi yung rehearsals, para na kami nasa actual modelling.
I was walking nonchalantly towards my room para kunin yung bag ko. Nag-aya kasi si Nikko na kumain sa labas.
Nanlaki ang mga mata ko na nakita si Mark na nakasandal sa pinto. It's been a long time since I saw him, nakakagulat ang presence niya ngayon, knowing na busy rin siya sa negosyo niya.
"Hi Eris. I missed you." Nanlaki ang mga mata ko, inakbayan niya ako.
Pasimple akong napatingin sa kanya, blanko lang ang ekspresyon ng kanyang mukha.
"Let's eat lunch together, bought you some adobo at salad. Alam kong namiss mo rin ito." Aniya ni Mark sa akin. Gusto kong lapitan si Nikko pero iginya niya ako patalikod. Para akong nanigas at hinyaan ko na lang ang sarili na
Pumasok kami sa dressing room. Hindi ko mapigilan na tumingin sa labas. Nasaan kaya si Nikko?
"Eris?"
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya sa likuran ko.
"Hey." Hindi na siya nagsalita at hinawakan na lang yung kamay ko. Sabay na rin kami na pumasok sa may backstage.
"Saan ka galing?"
"I just ate with Taylor and Micha. Kanina hinahanap ka nila, I just said you eat with someone." Napatango na lang ako at pareho na rin kaming walang imik habang papunta sa backstage.
Silence still invade us, wala man lang kumikibo sa aming dalawa.
"Nikko."
"Hmm?"
"Sorry kanina."
"You dont need to be sorry."
Napayuko na lang ako at saktong nakatanggap ako ng message galing kay Mark.
"I'm here watching you, make me proud dear."
Sumilip ako sa may stage, nandoon nga siya sa harap. Nagulat na lang ako dahil nandoon din siya sa likuran ko.
"Anong--" Walang sabi sabi ay hinila na niya ako palabas.
"Nikko saan tayo pupunta di pa tayo tapos." Ani ko at pilit na pumipiglas pero wala pa rin akong magawa.
"Basta."
I heard Michael's hum. Yes!
"Eris!" Natigilan siya ng makita niya kami, lumapit siya sa amin. Tinignan lang siya ni Nikko ng masama at tumango-tango na lang si ito at nilagpasan kaming dalawa.
"Michael, stop him!"
"Sige ingat na lang kayo good luck." Aniya at patuloy pa rin sa paglalakad.
Nagpatinanod na lang ako sa kanya. Wala rin naman akong magagawa.
Agad siya akong isinakay sa kotse at mabilis na pinaandar ito.
"Saan ba tayo pupunta? Bakit nagmamadali ka? Saka paano na yung--"
"Mahirap ng maunahan Eris." Aniya at pareho na kaming lumabas sa basement.
.........
Sorry, It's been a while.
Consider to be as my first update in this year. So happy new year! (Kahit late😅)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top