ENTRY#7
I finished everything and I'm officially enrolled.
Bumalik kami ni mommy sa bahay ni daddy and told him about my studying at a faraway school. He didn't like it at first pero sabi ni mommy na pambawi nalang iyon sa nangyari kahit nagdadalawang isip ay pumayag si daddy.
They acted like nothing happened. My mom and dad are acting like newlyweds when we get back. sweet sila ulit, nagdadala si daddy ng pasalubong kay mommy and mommy start cooking for dad, again.
Nakita ko na iyon before but i'm hoping this time it will last. Sana totoo ngan nag so-sorry si daddy at sana totoong bumabawi na siya.
Si daddy ang naghatid sa akin papuntang school. kinagulat ko ng husto ang pagpi-prisinta niya.
Today is orientation day for BS electronics engineering. I don't really know what I want pero iba ang pakiramdam ko sa ECE kaya doon na ako pumila. Hindi ko alam kung madali ba siya o mahirap pero ayos lang.
Umupo ako sa pangatlong hilira, ako palang ang nandoon. Limang babae ang nasa harapan ko, iyong tatlo sa kanila maingay na nagchi-chismisan tungkol sa mga pumapasok specially na lalaki sa room.
May tatlong upuan ang pagitan noong tatlong babae sa dalawang babae na nag se-cellphone. para silang kape at gatas, ang isa maputi ang isa morena. iyong maputi panay ang iling at halatang naiingayan sa mga katabi.
"yung naka blue na bag medyo gwapo" sabi noong naka crop top na pink.
"oo nga cindy at maporma" sagot noong isa.
Nakatingin lang ako sa kanila, orientation palang may mga kaibigan na iyong cindy. samantalang ako buong enrolment period wala akong nakasabay.
Naghagikhikan sila tatlo, tumayo naman iyong maputi babae sa gilid nila at lumipat sa hilira ko. Nakaupo ako sa pangalawa sa dulong upuan mula sa kanan. umupo siya sa dulo, kaya umusog ako para mag bigay space sa kasama niyang morena na sumunod sa kanya.
nginitian ako noong morena kaya gumanti ako ng ngiti. Magkakatabi kaming tatlo. Nagsimula na mapuno ang room, maingay padin iyong tatlo babae sa harapan na si cindy lang ang nakilala ko.
Si cindy kasi ang angat sa kanilang tatlo dahil palagi siyang naka make up at magaling siya at umaangat ang ganda niya, medyo matangkad din kaya lang maingay.
"wala ba silang gagawin kundi mag boy hunt" rinig kong sabi ng maputi sa tabi ko. Iritable ang boses niya.
"pabayaan mo na carmela, orientation daw ngayon syempre magmamasid sila" sagot noong morena.
"buti sana kung nagbubulungan sila eh ang iingay parang sinasadya pa nilang iparinig mga ratings nila"
Natahimik lang ang lahat ng magsimula na ang orientation, tatlong section kami ng first year ng ECE. sinabi nila ang rules and regulation ng department at kung ano ang dapat namin abangan sa mga event.
Tumagal lang ng 2 hours ang orientation tapos pinalabas na kami para mag ikot sa campus. Grupo-grupo sila at ako, the usual naglalakad mag-isa.
Nasa likod lang ako noong katabi kong morena kanina, kunyare nalang kasama ko sila mag ikot. Mabagal ang lakad nila kaya binagalan ko din mukhang hindi naman sila interesado sa campus.
"Ayuko ng bed space! Gusto ko dorm talaga iyong atin buong kwarto"
"may dorm naman dito sa school ah?"
"eh! May curfew! Gusto ko iyong kahit anung oras tayo umuwi okay lang"
"ang dami mo namang gusto carmela! Mag uwian ka nalang kaya sa cavite"
"okay na kasi iyong Nakita natin eh bakit ayaw mo?"
"kasi apartment iyon at ang mahal kung dalawa lang tayo mag re-rent"
"edi hanap tayo ng dalawa pa para makamura for sure marami diyan"
Gusto ko silang lapitan at itanong saan banda ang sinasabi nilang bahay. Gusto ko din mag dorm para hindi nakakapagod mag uwian sa ilang oras na byahe pero ang pinaka rason magiging malaya ako kapag nag dorm ako.
"sige humanap ka ngayon araw din, kapag wala kang nahanap bukas na bukas mag register tayo para mag dorm dito sa loob ng school dahil baka maubusan tayo ng slot"
Nag lakas loob na akong lumapit sa kanila, "excuse me."
"magkano ba iyong bahay na pinag-uusapan niyo?"
Ngumiti agad sa akin iyong maputing babae "mag dorm ka din?"
"ungas kaya nga nag tanong gurl"
Ilang akong ngumiti dahil medyo natakot ako sa morena niyang kasama, ang lakas kasi mambara.
"10k iyong bahay. Pagsumama ka samin edi maghahati-hati tayong tatlo pero mas maganda if may makakasama pa tayong isa para tig 2,500 nalang kada buwan"
"iba pa ang bayad sa kuryente at ilaw, iyong nakita namin is may free ng ilang appliances kaya ayos narin" dugtong noong morena.
Hindi naman pala ganoon kamahal.
"carmela nga pala"
Nginitian ko siya. Ang cute niya ngumiti , pantay ang ipin at lumiit ang mata. Automatically gusto ko siyang maging kaibigan hindi ko nga lang alam kung makaka-vibes ko ba sila.
"Angela"
"kezia" pagpapakilala noong Morena "wala ka bang kasama para apat nalang tayo sa dorm?"
Umiling ako. "mag-isa lang ako"
"taga saan ka?"
"cavite"
Magaan na ang mood ni carmela unlike kanina.
"oy hala! Taga cavite din kami! May lalakarin ka ba? Sabay sabay nalang tayo umuwi mamaya, mag hunting pa tayo ng kasama sa dorm"
Tinapik ni kezia ang balikat ni carmela "feeling close ka"
Natawa ako sa pagiging jolly ni carmela "ayus lang, sige sama nalang ako sa inyo"
"ang hinhin naman ng boses mo"
Nawala ang ngiti ko sa pagpuna niya. Hindi maganda ang naalala ko sa pagpuna sa boses ko.
"babae kasi siya" bara ulit ni kezia kay carmela
Kumunot ang noo nito "bakit? Ako ba?"
"lalaking papunta sa kawatan ng babae"
"ano ka pa? sa lakas mo manapak baka kargador ka sa past life mo"
Pumamewang si kezia at binalingan ang kaibigan "nagsalita ang hindi malakas manampal ewan ko ba bakit nakayanan ka ng jowa mo."
"hoy! nananahimik jowa ko!"
"nananahimik naman talaga imbis na damayan ka! nandoon naglalaro sa comp shop!"
Hindi ko alam ang gagawin nag aasaran na sila at walang nagpapatalo.
"damayan saan? as if pwede siyang pumasok sa campus"
"really carmela? campus ba talaga ang usapan?"
Natahimik na si carmela.
Okay, this is awkward. They are discussing personal matters. May laman pala ang asaran nila.
"lika na! wag mo pansinin niyan, bitter wala kasing love life"
Inakbayan ako ni carmela palayo, parang bata niyang nilabas ang dila at inasar si kezia.
"kung katulad ng love life mo? no thank you!" natatawa itong sumunod sa amin.
Sa canteen kami kumain ng lunch dahil ayaw na namin lumabas pa ng campus. Nakasunod lang ako sa kanila at hindi nagsasalita but this is better than strolling alone in the campus.
Nagtatawanan na sila ngayon sa isang bagay para silang walang pinagtalunan kanina. Tumabi sa akin si kezia at sa harap naman namin umupo si carmela.
"anong balak mong gawin after lunch?" tanong ni carmela.
Nilunok ko muna ang kinakain bago sumagot. "wala akong plano"
"gala tayo! bgc!"
tumango ako at kinuha ang phone "saan banda iyon? para doon nalang ako magpapasundo"
"ahh may sundo ka"
"saan galing ang sundo mo" tanong ni kezia
"sa bahay namin" mag text pa ako kay mommy para magpapunta siya dito ng susundo sa akin
nagulat si carmela sa sinabi ko "sa cavite pa?"
Tumango ako.
"ang layo pa noon! matagal ka mag-aantay! wag ka na magpasundo mag commute nalang tayo"
"carmela pala desisyon ka"
hindi nagpatinag si carmela sa kaibigan "pero alam mo umuwi sa inyo?"
Nahihiya ako sabihin na hindi kung mula dito. Hindi ko alam ano sasakyan. mukhang sanay na sanay sila umalis mag-isa.
"hatid ka namin kung saan ka pwede sumakay" suggestion ni carmela "para masanay ka! para kapag mag isa ka lang mag commute hindi ka takot"
Umalis si carmela dahil bibili daw ng strawberry - banana shake. Pinagiisipan ko mabuti ang sinabi niya. May point siya, kailangan ko matuto umalis mag-isa. Madali lang sa school ko dati dahil kasabay ko si miggy kaya alam ko na din ang sasakyan at nasanay ako pero iba na ngayon.
"pasensya ka na sa bibig ng kaibigan ko"
nilingon ko si kezia "okay lang"
"sinasabi niya talaga kung ano ang nasa isip niya, kung aatras ka mag dorm kasama kami okay lang, maiintindihan ko."
Nahihiya akong ngumiti. okay lang naman sa akin si carmela madaldal siya pero atleast kinakausap niya ako ng hindi sa nakakailang na paraan.
"ang kinagandahan lang sa part na iyon, hindi siya plastic"
Napatitig ako sa ngiti ni kezia, namangha ako hindi lang dahil sa ang cute niya ngumiti dahil may dimples siya kundi dahil halata siya ngiti niya ang tiwala sa kaibigan.
kanina ko lang sila nakilala pero halos barahan ang naririnig ko, pero maya-maya nagtatawanan na sila hindi ko din gets pero sana may ganoon akong ka close na tao na kahit anong sabihin ko hindi magagalit sa akin.
iyong tipong komportable ka.
"you should have friends like her"
Natigilan ako. Masyado bang halata na wala akong kaibigan? nakaramdam ako ng panliliit sa part na iyon.
"don't get me wrong ha. Napansin ko lang na masyado kang tahimik. dapat may gumugulo sa buhay mo para masaya" kinindatan niya ako. "hahawaan ka niya ng happy energy! promise."
"o eto!"
tinignan ko ang isang slice ng cake na nilagay ni carmela sa harap ko.
"napapayatan ako sa iyo! hindi ka ba kumakain ng ayos? hala sige kain" sabi niya at nagbigay din ng cake kay kezia.
pinagpatuloy namin ang pagkain. Hindi ko masabayan ang topic nila pero hindi naman ako nakakaramdam na out of place ako. Kasali din naman ako sa usapan pero wala ako makomento.
Nakita ko si kuyang naka blue na bag tinitilian nila cindy kanina. May dala siyang tray ng pagkain, sumulyap siya kay carmela at umupo 2 chairs from her.
Dahil nagkwentuhan iyong dalawa ako lang ang nakakapansin na sumusulyap siya kay carmela.
"hey!" winawagayway ni carmela ang kamay sa harap ko. "saan ka nakatingin?" sinundan niya ang tinitignan ko kaya nagsalubong ang mata nila ni kuya na naka blue bag.
tumikhim ito at lumapit "hello" medyo mahina niyang bati.
"hello" walang alinlangan bati ni carmela.
SI kezia walang reaksyon, nakatingin lang siya na parang normal niyang napapanuod ang ganitong eksena.
"I don't know if you remember me. ako iyong sa registrar?"
Bahagyang nakaawang ang bibig ni carmela at halata sa mukha niyang naguguluhan siya "sorry hindi ko maalala"
Namula iyong mukha ng lalaki at ilang na ngumiti. Pakiramdam ko napahiya siya, ang taas pa naman ng confidence niya paglapit kay carmela.
"I know you" sabay kaming tatlo na lumingon kay kezia. "remember carmela may pinasingit ka sa pila noong kuhaan ng registration form?"
kinagat ni carmela ang kuku nya at nag-isip "wala ka noon ah? bakit mas alam mo pa kesa sa akin?" naningkit ang mata niya.
"ungas" simpleng sagot ni kezia.
"ay oo!" napapalakpak pa ito ng makaalala na "ECE ka pala nice! nice!"
Ngumiti siya at masasabi ko ngan gwapo siya. "Mark poseidon Gracia"
nagpakilala kami sa isa't isa ng dumaan sila cindy. malayo palang sila ay nakatingin na siya sa table namin hanggang sa makalampas.. nakatitig ito kay carmela simula ulo hanggang paa.
Alam ko ang ganoon tingin. Ganyan ako tignan ng may mga crush kay miggy, like they were saying 'sino ba ito?'
"like the God?" tanong ni carmela
"yup! mahilig kasi sa greek mythology ang mother ko kaya galing doon ang second name namin ng kuya ko"
Tatlo na silang nagkwe-kwentuhan habang inuubos ko ang cake na binili ni carmela. dumaan na naman sila cindy at ngayon tatlo na silang nakatingin dito.
Hinintay ko ang panglima nilang daan para sure ako sa pakay nila. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero nagkalakas loob akong tumulong. saktong dumaan sila sa likod nila carmela ng magsalita ako.
"may gusto atang sabihin sa iyo" sabi ko kay poseidon na tinuro sila cindy
kahit ang gropu nila ay natigilan sa pagturo ko.
"hello?" bati ni poseidon.
Tinaasan ako ng kilay ng tatlo, tinatarayan nila ako. Bakit sila nagagalit e tinutulungan ko na nga sila atleast hindi na sila pabalik balik.
"crush ka ata noong isa"
Nabuga ni kezia ang iniinom niya pero si carmela ang naubo.
Namula si cindy at mabilis kaming tinalikuran. Lakad takbo ang ginawa niya, nakasunod sa kanya iyong dalawang babae na hindi ko padin alam ang pangalan.
Humalagpak ng tawa si kezia, si kuya poseidon ay nanlalaki ang mata sa akin si carmela naman nakangising sumipsip ng shake.
"mahina ka sa social cues 'no?"
"ha?" sagot ko kay carmela
"ay wow! nagsalita ang magaling sa tao" sabat ni kezia.
"kasi naman gurl!"
Nagtawanan silang dalawa at hindi ko na naman masundan ang topic. nag apir pa sila, nahampas pa nga ni carmela si kuya poseidon kakatawa.
"ehe.he.he.he." nakitawa nalang ako kahit hindi ko magets anong nangyari.
"bilisan mo na djan! gala tayo" sabi ni carmela
--
miggy:
How's your day?
--
Napangiti ako habang nagtitipa ng reply.
--
me:
I met new people and I think I like them.
--
Nakangiti kong sinundan ang pagtayo nila. We just met, but I have a feeling that this is going to be good.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top