ENTRY#34
the first month since he left i'm still hoping for a message. I keep checking my phone. kahit laging bigo ay umaasa parin ang puso ko na maawa siya at mag message sa akin ng sorry.
Madalas hindi ko mapigilan ang mga luha ko pero ayuko nang umiyak sa harap ng mga kaibigan ko kaya lumalayo ako.
And now it's been six months. It's starting to get dark, but I'm still standing in front of his house.
I wasn't sure when I started doing this, but I consistently did it whenever I had the chance to go to his place.
Kapag walang pasok o kaya sa tuwing uuwi kami ng carmela sa kanila ay napapadpad ako dito, baka sakaling sa pagbalik ko may ilaw ko nang maabutan ang bahay.
Kilala na nga ako ng mga guard dito. One time inabutan nila ako ng meryenda.
I keep in touch with mira, umaasang may balita siya kay miggy. But nothing comes, until nanawa nalang ako bandang 3rd year na tumitig sa bahay niya.
"angela"
I was busy finishing my report when Daniel approached me. There were just a few people here in the library. One year na siyang graduate kaya pinagtaka ko ang bakit siya nandito sa school.
Hindi ko masabi kung okay ba kami o hindi. Bigla nalang kasi kaming hindi nagpansinan.
"wala ka atang kasama ngayon?"
"may ginagawa pa sila pero pupunta sila dito mamaya"
Umupo siya sa harap ko at hindi na nagsalita pa kaya tinuloy ko na ang pag-aayos ng presentation.
"kamusta naman?"
"I'm fine."
Hindi ako sa kanya nakatingin kundi sa laptop ko. I don't want to be rude pero hinahabol kong matapos ito agad dahil para ito sa last subject naming mamaya.
"Sige hahayaan na kita diyan mukhang busy ka"
Bahagya akong ngumiti sa kanya bago ito tuluyang umalis. I'm not mad at him, nag-usap naman kami noon ng maayos. Wala naman kaso sa akin kung may iba siyang niligawan sa friends ko lang may problema dahil nagpakita siya sa akin ng motibo.
"angela"
Nagkamali ako sa tina-type dahil sa gulat. Nandito na ulit si Daniel pero may dala siya, napatitig ako sa bitbit nitong pagkain.
Miggy doesn't like it when Daniel gives me food.
"hindi pa naman ako gustom" pagtanggi ko.
"I hope we can still be friends" hindi siya nagpaawat at nilapag niya ang pagkain sa likod ng laptop ko. "i know hindi naging maayos ang huli natin pag-uusap."
Really? Para sa akin ay ayos naman.
Tumalikod siya at humakbang na paalis. Napatitig ako sa malapad niyang ballikat. It looks familiar, wala sa sarili akong lumuha at napasinghap. Hindi ko inaasahan na lilingon pa si Daniel kaya agad siyang lumapit sa akin na may pag-aalala.
"are you okay?"
At some point his voice... boses ni miggy ang naririnig ko.
Mabilis kong niligpit ang gamit ko at umalis. I still have to finish my report at mahina ang signal sa dorm but I prefer there now.
I cry even more sa kwarto dahil sa stuff toy na binigay ni miggy. Naka-upo ito sa kama ko at hindi na nalabhan simula ng araw na iniwan niya ako.
I hate myself these days. Palagi nalang akong umiiyak.
Mabilis akong kumurap. Naliligaw na naman ang utak ko sa kawalan. Lumamig na ang almusal dahil sa mga naalala ko. I don't want to think about it, nakaraan na iyon.
Sa dami ng masasaya namin ala-ala bakit mas naalala ko iyong masakit. Mas naalala ko kung paano isang araw masaya ako kontento at simpleng nagmamahal. Kinabukasan biglang nawala lahat ng iyon sa akin.
Sa dami ng ngiti na pinagsaluhan namin mas naalala ko kung paano ako humagulhol na hindi siya nag paalam sa akin. Kung paanong sa sobrang sakit ay hindi ako makahinga.
Gusto kong maging manhid para mabaliwala ko lahat. Dahil walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang tiwala at pagmamahal na buo kong ibinigay pero winasak niya. Ang mas masakit pa doon wala siyang ideya na yun ang naging epekto ng pag-iwan niya.
"tao po!"
Lumabas ako. Maagang umalis si mommy dahil may client siya na ikakasal at may cake tasting sila.
"ano po iyon?"
May dalawang lalaki sa labas na hindi naman mukhang delivery man. Hindi ako komportable dahil ako lang mag-isa ngayon sa bahay.
"good morning po ma'am. Ito po ba ang bahay ni ma'am andrea laxamana? Kami po iyong magpapalit ng lock"
Nagreklamo ako kay mommy na palitan na ang lock dahil luma na ito. syempre hindi ko sinabi ang totoong dahilan dahil mas marami siyang tanong kapag nagkataon.
"Wala po kasi ang mommy ko."
"pwede naman po naming palitan ma'am. Itatawag nalang po naming kay ma'am andrea"
I'm not really comfortable. Ayuko magpapasok ng di ko kakilala.
"Next time nalang po siguro."
Naiilang akong ngumiti ng binigyan pa nila ako ng ibang option pero humindi parin ako. Late na tumawag si mommy na may darating para palitan ang lock.
Sinabi ko na next time nalang at hindi naman na siya nagtanong.
My whole afternoon is spent applying for jobs online. Sabi ni mommy magpahinga muna ako or mag board exam pero ayuko.
Wala rin ako sa mood mag board exam, gusto ko na kumita agad ng pera.
Nasa kwarto lang ako maghapon, bumababa lang ako para kumuha ng snack or water.
I passed my resume on 4 companies. 45 days pa bago ko makuha ang transcript of records at diploma pero kung makakuha man ako ng work before that sasabihin ko nalang to follow.
Dumidilim na sa labas ng mag text ako kay mommy kung nasaan na siya.
Yes I'm an adult pero pancit canton at hot dog lang ang alam ko lutuin. Nakapagluto ako ng ibang putahe sa dorm pero nasa tabi ko naman si kezia at taga lagay lang ako ng lahok.
From mommy:
Bibili nalang ako ng dinner natin.
-
Manunuod nalang ako ng kdrama habang naghihintay. Bumaba ako para kumuha ng snack para sa panunuod. Pinili ko ang ice cream dahil medyo mainit naman ngayon.
Ready na akong bumalik sa kwarto ko ng tumutunog ang door knob. May nagbubukas.
Akala ko si mommy kaya lumapit ako para pagbuksan siya pero hindi ko pa nahahawakan ay bumukas na ang pinto.
Napakurap ako.
"hello"
Sasara ko na sana ulit pero hinarang niya ang paa niya. Buti nalang hindi ko binagsak kundi naipit siya!
"wait! Wait! Wait! I bring you dinner."
"Trespassing ka po kuya miggy"
"Tinawagan ko si tita andrea, sabi niya baka mamaya pa siya makakauwi kaya binilhan ng makakain"
Hirap na hirap siya magsalita dahil ang kalahati ng lakas niya ay nakatuon sa pagpigil sa akin isarado ang pinto.
"angela naiipit ako"
"lumayas ka na kasi diyan! Ayuko kainin iyang dala mo bangag ka ba!?"
Hindi ko lubusan masarado dahil malakas siya at hati din ang lakas ko. Hawak ko ang ice cream at kutsara sa isa kong kamay. Wala akong chance ibaba ito dahil mawawala ako ng hawak sa pinto.
"Alis na diyan! Isaksak mo sa baga mo iyang dinner mo! ayaw ko niyan!"
Halatang nagulat siya sa mga sinabi ko. Mas lalo niyang tinulak ang pinto. Umatras ako ng isang hakbang para bumuwelo pero wala na akong nagawa dahil tuluyan ng bumukas ang pinto.
Talo ako!
"bakit ganyan ka na magsalita?"
"bakit? Wala ng hinhin?" hamon ko. "ungas"
Tinarayan ko siya at naglakad na paakyat. Hinila niya ang kamay ko kaya bumalik lang ako sa dati kong pwesto.
"Angel" nanlalaki ang mata niya. "hindi ko na makilala ang pananalita mo"
I mimicked him in small voice. Parang bata na nang-aasar sa kalaro. Lalong lumala ang disgust sa mukha niya.
"paki ko! hindi ka welcome dito layas na!"
He gasp. Hawak niya parin ang kamay ko at kahit anong hila ko ay hindi niya binibitawan.
"Kumain ka na, please," inangat niya ang dalang food box at pinakita sa kain "after mo kumain. Kahit wag mo na ako pansinin basta dito muna ako hanggang dumating ang mommy mo"
I can't help but laugh in a sarcastically. "Friends ba tayo?"
Lumambot ang expression ng mukha niya. Maliit itong ngumiti.
"Hindi tayo friends miggy. Wala tayong relasyon. Wala kang responsibilidad sa akin at higit sa lahat walang Karapatan kaya wag mo ako mautusan."
Lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya binawi ko na. Nakita kong nasaktan siya sa sinabi ko pero wala naming mali doon ah?
Parang wala siyang narinig. Pumunta ito sa kusina at hinain ang pagkain. Sinilip ko si miggy, nagtitimpla ito ng juice. Pang dalawang tao ang pagkain sa mesa, I assumed gusto niyang sabay kaming kumain.
He's dressed casually, which makes me question if he has a job or what he's doing with his life. Perhaps it's his day off? Is he an employee or does he run their family business?
Hinila niya ang isang upuan at tumingin sa akin.
"kumain ka na , please."
Tinitigan ko siya ng masama pero nakangiti lang ito sa akin. Alam ko na wala akong magagawa kaya umupo nalang ako at kumain. Tumabi siya sa akin at tinitigan ang ice cream na nilapag ko katabi ng plato.
"kakainin ko iyan" banta ko.
Baka kasi kunin niya at ibalik sa ref. Inunahan ko na. besides, hindi na masarap kahit binalik nya pa. Hindi kaya ng freezer namin patigasin ito ulit, medyo tunaw na kaya dapat kainin na.
Hindi siya kumain, nakatingin lang ito sa akin. Which is... nakakailang.
Sa tuwing nililingon ko siya at ngumingiti lang ito. ayuko naman bilisan ang pagnguya baka mabulunan ako.
"ano ba! Tigilan mo nga iyan."
Naiilang ang pagtitig niya.
"sorry, na miss lang kita ng sobra."
Naubo ako ng malala. Mabilis na inabot niya sa akin ang tubig pero ubo parin ako ng ubo. Nalunok ko kasi ng mabilis ang isang malaking karne.
"Since hindi pa kita pwedeng yakapin, tititigan muna kita."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top