ENTRY#30
Naligo ako agad pagdating ko ng dorm. Hindi na ako pumasok dahil magang maga ang mata ko at putlang putla ang labi. Past 1pm narin at late na ako sa afternoon class kaya wag nalang.
Uminom akong tubig dahil medyo masakit na ang ulo ko pero hindi ko alam kung kulang ba ako sa tubig, sa tulog, o sa kain.
Binuksan ko ang rice cooker, umaasang may konting kanin. Mahina kong nasuntok ang lamesa at mapait na ngumiti.
May kanin pa talaga, may nakalagay din dalawang hita ng fried chicken at tatlong pirasong meatball na alam kong gawa ni kezia. Nagtira sila ng pagkain para sa akin.
Hindi na ako kumuha ng plato at kumain nalang diretso. Magagalit si kezia sa ganito pero ayuko ng maraming hugasin.
Kukuha sana ako ng tubig sa ref ng may mapansin akong isang bote ng pocari sweat. May sticky note iyon na nakalagay nag pangalan ko.
Natulog ako pagkatapos kumain. Akala ko mahaba na ang natulog ko ng magising ako pero tinignan ko ang oras at 30 minutes palang.
Hindi ako mapakali. Nag try ulit ako mag chat kay miggy pero hindi niya parin na seen ang last message ko. but still I want to try and ask him why he didn't tell me or any explanation.
"hoy angela nag quiz kanina bak--" natigilan si carmela sa pagpasok sa pinto.
"gaga ka saan ka galin-" bumangga si regine sa balikat ni carmela at natigilan ng makita ako.
"bakit ka absen--" hindi na natuloy ni kezia ang tanong niya at napatitig sa akin.
Pinatong ko ang braso sa parte ng mata ko para takpan ito. Siguro ay maga parin at alanganin ang itsura ko kaya natigilan sila sa akin.
Sa awang ay nakita kong nilapag ni carmela ang bag niya sa sariling kama. Si regine at kezia nandoon parin sa pinto ng kwarto.
"anong nangyari?" boses iyon ni kezia.
Umupo si carmela sa kama ko at walang salitang nilapag ang ulo sa aking tiyan. hindi ako sigurado sa gusto niyang gawin but knowing her, yakap ang nagpapagaan ng loob niya baka iyon din ang gagawin niya sa akin.
"ang mga ibon.. na lumilipad"
While I was laughing, my voice started to sob. Pinalo ko ng mahina ang ulo niyang nasa tiyan ko.
"Stop it, Carmela!"
Tuloy-tuloy siyang kumakanta ng pambata. Natatawa ako pero hindi ko mapigilan ang mga luha. I laughed so hard when she started singing the Barney theme song. Hindi ko na mapigilang tumayo at pinaghahampas ko siya. Tumatawa kahit may luha sa mukha.
"aw! aw! masakit na angela! aw!"
"baliw ka kasi!"
Tumatawa din iyong dalawa sa pintuan.
"anong nangyari sa iyo? Mawawala ka bigla tapos uuwi kang ganyan"
Hindi ko nagawang sagutin ang tanong ni kezia. Napabuntong hininga nalang ako habang pinupunasan ang mukha ko gamit ang t-shirt na suot.
Tumayo si carmela at lumipat sa kama niya. "Okay lang kung ayaw mo mag kwento."
Everything has gone wrong now, and I feel as if I don't belong anywhere. it's awkward. I'm not sure if it's really okay not to respond to their questions. are they talking behind my back? Is it okay to tell them about my situation? Will they pass judgment on me?
"pero baka sa Saturday ready ka na? camping tayo kina kezia"
Umirap si kezia pero hindi tinangi ang sinabi ni carmela. Bumalik sila sa ginawa na parang normal lang, like always after magbihis ay diretso so kezia sa kusina. Ganoon din iyon dalawa pero hindi naman sila tutulong, mag cellphone lang doon.
Hindi ako lumabas. Hindi nila ako pinilit magsalit, maybe that's a good sign. Or maybe hindi lang talaga sila interesado sa buhay ko.
Ang gulo ko!
Pinapakiramdaman ko ang galaw nila sa labas, hindi masyado dinig ang usapan nila pero sure akong nagtatawanan ang mga ito.
Humiga ako at nagtalukbong. At least mas nakakahinga ako dito kesa sa bahay.
It's fine angela, kakayanin mo ito mag-isa.
"tulog ka na?" maliit ang boses ni carmela, Normal iyon sa kanya kapag nagpapa-cute.
"Masakit ang ulo ko."
"tara kain pa para makainom ka ng gamot"
"I'm fine carmela"
"no, you're not."
baby talk parin siya sa totoo lang ang cute dahil ganoon niya ako lambingin pero hindi ako natutuwa ngayon.
Humiga siya sa tabi ko, sumiksik pa, kahit nasa dulo na ako.
"wag kang kakanta" banta ko.
I know I'm being emotional. They don't need to do anything for me. Maybe I just have a little expectation for myself that I could feel at home with them. Where should I look for that?
I thought Miggy was home, but he's nowhere to be found.
My house? That's not home. My whole life living there, I've been suffocated.
"Tara, let's eat!"
Wala na akong nagawa at tumayo. Di ako tatantanan ni carmela. Medyo naiinis ako sa pagiging insensitive niya, kitang hindi ako okay nangungulit pa siya.
Natigilan ako pagdating sa kusina. May 1 gallons ube ice cream sa lamesa.
"Kumain ka muna ng kanin bago ka sumubsob sa ice cream" sabi ni kezia na nagsimula ng maglagay ng kanin sa plato niya.
Bigla akong naguilty sa naramdam ko para sa kanila kanina.
"I prefer cookies and cream"
"Sige papapalitan ko"
Mabilis kong inagaw kay regine ang ice cream. Nakakahiya! Binilhan na nga nila ako nag-inarte pa.
"Okay na 'to"
Tulad ng bilin ni kezia kumain muna ako ng kanin. Walang kumuha sa kanila ng ice cream. Para sa akin daw iyon. Pinilit ko silang kumuha dahil hindi ko naman kayang ubusin ang ganoon karami.
May kanya-kanya na silang ginagawa pagdating sa kwarto. Naka-upo lang ako sa kama dahil sa sobrang kabusugan.
"Ayaw niyo bang malaman bakit ako umiyak"
Curious ako sa dahilan.
"Gusto" sabi ni carmela na nagsusulat ng notes. "Pero kung di ka ready mag kwento edi wag"
"Alangan pigain ka namin, di ka nga komportable" nakatutok si kezia sa cellphone niya, nanunuod ng kdrama.
"Masaya mag kwentuhan habang nag-iinuman"
"Hindi nga siya umiinom ng alak." sabay na sabi ni kezia at carmela sa sinabi ni regine.
"Sige camping tayo sa sabado."
Tumili si carmela at mabilis na napatayo.
"This is it! She's coming out of the closet!"
"Ungas!" Sabi ni kezia at nag earphone na ulit.
Kinabukasan, nagising ako sa yugyog ni carmela. Hapon pa ang pasok namin kaya nakakapagtaka na ginigising niya ako ng 7am.
"May bisita ka"
Agad akong bumangon. Iniisip ko si miggy kahit pa imposible dahil bagong byahe lang niya papunta sa US pero baka hindi natuloy!
"Bunso"
Naglaho ang munti kong ngiti ng makita si kuya sa sala.
"Wait lang kuya"
Naghilamos at nag toothbrush ako saglit. Pumasok silang tatlo sa kwarto, para bigyan kami ng space ni kuya mag-usap.
"Mom told me" bungad niya pag upo ko sa sofa.
"Did she also mentioned na inuwi ulit ni daddy ang kabit niya?"
"Yeah"
"I can't go back. I don't want to go back"
"I know bunso."
"I'm sorry about miggy. Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"Before, Naghahanap ako ng tamang timing. But now it's just not worth mentioning"
"Gagong iyon!"
Nakatitig ako sa kamao ni kuya. Sa sobrang higpit ng pagkakasara nito ay halos namumuti na.
Sumulyap siya sa akin at ayuko ang nakikita sa mga mata niya, awa.
"How's mom? Nag-away ba sila ni dad?"
Nag-iwas agad ako ng tingin. I hate it when people think I'm miserable. They will not help me, so why sympathize with me?
simula pagkabata naawa na ako sa sarili ko, hindi ko na kailangan ng ibang tao na maawa sa akin.
May lesson akong natutunan isang beses na pumunta kami ni mommy sa lamay. Sasabihin ng iba na nakikiramay sila pero hindi naman talaga. Ang iba doon sumama lang pero wala naman paki o hindi nga kilala ang yumao. Minsan gusto lang maki-kape.
Ganoon din sa buhay, hindi porke dinadamayan ka may pakialam talaga sa'yo. Sabihin niyo ng malala ang trust issue pero iyon ang totoo.
"She didn't mention. She called me this morning asking for me to check on you. "
"Si dad?"
"Well, malalaman ko palang pag-uwi ko bukas. Sumabay ka na sa akin"
"Hindi ako uuwi. Ayaw ko."
"Bunso hindi natin maayos ang problema kung tutularan mo si miggy na bigla nalang tatakbo"
Hindi makapaniwala ko siyang tinignan.
"Sorry for mentioning but bunso, it's not the time para mag rebelde. If you made Dad angry, let's just say sorry."
"Ayuko na doon kuya"
"Paano ang pag-aaral mo? Mag working student ka?"
I can do that. May ideya na biglang pumasok sa isip ko.
"Isusumbat naman sa akin ni daddy lahat ng sinabi ko and probably lahat ng nabigay niya sa akin."
"You angry him so bad this time huh?"
"Kuya can you do me a favor?"
I gave him the instructions for what I'm going to do now. He didn't agree, but he can't talk me out of it this time. Buo na ang loob ko.
Kinatok ko yung tatlo pag-alis ni kuya.
"Maligo ka na sa fast food nalang tayo kumain. Diretso na tayo sa school after" sabi no kezia paglabas niya ng kwarto.
I nod and start preparing. May atm malapit sa pinagkainan namin kaya nag withdraw ako ng maximum na pwedeng withdraw a day.
I'll withdraw again tomorrow and the day after that. I'll open my own account iyong walang kinalaman kay daddy. I'm legal age and may student account naman na ino-offer ang mga bank.
"Guys bad news"
Pinapacheck pa namin ang bag namin ng masalubong sina Poseidon at erick na palabas ng school.
"Bakit?" Tanong ni carmela kay erick.
"Walang klase sabi ni ma'am!" aniya sabay talon. Galak na galak!
"Tara BGC!" Aya ni poseidon.
Nagtatawanan kami dahil kakapasok lang namin , lalabas na naman.
"Angela, can I talk to you"
Hindi ko natuloy ang paglabas dahil sa tawag ni daniel. Nilingon ko ang mga kaibigan ko na nakatingin din sa akin.
"Bakit?"
"May gusto lang akong sabihin"
"Di kami pwedeng sumama?"
Nilingon ko si carmela. Ang taray na naman ng boses.
"Sunod nalang ako" sabi ko sa kanila.
"Anyatin ka nalang namin" sabi ni kezia.
Tumango ako at lumakad palapit kay daniel. Sumunod lang ako sa kanya hanggang makarating kami sa gazebo. Wala ng estidjante dahil mga nasa klase.
"Anong sasabihin mo?"
Nakaupo ako habang siya nakatayo sa tabi ko.
"I think hindi mo napapansin ang mga actions ko these fast few months"
Hindi ako nagsalita.
"I.. angela.. I... I like you"
Nanlaki ang mata ko sa pag-amin niya. Palagi sinasabi ni carmela na may something pero iba pala ang pakiramdam kapag na confirm mo na.
"I realized you wouldn't notice, which is why I'm confessing now. I was looking for you yesterday pero hindi ka pumasok kaya ngayon ko lang nasabi at gusto kong sabihin habang may lakas pa ako ng loob."
Napabuntong hininga ako. Kinakapa ko kung may nararamdaman ba akong kahit guilt man lang pero wala.
Totoong nagulat ako sa sinabi niya pero wala akong nararamdaman sa kanya. Kahit hindi ko na pag-isipan ay alam ko ang sagot.
"I'm sorry Daniel"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top