ENTRY#4

"wag nga kayong magulo natutulog pa ang kapatid ko!"

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata, hindi dahil sa ingay kundi dahil sa amoy ng burger na parang sinadyang itapat sa aircon. ang bango.

"lagot ka lance nagising!" rinig ko sabi ng isang babae.

Napabangon ako bigla. sa ibaba ako ng double deck ako natulog si kuya naman sa itaas. ito daw ang kama niya kaya dito nalang ako dahil baka magkasipon ako sa amoy ng unan ng kasama niya.

"hello! good mornig! " bati ng babae

"angela si lance tsaka girlfriend niya si lara" 

nasa study table na si kuya at may binabassang makapal na hard bound na libro.

"hello kapatid ni Clarence!" kinawayan ako ni lara

"maganda pala kapatid mo rence, may boyfriend ka na ba?"

sinirado ni kuya ang libro bago hinagis sa kaibigan niya, tumatawa itong umilag.

"tangina! gusto mo ba akong patayin pre! ang kapal nito alam mo naman ganitong hard bound murder weapon!"

Binalik niya sa kuya ko ang libro, kahit iyong girlfriend niya tinatawanan siya.

"bibig mo lance! mahiya ka naman sa kapatid ko"

Na-aaliw akong panuorin sila, hindi ko pa nakikita ang ganitong side ni kuya. kapag sa bahay ay pormal siya at seryoso.

"bakit?" nilingon ako ni kuya lance "malakas mag mura iyang kuya mo kaya niyang buong paragraph puro fuck! fuck! fuck!" 

"parang gago naman!" hinagis niya ulit ang libro kay lance at nakailag ulit. salamat naman baka mapilayan siya pag tinamaan siya ng makapal na libro na iyon.

Kinuha niya ang isang portable picnic desk at pinuwesto iyon sa gitna. "kain tayo bagets may dala kaming lomi!"

"kumain ka muna bunso tapos ihahatid kita kay mommy"

Tumango ako at umupo sa monobloc chair. Sabay-sabay kaming kumain ng lomi at fried rice. I check my phone while eating pero dead bat na pala ako. humiram nalang ako ng charger kay kuya at hinayaang mag charge nag phone ko ng nakapatay.

"rence, hatid mo kami sa tesda sa may c5 please" Kuya Lance said with a puppy eye. " doon nag aaral si lara, nag te-take siya ng vocational course may exam sila ngayon" sabi niya kahit hindi naman ako nagtanog.

"ayuko" simpleng sagot ni kuya.

"sige na pre! sa alabang nalang kayo dumaan pauwi ng south"

I checked my phone again. only 15% binaba ko ulit at hinayaan.

"bakit uuwi tayo ng south kuya?" takang tanong ko.

"sa cavite lang din kasi lumipat si mommy"

Kinabahan ako bigla, ibig sabihin malapit kay daddy?

"don't worry" he patted my head "kay mommy nakapangalan iyong bahay, hindi siya kasing laki ng bahay ni dad at walang katulong pero atleast walang anay" natawa ako, alam kong ang kabit ni daddy ang ibig niyang sabihin.

"tinawagan ka ba ni daddy?"

"Nope, I called him to inform him that you're with me."

Mapait nalang akong napangiti. He didn't bother. buti pa ang ibang tatay kapag babae ang anak nila hindi matahimik sa pag-aalala.

after eating and makapag shower nila kuya ay umalis na kami. nakatingin lang ako sa labas, bihira akong makalabas ng calabarzon kaya naaliw ako sa dinadaanan namin.

"salamat sa paghatid!"

Kinawayan ko sila ate lara at kuya lance. Nagtuloy-tuloy ang byahe namin. napatitig ako sa isang university na nadaan namin sa western bicutan. labasan ng mga estudjante nila at medyo traffic dahil sa mga nakahintong jeep.

"engineering school iyan." napansin ata ni kuya ang nakatitig ako sa university "kasali ang school na iyan sa top school na may mataas na passing rate sa engineering, gusto mo subukan?"

"h-ha?"

Ngumiti siya sa akin "sabi ko, gusto mo bang subukan mag entrance exam."

"ang layo.."

Naisip ko si miggy. umaasa siyang mag La salle dasma din ako, na susunod ako sa kanya. But then I remembered the pictures from last night. He's happy with his own life. Should I create mine? Can I really create something that is mine? without his presence?

"alam mo ba kung bakit pinili ko mag law at pumunta sa manila?"

Paunti-unti umaandar ang sasakyan pero tanaw ko padin ang university.

"para hindi ko kailangan umuwi araw-araw sa bahay. selfish reason but that's the truth. napapagod na akong marinig ang bangayan nila daddy."

Hindi maalis ang tingin ko sa gate ng school.

"saan ka pwede mag u-turn?"

"bakit?"

"inquire tayo"

Lumawak ang ngiti niya sa akin. Umandar pa kami ng kaunti bago siya may nilikuan at wala pang 15 minutes ay nakabalik na kami sa daan kung saan tanaw ko na ulit ang school.

"boss saan po tayo?" tanong sa amin ng guard.

"mag inquire po sana" sagot ni kuya

"paiwan nalang po ng id sir"

binigyan kami ng visitors pass bago itaas ang boom barrier. Napangiti agad ako pagbaba ng sasakyan. para akong bata na nae-excite. dumiretso kami sa registration office para mag inquire.

"on going na kasi ang admission test namin, sana maaga ka nag pa enlist"

"hindi po ba pwedeng humabol"

Kinalabit ako ni kuya "akala ko ba mag inquire lang tayo bakit hahabol ka sa exam?" bulong niya.

"pwede kitang ipasok kapag may nag back out sa mga student na naka enlist na"

Kumuha ako ng papel sa gilid at ball para isulat ang contact details ko. "please po" 

Ngumiti sa akin ang babae na sa tingin ko ay part time student dito sa office. Naka id lace kasi siya "sige aabisuhan kita"

Naggala kami ni kuya sa loob ng university. Hindi siya ganoon kalaki. Halos magkakadikit ang building pero ewan ko ba ang refreshing sa feeling. Nakakatuwang isipin na dito ako mag aral ng college.

That kind of feeling kapag nag shopping kami ni mommy na gusto ko ang isang item at hindi ako matahimik hanggat di ko iyon nakukuha. Ganoon ang pakiramdam ko ngayon habang naglalakad sa university na ito.

"ano bang kukunin mo sa college"

"hindi ko alam" honest kong sagot.

"eh bakit parang gustong-gusto mo ng mag-aral dito. Angela mahirap ang engineering"

"mahirap din naman ang law" balik ko.

Natawa siya at inakbayan ako. "kapatid nga talaga kita"

"talaga?"

"oo naman! hayaan mo iyong mga sinasabi ni daddy gurang na iyon!"

Naglalakad na kami pabalik sa parking lot. Nakakaramdam ako ng lungkot, ayuko pang umalis pero sabi ni kuya naghihintay na daw si mommy.

Kumain kami ng lunch sa jollibee sa may alabang dinamihan ko ang order dahil libre niya, bihira ito. I opened my phone ng nasa byahe na ulit kami sunod-sunod ang dating ng messages. coming from one person only. miggy.

miggy:

-are we okay? you're not answering my calls.

-nasaan ka?

-nandito ako sa bahay niyo.

-angel where are you?

-you're scaring me hindi ka daw pumasok. pumunta sa school ang secretary ng daddy mo to fixed your issue, Why didn't you tell me that there was a problem?

-answer me please.

-Angela hindi na ako natutuwa.

-lunch na hindi ka ba naawa sa akin na nagaalala sa iyo?

-kumain ka na ba?

and many more messages plus 78 missed called.

"hinahanap ka na ni miggy?" may pang-aasar sa boses niya.

"did he called you?"

I don't know how to explain without asking him bakit siya nagsinungaling.

"yeah?"

sinulyapan ko si kuya "bakit patanong?"

"he did called me pero pag sagot ko binaba na niya so hindi ko na pinansin. besides I know you called him first before me kung ako parin ang sumundo sa iyo then I assume hindi siya available."

sumandal ako sa upuan. His assumption is right and hindi ko alam paano kakausapin si miggy. we've been always honest with each other and now pareho kaming may gustong itago. I can't tell him na ayuko sa cavite mag-aral ng college that I'm hoping to enter a distant school.

"what if magka-gf na si miggy? no offence sis alam kong strong ang friendship niyo but it's just right that when miggy have a girlfriend didistansya ka na."

I never thought of that. I always see our bond as ours and never shared. but now I think ayos lang, desisyon niya naman iyon. it's just that I have the same feeling as last night. the pang of pain from jelousy is evident.

"ayaw mo rin naman siguro kapag nagka boyfriend ka tapos may close siyang babae kahit sabihin sa iyo na girl best friend syempre iba iisipin mo"

"I understand"

Naputol ang usapan namin dahil sa tawag ni miggy. Natulala pa ako ng una at hindi ko nasagot pero agad na tumawag siya ulit. kahit kinakabahan ay sinagot ko ang tawag. It's too late now to off my phone para umiwas. Napa-ring na niya eh.

"hello" kabado kong sagot.

[the fuck sumagot ka din!] napangiwi ako sa diin ng mura niya.

"hi" sagot ko mas kabado pa kanina. he's mad.

[did you know how many text and called I did to reach you! hindi ko alam saan ka hahanapin you don't have any close friends beside me --]

"i know!" putol ko sa kanya, iba ang dating ng sinabi niya "kasama ko si kuya sa dorm niya ako natulog"

[what? di'ba puro lalaki ang kasama ng kuya mo sa dorm?] kahit hindi ko nakikita ang mukha niya alam kong masama ang tingin niya ngayon.

"y-yeah.. pero wala naman sila"

[you mean to tell me natulog ka sa kama ng ibang lalaki?]

"no! sa kama ako ni kuya natulog" 

lumapit si kuya ng konti sa akin at sumigaw "oy miggy wag asal jowa ha!" 

sinaway ko si kuya. wag ka na dumagdag.

[mag-usap nalang tayo pag uwi mo]

"a-ano... hindi ako uuwi kay daddy"

[okay then, send me your location pupuntahan kita]

"pwede bang..." naglakas loob ako, wala namans iyang magagawa kung ayaw ko. "wag muna, mag-uusap muna kami ni mommy"

Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Kahit si kuya na akward sa hindi ko pagsasalita.

[okay] he finally said.

Ng hindi na siya ulit nagsalita ay tinapos ko na ang tawag.

"wow sis! tumatapang ka na"

agad na naka received ako ng message galing kay miggy.

miggy:

are we cool?

ako:

yeah, just need some space

miggy:

1st the first time you asked from me to stay away.

ako:

well it's a month of first for both of us.

May konti sa akin na sana magets niya ang ibig kong sabihin. na may hinanakit ako sa pagsisinungaling niya.

Huminto kami sa tapat ng isang town house. Maayos ang neighborhood kahit dikit-dikit ang bahay. Puro up and down ang bahay sa subdivision na ito pero magkakadikit.

Si kuya ang nag bukas ng gate pati ang screen door ng bahay.

"angela!" niyakap ako agad ni mommy. "I'm sorry baby iniwan kita"

Niyakap ko siya pabalik ng mas mahigpit. umiiyak siya sa balikat ko. my mommy is here.

"Hindi dapat kita iniwan doon pero pinagtabuyan ako ng daddy mo" panimula niya sa kwento. "pinaalis na niya ang mga gamit ko sa bahay at binantaan na dapat pag-uwi niya wala na ako kundi hindi ko magugustuhan nag mangyayari."

Nakaupo na kami sa sofa ngayon, nasa pagitan namin ni kuya si mommy at walang tigil niyang hinahaplos ang kamay namin.

"matagal ng may kabit ang daddy niyo, mga bata palang kayo iba't iba na ang babae niya. mabuti nalang may napundar akong bahay baka ako nagpaloko sa isang iyon."

"mom, I'm sorry pero alam mong hindi natin kakayanin ang law school"

"I know anak, kaya wag ka muna umalis sa poder ng demonyo mong ama pero itong si angela hindi pwede hindi mapunta sa akin. babae ito baka kung mapaano."

bumaling sa aking si mommy at malaming akong tinignan.

"malapit naman na ang graduation mo hija hindi na?"

tumango ako "opo"

"kunin na natin ang mga gamit mo at hindi ko hahayaan na tumira ka sa bahay na iyon kasama ang kabit niyang si gladys"

Naguluhan ako, inisip kong mabuti anong pangalan ng secretary ni daddy.

"sino po si gladys?" 

nagtataka ko silang tinignan at ganoon din si nanay sa akin, si kuya naman confused at walang alam.

"ang kirida ng daddy mo, sabi ni iuuwi na niya ang kabit niya kaya pinalayas niya ako. nasa bahay na ba?"

tinagilid ko ang ulo ko at nag-isip ng mabuti.

"sure po kayong gladys ang name?"

"oo naman! nahuli ko pa nga sila sa isang cheap na motel! mga walang class! walang hiya ang babaeng iyon para sa pera handang sumira ng pamilya! Kung hindi lang talaga ako pinigilan ng guard nakalbo ko ang babaeng iyon" dama ko ang galit sa bawat salitang binitiwan ni nanay.

Naguguluhan parin si kuya "bakit bunso?"

"iyong secretary ni daddy ang lumipat sa bahay, si miss rose."

Naguguluhan akong tinignan ni nanay "sure akong si gladys ang kabit niya from accounting department ng company."

Bumalahaw ng tawa si kuya "baka hindi lang isa ang kabit ni daddy"

"paano si miss rose?" kahit naiinis ako sa kanya alam kong mabait naman siya kahit papaano.

"hayaan mo siyang mawindang kapag nalaman niya ang sitwasyon niya." mataray na sagot ni nanay.

Para kaming baliw tatlo na nagtatawanan sa napagtanto. Good luck nalang kay miss rose. at walang duda, my father is an asshole!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top