ENTRY#6

"congratulation!"

Niyakap ako ni mommy, sunod si kuya at ang huli si miggy. Hindi talaga pumunta si daddy sa graduation ko.

aaminin ko na medyo nalungkot ako dahil umasa din ako kahit konti na pupunta si daddy, kanina pa siya hinahanap ng mata ko pero wala talaga. Kahit text to congratulate me, nothing.

Sa mall kami kumain, katabi ko si miggy, nasa kabilang side naman ng table si kuya at mommy.

"next week birthday mo naman ang i-celebrate natin"

Nginitian ko si mommy, hindi ko alam kung disappointed din ba siya na wala si daddy dahil nakangiti lang siya simula kanina.

"saan ang venue ng debut mo?"

Inilingan ko si miggy.

"hindi ako mag pa-party, sa bahay nalang tayo kahit kaunting salo-salo lang"

Lumipat ang tingin niya kina mommy.

"wala naman ako mai-invite, tayo-tayo nalang." nginitian ko siya.

"why miggy? pwede mo parin naman isayaw ang kapatid ko. sa sala nga lang" sinundan iyon ni kuya ng malakas na tawa.

sinipa ko siya ng mahina, tinitignan kami ng kabilang table. ngumiti siya sa akin na pangasar at nagpatuloy.

"you should be honored na walang ibang lalaki inin-vite si gela. are you sure wala kang ibang papapuntahin?"

Napayuko ako, alam kong hindi dapat sa akin ang asar na iyon pero parang tinamaan din ako. Malungkot isipin na wala talaga akong ma-invite na kaibigan maliban kay miggy.

"ganyan ba dapat magsalita ang magiging lawyer?" tinuro ni miggy si kuya gamit ang tinidor.

hinawi ni kuya anag tinidor ng kutsara "what's wrong ? I'm stating the fact"

Hinawi ulit ni miggy ang kutsara ng tinidor at gumanti si kuya.

"Enough, boys, we're eating" saway ni mommy.

dinampot ko na ang kutsara ko at pinabayaan sila. ayos narin kahit kaming apat lang, maingay padin ang buhay ang usapan dahil sa kanila.

Naghintay ako hanggang mag gabi na baka sakaling mag text o tumawag si daddy kahit manlang konti paki dahil anak din naman niya ako, pero wala talaga siyang paramdam.

Kinabukasan ay sa bahay lang ako , tinititigan ang email sa akin ng university na pumasa ako sa exam at qualified. Tinititigan ko ang kasama ng email na list of requirement para makapag enrol.

Ngayon araw ko balak ipagpaalam kay mommy tutal nandito lang siya sa bahay at mag be-bake, may umorder daw sa kanyang cup cake na 2 dozen at kasalukuyan siyang nasa kusina ngayon at inaayos iyon.

"mommy"

"hmmm?"

Hindi siya nakatingin sa akin dahil naglalagay siya ng frosting sa cup cake. Kabado akong lumapit at nilapag ang phone sa tabi niya. Naka ready na iyon sa email.

"ano iyon bunso?"

"gusto ko po sanang sa taguig mag-aral"

Lumampas ang frosting na nilalagay niya at na deform ang flower formation nito. gulat akong tinignan ni mommy.

"taguig? saan doon? di'ba sa La salle ka mag college kasama ni miggy?"

binaba niya ang piping bag at pinunas ang kamay sa apron, kinuha niya ang phone ko at binasa ang email.

"kailan ka nag exam dito? bakit hindi mo sinabi sa akin?"

Napayuko at mas lalong kinabahan, halata sa boses niya na hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.

"sinubukan ko po kasi mommy and sabi ni kuya maganda daw ang passing rate diyan. for sure magaling sila mag turo"

Nilapag niya ang phone sa harap ko at bumalik sa pag de-design ng cup cake. nag angat ako ng tingin kay mommy.

"Samahan mo nalang si miggy para kahit maging kampante ako"

Hindi ako nagsalita at hindi rin gumagalaw. Nakatingin lang ako sa ginagawa ni mommy. Pakiramdam ko iiyak ako, gusto ko ipilit.

Padabog niyang binaba ang piping bag may kaunting icing na lumabas doon. tinignan ko siya saglit pero mabilis ko rin binaba ang tingin. Galit siya.

"ang layo niyan bunso! paano ka? sino maglalaba ng damit mo? sino mag aasikaso sayo? anong kakainin mo puro delata?"

"mom--"

"ang layo niyang i-byahe araw-araw. Kaya nga nag dorm ang kuya mo eh!"

"edi mag do-dorm din ako"

"hindi pwede! baka kung ano mangyari sa'yo doon. araw-araw ako mag-iisip kung kamusta ka na doon angela, mag aalala ako ng sobra."

"bakit si kuya"

"lalaki ang kuya mo kaya niya ang sarili niya"

Hindi na ako sumagot. Kinagat ko ang loob ng pisngi ko para pigilan ang paghikbi.

"hindi ba may usapan na kayo ni miggy?" huminahon ang boses niya. "akala ko ba ayos na ang plano mo sa college? bakit biglang nagbago?"

Hindi parin ako nagsalita. Pinipigilan ko kasi umiyak, kapag binuka ko ang bibig ko pakiramdam ko kakawala ang isang malakas na hikbi.

Bumalik na si mommy sa ginagawa niya, kumuha ako ng tubig na sobrang lamig at diretso iyong ininom.

"p-pasok na po ako sa kwarto"

"angela"

Tinawag niya pa ako ng isang beses pero kunyari hindi ko narinig. Humiga ako at tinitigan ulit ang email. Natuwa ako ng makita ito at naisip ko agad na kaya ko tapusin lahat ng kailangan sa loob lang ng isang linggo.

Boring ang araw ngayon wala ng klase. Pwede na ako mag requirement sa La salle pero hindi ko mapilit ang pagkatao ko. Nakahilata lang ata ako buong hapon.

Si mommy laging nasa labas at nag de-deliver ng cup cake. may client daw siya na laging na-order at meet up ang mga order niya.

Today is usual. I get up, eat my breakfast then tambay ulit. Today is my 18th birthday, July 27. Hapon pa darating si kuya, si miggy naman ay walang sinabing oras.

Nagpaluto lang si mommy dahil may delivery daw ulit siya ng cup cake ngayon umaga. I'm just scrolling in my phone ng may kumatok.

"Happy birthday!" salubong sa akin ni miggy.

Napangiti ako sa malaking yellow teddy bear na dala niya. May dala rin siyang pizza at chocolates.

Pinapasok ko siya. humalik siya sa pisngi ko at inabot ang teddy bear.

"katabi mong matulog"

"ilalagay ko lang siya saglit sa kwarto" paalam ko ng nilalapag niya sa center table ang mga dala.

Inupo ko ang bear sa ulunan ng kama. Nakangiti kong inayos hanggan sa pagsara ng pinto ay nakasulyap parin ako sa teddy bear at nakangiti.

"Thank you miggy ang ganda niya"

Tumabi sa kanya, kumakan na siya ng pizza. Ngumiti din siya sa akin at inakbayan ako.

"mamaya pa daw makakauwi sila tita, anong gusto mong gawin?"

Inabutan niya ako ng isang slice pero binalik ko din iyon sa box, this is a good opportunity para sabihin sa kanya.

Binasa ko ang labi ko bago nagsalita.

"alam mo ba" pinasigla ko ang boses ko

hindi ako dapat kabahan si miggy lang ito. Pilit kong sinasabi sa sarili ko but the truth is kinakabahan ako dahil si miggy siya, at ayukong magalit siya kapag sinabi ko na.

"pumasa ako" pinilit kong ngumiti "sa exam, sa Taguig."

"Oh, okay congratulations!"

Humigpit ang pagkaka-akbay nito sa akin kaya mas lumapit ako.

"Need ko na mag enrol agad since last batch ako nag exam kailangan ko na mag asikaso ng requirements"

Kumagat ulit siya, alam kong alam niya ang ibig kong sabihin pero binaliwala niya.

"Sa La salle?"

I softly look at him. "Miggy"

Tumango siya at uminom ng coke. Hindi ko iyon napansin kanina kaya malamang kumuha siyas a ref.

"Pumayag ba sila tita na sa malayo ka mag aral? Ang hustle ng papasok at pauwi mo imagine you will be traveling for almost 3 hours depende sa traffic"

" Gusto ko mag dorm"

Naging seryoso na siya, binaba niya ang slice na hawak at bumaling sa akin.

"No! ang layo noon dito nga na magkalapit lang tayo bihira na tayo mag kita"

"Miggy" tinagilid ko ang ulo ko. Nakatingin sa kanya at nanghihingi ng pangunawa.

"Pumayag ang mommy mo?"

" Hindi pa, kakausap ko pa siya ulit pero mukhang ayaw niya talaga." pag amin ko.

"Then why?"

"Doon ko gusto" Natahimik siya. Yumuko at nag isip.

Masyadong mahabang katahimikan ang dumaan sa aming dalawa. Nasa balikat ko parin ang braso niya pero hindi na siya naimik o tumitingin manlang sa akin.

"galit ka ba?"

"hindi ko alam"

Sumandal ako at yumuko. Am I disappointing him? Will he cast me out because he didn't like my decision. He's one of the few people I like.

"hey"

"sorry"

"angel look at me"

Sumandal ako sa balikat niya kahit nakatingala sa mukha niya.

"It's just that we won't be seeing each other as often as before. baka buwan bago tayo magkita ulit. I mean, never ko lang naisip na mawawala ka sa Sistema ko."

"but will you allow me?"

"ofcourse if that's what you really want"

"hindi na ba tayo magkaibigan kapag hindi na tayo nagkikita?"

May dumaang kung ano emosyon sa mata niya. Medyo nanlaki ang mata nito sa tanong ko pero maya-maya at malambing din akong tinignan.

"kahit taon pa tayong hindi magkita walang magbabago" hinalikan niya ang noo ko. "you are always my angel."

He's that sweet. I felt comfortable in our position kung hindi lang dumating si kuya at mapanghusga kaming tinignan ay hindi magiging awkward ang lahat.

"maligo ka nga doon! Ang baho-baho mo nangyayakap ka ng hindi mo jowa! Alis"

Hindi ko alam kung ako ba ang kausap niya kasi kay miggy siya nakatingin pero umalis ako dahil hindi pa naman talaga ako naliligo.

Pagtapos ko maligo at magpabango ay nasa kitchen na din si mommy. Naka ready na ang maraming potahe sa mesa ang ang 2 layer cake na siya mismo ang nag bake.

"hi bunso happy birthday!" hinalikan ni mommy ang pisngi ko.

Hindi pa naming ulit napag-uusapan ang tungkol sa college ko kaya hindi ako sure kung okay na ba kami.

"let's sing na para let's eat na din" si kuya na panay ang papak ng lumpia.

I'm still happy, even if it's just the four of us again. just like my graduation. We started to eat and laugh about my brother's story. Nagiiba talaga siya kapag wala sa bahay ni daddy.

"for my favorite sister" sabi ni kuya at inabot sa akin ang isang kahon.

"ako lang naman ang sister mo"

"not sure" makahulugan nitong sabi.

It's a dusty pink leather shoulder bag. it's gucci. May ingat kong hinaplos ang regalo niya.

"how much is this?"

"not much" nakangisi ito " student pa si kuya iyan palang ang kaya kong ibigay."

Even my mom was amazed. after namin matuwa sa bag ay pinisil ni mommy ang balikat ko.

"Are you ready for my present? "

Malapad ang ngiti ni mommy ng hilain niya ako palabas.

"happy birthday bunso!"

She pointed to a platinum-white Toyota Fortuner parked in front of our house. May ribbon pa ito sa harapan.

"mom" hindi makapaniwala akong lumingon sa kanya 

"both graduation and birthday gifts. Did you like it?"

"I don't have a license"

"get one"

Napa sipol si kuya ng lapitan ang kotse, si miggy rin namangha. I don't have any intention of having a car that's why hindi ako kumuha ng student license. 

Hindi parin ako makapaniwala sa regalo ni mommy ng bumalik kami sa loob. We continue our mini party and eat my cake. kuya left around 8pm, pupunta daw siya sa bahay ni daddy. I wonder if he will ask about me.

Bandang 9pm ay pumasok na si mommy sa room niya. Nagligpit lang kami at nagpaalam na siya na matutulog dahil pagod at maaga pa daw siya ulit mag bake bukas.

"I'll see you whenever I see you. " paalam ko kay miggy.

Nakatayo na siya sa harap ng pinto habang hawaka ng kamay ko.

"turn around"

"hmm?"

Hinawakan niya ang balikat ko at pinatalikod ako ako sa kanya. Hinayaan ko siyang hawiin ang buhok ko sa isang side. Naramdaman ko nalang ang lamig sa leeg ko, napayuko ako para tignan ang sinuot niyang kwintas.

The pendant is an emerald green in a reactangular shape. Hindi ko inaalis ang tingin doon kahit pa inikot na niya ako ulit paharap sa kanya.

"ang ganda"

"That is my real gift. binili ko lang iyong stuffed toy kasi sabi mo gusto mo magkaroon ng teddy bear"

"thank you"

"happy birthday angel"

We said goodbye but were still chatting afterward. I took many pictures of the necklass habang ka chat si miggy. I scroll the screen at nakangiting pinagmamasdan ang mga pictures namin kanina.

I slept well that night. by monday ay nagsimula na akong mag asikaso ng requirement. gusto ko siyang tapusin ng isang araw lang para hindi na ako bumalik sa school pero hindi talaga kaya. Need parin bumalik para mag claim dahil daw sa dami ng kumukuha ay by schedule nilang binibigay specially the diploma.

"hello mommy"

[bunso tapos ka na ba sa school?]

"opo pauwi na"

hindi ko alam bakit pero naririnig ko ang nerbyos sa kanya.

[okay bunso, ingat ka]

Weird. Never ako tinawagan ni mommy para lang magtanong kung pauwi na ba ako.

May nakaparadang asul na sasakyan sa tapat ng bahay namin pag-uwi ko. Noong una ay hindi ko nakilala pero ng mabasa ko ang plate number, walang duda kay daddy iyon.

Kinagat ko ang loob ng pisngi ko para pigilan ang sarili sa pag-iyak. Rinig ko na ang masaya nilang boses sa labas pero ayaw maniwala ng isip ko.

"hello angela" nakangiting bati sa akin ni daddy.

Napalunok ako at tumingin sa mommy ko dahil wala akong masabi. tumayo si daddy at lumapit sa akin, yumakap siya pero hindi ako makagalaw.

"I'm sorry hindi ako nakapunta sa graduation at birthday mo but you received my gift"

"gift?" nalilito kong tinignan si mommy.

She's standing there looking guilty, but also, happy?

"Yes! Did you like the car?"

Kinagat ko ang ibabang labi. pakiramdam ko iiyak ako at nanlalamig ang balikat ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"anyway pack your things uuwi na kayo ng mommy mo"

I pretended I didn't hear that, "papasok na po ako sa kwarto" I said, and I got past him.

Sumunod sa akin si mommy at siya na ang nagsara ng pinto ng kwarto.

"let's talk"

I let myself take a minute before facing my mother. 

"cup cake"

I get it the moment na nakita ko si daddy. that client is him. why did I never ask my mom na gusto lagi ng client niya pick up pero siya ang pumupunta.

"he said sorry and promise na babawi siya and magpapaka bait na siya. Wala na sa bahay natin ang kabit niya na realized ng daddy mo na tayo ang mahalaga. he's really sorry bunso , He even bought you a car." aniya sa kabado ngunit determinadong boses.

Normally I would just say yes to them, but this time I let myself speak my opinion.

"mom no! Ilang beses ka na niyang sinaktan bakit bumabalik ka parin?"

Hindi ko alam kung saan galing ang tapang ko. I felt betrayed. I thought finally nakalaya na ang mommy ko but then she secretly seeing him.

" Daddy niyo siya, ayaw mo ba ng buong pamilya?"

"Mommy? Buong pamilya? Kailan tayo naging buo?"

"Angela hindi kita pinalaking ganyan"

"Paano niyo ba ako pinalaki?"

Natigilan kami pareho sa tanong ko. I don't mean to be rude..

"Ayaw mo bang matuwa sayo ang daddy mo?"

That question gives me a shiver, a tickling in my emotions. I always wanted that and she knows it.

"Paano siya matutuwa? Kapag bumalik tayo? O kapag nagbulag bulagan tayo?"

"Mukha lang matigas ang daddy mo pero mahal niya tayo"

Nagmamakaawa ang mga mata niya, naalala ko ang boses niya kanina bago ako pumasok. Masaya siya habang kausap si daddy, parang wala itong kasalanan sa kanya, sa amin.

"Gusto mo ba talagang bumalik?"

Ngumuti siya "tayo ang original na pamilya, tayo ang dapat nasa bahay na iyon"

"Fine, let's do that, but you have to give me a proper gift since that car is not really your gift."

umaliwalas ang mukha nito at parang na excite. "Ano yun?"

"Payagan niyo ako mag aral sa taguig"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top