ENTRY#31

KEZIA

Magkakasama sina regine, Poseidon, at erick na kumakain ng qwek-qwek. Nasa gilid lang kami ni carmela, pinapakalma ko siya dahil kanina pa niya gustong pumasok sa loob at sunduin si angela.

"Should we tell her?"

"May ebidensya ka ba?"

"Oo ito!"

She showed me the video on her phone that kuya daniel is kissing a girl on the checks and then hold her hand.

"Ano naman? Malay ba natin sa kanila. tsaka hindi naman siya nanliligaw kay angela"

"At paano kung manligaw? Paano kung reserba pala niya itong babae o kaya girlfriend na! Kezia ayuko maging kabit si angela"

"Then doon natin sasabihin wag tayong pakialamera"

"Naiinis ako! Kung makapagpakita ng motibo gagi natutuwa pa ako noong una! tapos makikita ko siyang may ka holding hands na iba? Bakit ganoon niya i-trato si angela? "

her protective instinct as an ate kicked in. Naiinis din ako pero ayuko pangunahan ng emosyon na iyon. Mahirap magsalita ng tapos.

"tara" nakangiti sa amin si angela paglabas ng gate.

Tinignan ko si carmela para bantaan. Na gets naman niya ang tingin ko at tumango.

"Si kuya?"

Sinulyapan ko si erick. Never talaga nakuha sa tingin ang isang 'to! Minsan ang sarap batukan.

"nasa loob pa" simpleng sagot ni angela.

ano kaya nangyari? tumingin ako kay carmela.

Nagkibit balikat siya at pinanlakihan ako ng mata.

Tumango ako. Alam kong ayaw niya din pigain si angela para magkwento.

Ngumiti sa akin si carmela at tumaas ang parehong kilay, ganoon din ang ginawa ko para ipaalam sa kanya na gets kong may nangyari sa loob pero quiet lang kami.

She seemed normal throughout the dinner. I know there is something wrong, but she's masking it. Unlike carmela na mabilis kong nababasa ano ang problema.

Sa bahay siya dumiretso pag-uwi namin ng cavite. Si regine magpapakita daw muna sa kanila bago pumunta sa amin , baka daw i-report siyang missing ng mama niya. Ganoon din si carmela, hindi iyon papayag na hindi muna umuwi. Palagi iyon kating-kati umuwi sa bahay nila.

"kumain ka na ba hija?"

Naghain si mama ng ensaymada at ice tea sa lamesa. Ngumiti lang si angela.

"Wag ka mahiya" paanyaya niya na kumain ito.

"salamat po ma'am"

"masyado naman pormal ang ma'am, tita fe nalang."

Kumuha na ako ng tinapay para hindi na siya mahiya. Pinabayaan na kami ni mama sa kusina.

"Everyone has better parents than mine."

Natigilan ako sa pagsalin ng juice. Nakayuko siya at parang iiyak na. Nakatitig si angela sa tinapay na hawak habang bumubulong sa sarili.

"Stop comparing them. Each family has flaws."

"At least they care about you. Carmela has a very nice family."

"She has, even though her parents are very busy. Madalas hindi sila nakakapunta ng PTA meeting or nakakarating sa mga competition noong magkapatid kasi parehas silang working."

"They seem very close"

"they are! pero si ate minda talaga ang nagpalaki doon sa dalawa. Siya rin ang nakalagay sa emergency contact nilang magkapatid because they know si ate minda ang tatakbo sa school in case of emergency."

Kumagat ako ng tinapay.

"Hindi ko alam ang tungkol kay regine pero for sure meron din kapintasan ang pamilya niya. Same as mine, and same as yours"

"is there a time na nagalit ka sa parents mo"

"oo naman! but at the end of the day kung may halaga sa iyo ang isang tao pag-uusapan niyo ang problema."

Nagpagpag ako ng kamay bago hinawakan ang baso at uminom. I don't think she will realize that I'm giving her advice, but it's fine. At least we're having a conversation.

"Love is superior to any fight."

Napadpad na sa pantalon niya ang asukal ng ensaymada kaya pinagpag ko iyon. Tumingin siya sa akin at ngumiti ng maliit.

"para sa akin, ang halaga ng pagmamahal sa kahit anong uri ng relasyon, ay nasusukat sa kung ano ang handa niyong gawin para sa isa't isa"

She looks like a well-behaved puppy that is listening carefully. 

"wag na tayong lumayo. Halimbawa, Alam ng parents ni carmela na posibleng lumaki silang malayo ang loob sa kanila. Pero gagawin ng magulang ang lahat para mabigyan ng magandang buhay ang mga anak nila.

"you are so optimistic"

"ayuko lang may pagsisihan someday. That's why ayuko tumatakbo sa problema."

"am I running?"

"that depends! wala ka bang balak harapin ito sa buong buhay mo? or you are just taking a break?"

"I want the pain to be lifted. paano ko ba ito dapat i-handle."

"Paano natin masosolusyunan kung hindi mo sinasabi sa amin ang problema?"

She turned quiet and I let her think.

Bandang 5pm dumating si carmela at regine. May dala silang chichirya at inumin.

Nag set-up kami ng tent at nagsibak ako ng konting kahoy para sa bonfire. Manghang-mangha sila sa lugar namin.

Kaming apat lang ang nandito ngayon sa damuhan. Safe naman dito.

"Ang sarap naman dito" angela's smiling pero malungkot ang mga mata.

Nakatingin siya sa ulap. Kahit wala masyadong bituin ay nakatitig siya doon.

"pwede pala may itagong patay dito sa inyo kezia, walang makakaalam."

Binatukan ko si regine. Kaya agad silang nagkasundo ni carmela e! medyo magkalapit ang tabas ng bibig!

"gusto niyo dalhin natin dito si cindy!" pumapalakpak pa ang gaga.

"tantanan mo na nga iyon" sagot ni carmela kay regine.

Nagbukas sila ng maraming chichirya para daw maraming option. Tahimik lang si Angela at nakatingala.

I'm really worried kaya wala akong pakialam sa bangayan noon dalawa.

"aminin mo! pansin mong may gigil siya sa iyo!"

"magbunganga siya at magparinig hanggang kailan niya gusto. Hindi ko siya papatulan."

"pero hindi ka ba naiinis?"

"Hindi ko nga alam bakit siya naiinis sa akin e!"

Tinapik ko iyon dalawa kaya natigil sila sa sagutan. Nginuso ko si angela. Nakatingala parin siya sa ulap at tahimik na umiiyak.

"don't.. judge me please!" aniya sa bawat paghikbi.

Wala ng nagsalita sa amin dahil nagtuloy-tuloy siyang kwento. Halos hindi niya masabi ng tama ang mga salita dahil sa sobrang pag-iyak lalo na sa part ng tungkol sa parents niya.

Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Pero ayukong gumalaw sa aking pagkaka-upo. Baka mawala ng momentum niya.

Matagal bago nakapag open si Angela kaya hinayaan nalang muna namin siyang magkwento tungkol sa buhay niya.

Then there's this one man na ngayon ko lang narinig pero kinaiinisan ko na agad.

I mean who does that!?

"Alam mo kung ako iyon? hinatid ko pa siya sa airport!" sabi ni carmela.

Sumisinga na si angela. Inabutan siya ng tubig ni regine.

"sabi noong laging dinadayo ang jowa"

Sinamaan ako ng tingin ni carmel. Nginitian ko siya. Totoo naman ah! Walang makakatalo sa babaeng iyan! Buma-byahe iyan ng Taguig to cavite ng 4am tapos babalik din ng 2pm sa Taguig para sa klase. Only for small bonding.

"Nako! Kung babalik iyan lalaking iyan! Sinasabi ko sa iyo! Wag mo na tanggapin, bawal na marupok ngayon."

Nginiwian ko silang dalawa. Tumawa si Angela dahil nandidiri kong hinawi ang kamay ni carmela na nasa braso niya.

I play some song. Ito ang nagpapagaan ng loob ko madalas.

"pagkwentuhan lang natin ng pagkwentuhan hanggang sa isang araw mamalayan mo nalang hindi ka na nasasaktan." Sabi ko.

Sinabayan ni regine ang kanta ni taylor swift. Maya-maya sinisigaw na nila ang lyrics. Noong una nahihiya pa si angela sumabay at marami siyang hindi alam na kanta pero sine-search ni carmela para maramdaman daw niya ang lyrics.

Ang ending, namaos kaming apat kakasigaw ng kanta. Ayos lang at least gumaan nag loob ni angela.

Pagdating ng lunes, hindi na kami dumaan sa dorm. Medyo late na kasi kami kaya dumiretso na kami sa school bitbit ang malaking damit ng eco bag at ilang pabaon ni mama.

Mabuti nalang Kulang-kulang prof namin today. Ganito talaga madalas kapag tapos na ang exam week. Marami na naman kaming prof na naglalaho at magpapakita kapag malapit na ang finals at magbabanta. Akala mo naman nagtuturo!

Sa tuwing nasasalubong namin si kuya Daniel ay tumititig siya kay angela. Binabati parin naman siya nito pero mukhang umiiwas na.

"Salamat poseidon ah!"

Nauna akong umuwi ng dorm dahil may practice si carmela. Nandoon din sila para manuod. mamaya pa naman ang start pero tinatamad na daw sila lumabas ng school.

Nagkusa naman si Poseidon na ihatid ako dahil medyo mabigat ang dala ko. Gusto pa nga nila sabay-sabay na kami mamaya pero baka mapanis na mga pinadala ni mama.

"kezia, may bisita ata kayo"

Nakatayo sa harap ng dorm namin ang isang babae. Pormal ang suot niya at maganda ang pagkaka ayos pero hindi matatago ng make up ang lungkot sa itsura nito.

Nahulaan ko agad kung sino siya dahil magkamukha sila ni Angela.

"nasa school pa po sila" bungad ko.

Medyo nagulat siya sa akin. Nakatulala lang kasi siya at hindi niya napansin ang paglapit namin.

"pasok po muna kayo"

Tinignan niya ang lalaking kasama ko.

"friend po namin"

Nagpakilala naman si Poseidon sa kanya kahit pa hindi nito alam sino ang bisita namin.

Pinalapag ko lang sa sala ang bitbit ni Poseidon. Agad naman itong umalis dahil may training pa at baka maabutan din siya ng land lady namin. Mapapagalitan ako.

Pinaupo ko sa sala ang mother ni angela. Ang awkward lang dahil tumulala agad siya pagkaupo niya.

"Ano pong gusto niyo ? may juice po kami at kape."

Hindi naman magagalit si carmela kung babawasan ko ang kape niya.

"Gusto niyo po ba tawagan ko si angela para pauwiin?"

Napa kamot ulo ako. Alam ko na saan naman ni angel ana bigla nalang naglalaho ang thoughts sa space.

"ako po si kezia."

No reaction.

Nagtext ako sa kanila na [uwi na ASAP.]

Hindi nagtagal nasa pintuan na iyong tatlo, akala ko hindi sasama si carmela dahil may practice pero nandito siya.

Namutla agad ang mukha ni angela habang nakatingin sa bisita.

"hello bunso"

Doon lang natinag si tita at ngumiti kay Angela.

"hello po! Ako po si carmela" hindi talaga matitinag ang isang 'to. "siya po si regine."

Ilang na ngumiti si regine at lumingon sa akin. Sinenyasan ko silang pumasok na dahil malaking bara sila sa pinto.

"Magluluto na ako ng hapunan, sa kusina lang ako."

Maya-maya sumunod sa akin iyong dalawa. Sinilip ko si angela na nakatayo parin doon at tahimik.

"anong gagawin natin?"

"wala" sagot ko kay carmela.

"Paano kung hindi sila mag-usap hanggang mamaya? Ganyan lang?"

Para kaming tanga tatlo na nagsasalitan sumilip sa sala para alamin ano na ang sitwasyon.

"naka-upo na si angela."

Mukhang nag-uusap na sila. Nakita kong yumuyogyug ang balikat ng mama niya at sinubukan hawakan ang anak pero iniwas ni Angela ang kamay niya.

Nagkunyari kaming busy ng pumunta si Angela sa kusina para kumuha ng tubig.

"Umuwi na po kayo" sabi ni angela bago pumasok sa kwarto.

Sinilip ko ang labas. Medyo madilim na at mukhang hindi maganda nag panahon.

"kumain po muna kayo bago umalis" sabi ni carmela.

Nasa pinto na si tita, maga ang mga mata niya at pulang pula ang ilong.

"mukha pong uulan, magpalipas nalang po muna kaya kayo dito" si regine ang nagsalita ng gusto kong sahin.

Pinapakiramdaman ko si angela sa kwarto.

"wala po kaming spare kaya sofa lang po ang ma-offer naming."

Kesa naman pabayaan naman siya byumahe, Nakakakonsensya.

Pumasok ako sa kwarto. Nakatalukbong si angela ng kumot.

"angela"

"hindi ako kakain kezia"

"masama ang panahon , dito mo nalang muna patulugin si tita."

Doon siya bumangon. Nagtataka akong tinignan.

"kaya ba ng konsensya mo na palabasin siya kahit delikado?"

Alam ko na nag-aalala din siya pero nagmamatigas. Malaki ang tampo sa mommy kaya nagsusungit.

"Gigising nalang ako ng maaga para hindi mo na siya makita pagbangon mo pero dito nalang mu—"

"wag na. ayos lang, dito mo nalang siya patulugin sa kama ko. Ako nalang sa sala"

Lumabas siya at dumiretso sa kusina. Inaya ko ang mommy niya kumain , nahihiya man ay sumabay ito sa amin.

Medyo naging awkward ang hapag dahil hindi nagsasalita ang mag-ina pero maingay si carmela. At pinapakita ko na normal parin ang hapunan na ito.

After maghapunan naglabas si angela ng isang unan at extra kumot pero sa kusina niya nilagay.

"sabihin mo kay mommy doon nalang siya sa kama ko. Para comfortable" halong bulong ang huli niyang sinabi.

Noong una ayaw pa sana ni tita at panay ang sulyap kay angela na kunyari busy sa phone.

"ayos lang po iyan si angela! Malaki na po iyan" sigaw ni carmela mula sa kwarto.

"oo nga e, hindi ko napansin. Big girl na pala ang baby ko"

Dahil may kasama kaming parent hindi kami masyado nag kwentuhan. Maaga din pinatay ang ilaw.

Bandang 1am sinilip ko si angela sa sala. Gising pa siya at naka earphone. Nag scroll siya ng mga picture. Picture niya kasama ang isang lalaki.

Hindi niya pinakita sa amin ang itsura ni miggy. Base sa nakikita ko ay iyon ang tinititigan niya ngayon. Ang lalaking biglang nang iwan sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top