Chapter 19
"Madalas na yata nagagawi yang retokado na iyan." Ani ni Michael na nakatanaw sa papaalis na si Mark. Masamang-masama pa ang tingin niya sa papaalis na lalaki. Nang makalayo at agad siyang humarap sa akin at binigyan pa ako ng nakakaloko ng tingin.
"Huwag sabihin na." I rolled my eyes. Binibigyan na naman niya ng malisya ang mga bagay-bagay kahit hindi naman dapat.
"Sasabihin mo na naman na magkaibigan lang kayo? Erisha alam ko iyang mga galawan na yan." Pangkontra niya sa akin, halos di na ako makapagsalita dahil lagi niya akong nakokontra. Ang sarap niya talagang lagyan ng packaging tape sa bibig.
Sinamaan ko lang siya ng tingin
"Hindi pwede. Hindiiii!" Ani pa ni Michael at sa sobrang inis niya ay halos malamog na ang katawan ni Taylor sa payugyog nito.
"Tigilan mo ko." Buong lakas nang itinulak ni Taylor si Michael at halos masubsob na ito sa sahig, sa pagkakabagsak.
"Grabe ka naman girl, balak mo pa kong ipahalik sa lupa." Aniya at pinapagpag ang sarili bago tumayo.
"You moron, tiles yan, di lupa. Grabe ka ring makayugyog bakla. Si Mark na lang!"
"Ay oo nga, ang brainy mo talagang hilaw ka." Sagot ni Michael nang tuluyan na siyang nakatayo.
"Eh ikaw sunog?"pambabara ni Taylor.
"By the way Eris, ready ka na?" Nanlaki ang mata ni Taylor sa gulat. Tumango lang ako, habang busy sa pagbabangayan ang dalawa ay ako na ang nag-ayos sa sarili ko. Alangan hintayin ko pa sila, baka mahuli pa ako sa photoshoot session, at sila pa itong kung mag-away ay parang mga pabebe girls, walang makakapigil.
"Omo, Erisha sabi ko sayo tawagin mo kami pag kailangan mo kami." I rolled ny eyes. Kanina ko pa nga sila tinatawag. Agad na bumaling si Michael kay Taylor.
"It's your fault hilaw ka! Nanunulak ka kasi."
Dali-dali na lang akong lumabas, masyado nang naririndi ang tainga ko sa bangayan nila. Mukhang hindi pa nila ako namalayan na nakalabas dahil patuloy pa rin sila sa bangayan nila.
Paglabas ko nang dressing room ay malakas akong napabuntong hininga.
Here we go again, makakaharap mo na naman siya. Just act professional Eris, just act na para bang walang nangyari sa inyo. You are doing your job kaya mo ito ginagawa. Para saan pa at matatapos rin naman ang project.
Ako na lang pala ang hinihintay nila doon. Agad akong nag-iwas ng tingin at lumapit kay direk sa gagawin namin in this session.
"Ok, closer pa, Mr. Sarmiento pull her closer to you. Isipin mo na sayo siya."
Nakatingin lang si Nikko sa akin, parang nanghihingi ni permiso
"Eris baka?"
"Kaya ko, ok?" Ako na mismo ang nagpwesto ng kamay niya sa baywang ko. Kailangan matapos ito agad, ayoko nang marami pang segway. Sa tuwing nakikita ko siya ay hindi ko maiwasan na maalala ulit yung sa kotse, takot na takot ako nun sa kanya, at sa bagay na iyon ay nagising ako, na hindi na talaga babalik ang Nikko na kilala ko noon. I hate the Nikko that I am facing right now, dahil ibang tao na ang kaharap ko ngayon.
Halos ko nang batuhin ng bato si direk, dahil halos mahalikan ko na si Nikko sa sobrang lapit naming dalawa.
Nakakapit ako sa leeg niya habang nakatingkad ako para mas mapalapit pa sa mukha niya. Pakiramdam ko ay sinasadya ang lahat ng nangyayari. Bakit gusto nitong sobrang magdikit kaming dalawa? We are modeling dresses, hindi sa isang sexy magazine.
Kasama ba ito sa script? Bakit di ko alam. Gusto kong magprotesta dito, pero tila di ko magawa. Tila may sariling isip ang katawan ko at hindi sangayon sa gusto ng utak ko. Tila para na naman ang nakaangkla sa kanya. Nagpapaubaya na naman ba ako? Nakakainis, ayoko ng ganitoz
Mabuti na lang at hindi siya ngumingisi-ngisi kundi mas lalo akong maiinis sa sitwasyon kong ito, at lalo na sa kanya.
Pagkatapos ng session ay hindi ko na rin siya pinapansin. Well, hindi naman kami nagpapansinan na dalawa afterall. Madalas ay si Taylor at Michael lang ang kumakausap sa kanya. Pasalamat na lang ako at hindi siya umalis sa amin.
"Saan tayo?" Nakangiting sabi ni Mark pagkalabas ko sa dressing room.
"Hep!" Dali-daling pumagitan si Taylor at Michael sa aning dalawa.
"Sorry but we have our lunch date with our friend." Kumunot ang noo ko, wala akong maalala na inaya ako ng dalawang ito.
"Makakalimutin ka na talaga Erisha." Pangiti-ngiti pa si Michael, alam ko ang mga ngiting iyon. May gagawin na naman silang kalokohan.
"Pwede ba--"
"But were sorry too kasi di ka kasama." Pagputol pa ni Taylor kay Mark.
"At ikaw Erisha, wala kang takas sa amin at ililibre mo kami." Dagdag pa ni Michael.
"Teka." Sinubukan ko na pumiglas pero ang higpit ng hawak nila sa akin. Ano naman ang laban ko? Dalawa sila.
Nahihiya akong napatingin kay Mark, hindi dapat mangyari ito. Tinanguan lang niya ako at nagthumbs up pa siya sa akin.
Hiyang-hiya na talaga ako sa kaniya, kasi lagi kong hinahayaan ang masamang trato nila kay Mark.
"Kailan niyo ba akong inaya na dalawa ha." Sabi ko nang makaupo na sa backseat.
"Ngayon lang hehe."
Ibig ko nang ibato kay Michael yung headrest kung hindi lang nagsalita si Taylor
"Don't worry Eris it is Micah's treat."
"O bakit ako na naman?!"
"Why not? Ikaw nakaisip nito? So saan tayo?"
"Sa kalinderya na lang." Walang ganang sabi ni Micah.
"Ok, it's your treat naman e." Ani ni Taylor at nagsimula na magmaneho.
Napadaing si Taylor dahil binato siya ni Michael ng headrest, mabuti at hindi siya nadistract sa pamamaneho niya.
"I'm driving gusto mo bang mabangga tayo." Ani ni Taylor.
"Ikaw lang naman ang nasa harap, ikaw lang ang masisiraan ng fes." Napairap pa siya sa masamang tingin ni Taylor sa kanya.
Taylor just rolled her eyes. "Whatever, treat mo pa rin kami."
"Sabi ko sa kalinderya tayo e." Protesta ni Micah.
"Bakit ba? I like it here." Ani ni Taylor at bumaba na ng sasakyan.
"Sige basta KKB ha." Ani ni Michael paglabas ng kotse.
"Hindi a." Pagtutol ni Taylor.
Napagkasunduan na rin namin na magkanya-kanya na dahil hindi matapos-tapos ang bangayan nilang dalawa. Pagkatapos umorder ay tumayo kaagad si Taylor.
"Wait E, restroom muna ako."
"Ako rin Erisha, Restroom din." Ani pa ni Micah at tumayo kasunod ni Taylor.
"Teka. Sasamahan mo si Taylor?" Sabi ko at tinasaan ng kilay silang dalawa.
"No way." Ano ni Micah at nauna nang umalis kay Taylor.
I checked my social medias while waiting. Our runway is coming very soon, medyo na-eexite na ako. Magiging successful kaya?
What will happen after? Can I finally get rid of him. Since hanggang runway lang naman ang nasa contract niya.
Siguro?
Bakit ko na naman siya naisip?
Napailing na lang ako.
Nagsawa na rin ako sa kakapindot ng phone ko at hanggang ngayon wala pa rin yung dalawa, ano naman ang ginawa ng dalawang iyon? Alangan naman iniwan ako ng mga iyon, dahil hinila nila ako papunta dito,
"Eris." Napaangat ako ng tingin sa pinanggalingan ng boses na iyon.
Gusto ko nang umalis pagkakita na pagkakita ko sa kanya. Itetext ko na lang yung dalawa na mauuna na ako. Dali-dali akong tumayo para umalis, pero nahawakan niya ang braso ko.
"Lets talk." Agad akong tumalikod palayo sa kanya pero nahagit niya kaagad ang braso.
"Lumayo ka sa akin please kahit ngayon lang." Pumiglas ako sa kanya at naglakad ulit.
Nasa harapan ko na siya ngayon at nakahawak na sa dalawa kong braso.
"Bitiwan mo ko." Matigas kong sabi,
"Hindi." Mas hinigpitan niya pa ang hawak sa akin at tila nakipagsukatan pa siya ng tingin sa akin.
"Excuse me po sir, but if you have any misunderstanding, please sa labas na lang po natin ayusin." Natauhan ako sa waiter na iyon, dahil doon ko lang napagtanto na nakatingin na pala lahat sa amin, napayuko lang ako sa sobrang hiya.
"Dont worry kaya na namin ito." Aniya at inakbayan pa ako. Nagpaubaya na lang ako dahil ayoko nang gumawa pa ng iskandalo.
Pagkalabas sa restaurant, agad akong lumayo sa kanyang pero nahagit na naman niya ako. Bakit ba ang bilis ng lalaking ito?
"Bitiwan mo ako."
"Hindi. Kita. Bibitwan."Ani lang niya.
Pumipiglas ako pero ang higpit ng hawak niya sa kamay ko, ayaw niya pa rin itong bitawan sa kabila ng pagpupumiglas ko.
"Ano na naman ba kasi ang kailangan mo?" Tanong ko, pero hindi pa rin niya ako kinikibo.
Hindi na rin ako nakapanlaban nang naipasok niya ako sa kotse niya. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko sa kaba? Ano na naman ang gagawin niya sa akin.
"Do you need a fuck?"
Hindi siya nakapagsalita at blanko na lang na napatingin sa manibela.
"Last time na nandito ako, muntik mo na--"
"I'm sorry ok? Hindi ko sinasadya."
"Hindi sinasadya. Putangina! Hindi sinasadya?! Alam mo hinahayaan lang kita na saktan mo ko, kasi nagbabakasakali ako na baka doon ay mapatawad mo ako Nikko. Hindi ko inakala na aabot sa ganoon ."
"Oo papayag ako na saktan mo ako Nikko, pero babuyin ako hindi. Dahil sobra na Nikko sobra na." Tuluyan na akong napagulgol, hindi na ako nakapagpigil, wala na akong pakialam kung magmumukha akong mahina sa harap niya, ayoko na, di ko na kaya.
"Kung aalis ka, at paplanuhin na pabagsakin ako, sige gawin mo. Mawala ka lang sa buhay ko." Laking pasasalamat ko at nabuksan ko ang pintuan ng kotse niya.
Para na akong sasabog sa galit sa galit, muntik ko nang masabi ang lahat, buti ay nakapagpigil pa ako. Ayokong maawa siya sa akin dahil doon. Huwag na lang, ayoko na rin naman na bigyan siya ng dahilan para bumalik pa sa buhay ko.
Di bale na lang, kung kinaya ko ng 3 taon na wala siya, ano pa kaya kung pang-matagalan na. We are obviously not meant for each other.
Isang buwan na lang din ang titiisin ko. Mawawala na rin siya sa landas ko.
"Erisha grabe kanina ka pa namin pinaghahahanap. Kung saan saan ka pa dinala ng Nikko na iyan. Sabi niya sa resto lang kayo e." Biglang nanlaki ang mga mata ko.
"Watch your mouth Michael." Natampal pa ni Taylor ang bibig ni Michael.
"Nevermind it E." Sabay pa nilang sabi at inaya na akong pumasok.
"Nevermind? Just nevermind? Alam niyo ba ang ginagawa ng Nikko na iyan sa'kin? Gusto niya akong sirain uli? Galit na galit siya sa akin." Tila hindi makapaniwala ang dalawa, dahil maayos rin naman kasi ang pakikitungo ni Nikko sa kanila, at saka lang naman siya bumabait sa akin kapag may kasama kaming dalawa,
"Sorry Eris, we did not know, we just wanted to help you." Hinawakan ni Taylor yung kamay ko pero lumayo ako sa kanya.
"Help me? Palibhasa kasi hindi niyo ako naiintindihan!" Napasigaw na ako, hindi ko na mapigilan dahil na rin sa frustration ko mula kanina pa, tapos malalaman ko na kakuntsaba sila ni Nikko, kaya pala ang tagal nila sa restroom a?
"Erisha, paano ka ba namin maiintindihan kung hindi mo sinasabi sa amin. Hindi kami manhid friend, para hindi namin maramdaman na may dinadala ka na kung ano problema." Napailing na lang si Michael sa akin.
"We thought that talking to Nikko might help, because he wanted to talk with you these days, masyado ka raw kasi ilag." Dagdag pa ni Taylor.
"Pasensya ka na Eris, hindi namin kasi alam. Sa susunod di na kami mangingialam." Tinalikuran na nila akong dalawa at iniwan na lang ako na mag-isa na nakatayo doon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top