ENTRY#33

Tinitigan ko ang bulaklak. Humugot ako ng malalim na hininga para kontrolin ang emosyon ko.

Nanlalamig ang balikat ko pababa sa centro ng katawan. Para akong nakakita ng multo!

Paulit-ulit tumatakbo sa isip ko ang eksena na inaaway ko siya. yun ang gusto kong gawin pero wala akong lakas ng loob totohanin ang nasa imagination ko.

"Angel?"

Angel.. I haven't heard that endearment for so many years. I never thought actually na may tatawag pa ulit sa akin ng ganoon.

"Are you okay? Angel?"

Hindi natinag ang ngiti ni miggy kahit pa hindi ko siya binibigyan ng reaksyon.

"Tara na po."

Walang lingon akong pumasok sa sasakyan. Nakakuyom ang pareho kong kamao. Kahit hindi ko lingunin ay alam kong pumasok si miggy sa likod at si mommy sa driver seat.

Panay ang lingon sa akin ni mommy, Nagku-kwento siya ng kung ano-ano pero wala akong reaksyon.

Hindi nakarating ngayon si kuya dahil busy siya. Nag promise naman siya na babawi at sa totoo lang, okay lang sa akin. simula ng hindi na kami nakatira sa iisang bahay ay dumalang na ang communication namin dalawa.

Pagdating sa restaurant umorder agad kami ng pagkain. Hindi ko parin sila kinakausap. Si mommy lang ang nagsasalita.

Iniiisp ko padin kung tama ba ang naging reaksyon ko kanina. Dapat ba hinampas ko talaga siya ng bulaklak. Will it feel good if I make a scene? well, hindi pa naman too late if I make a scene now.

hanggang ngayon hindi parin ako makapag decide. I can't even believe that he's here.

For the past years na hindi ko na siya naiisip at hindi na ako umiiyak sa kanta ni Moira, silent sanctuary or ni taylor swift. Akala ko na let go ko na lahat ng tungkol sa kanya.

Pero ngayon nandito siya sa harapan ko ay naguunahan sa isip ko lahat ng gusto kong gawin.

Nalilito ako sa aking sarili!

"Angela?"

Nawala ako sa focus. Nandito na pala ang pagkain at kanina pa ako nakatulala.

Nagsalubong ang mata namin ni miggy, bahagya siyang ngumiti pero nag-iwas na ako ng tingin.

Dinampot ko nalang ang kubyertos para magsimulang kumain.

Hindi ko alam anong nasa isip ni mommy at nandito ang lalaking ito. Tsaka kailan pa siya dumating? Bigla ko kayang isaksak yung tinudor sa kamay niya?

Focus angela!

Nagkunwari akong may ka chat dahil tumayo si mommy para mag cr. Wala nag reply sa kanilang tatlo pero nag send parin ako ng emoji sa group chat, para lang maging busy ang daliri ko.

"I have a gift for you."

Deadma! Sino ba siya sa akala niya!? Kahit ano pa ang lambing ng boses niya at hindi niya na ako mapapalingon.

"Can we talk angel?"

Pwede na ata bumili ng kausap ngayon, maghanap ka nalang.

"I have so many things to tell you."

Natigilan ako sa pagpapanggap. Nag-angat ako ng tingin. Bakas ang ilang at kaba sa mukha niya pero pilit siyang ngumiti.

Maliban sa tumangkad siya at nagkaroon ng konting buhok sa mukha ay wala na halos nag-iba sa kanya. Naalagaan niya ang magandang hulma ng katawan.

Nilapag nito sa harap ko ang isang parihabang kahon na kulay black.

" When I saw that, I remembered you, which is why I bought it."

I opened the box, and it was a necklace with a half-angel wings pendant.

"I hope you like it."

Will he be like this? Act like nothing happened. Like last week lang kami nagkita?

"What's that bunso? Wow!"

Bumalik na si mommy sa tabi ko at kinuha niya ang kahon sa kamay ko. Gandang ganda ito sa gold necklace.

"This must be expensive Miggy!"

"Not much tita. Malaki po ang utang ko kay angela" makahulugan nitong sabi.

Sinulyapan ko lang saglit ang necklace at bumalik na ako sa pag cellphone.

"Ay oo nga 'no! Di kayo financially stable noon bago ka umalis."

Hindi po iyon ang ibig niyang sabihin mommy!

"Magkano ba ang nautang mo?"

"Mommy pwede na ba tayo umuwi? Pagod na ako e"

"Hindi pa natin ubos ang pagkain"

"Ipapabalot ko nalang po"

Walang dumadaan na staff o lumilingon sa table namin kaya tumayo si miggy paro ipabalot ang mga sobrang pagkain.

"Mommy let's go"

"Wait bunso, hintayin na nat---"

Tumayo na ako at hinila ang kamay niya. Nagtataka si mommy, sumulyap siya kay miggy na may kausap na staff.

"Tara na po, kaya na ni miggy iyan"

"Sige sabihan ko nalang siya na mauna na tayo sa kotse"

"Let's go na po" pangungulit ko.

Pagdating namin sa sasakyan nagsuot agad ako ng seatbelt

"Uwi na po tayo"

"Si miggy.."

"Uwi na tayo mommy "

"Anak ang bastos naman kung iiwan natin siya."

Humugot ako ng malalim na hininga " uwi na tayo mommy" sabi ko sa mas madiin na paraan.

Walang nagawa si mommy kundi paandarin ang kotse at umalis. I know she's annoyed by my actions, but she doesn't want to argue with me. because of the previous incident mas nasusunod na ang gusto ko.

Nag ring ang phone niya, sumulyap siya sa akin kaya alam ko na kung sino ang tumatawag.

"Hello"

[Hello, tita. Naka alis na po kayo?]

"Ah.. y-yes.. I'm sorry bigla kasing sumama ang tiyan ni angela e"

[It's okay tita. I can bring the take outs in your house]

I side-eye mom. She nervously laughs and doesn't know what to say.

[Ingat po sa pag-uwi]

The conversation came to an end. Miggy does not appear to be irritated or offended. Instead, he maintains a calm and sweet tone as if nothing had happened.

pag-uwi ay aakyat na sana agad ako pero pinigil ako ng mga salita ni mommy.

" You know, Miggy is also like a child to me. You grew up together, and he used to be in our house all the time."

Used to be...

" I know you have a bad history, and I'm sorry if I offended you by bringing him into our mini celebration."

"It's okay mom. Magpapahinga na po ako"

Tutuloy na sana ako pero nagsalita ulit si mommy. Isang habang lang ang nagawa ko at tumigil ulit.

"Bunso.. i just want you to know. He just show up there and greet me and i admit masaya akong makita siya and i thought naka move on ka naman na so, it's okay. But if.."

He just show up, Exactly on my graduation day?

"I'm fine po. Papasok na ako sa kwarto."

There is one thing that has remained constant. Mom made her choice without consulting anyone. If she had anything to add, it would be the last remark. I learned to realize that it is a permanent.

And I always wanted to be in my room. Like always. We patch things up between us, but sometimes childhood traumas can't heal.

Just because you said sorry, okay na.

Hindi sa pina-plastic mo ang sarili mo para maging okay ang lahat. But the fear you experience will be the same after every apology.

The same goes for having a serious chat and expressing my opinions to her. It's harder said than done, but I'm trying.

I guess it's deep rooted in me.

"Did you move on already anak?"

I believed it to be true. I got rid of my rage and fury, but when did I see him? I wasn't anticipating a pleasant or even nice chat. I wonder what's on his mind.

But the moment na naging aware ako sa presensya niya. Parang nalimutan ko maging payapa.

Milyong ideya ang pumapasok sa isip ko noon kung ano ang gagawin ko kapag nagkita kami ulit at sa totoo lang kalahati doon ay kalmado.

Palagi kong sinasabi na may pinag-aralan ako, ayuko maging bayolente.

But now pinagsisisihan ko na hindi ko hinampas sa kanya iyong bulaklak. Sana pala pinamayani ko ang intrusive thoughts ko. Maybe it will lift some of the pain emerging at this moment.

"Oo naman po. Bakit naman hindi, ang tagal naman na noon."

Naglakad na ako papunta sa kwarto bago ko pa masabi ang nasa isip ko.

I heard a knock on the door pasado alas nueve ng gabi. Muntik ko pa nga hindi marinig dahil naka earphone ako at nanunuod ng kdrama.

Tumayo ako pero hindi agad binuksan ang pinto.

Hinintay ko na tumunig ulit. Just want to make sure na may kumatok talaga.

"Mom?"

"I put the left over on the ref. I think your mom is asleep kaya nagkusa na ako."

Nanlamig ang balikat ko sa boses ni miggy. Bakit siya kabilang panig ng pinto? Sa kagustuhan kong malaman ay basta ko nalang binuksan ang pinto para harapin siya.

"Paano ka nakapasok sa bahay namin!?"

"The door lock never change"

Right! Nakapunta na nga pala siya dito sa bahay ni mommy. But I didn't know that he has a duplicate key!

I made a mental note to discuss this with my mom. She still trusts this man kahit pa alam niyang bigla akong iniwan nito sa ere!

Biglang parang may kumirot sa puso ko sa pagbulusok ng mga ala-ala. I shouldn't think about that! Those days ay pinagluksaan ko na. Tapos na ako sa era na iyon.

Bumaba ang tingin niya sa suot ko at agad na nagiwas ng tingin.

I just now realized how inappropriate my clothes is.

I'm wearing a white sando and very short- shorts. Ito na ang nakasanayan ko simula ng tumira ako sa dorm dahil wala ng aircon at sobrang init.

Nag-init ang pisngi ko!

Sinirado ko agad ang pinto. Hindi ko naman sinasadya na ibagsak iyon sadyang nagpanic lang ako.

"I'm just going to lock your door on my way out. Good night angel"

Nayakap ko ang sarili. Napapikit ako sa kahihiyan! Wala pala din akong bra at manipis ito kaya malamang may bumakat na cherry!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top