ENTRY#3

Naguilty ako sa inasal ko kay miggy, lumipas ang araw na hindi na kami masyado nag-usap dahil busy sa school. Nahihiya naman ako mauna mag chat sa kanya dahil baka ma-istorbo ko siya.

Pagpasok ko ng school hindi ko alam bakit halos lahat ng classmate ko ay nakatingin sa akin. Tahimik nalang ako umupo at di sila pinansin.

Kinalabit ako ni jesica "totoo bang may ka live-in ka?" kunyare ay nagugulat na sabi nito.

Nanlalaking mata ko siyang nilingon. "ha!?" 

"kalat kasi sa buong campus na may boyfriend ka at magli-live in na kayo, oh my gosh! alam ba ng parents mo?" dumagdag pa si nelly.

Hindi ko pa naitatanggi ay pumasok na ang adviser namin sa room.

"Miss Laxamana?" 

"p-po?"

"pwede ka bang maka-usap saglit."

May dahan ako sa pagtayo. Tahimik ang lahat at nakatingin sa akin. Alam kong may iba sa kanila na hindi naniniwala pero meron din na nauna  na akong husgahan. Hindi narin ako magtatanong sino nagpakalat ng chismis na iyon, halata naman.

Nakayuko ako habang sinasabayan ang teacher ko maglakad papunta sa faculty. Tahimik lang ako umupo sa tapat ng table niya.

"hija, alam kong matino kang estudjante pero may naririnig ang mga teacher tungkol sa iyo." malumanay ang pananalita nito.

"hindi ko po alam saan nanggaling ang chismis na iyon ma'am"

"pwede ko bang maka-usap ang parents mo para maconfirm na hindi nga totoo iyon?"

"po!?"

"gusto kasing malaman ng admin na hindi totoo ang chismis na iyon kaya pwede mo bang papuntahin ang parents mo dito?"

Isipin palang na papauntahin ko si daddy dahil sa ganitong bagay ay paniguradong ikaga-galit niya. Nakikita ko na agad ang disapointment sa mukha niya. 

"ma'am promise hindi po talaga totoo iyon."

"alam ko hija, may tiwala naman ako sa iyo per--"

"please po ! wala na po bang ibang paraan? busy po kasi ang parents ko ma'am"

"kahit gaano naman siguro sila ka busy may oras sila sa anak nila" ngumiti ito sa akin. naninigurado.

"please po ma'am!"

Bumuntong hininga ito bago may kinuha sa drawer. "isa pang rason bakit gusto ko silang makausap ay dahil dito."

Nilapag niya sa mesa ang tatlo sa test paper ko. Nanlamig ang balikat ko na halos pula ang marka noon. Ramdam ko ang kaba sa buong katawan ko.

"may problema ba hija? hindi normal na ganito ang exams mo"

Hindi makapaniwala kong tinignan ang bawat maling sagot sa test paper. 30/100 ang isa, 25/100 ang isa at ang huli ay 45/100.  Kinagat ko ang ibabang labi para awatin ang sarili ko sa pag-iyak.

"magkakaroon kami ng deliberation next week pero ngayon palang gusto ko na sabihin sa iyo na baka mawala ka sa with honors... major exams ang mga nabagsak mo"

"hindi po ba kayang hatakin?" parang binubundol ang puso ko sa sakit.

"hindi ka naman babagsak sa subject matataas naman ang previous preformance mo pero hindi aabot ang average mo para sa with honors.. ga-graduate ka parin naman angela wag ka mag-alala" aniya na parang dapat ikaluwag ng loob ko iyon.

pero hindi! lalo akong nalungkot! ito ang unang beses kung sakali na mawawalan ako ng karangalan. paano ko ito sasabihin kay daddy?

"aasahan ko ang parents mo bukas? okay."

Pinabalik na niya ako sa classroom. Wala sa sarili akong naglalakad sa hallway , paano na? hindi pwede. Kasalanan ko kasi hindi ako nag-aral mabuti. paano ako nito? double kill ako kay daddy pag sinabi ko.

Nilabas ko ang cell phone sa bulsa ng palda ko para tawagan si mommy.. this time hindi na nag ring.

Imbes na pumasok sa 1st period ay dumiretso ako ng cr doon ako umiyak. kada may papasok ay tatakpan ko ang bibig ko tapos ay hahayaan ko ulit ang sarili ko kapag mag-isa nalang ako. dahil hindi ako pwede masyado sumigaw ay hinahampas ko ang hita ko para ma-divert ang sakit.

Wala naman nagtanong bakit mugto ang mata ko pagbalik ko ng classroom. Maybe they assume napagalitan ako ng malala. Tahimik akong humiling na sana susunduin ako ni miggy kahit wala siyang sinabi, ginagawa naman niya iyon minsan eh. 

dumating ang uwian na wala akong miggy na nakita, maybe busy. okay lang. 

Pagdating ko sa bahay binalot agad ako ng halo-halong emosyon kaba, takot at ang matagal na inis ng nasa puso ko dahil sa ginawa nila sa mommy ko. ang hirap pala pag isa lang ang close mong tao, wala kang mapaglabasan ng sama ng loob.

Nagpa-practice ako sa kwarto kung paano sasabihin kay daddy na kailangan niyang pumunta ng school. I've been pacing back and fort ng marinig ko ang pagparada ng isang sasakyan.

God help me please.

Pinalipas ko ng fifteen minutes bago bumaba para hanapin si daddy, naabutan ko siyang may kausap sa telepono sa library.

"yes bunso?" tawag niya sa akin matapos ang tawag.

"dad" iyon palang ay nanginginig na ang boses ko. ang lamig ng kamay ko, halos hindi ako makahinga sa kaba "p-pwede po ba kayong pumunta ng school bukas?" 

kumunot ang noo niya "why?"

Binasa ko ang labi ko na nanunuyo na ng sobra, parang may malaking bara sa lalamunan ko. 

Pumasok si miss rose na may dalang kape, humalik ito sa pisngi ni daddy bago bumaling sa akin.

"anong meron at kailangan ko pumunta sa school? busy ako pwede bang si rose nalang?"

Sinabi ko lahat ng napag-usapan namin ng teacher ko sa faculty room. 

"at paano ka naman nagkaroon ng ganoon chismis!? may boyfriend ka na ba ha!?" pulang-pula ang mukha niya sa galit. "at bakit wala kang honor? ang tanga mo naman! sino ang boyfriend mo! di ka tumulad sa kuya mo na aral ang inaatupag at hindi paglandi!"

"w-wala po dad. Hindi lang po ako nakapag review ng ayos" masaganang umagos ang luha ko. masakit ang mga tingin niya sa akin, hindi ko kayang makita ang disapointment sa kanya.

"wala ka talagang panama sa kuya mo! nakakawalang gana ka gastusan sa college kung landi ang aatupagin mo at hindi aral!"

Nakayuko ako at halos hindi gumagalaw sa gitna ng library. nanliliit ako! heto na naman siya at kino-compare ako kay kuya. na 'mas' siya sa lahat ng aspeto, alam ko naman iyon pero wag ang sakit sakit marinig.

"di'ba sinabi ko sa iyo unahin mo mag-aral! nakakahiya ka!"

"awat na hon! maawa ka naman sa bata di na tumigil sa kakaiyak" 

"wag mo ma-spoiled ang batang iyan! mana sa nanay! mahina ang utak!"

Halos mabingi ako sa lakas ng boses niya. Umuulit sa tenga ko ang bawat salita niya. Milyong karayom ata ang nasa dibdib ko sa sakit.

"ako nalang ang pupunta bukas" prisenta ni miss rose.

"mabuti pa nga at baka lalong uminit ang ulo ko kapag narinig ko mismo sa teacher niya ang mga kahihiyan ng babaeng iyan."

Nagwalk out si daddy. Kami nalang natira ng kabit niya sa library, hindi parin ako gumagalaw at tahimik na umiiyak.

"sigurado ka bang hindi mo boyfriend iyong naghatid sa iyo?"

Hindi ako makapagsalit dahil pinipigilan ko ang hikbi ko, tinignan ko siya na hinanghina.

"kawawa ka naman, hindi na nga nagpaalam sa iyo ang mommy mo tapos mangyayari pa ito. lalambingin ko ang daddy mo para gumaan ang loob niya sa iyo okay?"

tumayo siya sa harap ko at pinunasan ang mukha ko gamit ang tissue sa side table. hinawi niya ang buhok kong basa na dahil sa luha.

"pwede mo naman akong maging kakampe, mabait naman ako. promise mas mabait ako kesa sa mommy mo. tutulungan kita para makuha mo ang approval ng daddy mo"

Ngumiti siya na alam kong totoo pero hindi ko kayang tanggip ang mga sinabi niya.

"papasok ba po ako sa kwarto."

Halos matalisod ako paakyat ng hagdan dahil nanghihina kong tuhod. kumuha ako ng unan at doon isinigaw ang lahat. Nag-impake ako ng kumot at unan. pati jacket at lahat ng gamit ko sa school bago lumabas ng bintana para pumunta sa tree house.

Nangyari na ang kinakaakutan ko. Sa unang pagkakataon nawala ako sa awardies. binuklat ko ang mga notes ko, kahit hindi ako masyadong nag review dahil sa nangyayari sa bahay ay kampante parin akong nasagutan ang lahat dahil alam kong alam ko iyon.

Baka masaydo akong bangag ng araw na iyon kaya akala ko tama dahil noong nakita ko ang test paper ko, mali ang mga nabilugan kong sagot kahit pa alam ko ang sagot.

Nilamukos ko ang ilang pahina ng libro habang malakas na umiiyak. hinagis ko nalang iyon sa huli. ano pa bang silbi noon?

Lalo akong naiyak ng makita ang paulit-ulit kong sinulat sa likod ng notebook ko.

If my grades aren't high, I'm worthless. If I don't progress, I'm nothing, so I need to push like I'm dying.

How can I push when I'm already dying on those days? How can I progress if my brain is not working right at that time?

Kinalma ko ang sarili ko, paulit-ulit akong huminga ng malalim para hindi gumaralgas ang boses ko bago pinindot ang number ni miggy.

Sa unang beses ay hindi siya sumagot. Nagtaka ako dahil never pa niyang ginawa iyon. sinukan ko ulit, sa pang apat na ring ay may sumagot.

[hello]

Parang pagod ang boses niya, nakonsensya agad ako sa pagtawag ko.

"busy ka?" bulong ko.

[medyo may study group kami eh]

"ahh.. sorry sa istorbo"

[may problema ba?]

"wala naman, matagal na kasi tayong hindi nag-uusap kaya naisip kong tawagan ka"

narinig ko ang pagtawa niya [hindi naman ganoon katagal halos mag isang linggo palang]

Siguro sa sobrang busy niya hindi na malaking bagay sa kanya ang ilang araw.

"pasensya na sa istorbo"

[sige, next time nalang angel. tawag ako pag hindi busy]

Bigo ako ng matapos ang tawag. Sayang, siya pa naman ang nagpapagaan ng loob ko. Sayang hindi niya ako pwedeng samahan ngayon sa tree house.

Sinubukan ko ulit tawagan si mommy. mom I need you please

The subscriber cannot be reached....

I tried calling Kuya.

The subscriber cannot be reached....

 please kahit sino sagutin niyo ako I need to vent out. gusto ko lang may mapagkwentuhan. Lumalalim na ang gabi kasabay ng paglala ng lungkot ko. 

Pinatay ko nalang ang ilaw at humiga na ako, nag scroll nalang ako ng videos para maaliw. parang ayuko na mag-umaga. 

Natigilan ako sa pag-scroll ng madaanan ang isang post na naka-tag si miggy. Napabangon ako ng makita na 30 minutes ago iyon.

Kuha iyon sa isang bar, nasa u-shaped na upuan silang lahat may hawak na beer. eleven silang nasa picture Limang lalaki, anim na babae. Napatitig ako sa katabi ni miggy na babae, naka-lingkis ang kamay nito sa braso niya.

effortless na tumulo ang luha ko, ganito ba ang study group sa college? masakit malaman na nagsinungaling siya sa akin.

bakit? para saan? ano bang mawawala kung magsasabi ka ng totoo?

Pero mas lamang sa akin ang inggit. Buti pa siya may kaibigan maliban sa akin, buti pa si miggy nae-enjoy ang buhay niya, buti pa siya may ibang natatakbuhan.

Sana may ganito rin akong kaibigan, sana may iba rin akong nalalapitan, sana may mag mahal naman sa akin na parang kapamilya.

Ngayon lang pumasok sa isip ko, baka nakasanayan lang ako ni miggy, baka naawa siya kasi wala naman akong ibang kaibigan kundi siya, baka iyon ang dahilan kaya nagsinungaling siya sa akin.

Malabo na ang mata ko kakaiyak ng tumunog ang cell phone ko. si kuya ang natawag.

"k-kuya!" humagulhol agad ako pagsagot.

[why bunso? what happened? bakit ka umiiyak?] bakas ang pag-aalala sa boses niya.

"ayuko na dito please! alis na ako! please!"

[hey! hey! relax okay! tahan na... nasaan ka?]

"nasa tree house"

[uuwi ang kuya okay? tahan na... antayin mo tawag ko]

Bumaba ako agad ng tree house at naglakad papunta sa gate, nilingon ko ang bahay at tahimik na, himbing na sila natutulog lahat. sana all.

Nakadungay ako sa gate. Alam kong malayo ang maynila dito pero sabik na akong umalis kaya kahit malamig sa pwesto ko ay nanatili ako.

Halos 2 hours bago ko natanaw ang kotse ng kapatid ko. Lumabas ako agad ng gate at hindi pa siya nakakaparada ay kinatok ko na ang bintana habang mabagal na umaandar.

"relax.. relax... o ayan sakay na"

mabilis akong yumayak sa kanya.

"sorry bunso na lowbat si kuya hindi ko nasagot ang tawag mo"

bumitaw ako sa kanya at kinabit ang seat belt. "pasensya na sa istorbo"

"hindi ka istorbo" nagsimula na siyang mag maneho. "ano ba ang nangyari."

Tahimik lang siyang nakikinig sa kwento ko habang nagda-drive. Nakikita ko ang awa sa mata niya kada nililingon niya ako.

"hindi ka manlang nakakain ng hapunan."

dumaan kami sa drive thru ng mcdo para umorder. Sabi ko ayuko pero mapilit siya, di daw niya ako titigilan hanggat hindi ako kumakain.

"saan tayo pupunta?" tanong ko habang ngumunguya ng burger.

"wala akong kasama sa dorm doon ka nalang muna matulog"

Nginitian ko siya at mabilis na tumango.

"medyo pagpasensyahan mo lang nga ang  amoy, puro kami lalaki doon eh"

"ayos lang basta ayuko sa bahay"

"pasensya na ah, bukas na bukas ihahatid kita kay mommy"

Nahinto ang pagkagat ko sa fries "alam mo kung nasaan siya!?" hindi ko mapigilang sumigaw.

"gusto niya muna magsimula ng maayos bago ka niya kunin para daw kahit hindi ka suportahan ni daddy mapag-aaral ka niya. sorry bunso"

"ayos lang! basta ihahatid mo ako bukas ah!"

Kahit  gaano karami nangyari ngayon araw na hindi maganda, noong narinig ko na makikita ko ulit si mommy ay gumaan ang loob ko. Lumiwanag ang isip ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top