ENTRY#9
Hingal na hingal ako pagpasok sa bahay. Hinanap ko agad si mommy.
She's supposed to be on vacation with Daddy. What happed now?
Una kong tinignan kung may tao ba sa guest room, Kapag kasi nag-aaway sila ni daddy ay sa guest siya natutulog pero wala doon kaya pumunta na ako sa master's bed room at kumatok.
"mom?"
Agad na bumukas ang pinto at agad na sumilay ang malawak na ngiti sa mommy ko.
"bunso you're home"
Niyakap niya ako pero marahan ko siyang tinulak para tignan ang kundisyon niya. ayos naman siya hindi rin umiiyak.
"ano pong nanyari bakit niyo po ako pinapauwi?"
"Kumain ka na ba? nagpaluto na ako ng dinner tara sabay na tayo"
Hinawakan niya ang kamay ko para hilain papunta sa kusina. Hinayaan ko muna siyang tumulong sa mga katulong maghain ng nasa tabi ko na si mommy ay tsaka ako nagsalita.
"si daddy?"
"may emergency ang daddy mo kaya mas maaga kami umuwi." simple niyang sabi
Nagsalin siya ng pagkain sa plato niya at sa plato ko pero hindi ko parin dinadampot ang kutsara,
"so ??" nakatingin lang ako sa kanya.
"ang lonely ko naman kasi dito anak. wala ang daddy mo, wala ang kuya mo tapos wala ka pa"
Nanghihina akong napasandal. Buong byahe papunta dito ay hindi ako mapalagay, mabilis na kumakalabog ang puso ko sa pag-aalala.
"mommy naman" halos hindi ko mabigkas ng malakas.
sinimangutan niya ang naging reaksyon ko. "hindi ka ba naawa sa akin? mag-isa lang ako dito"
"ang laki ng ginastos ko pabalik dito"
Binaba niya ang kubyertos. Hindi ganoon kalakas pero matunog, hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Bumaling ang katawan niya sa akin.
"magkano? bakit ba kasi kailangan mo pa lumayo? ang dami-dami naman dito doon mo pa gusto. Paano naman ako? "
Hindi na ako nagsalita. Ayuko na makipagtalo kaya nagsimula na akong kumain pero hindi ko halos malunok ang kinakain ko kaya nakailang subo lang ako.
Hindi pa kami tapos kumain ng pumasok si daddy sa kusina. Nagulat kami ni mommy at si daddy nagulat na nasa bahay ako.
"Pinauwi ko si angela kasi akala ko hindi ka makakauwi" sabi ni mommy habang pinagsasandok si daddy ng pagkain.
Hindi ko mapigilan mainis pero hindi ko maisatinig. Pakiramdam ko nasayang nag effort ko pabalik dito. Pareho ang sinabi ni daddy kay mommy pero may dagdag na sermon.
"mag transfer ka na sa malapit na unversity mas malaki lang din ang gastos doon. Mas malaki ang allowance mo dahil may binabayaran ka pang bahay."
Kung kanina hindi ko malunok ang pagkain ngayon ay hindi na talaga ako sumusubo. Pumait ang panlasa ko.
"Ang kuya mo kasi need talaga sa manila mag Law dahil nandoon ang magagandang university para sa kanya. Iyong course mo makikita naman iyan dito sa cavite."
Naglabas na ang katulong ng desert. Pinabayaan ko lang silang kumain at ng tapos na ay nagpaalam na akong aakyat sa kwarto.
Kinuha ko ang phone para sana mag message kay carmela ng sorry dahil iniwan ko siya pero naalala ko wala pa pala akong number ng dalawa. Napatulala nalang ako, kung hindi pa dahil sa pagtunog ng phone ko ay baka hindi ako kukurap.
--
Miggy:
Pahiram muna ng tree house mo.
---
Sakto naiinis ako at doon ko din gusto punta. Mabuti nalang nandoon siya. Nagbaon ako ng snacks para may ngatngatin kami.
Pag-akyat ko sa tree house Nakita ko agad si miggy na nakasandal at may pinapanuod sa phone niya. Naka earphone siya at seryosong seryoso. He's wearing a white v-neck shirt like always and a blue strips pajama.
Binaba ko ang snack namin pero hindi niya parin ako napansin mukhang ganoon ka interesting ang pinapanuod niya.
"anong pinapanuod mo"
Kinuha ko ang isang earphone at nilagay sa tenga ko. Nabigla siya at nagpanic dahil mabilis niyang binaba ang phone bago ko pa makita anong nasa screen.
"aahh! Ahhh!" iyon ang narinig ko sa earphone bago niya agawin.
"h-hoy! Bakit nandito ka? S-sabado pa dapat uwi mo ah?"
Namumutla siya habang pinapasok sa bag ang phone na nakakabit pa ang earphone.
"bakit umuungol iyong babae? Ano pinapanuod mo? Patayan? Mystery?"
"hindi ako nanunuod! Nag babasa ako sa phone habang may music. Anong naungol? Guni-guni mo lang iyon."
"music? Audio book? Penge copy gusto ko rin ng audio book"
"hindi nga!"
"eh bakit ka namumutla? Para kang nakakita ng multo. Horror iyan noh? Damot naman nito, pahingin copy!" sinimangutan ko siya.
Hindi naman niya ako pinagdadamutan dati ng movie. Nakakatampo.
"a-anong dala mo? oy chicha!"
kinuha niya ang mga dala ko at nagbukas ng isa.
Kilala ko si miggy pag nagsisinungaling ay mabilis ang pagpitok ng mata. Hinuli ko ang tingin niya at tatlong beses siya nagkisap mata. Napailing ako habang nagbukas na din ng chichirya.
"napaka damot sa pinapanuod."
Naubo siya, tumalsik mula sa bibig niya ang durog na chichirya. Wala pala akong nadala na inumin.
nginuso ko ang bag niya "kunin mo na phone mo, nuod tayo movie"
like always wala naman maghahanap sa akin sa bahay kaya doon nalang ako sa tree house nagpalipas ng gabi. Naka isang movie lang kami at natulog na dahil antok na ako. Nag-alarm ako ng 6am, tutal 1pm pa naman ang pasok ko kaya di ko kailangan umalis ng sobrang aga.
Kinabukasan nagtanong ako sa katulong kung nasaan si mommy pero umalis daw kaya nagbilin nalang ako sa kanila na pakisabing bumalik na ako ng dorm.
Pagdating ko sa school dumiretso ako sa room, wala pa masyadong tao bilang quarter to 1pm palang. Hinihintay ko si carmela ng may kaba sa dibdib, what if galit siya? hindi ko alam ang gagawin kung tatarayan niya ako.
Nilalaro ko ang ballpen ko ng naramdaman kong may nagbaba ng bag sa tabi ko. Alanganin akong ngumiti, walang reaksyon si carmela pagupo at nag scroll lang sa phone.
"c-carmela?" kabado ko siyang kinalabit.
"hmm?" hindi naman galit ang tono niya.
"a-ano nga pala... sorry.. kahapon kasi ano" halos bumubulong nalang ata ako sa kaba. "iniwan kita. Pasensya ka na"
Lumingon siya sa akin at nawala ang takot ko ng ngumiti siya. "ha? hindi ko narinig sorry"
"h-ha?" uulitin ko?
"sorry kinikilig kasi ako sa binabasa ko. Ano nga pala nangyari sa iyo kahapon?" bumalik ang tingin niya sa phone niya. "bakit need mo umuwi? tsaka namumutla kang umalis may nangyari ba?"
"namimiss lang ako ng mommy ko"
"hello" bati ng isang babae at tumabi siya kay carmela. if I'm not mistaken this is regine.
"Angela si regine" kumumpas ang kamay niya mula sa akin papunta kay regine "regine, si angela"
Hindi ako naging komportable parang naging back to zero ang lahat dahil may ibang tao.
"chinika ko siya kahapon and nakumbinsi ko siyang mag dorm yiee apat na tayo sakto para makamura si kezia." balita ni carmela.
Tumango lang ako at kumuha na ng gamit sa bag, the binder and pencil case.
"no need for that baka nga attendance lang ito. first week, remember?" sabi ni carmela.
Tumango lang ako ulit at nanahimik sa tabi niya. Tahimik kaming tatlo kung hindi magsasalita si carmela ay hindi kami kikibo. Pinag-attendance lang kami ng prof at dismiss na. Panay ang reklamo ni carmela na gutom na gutom na siya.
"kasalanan mo 'to iniwan mo ako kahapon" hawak niya ang tiyan niya "Tinatamad kasi ako kumain mag-isa samahan niyo ako"
Pagkasabi niya ng 'niyo' doon ko lang napansin na nasa likod pala namin si regine at nakasunod sa amin. May ka text ito kaya mabagal na naglalakad.
"sorry! libre nalang kita" Kinakabahan ako sa sinabi niya kaya gusto ko bumawi. "sorry talaga"
"okay lang mommy mo iyon." inangkla niya ang braso sa akin "tsaka ba't ka ba sorry ng sorry"
"b-baka kasi galit ka"
Kumunot ang noo nito "dahil sa sinabi ko na kasalanan mo?"
Nilingon nito si regine kaya napalingon din ako. Baka kasi nadapa na iyon kakatext.
"hindi mo ba alam ang salitang lambing?"
Hinila ni carmela ang mangas ng t-shirt ni regine para maglakad siya ng mabilis at pumantay sa amin and also muntik na siya madapa dahil may poste.
"lika na nga! tigilan mo na kaka-sorry maliit na bagay hindi ako mababaw"
Pasimple akong napangiti. Nag dinner lang kami at bumalik na sa dorm. Si regine baka next week daw lilipat, mukha naman siyang mabait pero medyo naiilang ako dahil may pagkatahimik din katulad ko parang pagpinagtabi mo kami wala kaming magiging usapan.
Kasabay ng paguwi ni kezia the next week ay lumipat si regine. Akala ko magugulat si kezia pero parang alam niya lahat tipong nakasama din namin siya whole week.
Doon ko narealized na may constant communication sila ni carmela, hiningi ko ang number nila at kahit naiilang kay regine narin. Para akong bata na tuwang-tuwa dahil may ibang pangalan na sa phonebook ko.
Unti-unti na akong nasasanay sa dorm at sa mga kasama ko. Unti-unti rin ako dumaldal dahil sa kanila minsan nagugulat ako sa sarili ko na kaya ko pala gumamit ng libong salita sa isang araw. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng girls friends at pag hindi kami busy chismis to the max!
Madalas din ay para kaming mga batang naghihintay sa nanay nila kapag kakain na dahil nakatingin lang kaming tatlo kay kezia habang nagluluto. pare-pareho pala kaming hindi marunong.
Ilang linggo pa ang lumipas at nasanay narin sa bahay na tuwing weekend lang ako nauwi. Hindi naman na naangal si mommy.
"kezia why engineer?"
Nasa kwarto na kami at parehong nasa study table para magsusulat ng notes. Naalala ko lang bigla tanungin siya dahil wala siya ng 1st week.
"kasi gusto ko maging engineer"
Si carmela at regine lumabas para bumili ng kwek-kwek sa kanto. May exams kami bukas kaya nagrereview kami ng malala dahil unit test iyon.
"why ece?"
"kasi gusto ko maging engineer"
"ahhh"
Binitiwan niya ang green niyang highlighter at bumaling sa akin.
"bakit ikaw?"
Umiling ako. Hindi ko parin alam basta natutunan ko nalang maging masaya sa course na ito dahil sa kanila. Tumagal kami ng 4 months magkakasama na hindi nag-aaway. And finally I have friends now. iyong akin talaga.
"Kung hindi mo gusto ang course mo habang maaga palang mag quit ka na hindi ka magiging masaya"
Bumalik siya sa paggawa ng notes.
"hindi ko rin naman alam ano ba gusto ko" pag-amin ko.
"Kung hindi mo alam anong gusto mo ibang tao ang mag de-decide para sa iyo. Therefore, you should start getting to know yourself because once you do, other people won't be able to persuade you since you'll know what you desire."
Natigilan ako sa sinabi niya. Saktong bumukas ang pintuan at pumasok si carmela at regine na parehong may bitbit na street food.
"ang dami" reklamo ni kezia.
"ewan ko dito kay carmela ang daming binili" tatawa-tawang sabi ni regine.
"para hindi bitin."
Nagkumpulan kasi sa gitna ng kwarto at kanya-kanyang tusok. Akala ko din marami ang binila nila pero kulang pa sa amin apat. Bumalik ako agad sa mesa ko dahil kailangan mag review.
"baka naman hindi ka matunawan niyan" sabi ni carmela na hinihimas ng taas-baba ang coke in can na hawak.
"Hindi ko kasi maintindihan iyong iba"
Pinakita ko sa kanila ang circuit na hindi ko masagutan. Kung ohm's law ay madali lang naman pero kapag may iba ng hinahanap naguguluhan na ako specially kapag series circuit na ang sasagutan.
"paturo ka kay carmela, paganyan-ganyan lang iyan pero mataba utak niya" sabi ni kezia na nililigpit na ang pinagkainan namin.
Tumabi sa akin si carmela, noong una ay kinakabahan ako dahil baka mainis siya kapag hindi ko mabilis ma gets ang tinuturo niya but she's patience and everytime na naguguluhan ako ay walang reklamo niyang uulitin.
"ahh... ganoon pala iyon" sabi ni regine na nasa likod lang naman the whole time. "pakopya nalang"
Nagtawanan kami dahil sa biro niya. Sa dami ng cctv sa ECE dept. ay hindi ka talaga makakakopya.
Halos 4am na kami natulog. Dapat matutulog na sila ng 1am pero hindi pa ako humiga. Nailang ata iyong tatlo at sinamahan nalang ako, Mabuti nalang rin dahil nakakapagtanong pa ako sa kanila.
8am pagbukas palang ng library ay nandoon na kami. Nag head bang si carmela dahil sa antok kaya nakaramdam ako ng guilt. Mabilis lang kasi siya mag review pero dahil sa akin ay natagalan kami.
Si kezia at regine nag scan lang ng notes ako panay padin ang solve sa mga ciruits. Puro circuits kasi ang tinuro ng prof at dahil mabagal ko naintindihan paano gagawin ay practice ako ng practice.
Ready to fight na ako after lunch at alam kong na practice ko na lahat kaya hindi na ako kinakabhan at alam kong alam ko na anong gagawin sa exam.
Nilagay ko sa silent ang phone ko dahil condition iyon kapag may exam kasama ng all bags sa harapan. bago ko pa ilagay sa bag ay nakita ko ang message ni miggy.
--
miggy:
good luck angel. you can do it. bonding tayo pag-uwi mo.
--
Hindi kami naka alphabetican order kaya magkatabi kami ni carmela at nasa harap namin magkatabi si regine at kezia.
Napangiti ako at mas lumakas ang loob ko pagbalik sa upuan. I can do it! I can ace the exam.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top