Chapter 20
"Eris"
Natauhan ako sa boses ni Mark, nasa harap ko na pala siya at nilalagay na niya yung order naming dalawa.
"Kinakabahan ako, one week na lang kasi fashion show na namin."
"Everything will be fine Eris, I know you are doing your best."
I lied to him, well medyo hindi dahil kinakabahan din naman ako sa fashion show namin, I dont know if magki-click ba? Magiging successful ba?
Pero hindi naman ako masyadong binabagabag ng bagay na iyon. I know na mairaraos namin ng maayos ang show. My two friendly friends, hindi na nila ako masyadong pinapansin ngayon.
Hindi na nga nila ginugulo si Mark, kapag nakakasalubong nila ito, ngingitian na nila ito, na dati ay pinaparinggan at binabara pa nila, minsan naman may kasama pang irap. Masaya ako kahit papaano at naging mabuti na rin ang trato nila kay Mark, but in my side? Not really.
Tila lumayo na silang dalawa sa akin, dati ay halos gawin nilang opisina itong office ko, pero ngayon ay kung pupunta sila dito ay magpapapirma na lang ng kung ano.
Pinapansin pa rin naman ako, Yes kailangan nila, because I'm the boss here. Kailangan talaga nila akong kausapin to tell whatever updates they have under sa kanila.
Kasalanan ko rin naman kasi, akala ko kasi ay may kalokohan na naman silang gagawin. Hindi ko kasi inakala, na gusto lang nilang makatulong masyado naman nila kasing minasama.
Ayoko rin naman kasing kimkimin itong bagay na ito. Ayoko lang naman na mag-alala pa silang dalawa sa akin.
"Ang lalim na naman ng iniisip mo Eris, hindi mo man lang namalayan na kinukuha ko yung tempura mo." Sinamaan ko siya ng tingin kaya isinauli niya uli sa akin yung tempura.
"Sila Taylor na naman ba yan?" Tumango ako sa kanya.
"Nakausap mo na ba sila?" Umiling ako.
"Hindi kasi ako makahanap ng tiyempo, lagi silang umiiwas sa akin." Sabi ko habang pinapaikot ko sa tinidor ko yung noodles ng carbonara.
"Everything will be ok Eris, kailangan niyo lang talaga na makapag-usap na tatlo, to clear things out."
Napatingin ako bigla doon sa kamay niyang nakahawak sa kaliwa kong kamay.
"I'm sorry Eris." Aniya sabay alis ng kamay niya. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Kain na lang tayo."
"Tama." Pagsang-ayon niya at kinuha na niya yung tempura ko at kinagatan kaagad iyon.
"Mark!" Pinandilatan ko siya ng mata.
"Gusto mo?" Aniya at sinusubuan pa niya ako ng kinagatan niyang tempura. Kaunti na nga lang yun dahil ang laki niyang kumagat.
"Huwag na!" Inirapan ko na lang siya at kinain yung carbonara na kanina pa nakapaikot sa tinidor ko.
"Hala, galit ka na. Sige na nga kahit ipagtake-out pa kita niyan."
"Good." I grined.
.....
Kasama ko ulit si Mark pabalik sa office, pareho naming kinakain yung tempura na tinake-out naming dalawa.
"Sa susunod pagdala mo ulit nito." Sabi ko habang kinuha ko sa kanya yung huling tempura, nabitin kasi ako dahil nakihati pa siya sa akin. Masarap nga naman kasi.
"Sure, dalawang box pa kung gusto mo." Pagmamayabang pa niya.
"Tapos makikihati ka na naman."
"Siyempre." At wala sa loob kong naihampas yung box sa kanya. Pero bigla akong napatigil nang nakarinig ako ng pagtikhim, kasama nila Taylor si Nikko. Nakatingin siya sa akin.
Hindi ko sigurado kung nakatingin ba talaga siya, dahil agad din akong nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
"Mr. Sarmiento dito na lang po tayo." Aniya at pumasok na sila sa loob ng conference hall.
Napayuko ako. Ni hindi man lang ako pinansin nung dalawa, parang wala naman ako sa paligid nila. I really need to talk to them, hindi ko na matiis itong sitwasyon namin ngayon.
"Sabi nang ayaw kong nakikita na nalulungkot ka Eris diba? Ang kulit mo." Malambing na sabi ni Mark.
"Sorry, I just can't help it."
"Ano ka ba, kaya mo yan. Ok? Magkakaayos din kayong tatlo." Mapait akong napangiti sa sinabi niya.
"Sana nga Mark, ayoko na kasi ng ganito. Hindi ako sanay." Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong niyakap.
"Oops, I just want to comfort you."
"Alam ko." Napaiwas ako ng tingin sa kanya at saktong paglingon ko sa ibang direksyon, nakita ko si Nikko na nakatayo at nakatingin sa direksyon namin. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Tara pasok na lang tayo sa loob."
"Sure."
Umalis din si Mark sa office, may emergency meeting kasi sila.
Nag-angat ako nang tingin , agad silang napahinto na dalawa.
"Eris, may ipapatingin sana kami sa--"
"Pwede ba tayong mag-usap? Please?"
"Sige." Papunta sila doon sa couch ng office.
"I would like you to sit here, para naman akong iba sa inyo." Itinuro ko yung dalawang upuan na malapit sa desk ko, pero ako na rin yung mismong lumapit sa kanila. Napabuntong hininga na lang ako dahil parang wala silang narinig sa sinabi ko.
"I'm so sorry I should not done that." Mapait na napangiti silang dalawa sa akin.
"Apology accepted E, we understand." Tuluyan na akong napangiti sa sinabi ni Taylor na iyon.
"Saka may kasalanan din naman kami, kasi pinangunahan ka namin, at baka kasi hindi ka pa handa." Dagdag pa ni Michael.
"Kahit na hindi ko pa rin uulitin yung ginawa ko sa inyong dalawa, halos pamilya ko naman na kayo."
"Awww we are so touched." Nagtawanan na lang kami at nag-aya si Michael ng group hug.
"But Eris, dont tell na nagkakamabutihan na kayo ni Mark. Are you allowing him to court you." Biglang naging seryoso ang mukha ni Taylor.
"Hay nako Erisha, hindi porque mabait na kami kay Mark ay hindi ibig sabihin boto na kami sa kanya. Never, never, never."
"We will kurot-kurot your singit when that happens."
"Walang namamagitan sa amin ok? We're just friends." Sagot ko at agad nila akong sinamaan ng tingin.
"We're just friends your face."
"Gusto ko bang totohanin ko yang pagdududa niyo."
"Ay siyempre hindi. Friends lang naman talaga kayo right." Ani ni Michael na biglang umamo yung mukha.
"Right?"Singit pa ni Taylor
"Oo naman."
"Ang saya naman nagkabati-bati na po kayo. Hindi po ako sanay na tahimik itong office."
"Siyempre naman, matitiis ba namin ang Erisha namin. Baka mamaya, nawala lang kami, sila na nung kumag na Mark na yun. Babantayan namin siya."
"Ok, but I would like to remind po na may meeting po tayo mamayang 10 am." Sabay kaming tatlo na napatingin sa orasan, it's alteady quarter to 10."
"Ay oo nga! Shet teka!" Sabi ni Michael at kumaripas na ng takbo palabas ng office.
"Team Nikko pa rin ako!!" Sigaw pa niya.
Pareho kaming naglalakad ni Taylor sa conference hall.
"Is everything ok Eris."
"Kaunting preparation na lang." Sagot ko, talos biglang nahulog yung hawak kong folder.
"Hay nako E, dont be so tensed. You strived hard for all of this. Everything will be fine." Aniya habang tinutulungan niya akong pulutin yung mga yun.
Sabay sabay din kami na pumasok sa conference room. Kami na lang pala ang hinihintay doon, well ok lang naman dahil nakarating kami dito ng 10, hindi kami late.
Nandito lahat ng board members, heads and some employees sa room. I took a deep breath bago ko simulan ang lahat.
"Good morning to everyone."I smiled at them, then they greet me back.
"Amaya clothing line become one of the most famous clothing line in just in our first two years, known for its quality, simplicity and elegance and most of all we offer them good clothes in an affordable price. Now may I present to you, our first runway show.
I've presented them the advertisements, the clothes for runways and even the models, and I include myself for that.
"We have already a week to prepare for the show, so we must all do our best to make the show successful. Dahil bawat isa sa inyo ay may contribution to its making, I would like to thank all of you in advance. Good job everyone." Nakangiti kong sabi sa kanila.
Nakahinga ako ng maluwag na nagsipalakpak sila sa akin, yung iba ay lumapit sila at sinabi na nagustuhan nila yung presentation ko. I am so very happy of that, dahil naappreciate na ang mga pinaghirapan namin.
Nauna nang lumabas yung mga board members saka yung ibang mga heads, doon nahagip ng mga mata ko si Nikko. Narito rin pala siya, ni hindi ko man lang napansin.
Nakatingin lang siya sa akin habang papalabas kami ni Taylor sa conference room.
Gusto ko siyang lapitan, basta I have the urge na lumapit sa kanya, pero pinili ko na lang na ngitian siya, bago pa man kami tuluyan lumabas ng conference room at laking gulat ko na lang na nginitian din niya ako pabalik.
.....
May nagbabasa pa ba? hahaha. Sorry for looooooooong no update. Sana mapatawad niyo pa ko hahaha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top