ENTRY#21
Sumusulyap ako kay miggy pero mukhang wala siyang gustong gawin kay mira. Pinilip kong ngumiti pero sa totoo lang nanliliit ako. Pakiramdam ko ang tanga-tanga ko sa ginagawa ko.
Hindi ko mahawakan ng ayos ang mechanical pencil dahil nasa tabi ko si almira at nakatingin sa ginagawa ko.
Hindi kami close para ganituhin niya ako. Ayos naman ang ginagawa ko eh.
"Kailan pasahan ng plates niyo? Parang hindi ako kontento"
Hawak niya ang A3 ko at tinitignan maiigi ang orthographic drawing. Perfectionist siya. Ilang beses ako umulit dahil sabi niya hindi maganda at may may sa angle o sukat.
Kinuha ko ang A3 at nilagay sa canister.
"salamat sa tulong" sabi ko nalang.
Bumalik na siya sa kabilang gilid ni miggy at sila na ang nag-uusap. Hindi ako maka relate sa usapan nila kaya nag doodle nalang ako sa likod ng notebook ko.
Hindi na ako mapakali. Para biglang wala na ako sa paligid kung makapag kwentuhan sila.
Tumayo ako at sabay silang napatingin sa akin.
"uwi ka na?" tanong ni mira.
Gusto mo ba?
"cr lang"
Dinala ko ang phone ko sa loob. Hindi naman talaga ako naiihi. Sa sala ako umupo at nag cellphone. Hindi ako makahinga doon. Hindi ako komportable. Ako nalang ang mag a-adjust kahit ako naman ang nauna dito.
Lumipas ang isang oras at nasiguro ko na wala talagang napapansin si miggy. Hindi nga niya namalayan na hindi na ako bumalik kaya tumayo na ako at ready magpaala umuwi.
Ngumiti sa akin si miggy habang naglalakad ako palapit. Kinuha ko agad ang gamit ko at mukhang nagulat siya.
"uwi na ako miggy"
"bakit? Maaga pa, maya ka na umuwi angel. Ihahatid naman kita eh"
I can't take to be here for another hour. Naninikip ang dibdib ko.
"may kailangan pa kasi ako gawin. Hindi ko dala lahat ng study materials ko" pagdadahilan ko.
"dito ka na kumain angel" sabi ni mira.
Lalo ako nainis nang tawagin niya akong angel.
"if you really must go. Ihatid na kita"
"wag na may bisita ka" Hindi ko alam bakit ko sinabi iyon. Labag naman sa loob ko na magkasama sila.
Lumakad na ako paalis. Naramdaman ko ang pagsunod niya. Tinulungan niya akong ayusin ang pagkakasabit ng bag ko.
"Akala ko ba mag movie pa tayo mamaya?"
Mabilis niyang kinuha ang susi ng sasakyan dahil hindi ako huminto sa paglalakad. Ayuko sana sumakay pero hinila niya ako. Nakakunot ang noo niya habang wala akong kibo na inaayos ang seatbelt ko.
"may problema ba?"
"Hindi mo naman ako kailangan ihatid eh. Nakakahiya naman sa bisita mo"
Nasa gilid ang tingin ko para malaman niyang hindi ako interesado makipag-usap. Nakahalukipkip ako para malaman niyang naiinis ako.
"Ayaw mo bang nandito si mira?"
Nagbuga ako ng hangin. Dapat ko bang aminin?
minamanipula niya ang sasakyan palabas ng gate nang tumunog ang telepono ko.
"hello"
[angela! I'm so sorry calling you on weekend]
"okay lang Daniel. Saan mo nakuha ang number ko? May problema ba?"
Tinignan ko si miggy dahil hindi na kami gumagalaw. Nasa gilid lang kami ng bahay niya nakaparada. His index finger is tapping on the steering wheel.
[may biglaang practice kasi sana kami ngayon kaya lang wala pa si carmela magkasama ba kayo?]
"hindi e, pero sige aalamin ko nasaan"
[okay! Thanks! Bye!]
Agad akong nag text kay carmela kung nasaan siya.
Carmela:
Nasa house, why?
To Carmela:
May practice raw kayo ah?
Carmela:
Huh? Weh? Wala naman sinabi sa gc ah?
To Carmela:
Sabi ni Daniel, tumawag.
Carmela:
Tumawag? Bakit sa'yo? May number naman ako sa kanya ah. Tsaka kung may training tinatadtad na ako ng message ni Poseidon.
-
Oo nga ano?
"hindi ka pa ba tapos?"
Automatic kong nababa ang phone. Nagulat ako sa lamig at kaseryosohan ng boses ni miggy.
"bakit hindi pa tayo naalis?" iyon nalang ang sinagot ko.
"sino kausap mo?"
"si Daniel"
"binigay mo number mo? lalaki?"
"binigay mo number mo kay mira, babae iyon."
Natigilan siya. Maging ako. Nagtitigan kaming dalawa.
"ayaw mo bang nasa bahay si mira?"
Oo! Di ka nga natutuwa kahit may kausap lang ako. Tapos ikaw may babae sa inyo, ipagtataka mo pa at itatanong sa akin kung ayaw ko?
"bahay mo naman iyan eh"
"sinabi ko naman sa'yo na wag kang tanggap ng tanggap kung kani-kanino. At wag mo ipamigay ang number mo"
"pagkain ang sinabi mo! hindi naman pagkain si Daniel eh. Unless gusto mong kainin ko siya."
Namula siya... probably naiinis na.
"You don't know what you're saying."
"I do!"
"Bakit mo siya kakainin! hindi siya pagkain!"
"Exactly mukha bang hotdog iyong tao? Pagnakita mo iyon gwapo iyon!"
"gwapo mukhang masarap?"
"ano!? Nasobrahan ka ba sa kape? Ayos ka lang ba?"
Hindi ko alam kung saan ang tungo ng usapan namin. Ang gulo niya kausap!
"nakakainis ka kausap" aniya pero pabulong.
Umandar na ulit ang sasakyan. Hindi na kami nagpansinin.
Hindi ko magawang aminin sa kanya na naiinis ako kung nandoon si mira. Dati naman may laya ako sa pagiging vocal.
Ayuko ma- disappoint siya sa akin. Ayuko tumulad sa ibang babae na nagiging issue ang kaibigan pero naiinis talaga ako. Ayuko tumulad sa ibang babae na sobrang higpit sa relasyon. Ayuko isipin niya na wala na siyang laya dahil lang nagka-girlfriend siya.
Bakit ako, naisip kong lumayo noong akala ko silang dalawa ni mira bilang pagrespeto. Bakit si mira hindi ganoon?
Mababaw ba ako?
"I know you enough to know you don't like mira"
Dahil 5pm na ay medyo mabagal ang usad namin. Maya-maya niya sinusulyapan.
"Then why?"
"I don't know, maybe I just like the idea that finally you care, you're jealous, and finally I could see some reaction from you."
Hindi ko parin inaalis ang tingin sa labas. Kung kanina naiinis ako sa kanya ngayon ay mas naiinis ako sa sarili ko. Pakiramdam ko ang babaw na rason, hindi naman kailangan pag-awayan.
"I'm sorry" aniya.
Inipit ko ang buhok sa kaliwang tenga. Pasimple ko siyang sinulyapan. Ang baba ng boses ni miggy at malungkot ang mga mata. Parang may kumurot sa puso ko, naawa ako sa itsura niya.
"hindi masaya I realized that. I... I don't like you talking to another guy, please.Naiinis ako."
Binaling ko na ang buo kong katawan sa gawi niya. Ngumiti siya agad kaya napangiti din ako.
"ang bilis talaga ng karma" bulong niya.
"I'm sorry too"
Marahan niya akong hinila para humilig sa balikat niya.
"It's okay, babe. We're both teenagers. We'll mature. We just have to be honest at all times."
Humalik ako sa pisngi niya. "okay."
Nagkwentuhan na kami for the rest of the ride. Maya't maya ang ilaw ng phone ni miggy pero hindi ko makita ang screen kaya hindi ko malaman kung text ba o notification lang.
Kapag sinasabi ko na tignan niya, wag ko na daw pansinin.
Nauna siyang bumaba para pagbuksan ako ng pinto.
"Hindi kita mahahatid sa dorm. medyo magiging busy ako pasensya na babe"
"Ayos lang. Medyo nasasanay naman na ako sa commute."
"Update mo ako, okay?"
Dinampian niya ako ng mabilis na halik sa labi bago umalis. Nakangiti akong pumasok sa bahay.
Plano kong pumunta ng kusina para uminom ng tubig. Nasa sala palang ako ay naririnig ko nang tumatawa si daddy mula sa office niya.
Wala naman sana akong balak maki-chismis pero narinig ako ang pangalan rose. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at dinikit sa pinto ang tenga.
"Rose, you know my situation."
"My firstborn likes you! Ka-dinner lang natin noong nakaraan 'di ba?"
"Angela will eventually like you. She's just attached to her mother now, but hey, she's stating to be independent, and she will eventually understand."
"Next week sa Thailand naman tayo, don't worry hindi maghihinala si andrea."
Parang sumama ang sikmura ko sa mga narinig. Gusto kong isuka lahat ng kinain ko. Agad akong pumunta sa kusina para uminom ng tubig.
Hindi ko kailangan pang tanungin bakit ganoon magsalita si daddy. Hindi sila talaga naghiwalay! Tulala ako matapos kong uminom ng dalawang basong tubig.
'My firstborn likes you!'
Naluha ako. Alam ni kuya? Hinahayaan niya?
"bunso?"
Nanlamig ang balikat ko ng marinig ang boses ni mommy sa tabi ko. Mukha siyang bagong gising at nakasuot ng silk rob niya.
"mommy! Kanina ka pa po ba diyan?"
"I just woke up. Galing kami ng daddy mo sa manila kanina. kumain ka na ba?"
Tumango ako.
"bakit ganyan ka makatingin? Parang hindi mo na ako kilala?"
Lumamlam ang mata niya. Kinuha niya ang baso ko at iyon ang ginamit para uminom ng tubig.
"pasensya ka na medyo hindi kita nakakamusta nitong mga nakaraan ah, ewan ko ba sa daddy mo puro out of town or out of the country. Hindi na nga kami nag pirmi dito sa bahay. Hindi naman niya ako kailangan isama dahil puro trabaho naman ang aatupagin noon. Kaya mag isa lang din ako gumagala."
Hindi parin ako makahanap ng sasabihin.
"sabi ng daddy mo para daw maaliw ako dahil wala ka na dito sa bahay, para may gawin naman ako. kaya he insists! Sasama ako! Ang sweet ano? next time sumama ka sa amin bunso!"
He isn't working. He's with his mistress. Sinasama ka niya para hindi ka maghinala.
"angela? Bakit para kang iiyak?"
Niyakap ko nalang siya.
How would you tell your mom that her husband is cheating again without hurting her?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top