ENTRY#2

Nakatulala ako sa kisame ng kwarto ko.

'may babae si daddy?'

"bunso?" 

bumangon ako para pagbuksan ng pinto si kuya.

"po?"

"baba na dinner na"

Tumango ako at sumabay na ako sa kanya pababa.

"ayaw kumain ni mommy pero pinahatiran ko nalang siya ng pagkain sa kwarto. si daddy may aasikasuhin daw kaya hindi makakauwi."

Magkatabi ulit kaming umupo sa hapag kainan. 

"kamusta exams mo?"

"okay naman kuya"

Pinagsandok niya ako ng kanina at ulam. 

"Hinatid ka daw ni miggy?"

"opo" simple kong sagot.

"buti pa si miggy na de-date ang bunso ko. si kuya kaya kailan"

"hala! hindi kaya kami nagde-date!"

uminom ako ng tubig dahil uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

"kahit sabihing mag best friend kayo lumalabas parin kayo ng kayo lang kaya date iyon! pag vacant niya nandito siya o basta kung nasaan ka, e ako? kailan mo ako ide-date"

"eh wala ka naman vacant di'ba? busy ka sa law school"

Bumait ang ngiti nito. "oo nga eh" sabay kamot sa ulo

"naka pag decide ka na ba saan mo gusto mag college? sundan mo ba si miggy sa architecture?"

Masyadong mababaw ang usapan namin, hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni mommy.

"ano kayang pinag-awayan nila mommy" panimula ko.

"hayaan mo sila, lagi naman silang nag-aaway. kaya ayuko umuwi dito minsan kasi naririndi ako eh"

Nagsimula na siyang kumain at binaliwala ang sinabi ko.

"may alam ka ba?"

bumuntong hininga ito. " bunso, mag promised ka kay kuya pwede"

"na ano?"

Bumaling ang buong katawan niya sa akin at seryoso akong tinignan.

"na mag stay ka dito sa bahay hanggang kaya na kitang suportahan"

"ha?"

"mag aral ka pa ng college at may two years pa ako sa law school. hanggat di ka pa kayang suportahan ni kuya tiisin mo nalang muna si daddy, please?"

"maghihiwalay ba sila?"

"hindi natin sigurado pero mas madalas silang mag-away ngayon kesa noon"

Umayos ito ng upo at pinagpatuloy ang pagkain.

"paano si mommy?"

"hindi ko pa nakaka-usap si mommy pero kailangan natin mag handa sa pwedeng mangyari." 

Natahimik ako. tinitigan ko si kuya. Malungkot ang mga mata niya pero matapang ang boses. Malungkot pero matapang. 

Hindi na ulit kami nagkaroon ng topic matapos noon. hindi ako halos kumain, wala akong gana. Parang naka-limang subo lang ako tapos ay binaba ko na ang kutsara.

"mag-aral na ako ulit kuya. ingat ka bukas sa byahe" bilin ko dahil alam kong madaling araw siya aalis ng cavite para bumalik sa dorm.

simula ng mag-asawa ay hindi na nagtrabaho si mommy pero sa pagkaka-alam ko ay magaling siyang mag bake pinatigil lang siya ni daddy dahil masyado itong seloso sa mga nagiging customer ni mommy dati.

"mommy?" 

kumatok ako sa pintuan niya pero walang sumagot. kakatok sana ako ulit ng may marinig akong mahinang hikbi, dinikit ko ang tenga sa pinto at nasiguro kong umiiyak na naman si mommy.

palagi nalang siyang pinapaiyak ni daddy. simula pagkabata lumaki ako sa away bati nilang relasyon. kaya ko nga nakilala si tita michaella, ang mommy ni miggy.

sa sobrang rindi ko sa magulang ko lumabas ako ng walang sinasabihan na kahit sino, nakita ako ni tita michaella sa tabi ng kalsada kaya inuwi niya ako habang hinahanap saan ako nakatira. 

Nakatulala ako sa laptop, kanina pa naka open ang chat box namin ni miggy pero hindi ko alam kung dapat ba akong mag rant. puro ako type tapos buburahin naman.

miggy:

i-send mo na iyan.

baka maka-istorbo ako. for sure madami din siyang ginagawa.

ako:

iniisip ko lang kung pupunta ba ako sa grad ball.

miggy:

akala ko ba ayaw mo? nag oo ka ba doon sa nag-aya sa iyo?

ako:

di ko nga kilala iyon.

miggy:

ka-batch mo iyon.

ako:

ayos ah! buti ka pa kilala mo.

miggy:

sabado bili tayo damit. ako na bibili ng ticket.

2 years ng graduate si miggy sa pinapasukan ko pero marami parin siyang kakilala kaya hahayaan ko nalang siyang umasikaso noon.

The next day nagulat ako ng sinundo ako ni daddy. akala ko pa noong una ay namamalikmata ako ng makita ang kotse niya sa parking lot ng school.

"saan po tayo pupunta?" tanong ko kahit pansin kong papunta kaming mall.

"mag dinner tayo sa labas" masigla siya sa akin ngayon "kamusta ang studies mo? umaasa akong aakyat ng stage ah"

Kinakabahan akong ngumiti. hindi ako sure kung masasali ba ako sa may award pero sana. Dapat.

"I'm proud na simula pagkabata may honor ka"

Napangiti ako, bihira niya ako mapuri. Palagi si kuya ang napupuri niya dahil natural itong matalino at ngayon nasa law school pa. Madalas nga niya kaming na co-compare kaya malaking bagay sa akin ang sinabi niyang proud siya.

Sa japanese restaurant kami kumain. Ang dami niyang inorder hindi ko alam kung kaya ko bang maubos lahat.

"sakto after ng graduation mo magde-debut ka na" nilagyan niya ng tonkatsu ang kanin ko. "anung gusto mong maging theme ng party mo"

"Kahit po simpleng salo-salo lang, okay na po ako"

"that's your 18th birthday! dapat lang mag party ka, invite your friends"

I don't have that much friends. Paano ako magkaka 18 dance kung si kuya at miggy lang ang pwede ko ayain? Hindi naman nakakadalaw ang mga tito ko sa side ni mommy. anong gagawin namin paulit-ulit ang escort?

"double celebration natin na graduate ka na at mag college"

Masayang-masaya ako habang pinaplano namin ni daddy ang birthday ko. He even call a designers for my gown para daw talagang bongga.

Nagke-kwentuhan kami hanggang makauwi. Nawala ang ngiti ko pagpasok sa bahay dahil sa malalaking bagahi na nasa sala.

"sino pong dumating?" tanong ko sa isang katulong.

Umiling ito sa akin matapos sumulyap sa daddy ko at lumakad papunta sa kusina.

"hello!" 

galing sa hagdan ay bumaba ang isang babae na sa tingin ko nasa late twenties palang. Nakasuot ito ng off shoulder red dress that is above the knee paired with black stiletto.

humalik siya sa pisngi ko ng makalapit "ang laki mo na angela" malambing niyang bati.

Naguguluhan kong tinignan si daddy, bakit nandito ang sekretarya niya?

kahit nakangiti ay alam kong kinakabahan siya. "dito muna tutuloy si tita rose mo kasi crowded sa kanila."

tita? Hindi ako tanga.

Tumakbo ako sa guest room na tinutulugan ni mommy pero wala na siya doon.

"angela anong ginawa mo?" tanong ni daddy pero hindi ako huminto sa pagtakbo.

dumiretso ako sa masters bedroom papunta sa walk in closet ng parents ko. hingal akong nakatayo doon ng makumpirma ang hinala ko. wala na ang mga damit ni mommy o kahit isang gamit.

Tumakbo ulit ako palabas at muntik na makabangga ang secretary ni daddy na nasa pintuan pala ng kwarto. 

Tinignan ko siya ng masama. Naiinis ako! naiiyak ako sa inis! gusto ko siyang sabunutan! gusto ko siya kaladkarin palabas pero nawala lahat ng tapang ko ng daluhan kami ni daddy.

"uuwi ang kuya mo sa sabado at pag-uusapan natin ang set up natin."

Hindi ako nakinig at nilampasan ko sila. hinanap ko agad si manang rita.

"manang!" 

Natagpuan ko siya na dinidiligan ang tanim ni lola.

"si mommy?"

Agad na lumungkot ang mukha niya, lumapit siya sa akin at pinunsan ang luha na hindi ko namalayang tumutulo na pala.

"alam niyo po ba saan siya nagpunta?" 

niyakap niya ako at doon ako napahagulhol. 

pumasok ulit ako sa loob at agad na naramdam na ayaw ko dito. Ayaw ko dito.

'mag promise ka kay kuya na mag stay ka dito sa bahay hanggang kaya na kitang suportahan'

Kahit gusto kong ibagsak ang pinto ng kwarto ay hindi ko magawa. natatakot akong marinig ni daddy at pagalitan niya ako.

umiyak ako magdamag habang yakap ang unan ko. nag chat si miggy kanina kung ano ang nangyari sa araw ko pero hindi ako nagreply.

kaya niya pala ako pinakain ng hapunan sa labas. Para hindi ko maabutan umalis si mommy. Pinaalis nila ang mommy ko.

Last day ng exam ay parang wala ako sa sarili, hindi rin ako naka review ng ayos dahil sa pag-iyak. walang napasok sa utak ko.

Gusto kong umakto na okay lang ako ng magkita kami ni miggy para bumili ng damit. pero nagtagpo palang ang mata namin naluha na ako agad.

Hindi ko na naisip na nasa food court kami ng mall. Yumakap ako sa kanya at tinago ang mukha sa dibdib para doon umiyak.

"hey angel! what happened?" hinahagod nito ang likod ko. "hindi ka nagrereplay sa akin tapos ganito mo ako sasalubungin?"

"miggy! iniwan ako ni mommy" 

kinuwento ko sa kanya ang nangyari sa nakaraang araw. Kita ko ang galit sa mga mata niya. Alam niya palaging pag-aaway ng parents ko pero ito ang pinakamalala! 

iniisip ba nilang kaya kong gawin nanay ang babaeng halos doble ang edad ng tatay ko.

"Alam mo ba nasaan si tita Andrea?"

umiling ako bago sumubo ng ice cream na binili niya. para akong bata na binigyan ng ice cream para manahimik kakaiyak. but still effective naman sa akin.

"ayaw ko sa bahay. kung noon nakakailang ang bawat kilos ngayon parang hindi ako makahinga. ayuko makita iyong babae ni daddy pero di ko naman maaway baka lagot ako" garalgal parin ang boses ko at mugto ang mata.

"gusto mo sa amin ka nalang tumira?"

binatukan ko siya.

Nasa ibang bansa na ang parents ni miggy at tangin siya at ang personal na yaya nalang niya ang nandito sa pilipinas. Hindi ko din alam bakit ayaw niya sumama but I guess he wants some independency.

"anong iisipin  ng mommy mo nag li-live in tayo baliw!"

"anong masama!? sabihin natin nangyayari sa bahay niyo syempre. halos buong buhay natin magkasama tayo nakita mo na nga lahat-lahat sa akin nahiya ka pa"

Isang malakas na singhap ang narinig ko sa likod dahil sa sinabi ni miggy. Sa kamalas-malasan ay tropa ni nelly ang nasa likod ng upuan namin dito sa food court.

Nanghuhusga ang mga mata nila. agad akong napayuko. 

"hi nelly kain lang kayo diyan" sabi ni miggy

siniko ko siya at tinignan ng masama.

"uuwi na ako"

tumayo na ako agad at lumakad papunta sa exit. Hinabol ako ni miggy at inawat.

"bibili pa tayo ng susuotin mo"

"ayuko na miggy. wala akong gana pumunta sa grad ball"

"sayang naman, kahit for experience? di kita iiwan buong gabi"

Pinilit kong ngumiti pero binaba niya ang labi ko. "wag mong pilitin lalo akong malulungkot kapag plinastik mo ang ngiti mo para sabihin okay ka lang kahit hindi naman. ako ito angel, di mo kailangan magpanggap sa akin."

Pakiramdam ko ay iiyak akong muli. Nanghihina na ako sa pag-iisip kay mommy. Tinawagan ko si kuya at pinaalala niya lang sa akin ang pinagpilitan niyang promise.

'hanggang sa kaya na ni kuya okay bunso? sa ngayon kailangan natin maging financially stable'

Tumawag ako sa kanya para magpasundo pero iyon ang sinabi niya sa'kin. Pakiramdam ko may galit sa akin ang universe, kung hindi siguro dahil kay miggy ay tatakbo ako paalis ng walang pagdadalawang isip.

"uwi na tayo miggy, marami ka pa din gagawin di'ba? may plates ka pa"

Hawak niya ang kamay ko pauwi. Kahit pa nagdi-drive ay hindi hawak padin niya. Minsan bibitawan pero agad din hahanapin at hahawakan.

"hello" bati ng secretary ni daddy. Hindi ko inaasahan na nasa pintuan siya at sasalubungin kami. "boyfriend angela?" magiliw nitong sabi.

Nakita kong hinagod niya ng tingin si miggy na tumigil sa bandang tiyan nito. sinundan ko ng tingin ang tinititigan niya.

Bakit ba kasi ang hilig ni miggy sa fitted na v-neck shirt? kita tuloy ang paglaki ng katawan niya.

"uwi ka na miggy" taboy ko.

Nagaalangan siya humakbang palapit sa akin, alam ko ang gagawin niya. The usual kiss in the checks good bye pero hindi niya matuloy dahil may nakatitig sa amin kaya ako nalang ang humalik sa pisngi niya na kinagulat niya.

pero ayaw ko ng magtagal pa siya dito habang may ahas na nakatingin kaya matapos ang halik kahit nakatulala pa siya sa akin ay tinulak ko na siya pasakay ng sasakyan niya.

alis miggy! alis! may ahas dito!

"galing kang date?"

"magandang gabi po" sagot ko at lumakad na paalis sana.

"hindi daw uuwi ang daddy mo kasi may aasikasuhin siyang client"

"hindi ka ba natatakot na baka babae ang kasama niya at wala pang isang buwan ay paalisin ka na niya dito?"

Umangat ang sobrang pula niyang labi para sa isang ngiti. "binilin niya sa akin na pakainin daw kita pero mukhang nakakain ka na" sabay tingin sa kalsadang dinaanan ni miggy.

"may katulong naman miss, sila ang nagpapakain sa akin"

"miss? call me tita, tapos pag close na tayo.. pwedeng.. mama?"

Gumapang ang kilabot sa sistema ko sa salitang mama.

"aakyat na po ako" 

Nanginginig dahil sa inis kong sinirado ang pinto ng kwarto ko. sinubukan kong tawagan ang number ni mommy pero walang sumasagot, puro ring. Pero kahit ganoon may pag-asa parin sa akin dahil nag ring ang telepono niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top