ENTRY#35
Na miss lang kita ng sobra...
Bukas na bukas ang mata ko habang nakatitig sa kisame. It's already 3am but I can't sleep. Parang may sirena sa utak ko na hiyaw ng hiyaw dahil sa mga sinabi ni miggy.
Ayuko matulog, malakas ang pakiramdam ko na mapapanaginipan ko siya.
As early as 6am umalis ako ng bahay para pumunta kay carmela. I know tulog pa siya sa mga oras na ito pero welcome naman ako doon. Naabutan ko ang tatay at nanay ni carmela na kumakain ng almusal.
"Angela! Pasok ka anak! Kumain ka na ba?" anyaya sa akin ni tito carlos.
"hindi pa po! Kaya nga maaga ako dito tito!"
Kumuha ako ng pandesal at pinalamanan ng peanut butter. Sa dami ng palaman nila, peanut butter talaga ang hindi nawawala dahil paborito ni carmela. Kahit may sakit na si tito sinisiguro parin niya na provided ang gusto ng mga anak.
"Nakatulog ka ba hija? parang ang lalim ng mata mo"
Nilukot ko ang aking mata. Ramdam na ramdam ko ang hapdi niya dahil sa antok.
"may tinapos po akong kdrama"
"nako! sulitin mo ang pahinga, kapag nag trabaho na kayo palagi ka na naman pagod."
Nginitian ko si tita. Nakatulog ako ng mga isang oras. Napanaginipan ko nga si miggy kaya ng magising kahit gusto ko pa ulit pumikit ay bumangon na ako.
Mommy explained kung bakit ayos lang sa kanya na pumupunta si miggy. It is my fault for not saying that I'm comfortable.
Kaya nga sa mga sumunod na araw ay maaga parin ako umaalis ng bahay at late na nauwi. Iniiwasan ko si miggy. One time muntik na niya ako maabutan, 6am ako umalis at nasalubong ko siya. Mabuti nalang hindi niya nakita ang tricycle na sinasakyan ko.
Wala bang ginagawa sa buhay ang isang iyon? Bakit laging pumupunta sa bahay.
"hanggang kailan mo gagawin ito?" kinagat ni carmela ang ice cream niya.
Nasa 7/11 kaming apat at kumakain ng ice cream. Pare-pareho kaming tambay at sa ngayon wala pang direksyon ang buhay.
Ang hirap pala ng fresh graduate. At least noong nag-aral ako may schedule na sinusunod, alam ko ang susunod na step. Ngayon, ang labo ng lahat.
Gusto ko mag work pero wala pang natawag, minsan nakakabaliw maghintay.
Ang taas ng expectation ng ibang tao sa akin dahil engineering ang natapos ko. Minsan pinagtataka ko bakit ibang tao pa ang may expectation sa akin? hindi naman sila ang gumastos sa pag-aaral ko. why expect?
"Hanggang manawa siyang pumunta sa bahay"
popsicle ang kinakain ni carmela at regine sa amin ni kezia nasa cup.
"paano pag hindi nanawa? edi layas ka ng layas sa bahay niyo? hindi ba nagtataka si tita?" kinakagat na din ni regine ang ice cream, sumusunod sa yapak ni carmela.
Sa totoo lang napapagod na akong gumising ng maaga para iwasan siya pero mas okay na siguro ito kesa sa makita si miggy. Ayuko siyang nakikita, hindi ko nagugustuhan ang pag-ikot ng emosyon ko.
"Imposible. kaya nga mang iwan, kaya din manawa niyan!" pinatapang ko ang sarili ko.
Nakatitig lang ako sa mga dumadaan hanggang sa may nag park na itim na bmw at natakpan ang view ko.
"hind ko siya kilala hanggat di siya nagpapakilala ng pormal." sabi ni carmela.
"sasamaan ko siya ng tingin." sabi ni kezia.
Tumawa si regine. "hindi ko siya kilala dahil hindi ko naman talaga siya kilala."
"oo nga, ano ba itsura noon?" dugtong ni carmela.
Tinawanan ko lang sila. Hindi ko pinapakita si miggy dahil alam ko ang stalking skills ni carmela. Alam niya ang pangalan pero kung hindi niya alam ang itsura magdadalawang isip siya kung tama ba ang nahanap niya sa social media.
Ngayon lang ulit namin napag-usapan ang tungkol kay miggy. Akala ko hindi na ulit ma-open ang topic tungkol sa kanya.
"punta tayo mall?" aya ko.
"wala akong pera" tanggi agad ni regine.
"Tambay lang mas malamig kasi doon! window shopping"
ikot-ikot lang talaga ang ginawa namin. Mga fresh graduate na walang pera pero gusto magpalamig.
Hindi rin kami nagtagal dahil uwing-uwi na si carmela. palagi siyang nag-aalala kay tito kaya ganyan. Sila tita naman kulang nalang ihagis palabas si carmela para tantanan ang kakadikit sa tatay niya.
Lumabas na kami ng mall bago pa maabutan ng rush hour. Naglalakad kami sa kalsada papunta sa sakayan ng hinila kami ni kezia.
"bakit?" Tanong ni carmela.
"parang kanina ko pa nakikita iyong sasakyan na iyon" tinuro niya ang itim na bmw gamit nguso.
"kamukha lang"
Lumakad na kami ng mas mabilis dahil nagmamadali si carmela.
"Iyong license plate kasi"
"kinabisado mo?"
"bangag! syempre ang tagal natin sa 7/11 matatandaan mo talaga kakatitig"
Naghiwa-hiwalay na kami dahil magkakaiba kami ng daan. Sumakay na ako ng jeep pauwi.
Habang nasa kalsada ay nasa likod ng sinasakyan ko ang isang itim na bmw. Biglang may pumasok na idea sa isip ko dahil ayaw mag over take ng kotse.
Sa naalala ko ay ibang model ang kotse ni miggy pero matagal na iyon pwedeng nag-iba na siya ng sasakyan.
Pag-uwi ko ng bahay na confirm ang nasa isip ko. Naka park sa tapat ng bahay ang itim na bmw.
Humugot ako ng malalim na hininga bago binuksan ang pinto.
pa upo palang sana ito sa sofa pero agad din umayos ng tayo pagpasok ko.
Malawak siyang ngumiti. "hi!"
Gusto ko agad magtaray dahil naiinis ako pero napatitig ako saglit sa mukha niya. Makikitaan mo iyon ng pagod.
Nagdalawang isip ako kung kakausapin ko ba siya o aakyat nalang sa kwarto.
"you look nice."
sinundan ko ang tingin niya sa katawan ko. Naka paldang maong and black square neck crop top. Dati palaging maluwag or round neck ang suot ko pero bandang 4th year natuto akong magsuot ng ganito kahit pa medyo nakikita ang cleavage ko.
"sinusundan mo ba ako?" tinuro ko ang sasakyan sa labas "iyo iyan?"
Lumapit siya sa akin at nagkomento na walang kinalaman sa tanong ko.
" I didn't have time to cook, so I just bought us dinner. "
Tumuro siya sa kusina. Hindi parin nawawala ang malawak niyang ngiti. Hindi ko alam kung nagpapacute ba siya sa akin o pina-plastic niya ako.
" Tita Andrea mentioned that she would be coming home late. So, I--"
Wala siyang balak sagutin ang tanong ko. He acts innocently and keeps smiling like a dog. I feel irritated by the fact that he's doing whatever he wants.
"anong trip mo!?" Hinayaan kong tumaas ang boses ko para ipagdiinan sa kanya na hindi nga kami okay.
Nagulat ito, pero maya-maya ay ngumiti ulit na parang payaso. Lalo akong nainis sa pinapakita niyang pasensya sa akin.
"Nauntog ka ba? Wala ka bang maalala?"
This time sumeryoso siya. "let's talk peacefully, please."
"Fine, let's do it. Ano bang gusto mong sabihin? hindi ka pwedeng magpakita sa akin na parang walang nangyari miggy! you can't do this to me! matagal ka ng wala!"
Akala ko mas ilalapit niya pa ang katawan sa akin, nakahanda na akong itulak siya kung sakali pero lumampas siya. Lumingon ako at sinisirado na niya ang pinto.
Nakita ko pang may ilang tao na dumaan ang sumilip sa bahay, malamang dahil sa pagtaas ko ng boses.
"I'm sorry" aniya pagkasirado niya ng pinto at bumalik sa harap ko.
" Fine, apologies accepted. Now get lost!"
Natigilan ito at parang hindi na proseso ang sinabi ko.
Gusto ko naman maging normal e! Ayuko na magalit! pero sa tuwing tinititigan ko ang mukha niya pakiramdam ko kahapon lang nangyari ang lahat.
" That's not what I want to happen, Angel."
I have doubts about myself, am I being unreasonable? I should have moved on since it was years ago. I actually thought so, but now I can't explain the anger, especially since he's acting like nothing happened.
Ayukong maramdaman ito ulit. awa sa sarili at paghihinagpis kaya ko siya iniiwasan pero ayaw niya akong tigilan.
"umalis ka naman na sa buhay ko sana nilubos mo na! sana hindi ka na bumalik! kung okay lang kay mommy sa akin hindi! wala ka bang pakiramdam!?"
"angel, calm down."
Hinwakan niya ang pareho kong balikat pero umatras ako.
" No! I won't calm down! and don't call me an angel!"
Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero tinabig ko. Lumungkot lalo ang mukha niya at para bang iiyak. Never ko pang nakita na umiyak si miggy. Palagi siyang matatatag at kalmado sa pagharap ng problema.
"you're not forgiving me."
Bigla akong tinablan ng kosensya dahil sa lungkot na nakikita. Naiinis ako pero parang lalong pinipiga ang puso ko habang nakatitig kay miggy. His eyes are almost crimson with tears.
" I do! I said, Apology accepted."
" Don't say that just to get rid of me."
"ano ba gusto mo mangyari?"
"angela?"
Sabay kaming lumingon sa pinto. Tinignan ako ni kuya tapos kay miggy, gulat na gulat ang itsura nito pero agad na nanlisik ang mata.
"ang kapal naman ng mukha mo magpakita pa sa kapatid ko!"
Napasigaw ako ng sinugod ni kuya si miggy. Tumumba silang dalawa sa sahig. Sinuktok siya ni kuya ng dalawang beses at sinalo niya lang lahat ng iyon.
"kuya stop!"
Hinawakan ko si kuya pero tinabig niya ako. Natulala ako. gumapang ang takot sa sistema ko. Hindi gumagalaw si miggy at tinatanggap niya lang ang pagsuntok ni kuya. Nanlalamig ang balikat ko sa dugong umaagos sa mukha nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top