ENTRY#8
"like them how?"
Nasa tree house kami ni miggy at kumakain ng meryenda. May dala siyang pizza, sabi ko dito nalang kami tumambay para makalanghap ng sariwang hangin.
"mukha naman silang mabait tsaka masaya kasama"
"wag ka agad magtitiwala sa mga taong na meet mo palang"
"hindi ko nasan sinasabi may tiwala ako ang sabi ko masaya sila kasama"
"sasama ako sa paghatid sa iyo bukas"
"w-wag na si kuya nalang"
"ang mommy at daddy mo? hindi ka nila ihahatid sa dorm?"
"busy sila, actually wala sila ngayon nasa kung saan nagbabakasyon"
"ayo ka lang ba?"
"oo naman"
Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko sa pag alis ko bukas, nagkasundo kami ni mommy na uuwi parin ako kada tapos ng klase ko tuwing sabado. Basta daw uuwi padin ako isang beses sa isang linggo.
Pero hindi ko rin maiwasan malungkot siguro ganito talaga ang pakiramdam kapag nanatili ka sa isang lugar tapos kailangan mo ng umalis. Pero mas lamang ang excitement na magkakaroon ako ng panibagong environment.
Idagdag pa na mukhang masaya kasama sina kezia at carmela. Sana lang maging magkakaibigan talaga kami at tumagal.
"mag iingat ka doon ah, update me angel."
ngumiti ako "oo naman"
"be careful specially with men"
Natawa ako sa sinabi niya "miggy, tignan mo nga ako. Hindi ako ang tipo ng babae na habulin 'no. sino naman magkakagusto sa akin doon"
"who told you that?"
"I just know"
"I'm gonna miss you" malambing niyang sabi.
Binaba ko ang kinakain at pinagpag nag kamay. Ako ang unang yumakap sa kanya.
"i'm gonna miss you too"
Mahigpit din niya akong niyakap. He burried his head in my shoulder and inhale sharply. hindi pa naman ako nagpabango baka kung ano ang amoy ko.
"it's not that far but where both gonna be busy I hope you won't forget about me"
after we eat pinauwi ko na si miggy dahil tatapusin ko pa ang pagiimpake ko. Hindi ako makapag decide if dadalhin ko ba ang binigay niyang teddy bear ko iiwan ko nalang dito para may nakahiga parin sa kama ko.
I couldn't sleep that night. I can't stop my deep sighed. too many scenarios is running inside my head.
I said goodbye at my mom in the phone she keep insisting na wag nalang sana ako mag dorm para maalagaan ako pero maliban sa maayos na pagkain hindi ko malaman anong pagaalaga ba ang kailangan.
aaminin ko na nakakatampo ang ginagawa ni mommy pero wala akong lakas ng loob kwestunin ang mga desisyon niya sa buhay. I wonder if ganoon ba talaga ang mag mahal, gagawin ang lahat. If that the case nakakatakot naman pala.
If love makes me hurt someone, I don't want it. I'll let go because I know how it feels to be set aside for someone's own happiness.
"bunso! matagal ka pa ba?"
Tinignan ko ng huling beses ang teddy bear bago hinila paalis ang maleta ko. Isang back pack at suit case ang dala ko. Puro damit at libro.
Pagbaba ko sa sala nakita kong nakaupo si miggy at si kuya sa sofa. Tumayo si miggy ng makita akonat tinulungan ako dalhin ang mga gamit ko.
"call me anytime." may alinlangan ang mata ni miggy.
"stop babying her miggy she needs to grow"
Magkakasabay kaming lumabas ng bahay. si miggy ang nag ayos ng gamit ko sa sasakyan ni kuya. Pinagbuksan niya rin ako ng pinto at inayos ang seatbelt ko.
"pag may nambastos sa'yo sumbong mo sa kain"
"why? ako ang kuya ako muna"
Sinimangutan niya si kuya. He kissed my checks and closed the door. I just looking at him while the car is moving away. Napabuntong hininga ako habang tinitignan ang malungkot niyang mga mata.
"sure ka bang hindi kayo?"
"kuya!"
"alam mo bunso, hindi ako naniniwalang may lalaki at babaeng ganyan ka close na mag bestfriend lang"
"malisyoso ka"
Lunch time na kami dumating sa dorm I can hear people insede. Nandjan na siguro sila.
"Hello!" isang lalaking mukhang 10 years old ang sumalubong sa akin pagpasok kinindatan niya ako. "hi ate ganda! dito ka din?"
My brother laught. ako nakatayo lang at hindi alam ano gagawin.
"hoy butchoy!" lumapit sa amin si carmela at binatukan ang bata "14 ka lang umayos ka!"
"boyfriend mo ate ganda" sulyap niya kay kuya
Lalong lumakas ang tawa ni kuya. Inakbayan niya ang bata at sinama papasok habang hila ang maleta ko.
"Pasensya ka na sa kapatid ko feeling pogi talaga siya madalas"
"pogi naman talaga ako" sigaw ng kapatid niya sa loob.
"sinasabi ko sa iyo kapag nakabuntis ka ng maaga ako unang tatakwil sa'yo!" sigaw ni carmela pabalik.
"si kezia?"
Inangkla niya ang braso sa akin at inakay ako papasok.
"Nagaayos sa cabinet niya."
Hindi ganoon kalawak ang sala. May isang mahabang at dalawang single sofa sa harap ng t.v, kita mo agad ang kusina at isang pinto sa gilid kung saan nandoon ang kwarto.
"tay! nay! si angela"
Ngiti lang ang nagawa ko ng ipakilala ni carmela ang parents niya. Inaayos nila ang isang cabinet. Si kezia ang nasa isang cabinet at nag aayos.
"Nag lunch ka na ba hija? nag order na kami para sa lahat" ngumiti sa akin ang nanay ni carmela.
"hoy carmela! mahiya ka nga sa magulang mo" sita ni kezia.
"okay lang" sabi ng tatay niya. "kapag nag asawa na kayo. Puro ganto na ang gagawin niyo lalo kapag maraming anak, nako! kaya hayaan mo nang kami muna gumawa nito"
Nagtubig ang mata ko. Nakakainggit ang lambing na pinapakita ng tatay ni carmela sa kanya.
"wait lang ah"
Tinanggal ko ang pagkaka angkla ng kamay niya at pumunta sa kusina para hanapin ang kuya ko. May bukas na pinto doon. Sumilip ako kung ano meron, washing machine at dryer. open ang likod pero may fench.
Nakatayo si kuya at chine-check ang lugar.
"parang hindi safe iyong lugar sure kayo dito?"
"ito ang pinaka malapit sa school at tsaka maganda na iyong price given na hindi naman sa amin ang gamit at package na sa bahay" sagot ko.
May puno ng bayabas sa gilid tapos bakanteng lote na.
"excuse me"
sabay kami lumingon ni kuya kay carmela
"lunch tayo, tara?"
Nasa sala na sila at inaayos ang mga delivery food. Iyong kapatid ni carmela kumakain na ng fries ang parents naman niya pinagkuha siya ng pagkain.
"mama, si angela."
"h-hello po"
Ngumiti sa akin ang mama ni kezia. Dahil nahihiya ako ay konti lang ang kinuha ko. Halatang matagal na magkakilala si kezia at carmela dahil kilala din sila ng pamilya ng isa't isa.
"ang parents mo angela? anong trabaho nila" tanong ng nanay ni carmela
"p-po?" na blangko ang utak ko.
"Our dad is a lawyer and actually manages a law firm. Our mom is a good baker, but she's not selling her cakes right now and chooses to be a simple housewife." si kuya ang sumagot.
Ilang akong ngumiti.
"There is nothing simple about being a house wife." Nakangiti sa amin ang tatay ni carmela.
" oo naman mahirap na trabaho iyon" sang ayon ng mama ni kezia.
Naunang umalis ang pamilya ni Carmela. Panay ang batok niya sa kapatid pero niyakap naman niya ng mahigpit. Napapangiti nalang ako sa bangyan nila, pareho silang maingay at walang gusto magpatalo. kahit ang parents niya nakikisali sa asaran.
Umalis na din si kuya dahil kailangan pa daw niya mag review. Pumasok na ako sa kwarto para ayusin ang mga gamit ako, si carmela nakahiga na at nag scroll sa phone.
"uwi na ako" paalam ni kezia.
napabangon si carmela. "ha!?"
"next week na ako papasok wala naman gagawin sa 1st week eh puro introduce yourself lang iyan"
"edi gala nalang tayo! sa sabado ka na umuwi!"
"ayuko!"
"paano ako kakain?"
Tinuro ako ni kezia "marunong ka mag luto?"
Umiling ako. "hindi eh"
"past food muna kayo. Wag niyo pasabugin kusina ko"
"parang tanga naman" napapadyak si carmela.
"tara labas na inaantay ako ni mama"
Hindi ko alam bakit lalabas pero hinila na ako ni kezia. Hinatid namin sila kezia hanggang sa pinto. Nanibago ako dahil hindi ko naman nakasanayan ang ganito.
"bye tita!" nakasimangot si carmela habang nag we-wave ng kamay.
"bye po" ginaya ko nalang ang ginawa niya.
Naiwan nalang kaming dalawa ni carmela. Tinatadtad niya ng message si kezia pagbalik namin sa kwarto. Pinagpatuloy ko nalang ang mag-aayos ng gamit.
Katulad ng sinabi ni kezia sa fast food kami kumain ng hapunan, pagdating ng kinabukasan sa school na kami kumain. Kahit masarap ang fast food mas gusto parin daw ni carmela ang lutong ulam. Para daw kunyare lutong bahay parin.
"Why engineering? "
Tanong niya habang kumakain kami ng lunch. Wala kaming ginawa ngayon buong umaga kundi tumambay sa canteen. Wala kaming morning class pero pumasok kami ng maaga para dito mag almusal.
Nag isip ako ng matagal pero wala ako maisip na sagot sa tanong niya.
" Di mo rin alam? Patay tayo djan ano sasabihin natin pag nagtanong ang prof"
Chicken fillet ang ulam ko kay carmela naman dalawang lumpiang lumpiang togue at adobong manok. Malakas daw kasi siya mag ulam kahit 1 cup of rice lang.
"Why engineering?" Balik kong tanong
" To tell you honestly gusto ko maging engineer pero why ece?" tumulala ito saglit " doon kasi pumila si kezia"
Nagtawanan kami.
"But physics really gives me curiosity I like discovering things. I want to explore technology and maybe, if lucky, create something new and helpful. But really, it started with curiosity,"
"may sagot ka na pag nagtanong ang prof"
Our subject for today is basic electronics. Pagpasok palang nain sa room naglabas na ako ng binder.
"what for?" tinignan ako ni carmela habang naglalabas ng pencil case
"pag nag lecture ang prof"
"di iyan" nag scroll lang ulit siya sa phone.
"hello class" bati ng prof namin. "I'm Engr. Ortega and i'll be teaching you the basic in electronics but because it's the first week of school year hindi naman ako malupit para mag lecture agad" ngumiti ito.
Binalik ko ang notebook at pencil case ko sa bag.
"pero dahil hindi ko kayo kilala, If I call your name, step forward. Introduce yourself, tell us something about you, tell me why you chose this course, and show us your talent."
Naghiyawan ang lahat! ang iba na excite ang iba nagrereklamo! now parang dapat sinundan ko ang yapak ni kezia na hindi pumasok sa 1st week.
"Let's start with..."
"shit! letter A ako" bulong ni carmela sa gilid.
"Ms. Carmela Inessa Abades"
"t*ng*na ako pa talaga unang-una" malalim ang buntong hininga nito bago tumayo.
Lahat ng mata ay nasa kanya. Ngayon ko lang napansin sila cindy sa gilid dahil nagtatawanan sila. Kahit iyong si poseidon ay naka upo pala sa likod. Sila lang ang pamilyar ang mukha sa akin.
"Hi everyone, my name is Carmela Inessa Abades. I like reading books and I'm a dancer. I study engineering because..."
tumingin siya sa akin. I mouthed 'yey' so support her.
" I'm curious about a lot of things. "
Nilabas niya ang phone niya at pinatong sa arm chair na nasa harapan. Naghiyawan lahat ng tumugtog ang gangnam style by psy at sumayaw si carmela. she's shy but her moves is sharp. Pumalakpak ako after dahil nagalingan ako sa kanya.
Pagbalik niya sa tabi ko pinaghahampas niya ng mahina ang balikat ko at doon sumobsub. Gusto ko tabigin ang ulo niya dahil nailang ako.
"shit! nakakahiya"
"hala? hindi ah! ang galing mo kaya"
Umahon siya na tatawa-tawa. Sumandal siya sa arm chair at tumingin sa akin.
"anong talent mo?"
uminit ang pisngi ko. Wala akong talent.
"thank you mr. Anderson, next is Ms. Iris Regine Benavente"
Pumunta sa harapan ang isang babae na naka jacket na itim, tinanggan niya sa isang tenga ang earphone niya.
"my name is Regine. Ang motto ko po sa buhay ay lahat naman tayo mamamatay" Walang pangaalinlangan niyang sabi.
"what?" sabi ng prof namin.
"Gawin lang natin ang gusto natin dahil lahat naman tayo mamamtay. Kung feeling mo nakakahiya o napahiya ka okay lang iyan lahat naman tayo mamamatay. Kung may kaaway ka gusto mo siyang saktan wag ka na mag aksaya ng galit isipin mo nalang, mamamatay din iyan someday"
Lahat kami natulala at natahimik sa sinabi niya. Kahit ang prof namin hindi nakahanap ng sasabihin.
"wala po akong talent, thank you" at bumalik na siya sa inuupuan niya.
Naramdaman ko ang pagdikit ng balikat ni carmela sa akin kaya nilingon ko siya.
"I like her" bulong niya.
"what? she's weird"
Ngumisi ito. "Trust me, I'm weirder."
Naghihiyawan halos ang lahat ng lalaki sa room ang iba tawa ng tawa, kahit si carmela tawa ng tawa at pumapalakpak pa.
"wag kang excited okay malayo pa iyon?" sabi ng prof namin kay regine.
Tinignan niya ang master list at nagtawag ng susunod na mag introduce. habang tumatagal ay mas lalong tumitindi ang kaba ko.
"Ms. Kezia Beatrice Jaralve?"
Naglingunan ang mga classmates namin dahil walang tumatayo.
"May sakit po hindi pumasok" sabi ni carmela.
"wala naman siyang sakit ah" bulong ko.
"alangan naman sabihin ko tinatamad edi na offend iyong prof." bulong niya pabalik.
"okay next tayo. Miss Angela Lilliana Laxamana"
Kumalabog ng matindi ang puso ko. Hindi ko alam ano sasabihin!
"H-hi" halos bulong ko sa hangin. "My name is Angela"
I don't have any hobbies. I don't have anything.
Nakatingin silang lahat sa akin kaya lalo akong hindi nakapag salita.
"I choose this course because.."
Carmela is snapping her finger. tinuturo niya ang sarili niya, sa kanya lang ako tumingin kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko.
why engineer ? bakit nga ba?
"I want to understand the technicalities of this world." pagbasa ko sa tinaas na papel ni carmela "wala po akong talent"
Dumiretso ako ng upo at sumobsob sa mesa. Nakakahiya!
Naramdaman ko ang pagdagan sa akin ni carmela.
"okay lang iyan. Isipin mo nalang iyong sinabi ni regine kanina. 'if feeling mo nakakahiya, mamamatay naman tayong lahat someday'" sinundan niya iyon ng tawa.
Pampalubag loob ata ang statement na iyon kaya ganoon.
Hindi na ako nakinig sa mga sumunod na tinawag. Nag scroll nalang din ako sa phone katulad ni Carmela na busy dahil may ka-text.
Nagulat ako ng nag pop up ang message ni mommy. agad kong binuksan ang message niya.
--
mommy:
Bunso, uwi ka muna please mommy needs you
--
kinabahan ako. May nangyari na naman ba?
After class nagmamadali akong tumayo.
Hinawakan ni carmela ang braso ko "hoy! saan ka?"
"I need to go home"
"h-ha?"
Tinalikuran ko siya agad. Hindi ko matandaan ano ang sasakyan dahil kasama ko sila carmela last time kaya sumakay nalang ako ng taxi kahit gaano umangal pa ang driver noon sinabi ko saan ako pupunta.
"magbabayad po ako kahit gaano kamahal"
Halos gusto ata lumabas ng puso ko sa kaba. Ano na naman kaya ang nangyari!?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top